Quantcast
Channel: Pinoy Weekly » Lathalain
Viewing all 181 articles
Browse latest View live

‘Nasaan sila, at nasaan ang hustisya?’

$
0
0

Patuloy ang kanilang paghahanap sa mga nawawala at dinukot na mga kaanak. Patuloy pa rin ang paglaban para sa hustisya.

Nagmartsa ang mga kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagdukot at pagkawala bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos, Agosto 30. Kanila pa ring idinadaing ang kawalang hustisya para sa mga kaanak na dinukot at patuloy na nawawala, mula pa noong panahon ng batas militar sa ilalim ng diktadurang Marcos hanggang sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Benigno Aquino III.

Protesta sa Araw ng Desaparecidos ngayong taon. (Macky Macaspac)

Protesta sa Araw ng Desaparecidos ngayong taon. (Macky Macaspac)

Hindi umano natigil ang mga pagdukot sa itinuturing na mga kaaway ng estado kahit natapos na ang batas militar. Ayon sa grupong Desaparecidos, umabot sa 11 na ang biktima ng sapilitang pagkawala sa dalawang taon ng administarsyong Aquino.

“Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang praktika ng sapilitang pagdukot,” ani Aya Santos, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Desaparecidos.

Patuloy ang paghahanap

Hindi matatawaran ang hinanakit at hinagpis ng mga kaanak ng mga nawawala, magkakahalong emosyon ang nababakas sa kanilang mukha laluna’t bumibilang hindi lamang araw kundi taon ang binibilang nila mahanap lamang ang kanilang mga kaanak.

“Hindi namin alam kung saan namin sila hahanapin, hindi namin alam kung saan kami magtitirik ng kandila kung sila man ay patay na,” ani Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan.

Hindi rin nila naiwasan na ikumpara ang puspusang paghahanap na ipinakita ng gobyerno sa mga labi ni Sek. Jessie Robredo at dalawang pilotong kasama sa pagbagsak ng eroplano kamakailan lamang.

“Nakikiramay kami at natutuwa para kay Atty. Leni Robredo dahil ginawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para ma-rescue at makuha si Secretary Robredo. Pero nalulungkot kami dahil hindi kami pinapansin ng gobyerno sa paghahanap sa aming mga mahal sa buhay,” pahayag ni Erlinda Cadapan sa panayam ng Pinoy Weekly.

Dagdag ni Cadapan, taon na ang binibilang ng mga kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala ngunit hindi pa rin nila makamit ang hustisya.

Katulad ni Ghay Portajada, pangkalahatang kalihim ng Desaparecidos, na 12-anyos pa lamang siya nang dukutin ng pinaghihinalaang mga militar ang kanyang amang si Armando na presidente ng unyon ng Coca-cola noong 1987.

“Napakahirap mawalan ng tatay. Patuloy pa rin ang paghahanap namin sa kanya at nandito ako naninindigan at nanawagan na itigil na ang ganitong gawain ng gobyerno,” aniya.

Giit ng grupo, tumitindi ang paglabag sa karapatang pantao mula noong panahon ng batas militar at pinakamasahol na porma ang sapilitang pagkawala. Gayundin na pinapalala ng mga kontra-insurhensiyang programa ng bawat administrasyong nagdaan ang pagdami ng bilang ng mga biktima.

Oplan Bayanihan: Modelong Palparan

Sabi pa ng grupo, bahagi umano ng kontra-insurhensiyang Oplan Bayanihan ang pagdukot at sapilitang pagkawala hindi lamang sa mga aktibista at kritiko ng gobyerno. Dagdag pa umano rito ang pagdami ng mga grupong paramilitar na nagpapatindi sa militarisasyon sa kanayunan na bumibiktima sa mga magsasaka.

“Ang pagkakaroon ng mga grupong para-militar na nagsimula noong panahon ng batas militar at dumami noong panahon ni Cory Aquino ay muling naghahasik ng takot sa mga liblib na lugar sa mga probinsiya, sila ang gumagawa ng ‘dirty works‘ para sa Armed Forces of the Philippines,” ani Santos.

Inihalimbawa ng grupo ang kaso ni Jully Devero, isang magsasakang dinukot ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) noong July 19, 2011. Maliban kay Devero, tatlong magsasaka pa sa Negros ang patuloy na nawawala at pinaghihinalaang dinukot din ng militar   at RPA-ABB.

Paliwanag ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, bahagi ang RPA-ABB at iba pang grupong paramilitar sa Social Integration Program sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng gobyerno at sa Executive Order 546 ni dating pangulong Arroyo na naglelegalisa sa operasyon ng mga ito at hindi pinawalang-bisa ni Aquino.

“Kinukupkop ni Aquino ang mga grupong ito para gamitin sa mga malalang paglabag tulad ng sapilitang pagkawala. Indikasyon din ito na umiiral pa rin ang batas militar bagamat walang pormal na deklarasyon,” paliwanag ni Palabay.

Bukod sa panawagang ilitaw ang mga bikima at pagbibigay hustisya sa mga ito, nananawagan din ang Karapatan sa kagyat na pagpasa ng panukalang batas na magpaparusa sa mga puwersa ng estado na sangkot sa mga kaso ng sapilitang pagkawala o House Bill 98.

“Lumilitaw na isinasawalang bahala ng administrasyong Aquino ang panukalang ito para sa pagkamit ng katarungan at kompensasyon sa mga biktima ng batas militar. Gayundin ang patuloy na paggala ni Hen. Jovito Palparan, ang berdugo sa likod ng pagdukot at pagkawala nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno,” ani Palabay.


Maralitang lungsod, handa sa banta ng ‘pagpapasabog’ ni PNoy

$
0
0
Mga maralitang lungsod: Natutulak lamang sa pamanganib na mga lugar na bulnerable sa kalamidad dahil sa kawalan ng disente, tiyak at libreng tirahan at kabuhayan na responsabilidad ng gobyerno. (Pher Pasion)

Mga maralitang lungsod: Natutulak lamang sa pamanganib na mga lugar na bulnerable sa kalamidad dahil sa kawalan ng disente, tiyak at libreng tirahan at kabuhayan na responsabilidad ng gobyerno. (Pher Pasion)

Bagamat binawi ng administrasyong Aquino ang deklarasyong “pasasabugin” nito ang mga komunidad ng mga maralita sa lungsod (dahil sanhi raw sila ng baha), batid ng mga maralita: Seryoso rito ang gobyerno. Katunayan, matagal na silang pinasasabugan. Matagal na silang dinadahas.

Kasabay ng paniningil ng mga mamamayan sa mga kaso ng sapilitang pagdukot sa ilalim ng administrasyong Aquino sa Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecidos, tumulak noong nakaraang linggo, Agosto 30, sa paanan ng Mendiola ang mga maralitang tagalungsod sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) upang labanan ang inaasahang pag-inti ng demolisyon sa susunod na mga linggo at buwan.

Aabot sa isang buwan na ang dumaan matapos ang paghagupit ng ulang habagat na nagpabaha sa Kamaynilaan at karatig na mga probinsiya, pero di pa rin humuhupa ang galit ng mga mga maralita. Para sa kanila, pinabayaan na nga sila ng administrasyon, isinisisi pa sila. At ginagawang dahilan nito ang bulnerabilidad nila sa baha at kalamidad para itaboy sila sa kanilang mga tahanan.

“Natanong na ba natin sa gobyerno kung bakit nagbunga ang pagdami ng maralitang lungsod dito sa mga estero at iba pang daanan o waterways na sinasabi ng gobyerno? Natanong na ba natin ang gobyernong Aquino kung bakit nagpapatuloy ang pagmimina, ang pagkawasak sa natural resources natin, sa mga kabundukan natin?” ani Joy Lumawod ng Kadamay-National Capital Region.

Ayon sa mga maralitang nagprotesta, kung may dapat sisihin ang gobyerno sa baha, hindi ito ang mga maralita. Tingnan ng gobyerno ang sarili nito.

Hudyat ng demolisyon

Hindi umano aatrasan ng Kadamay ang paglaban sa planong "pagpapasabog" ni Aquino sa tahanan ng mga maralita. (Pher Pasion)

Hindi umano aatrasan ng Kadamay ang paglaban sa planong “pagpapasabog” ni Aquino sa tahanan ng mga maralita. (Pher Pasion)

Samantala, sa pahayag ng gobyerno na “pasabugin” kung kinakailangan ang mga tahanan sa mga estero at ilog, nagkaroon ng pagkakataon ang administrasyong Aquino upang bigyang “katwiran” ang pagdedemolis sa mga maralita upang bigyang daan ang mga proyekto sa ilalim ng Public-Private-Partnership (PPP) ni Aquino, ayon sa Kadamay.

“Padalus-dalos ang kanilang pagpapahayag o walang malinaw na pagsusuri at karakaraka kami ang sinisisi. Hindi namin kasalanan manirahan sa mga delikadong lugar gaya ng estero subalit ito ay itinatakda ng gobyerno sa kawalan ng mahusay na trabaho at makabuluhang sahod. Napipilitan kaming manirahan sa delikadong mga lugar gaya ng estero,” ayon kay Carlito Badion ng Kadamay.

Ayon kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), aabot sa 790,000 na indibidwal ang kanilang (ng gobyerno) papalayasin at nasa 20,000 bahay lamang ang kaya ipatayo sa loob ng isang taon ng Department of Public Works ang Highways base sa kanilang badyet.

“Wala pang katiyakan ang 20,000 na ’yan. Walang kasiguraduhan kung matitirhan nga ’yan, tulad nung nilipat sa Kasiglahan Village na hanggang ngayon nasa mapanganib na lugar. Pinipilit na pabalikin, ayaw ng mga tao pinipilit pa rin wala naman silang paglalagyanang bagong paninirahan,” ayon kay Reyes.

Dagdag ni Badion, sa Quezon City lamang ay aabot na ng 222,000 pamilya ang idedemolis at sumunod sa Maynila na umaabot sa 100,000 pamilya.

“Walang nangarap na sila ay tumira sa estero. Wala sa kanila ang nangarap na tumira sa mapanganib na lugar. Kasalanan ng kapabayaan ng administrasyon na hindi nagbibigay ng kabuhayan, walang planong matino para sa programang pabahay at walang planong matino kung paano pauunlarin at iaahon mula sa kahirapan ang ating bansa,” ayon kay Reyes.

Paglala ng karapatang pantao

Ayon kay Badion, kasabay ng pag-igting ng demolisyon sa mga maralitang tagalungsod ang paglala ng paglabag sa karapatang pantao sa iba’t ibang paraan bunga ng pagtatanggol ng mga mamamayan sa karapatan sa paninirahan.

“Sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Aquino, nagkaroon na ng siyam na lider maralita ang napaslang sa pagtatanggol sa pagtitiyak sa karapatan sa paninirahan. Hindi pa namin nakukuha ang mga datos sa ibang rehiyon at hindi pa rin kasama dito ang ibang hindi kasapi sa progresibong grupo na biktima din ng pamamaslang,” ayon kay Badion.

Ayon kay George De Jesus Sr., ng grupong pangkarapatang pantao na Hustisya at asawa ng napaslang na lider-maralita na si Marilou Valle, ginagamit ngayon ang lahat ng pamamaraan ng pagpaslang o pagdukot kabilang ang mga sindikato at masasamang loob sa komunidad upang maghasik ng takot sa mga maralitang tagalungsod.

“Hindi nakakapagtaka kung bakit nila nagagawa ito. Hindi sila papayag na mawawala ang milyun-milyon nilang kikitain kaysa ipagpalit nila ang buhay ng mga maralitang nakatira dito. Hindi sila papayag na hadlangan ng isang lider kung ano man ang buktot nilang plano sa isang komunidad. Gagawa at gagawa ng paraan ang mga ito para maputol ang pagtatayugod ng isang lider sa komunidad hanggang ito ay kanilang mapaslang,” De Jesus.

Pag-ingting ng laban

Walang pagpipilian ang mga maralitang tagalungsod kundi ang paglaban, ayon sa Kadamay. Sa pagpapakita ng mga indikasyon ng administrasyon sa pagiging “kontra-maralita” nitong pahayag at programa malinaw ang pagdeklara ng “gera” ng administrasyon sa mga maralitang tagalungsod.

“Ang kailangan po naming mga maralitang tagalungsod ay ligtas, disente at tiyak na tirahan at kabuhayan. Hindi panglalait at pangbubusabos ang kailangan ng maralitang tagalungsod. Ang pagkalinga, pagkilala at pagpapahalaga sa buhay ng maralitang tagalungsod,” ayon kay Lumawod.

“Nakahanda ang mga maralita upang biguin sa bantang pagpapalayas at pagpapasabog ng administrasyong Aquino (sa aming mga tahanan),” ayon kay Badion.

Pagbawal na manganak sa bahay, tinutulan ng sektor pangkalusugan

$
0
0
Piket ng mga manggagawang pangkalusugan sa harap ng tanggapan ng Department of Health para ihayag nag kanilang pagtutol sa No Home Birthing Policy. (Pher Pasion)

Piket ng mga manggagawang pangkalusugan sa harap ng tanggapan ng Department of Health para ihayag nag kanilang pagtutol sa No Home Birthing Policy. (Pher Pasion)

Ipinakita ng sektor pangkalusugan ang kanilang pagtutol sa pagpapatupad ng No Home Birthing Policy ng administrasyong Aquino sa isang piket-rali sa harapan ng Department of Health (DOH) sa pangunguna ng Kilos Bayan para sa Kalusugan (KBK).

Layunin ng No Home Birthing Policy na inilabas ng DOH noong 2008 ang pagbabawal sa panganganak sa mga bahay. Ayon sa DOH, sa mga ospital o klinika na lamang dapat manganak ang mga buntis para matiyak ang buhay at kalusugan ng ina at sanggol.

Ayon sa KBK, dahil daw sa tumataas na insidente ng pagkamatay ng mga ina dulot ng mga kumplikasyon sa pagbubuntis at panganganak, ipinagbabawal na ng DOH ang panganganak sa bahay sa tulong ng mga kumadrona at traditional birth attendant (TBA) o ang mga hilot.

Sinabi ng DOH na sa mga ospital o klinika na lamang dapat manganak upang matiyak ang buhay at kalusugan ng ina at sanggol.

Solusyong wala sa reyalidad

Pero hindit ito ang nakikitang solusyon ng sektor pangkalusugan upang tugunan ang problema.

“Hindi lapat sa reyalidad ang solusyon nilang nakikita at gagawin. Unang-una, bakit? Kasi sinasabi nila na sa may facilities manganak ang mga nagbubuntis. Sa mga kumunidad na napakalayo, hindi kakayanin ng mga ina na pumunta pa doon para magpa-check-up at manganak,” ayon kay Teresa Quinawayan ng Midwife Council for Health and Development, isang non-government organization na katuwang sa community based health programs sa buong bansa.

Ayon kay Quinawayan, nasa top 2 ang Pilipinas sa may pinakamaraming namamatay dahil sa kumplikasyon ng mga ina na nagbubuntis at nanganganak, at hindi nababawasan ng No Home Birthing Policy ang bilang ng namamatay sa panganganak.

Sinabi pa ng KBK na walang bisa ang No Home Birthing Policy kung walang kaukulang pagpapahusay sa pampublikong pasilidad para sa mga buntis at sanggol.

Sa halip, ang DOH ay aktibong nanghihikayat ng midwives at nurses para magtayo ng pribadong mga lying-in clinic o klinikang pang-anakan bilang kongkretong hakbang ng patakarang No Home Birthing. Ito ay tiyak na tutungo sa ibayong pribatisasyon ng serbisyong pangkalusugan.

“Bagamat wasto ang layuning pababain ang bilang ng mga kababaihang namamatay sa panganganak, hindi ang No Home Birthing Policy ang lulutas sa suliraning ito kundi ang pagtitiyak na may komprehensibong programa ang gubyerno sa maternal and child care,” pahayag ng KBK.

Sinabi pa nila na sa kalagayang halos walang pasilidad at mga health personnel na mapupuntahan ang mga buntis lalo na sa liblib at malalayong mga lugar ng bansa, ang mga rehistradong komadrona at kahit ang tradisyonal na mga manghihilot ang nagpupuno sa mga pagkukulang na ito ng pamahalaan.

Napag-iwanan

Ayon kay Quinawayan, nais din gawin ito ng DOH dahil doon sa United Nations Millennium Development Goals (MDGs) na pinirmahan ng Pilipinas noong 2000. Nasa ika-4 at ika-5‘’yung matanggal ang mortality rate ng mga inang nagbubuntis.

Ang MDGs ay ang walong layunin na pinagkasunduan ng lahat ng 191 miyembrong estado ng UN na kanilang maisasakatuparan sa taong 2015. Pinirmahan ito noong Setyembre 2000 na naglalayong labanan ang kahirapan, kagutuman, sakit, illiteracy, pagkasira ng kapaligiran at diskriminasyon sa mga kababaihan.

“Hinabol kasi nila ang MDGs na magtatapos sa 2015. Mula 2000 ay bigo talaga ang nais nilang kamtin na mabawasan ang mga inang namamatay dahil sa kumplikasyon sa pagbubuntis. At ang solusyon nila na No Home Birthing Policy ay hindi solusyon. (H)indi ito lapat sa realidad at hindi lamang sa usapin ng kahandaan,” binigyang-diin ni Quinawayan.

Nagtataka din umano sila kung bakit pati ang mga sanay na manghihilot ay tinanggalan din ng karapatang pagpaanak.

“Bakit hindi sila mas i-equip o dagdagan ang kanilang kaalaman at kakayahan? At ’yung mga iba pang health professionals, midwives, (tulungan) para kapag nagpunta sila sa komunidad at mag-home setting sila, handa sila sa dapat gawin kapag maranasan nila na magkaroon ng kumplikasyon ng isang buntis?” mga tanong ni Quinawayan.

Sec. Ona, pinagbibitiw

Ayon sa naturang grupo, lantaran ang pagiging sunud-sunuran ni Health Sec. Enrique Ona at Pangulong Aquino sa mga dikta ng malalaking negosyanteng lokal at dayuhan.

Anila, sa halip na bigyan ng sapat na pondo ang kalusugan, ginagawa nitong negosyo ang dapat sana’y mga libreng serbisyo.

“Ilang taon na rin si Sec. Ona na nandiyan sa puwesto na kanyang pinapangalandakan ay ang PhilHealth at PPPs (Public-Private Partnerships). Mula sektor pangkalusugan, nananawagan na kami: Kung hindi nya kaya ang responsabilidad na binigay sa kanya at kung hindi niya papansinin ang hinaing ng mga mamamayan sa kanya ay magbitiw na lang siya sa puwesto,” ani Quinawayan.

“Kung totoo sa loob nila na bawasan ang bilang ng mga inang namamatay dahil sa kumplikasyon sa panganganak, magdagdag sila ng sapat na pondo para sa usapin ng kalusugan ng mga mamamayan dito sa Pilipinas,” pagtatapos niya.

Mga makabayan, muling sasabak sa halalan sa 2013 (Mga larawan)

$
0
0

Isang matao, makulay at masayang kumbensiyon ang idinaos ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) noong nakaraang linggo sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila. Muling pinagkaisa ng naturang koalisyon ang iba’t ibang progresibong partido para lumahok sa halalang pambansa sa sunod na taon, 2013.

Tampok sa napagkaisahan ng progresibong mga party-list, personahe, at tagasuporta ang pagpapatakbo kay Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy” Casino sa pagkasenador sa halalan.

Para sa Makabayan, napapanahon na ang pagluklok sa Senado ng isang senador na mula sa kilusang masa at kumakatawan sa interes ng inaapi at mardyinalisadong mga sektor ng lipunang Pilipino. Anila, maningning at mahaba ang track record ni Casino ng pagbibigay-boses sa kilusang masa sa Kongreso.

Napakalaking tagumpay umano para sa mga mamamayan kung maluklok ang isang mahusay na progresibong lider tulad ni Casino sa Senado.

Ilang mga larawan sa naganap na kumbensiyon:

Watawat ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) at iba't ibang progresibong party-list sa pagbubukas ng kumbensiyon. (Pher Pasion)

Watawat ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) at iba’t ibang progresibong party-list sa pagbubukas ng kumbensiyon. (Pher Pasion)

Iba't ibang pulitiko mula sa iba't ibang malalaking pampulitikang alyansa at partido ang dumalo sa kumbensiyon ng Makabayan para makiisa rito at ihayag ang suporta sa kandidatura ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa pagkasenador. (Pher Pasion)

Iba’t ibang pulitiko mula sa iba’t ibang malalaking pampulitikang alyansa at partido, kasama ang mga lider ng progresibong mga party-list, ang dumalo sa kumbensiyon ng Makabayan para makiisa rito at ihayag ang suporta sa kandidatura ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa pagkasenador. (Pher Pasion)

Kabilang sa naghayag ng suporta kay Casino si House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte Jr., na kapartido ni Pang. Benigno Aquino III sa Partido Liberal. (Pher Pasion)

Kabilang sa naghayag ng suporta kay Casino si House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr., na kapartido ni Pang. Benigno Aquino III sa Partido Liberal. (Pher Pasion)

Aktres na si Mitch Valdez (kaliwa) at Kabataan Rep. Raymond "Mong" Palatino, na nagpadaloy ng programa. (Pher Pasion)

Aktres na si Mitch Valdez (kaliwa) at Kabataan Rep. Raymond “Mong” Palatino, na nagpadaloy ng programa. (Pher Pasion)

Nakiisa rin at naghayag ng suporta sa Makabayan at kay Casino si Rep. Cynthia Villar, asawa ni Sen. Manuel Villar, at nababalitang tatakbo rin sa pagkasenador sa eleksiyong 2013. (Pher Pasion)

Nakiisa rin at naghayag ng suporta sa Makabayan at kay Casino si Rep. Cynthia Villar, asawa ni Sen. Manuel Villar, at nababalitang tatakbo rin sa pagkasenador sa eleksiyong 2013. (Pher Pasion)

Paghayag ng mga delegado ng kumbensiyon ng komitment para mamaksimisa at maipagwagi ang halalan sa 2013. (Pher Pasion)

Paghayag ng mga delegado ng kumbensiyon ng komitment para mamaksimisa at maipagwagi ang halalan sa 2013. (Pher Pasion)

Presidente ng Makabayan at Bayan Muna na si dating Rep. Satur Ocampo. (Pher Pasion)

Presidente ng Makabayan at Bayan Muna na si dating Rep. Satur Ocampo. (Pher Pasion)

Kasama sa naghayag ng suporta sa Makabayan ang aktor na si Allen Dizon. (Pher Pasion)

Kasama sa naghayag ng suporta sa Makabayan ang aktor na si Allen Dizon. (Pher Pasion)

Rep. Teddy Casino, kandidato sa pagkasenador ng Makabayan: Panata para magwagi sa halalan, para maitulak ang progresibong pagbabago sa Senado. (Pher Pasion)

Rep. Teddy Casino, kandidato sa pagkasenador ng Makabayan: Panata para magwagi sa halalan, para maitulak ang progresibong pagbabago sa Senado. (Pher Pasion)

Paghayag ng suporta kay Casino at sa mga isyung ipinaglalaban niya at ng Makabayan. (Pher Pasion)

Paghayag ng suporta kay Casino at sa mga isyung ipinaglalaban niya at ng Makabayan. (Pher Pasion)

Filmfest para sa tunay na kalayaan

$
0
0

Ganap ba talagang malaya tayo?

Ito ang katanungang nais sagutin ng iba’t ibang pelikula, mula sa Pilipinas at ibang bansa, kabilang ang Public Service Advertisements (PSA) na gawa ng independiyente at estudyanteng filmmaker, sa INDIEpendensya Film Festival na gaganapin sa Setyembre 17 hanggang 19, 2012 sa University of the Philippines Film Institute (Cine Adarna and Videotheque), Diliman, Lungsod Quezon.

Tampok sa tatlong-araw na festival ang mga pelikula at porum na tatalakay sa mahahalaga at madalas-na-pinagdedebatehang tema ng nasyunalismo, pambansang kasarinlan at imperyalismo. Layunin nitong iangat ang antas ng kamulatan hinggil sa kahalagahan ng paggiit sa nasyunalismo sa kabila ng mga banta – at aktuwal pa ngang pampulitika at pang-ekonomiyang interbensiyon – mula sa mga puwersang labas sa bansa.

Kabilang sa mga pelikulang ipapalabas ang “Sakay” ni Raymond Red,Minsa’y Isang Gamu-gamo” ni Lupita Concio,Memories of a Forgotten War” nina Sari Lluch Dalena at Camille Griggers, “Basilan: Siklab ng Digma” ni Ron Magbuhos Papag at ng Kodao Productions, at “Ang Kaaway” ng Southern Tagalog Exposure.

Maliban sa klasiko at kontemporaryong mga pelikula, ipapalabas din sa INDIEpendensya ang dayuhang mga pelikulang tumatalakay sa nabanggit na mga tema. Kasama rito ang klasikong dokumentaryo hinggil sa giyera ng US sa Vietnam na “Hearts and Minds”. Ipapalabas din ang mahahalaga, mahuhusay at makabuluhang mga dokumentaryong tulad ng

Life and Debt” ni Stephani Black, “¡Salud!” ni Connie Field, “Chavez, Venezuela, and the New Latin America” ni Alessandra Keeble at “ANPO: Art X War” ni Linda Hoaglund.

Ipapakita rin sa INDIEpendensya Film Festival ang orihinal na Public Service Advertisements (PSA) na gawa para sa festival ng independiyente at estudyanteng filmmakers, na ipapalabas sa pagitan ng full-length films.

Ipapalabas sa festival ang mga PSA na mula sa mga indibidwal at grupo gaya nina JL Burgos, Tom Estrera III, EJ Mijares, PinoyMedia Center, Mayday Multimedia, Bulatlat.com, Kodao Productions, Tudla Productions, Southern Tagalog Exposure, Contend-UPM, at Kilab Multimedia.

Matapos dumalo ng mga workshop na pinangunahan ng tanyag na mga practitioner tulad nina Patricia Evangelista, Nap Jamir, Ricky Orellana at Sari Lluch Dalena, gumawa naman ng halos 40 PSAs ang mga estudyanteng filmmaker mula sa iba’t ibang pamantasan sa bansa. Kabilang sa magsisilbing judge sa kompetisyon ang tanyag na scriptwriter at direktor na si Bibeth Orteza, scriptwriter, direktor at aktibistang si Bonifacio Ilagan, film critic and UP Masscom Dean Rolando Tolentino at Kenneth Guda, punong patnugot ng Pinoy Weekly.

Tampok din sa festival ang mga porum sa Setyembre 17 at 18. Sa Set. 17, ala-una ng hapon sa pagubukas ng festival, isang porum hinggil sa “Kasaysayan ng Pambansang Paglaban sa Pamamagitan ng Pelikula” ang magaganap, na pangungunahan ni Dean Rolando Tolentino. Magaganap ito bago ang pagpapalabas ng pelikulang “Sakay.” Sa sunod na araw, Set. 18, alas-sais ng gabi, idaraos ang isang porum hinggil sa “Kababaihan at Pangkulturang Paglaban kontra sa Imperyalismo” ang magaganap. Magsasalita hinggil dito ang tanyag na aktor sa teatro at kababaihang aktibista na si

Monique Wilson, kasama ang progresibong akademiko at propesor sa sosyolohiya na si Sarah Raymundo. Magaganap ito bago ang pagpapalabas ng klasikong pelikula ni Nora Aunor na “Minsa’y Isang Gamu-gamo.”

“Naniniwala kaming mahalaga ang festival na ito, na sumisikap na bigyang-diin ang mahahalagang isyu,” sabi ni JL Burgos, isa sa festival organizers. “Kumpara sa nakaraang mga henerasyon, mukhang mas kaunti ngayon ang kaalaman ng kabataang at publiko hinggil sa pangangailangang igiit ang ating pagiging makabayan sa kabila ng imperyalistang interbensiyon at pagsasamantala. Gusto naming makaambag sa pagbabago rito.”

“Mahalagang kuwestiyunin ang paniniwalang malaya tayo, dahil sa totoo lang, hindi tayo tunay na malaya,” paliwanag naman ni Ilang-Ilang Quijano, isa rin sa festival organizers at executive director ng PinoyMedia Center.

Iniisponsor ang INDIEpendensya Film Festival ng PinoyMedia Center (pabliser ng Pinoy Weekly), Mayday Multimedia, Red Ants Productions at STAND-UP-CMC, at katuwang ang UP College of Mass Communication.

(Para sa iskedyul ng mga palabas at porum, bisitahin ang blogsite ng INDIEpendensya.)

INDIEpendensya Behind-The-Scenes Teaser: Dinirehe ni Stew Tn; pinrodyus, sinulat at inedit ni EJ Mijares

INDIEpendensya Video Plug: Gawa ni JL Burgos

Libong guro, sumugod sa Kamara para sa dagdag-suweldo, dagdag-badyet sa edukasyon

$
0
0
Martsa ng isanlibong guro para sa dagdag-suweldo at dagdag-badyet sa edukasyon, patungong Batasan Pambansa. (Pher Pasion)

Martsa ng isanlibong guro para sa dagdag-suweldo at dagdag-badyet sa edukasyon, patungong Batasan Pambansa. (Pher Pasion)

Bitbit ang kanilang pampaingay na mga kalembang, mahigit 1,000 guro ang nagmartsa patungong Batasan Pambansa sa Kamara para ipanawagang isabatas ang House Bill 2124 na naglalayong itaas ang kasalukuyang sahod na natatanggap ng mga guro mula sa Salary Grade 11 patungong Salary Grade 15.

Dala rin ng mga guro ang paggiit ng dagdag-badyet para sa sektor ng edukasyon sa susunod na taon.

Sinabi ng ACT na hindi lamang ang kanilang sektor ang dapat makialam sa isyu ng dagdag-suweldo ng mga guro kundi ang iba't ibang sektor ng sambayanan. (Pher Pasion)

Sinabi ng ACT na hindi lamang ang kanilang sektor ang dapat makialam sa isyu ng dagdag-suweldo ng mga guro kundi ang iba’t ibang sektor ng sambayanan. (Pher Pasion)

Pinangunahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at ACT Teachers Party-list ang nasabing kilos protesta na naglalayong ipagkaisa ang mga guro at kawani sa sektor ng edukasyon mula sa Metro Manila at gayundin sa karatig probinsiya.

Kasama sa mga gurong sumama ang mga mula sa probinsiyang Rizal at Bulacan.

“Napakahalaga na tiyaking mabibigyan ng disenteng suweldo ang ating mga guro, kung seryoso tayo sa magandang edukasyon ng ating kabataan. (Kasama rito) maging pagpataas ng suweldo ng government employees sa pangkalahatan,” ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.

Suweldong di sapat

“Napakababa ng talaga, hindi nakabubuhay at hindi disente ang suweldong natatanggap ng mga guro ngayon. Kahit may dagdag na suweldo nitong nakaraang apat na taon, hindi pa rin ito sumapat,” sabi ni France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT.

Hindi umano nakakaagapay ang kakarampat na sahod sa mabilis at tuluy-tuloy na pagtaas ng ng pangunahing mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Castro, Salary Grade 11 ang natatanggap na minimum na sahod ngayon ng isang guro. Nagkakahalaga ito ng P18,549.

Pero sinabi pa niya na may volunteer teachers pa nga na tumatanggap lang ng P3,000 hanggang P6,000.

“Pangunahin din naming bitbit ang pagbabasura ng kontraktuwalisasyon. Unang-una, labag ito sa Magna Carta for Public School Teachers. Kasi hindi ka naman talaga dapat mag-hire ng kontraktuwal na guro. Dahil nakalagay doon (sa Magna Carta na) dapat nasa iyo na lahat ng qualifications, nakapasa ka sa licensure examinations, dapat mabigyan ka na ng items,” paliwanag ni Castro.

Pero nakakalungkot umanog hindi prayoridad ng gobyerno ang mga guro dahil gusto at tinitipid pa ang kaguruan.

“Bakit magkakaroon ng kontraktuwalisasyon, samantalang kayang-kaya naman sana ng gobyerno na mag-hire ng nationally paid o regular (na guro)?” dagdag ni Castro.

Ayon sa lider-guro, isang napakahalagang pangangailangan ng mga guro ang dagdag-sahod ng mga guro at dagdag-badyet sa edukasyon.

Repleksyon umano ito kung gaano pinahahalagahan ng gobyerno ang karapatan sa edukasyon ng mga mamamayan.

“Ang Salary Grade 15, ito na tingin namin na pinakaresonable na dapat na kalagayan ng guro in terms of salary scale. Ito’y nangangahulugan na dapat pinakamababa sana ng teachers na more or less Php25,000. Consequently, tataas din ang susunod na mga posisyon tulad ng Teacher 1, Teacher 2, Teacher 3, Master Teacher Class 1,” paliwanag pa ni Castro.

Malawak na suporta

Nakaisa rin sa nasabing protesta ang progresibong mga party-list sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) sa laban ng mga guro sa kanilang mga panawagan.

“Bukod sa Reproductive Health Bill, ang HB 2142 ang may pinakamaraming co-author sa HOR. Makatuwiran po ang ating mga hinihiling kaya hindi na po ako nagtataka kung bakit marami sa mambabatas ang nag-co-author sa HB 2142,” sabi ni Kabataan Rep. Raymond Palatino.

Pero sinabi ni Palatino na kailangan ding may tulak mula sa publiko para magising at marinig ng mga mambabatas ang mensahe ng mga guro na di sapat ang maging co-author lang ng naturang panukalang batas.

“Dapat, pag-usapan ito sa committee level. Ito’y dapat dalhin sa plenaryo. Dapat itong ipasa ng HOR at Senado, dahil ang ipinaglalaban natin dito ay hindi lamang karapatan ng ating mga guro,” sabi pa ni Palatino.

Pero nakakaalarma na bagamat malawak ang suportang natatanggap ng HB 2142 sa Kamara, hindi pa rin ito naisasabatas dahil umano sa mismong Palasyo, paliwanag ni Tinio.

“Ang pangunahing balakid dito ay Malakanyang, Office of the President at DBM (Department of Budget and Management). Tulad ng napalabas natin noong budget deliberations, tinanong natin directly si Sec. (Butch) Abad ng DBM, wala daw pang plano sa kagyat ang administrasyong Aquino na magpatupad ng salary increase sa public sector sa 2013 o sa mga susunod na taon,” paliwanag ni Tinio, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Bayan Muna Rep. Teddy Casino, nakiisa sa laban ng mga guro. (Pher Pasion)

Bayan Muna Rep. Teddy Casino, nakiisa sa laban ng mga guro. (Pher Pasion)

Sinabi pa ni Tinio na malinaw na nasa ehekutibo ang balakid dito.

“Hindi itinuturing ng gobyerno na prayoridad ang pagbibigay ng salary increase, gayong ang cost of living ay hindi napipigilan ang pagtaas,” paliwanag pa ni Tinio.

Ayon naman kay Palatino, kaisa ng mga guro ang kabataan sa labang ito. Aniya, ang laban ng mga guro ay laban din ng kabataan, dahil maraming kabataang guro din.

Karapatan din ng kabataan na may sapat ng suweldo at benepisyo ang kanilang mga guro, sabi ni Palatino.

“Ito’y ipinaglalaban natin dahil isinusulong ito para sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” aniya.

Tinawag naman ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na “distorted” ang prayoridad ng gobyerno, sa hindi pagpasa sa HB 2142 sa kabila ng malawak na suporta nito sa Kamara.

“Hindi pa rin talaga napagtatanto (ng gobyerno) na dapat bigyan ng pinakamataas na prayoridad sa badyet ang edukasyon. Kahit sa panukalang badyet ng DepEd (Department of Education) para sa 2013 na nasa Php292 Bilyon, pangalawa lang kung (ikukumpara sa) pambayad sa interes ng utang ng national government,” ayon kay Mariano.

Sinabi pa niyang  ngayong taon, ang badyet ay Php333.1-B (badyet sa interes sa utang). Para sa 2013, dinagdagan ito ng Php800 Milyon na aabot sa Php333.9-B ang badyet para sa pambayad sa interes sa utang.

“Walang salary increase para sa teachers. Wala rin maging sa non-teaching personnel. Malinaw na wala. Zero,” diin ni Tinio, hinggil sa panukalang badyet sa 2013.

Patuloy na paglaban

Ayon sa ACT, patuloy na kakalampagin ng mga guro ang administrasyong Aquino para dinggin ang kanilang mga panawagan na dagdag-sahod, pagtigil sa kontraktuwalisasyon at dagdag-badyet sa edukasyon.

Inaasahan ang malaking pagkilos ng mga guro sa nalalapit na International Teachers Day sa Oktubre 5.

“Ang sabi nila ang mga rali daw walang magagawa. Diyan po sila nagkakamali. Dahil napatunayan na po natin, na kapag ang mga kongresista’y nakita na ang mga mamamayan na kayang magpainit sa ilalim ng araw, handang magmartsa ng malayo, natatauhan sila at kahit paano’y kumikilos batay sa ating panawagan,” ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino.
“Hangga’t di kumikilos ang pamahalaan, hangga’t hindi yan nagiging batas, asahan nila na tuluy-tuloy ang paglaban di lamang ng mga guro kundi kasama pati ang mga kabataan at mag-aaral, sasamahan ang kanilang mga guro,” pahayag ni Palatino.
Sinabi ni Tinio na ayaw umano nilang maulit ang nangyari sa nakaraan. Pagkatapos kasi ng Salary Standardization Law, papalipasin muna ang 4-6 na taon, katulad noong nangyari noong panahon ni Gloria Arroyo, bago muling magtaas-suweldo. Samantala, lalong tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Sinabi naman ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus na magtatagumpay ang laban ng mga guro kung patuloy sa pag-oorganisa at patuloy na pagpapakita ng kanilang lakas ang mga ito.
“Hindi kami makakarating sa aming kinalalagyan ngayon kung wala ang mga guro. Ipakita po natin ang lakas ng guro. May tinig na naghahain ng demand at kailangan pakinggan ng gobyernong ito. Ipakita natin na hindi maaaring basta na lamang talikuran ng gobyerno ang karapatan ng mga guro para sa disenteng pasahod,” ayon kay De Jesus.

Batas Militar: 40 taon ng protesta at himagsik

$
0
0
Graffiti ng Baluarte Artists Collective sa Isla Puting Bato, Tondo. (Kontribusyon)

Graffiti ng Baluarte Artists Collective sa Isla Puting Bato, Tondo. (Kontribusyon)

I.

Putik, burak at basura ang bungad ng kalsada sa Sityo Damayan , Barangay 105, Tondo kahit pa tirik na ang araw. Ilang kanto mula sa sulok  na ito ng mga barung-barong at ulingan, sinasalubong ang dayo ng arko ng “Happy Land.”  Welkam sa “Happy Land!” – parang masamang biro na nagagawa na lang pagkatuwaan at lunukin. Paano nga ba magiging maligaya ang pagdating sa masayang sangsang ng tambakan? Sa sinusong wika ng marami na mula sa karukhaan ng probinsya ay napadpad sa Tondo upang makipagbuno sa lupit ng lungsod, ang Smokey Mountain nga naman ay isang literal na “hapilan” – isang lugar na pinagtatapunan, isang higanteng basurahan.

Sa loob ng ilang dekada, ang tambad ng Smokey Mountain ang nakasusulasok na paalala ng kabulukan at kabuktutan ng lipunang Pilipino – laluna sa panahon ng malaswang luho, layaw at pagpapakasasa ng rehimeng US-Marcos. Sa kumpas ng Batas Militar at Bagong Lipunan, ang dalawampu’t isang taong ito sa ilalim ni Ferdinand Marcos ay isa na lamang masamang alaala ng pasistang diktadura –  isang bangungot, na anila’y wala na ni sa hinagap ng sumunod na henerasyon ng mga anak ng mga anak ng Martial Law. Para sa iba, ito’y istadistika na lang: 3,257 ang pinaslang, mga 35,000  ang tinortyur, mga 70,000 ang ipinabilanggo.

Kabuktutan, kabulukan at karahasang wala sa ating hinagap – kung tayo’y naglalakad nang tulog at walang bait sa sarili. Kung namihasa na’t nagpakalublob sa korupsyon at ilusyon, na nakalimutan na natin kung ano ang makatao at disente.

Ang muling pag-angat sa poder ng mga Marcos ay pahiwatig lang ng mga dekadang dumaan mula nang sila’y mapatalsik sa popular na pag-aalsa sa EDSA noong 1986. Ngayo’y matagal nang ipinasara ang dating Smokey Mountain.  Sa iba’t ibang dako, yumayabong na ang mga punla sa hilera ng pulang bakod na pininturahan ng “FIRM,” habang umaasa ang mga nagtanim na isang araw sila’y bibiyayaan ng tig-isang milyong piso na pangako sa kada kasapi nitong “Friends of Imelda R. Marcos.”

Samantala, dumarami pa ang mga maralita’t nananambakan. Sa manu-manong pangangalahig, araw-araw nilang binabawasan ang tone-toneladang basurang likha ng konsumerismo sa Kamaynilaan. Sa matiyagang pagsasalansan, napapakinabangan ulit ang tinipong bakal, papel, bote at plastik. Pagkatapos pagkakitaan ng lokal na pamahalaan, malaking treyder at sindikato,  napakadali na nilang laitin at itaboy. Anang mata-pobre, ang mga barung-barong nila’y masakit sa mata, sanhi ng delubyo, dapat pasabugin. Sa Happy Land,  Damayan, at sa marami pang ibang pook sa langibing lungsod at napag-iwanang nayon, naghahabulan pa rin ang mga batang butod, yapak, hubo’t hubad; walang muwang pero malay sa sariling pagdarahop, ginagalis ang anit at nilalangaw ang puwit.

Napakarahas pa rin ng tipikal na araw. Kung hindi nanunumbat ang gutom, pagkabusabos ang ipinangangalandakan ng karahasan.  Naghahandang gumayak sa rali si Marilou Valle, 43, isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Aquino nitong nakaraang Hulyo. Sa Barangay 105, si Valle ang lider ng lokal na tsapter ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), militanteng organisasyon ng maralitang taga-lungsod.  Kilala si Valle bilang “Ina ng Sityo” dahil sa pagmamalasakit sa kapakanan ng kapwa. Katuwang ang asawang isa ring aktibista, itinaguyod niya ang laban para sa disenteng paninirahan at kabuhayan di lamang para sa sampung anak at labing-apat na apo.

Noong hapong iyon ng Hulyo, inisa-isa niya ang mga dampa para magyakag ng mga sasama sa rali kinabukasan. Mamamalengke na sana siya ng babauning tanghalian, palabas sa tarangkahang gawa sa kalansay na alambre ng lumang kamang kutson. Sa harap ng kanilang abang dampa pinagbabaril ang aktibistang si Marilou Valle. Dalawang oras nakahandusay sa putikan ang kanyang bangkay, habang nagbabanta ang mga salarin sa mga saksi; at ang mga saksi hanggang sa ngayon ay walang magawa kundi ang manahimik .

Si Valle ang ika-100 biktima ng pampulitikang pamamaslang sa ilalim ni Benigno Aquino III.

Bumaligtad man ang mundo ng mga Valle at ng buong sityo, anupa’t natuloy pa rin ang talumpati ng Pangulo.  Aniya: “Gaya ng marami sa inyo, namulat ako sa panggigipit ng makapangyarihan. Labindalawang-taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama… naging saksi ako sa pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya.”

Sa lansangan, akma ang pagsunog ng mga nagmartsa sa dambuhalang simbolo ng doble-karang Pangulo. “Matagal nang tapos ang Batas Militar,”ani Aquino. Apatnapung taon na nga mula nang pirmahan ni Marcos ang PD 1081, ang deklarasyon ng Martial Law.

Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko.”

“Kung may abusadong mapang-api, siya ang lalabanan ko.”

“Kung may makita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito.”

At sinasabi ito ng Pangulo habang hinaharangan, itinataboy, dinarahas, ang dagsa ng taong nagprotesta sa labas ng Batasan. Sa loob ay palakpakan, pero ito ang katotohanang umalingawngaw sa labas ng magarang bulwagan:

“WALANG PAGBABAGO SA ILALIM NI AQUINO!”

II.

Apatnapung taon mula Setyembre 21, 1972: Walang duda, paulit-ulit pang ibibida ni Aquino na sila rin ay  biktima ng Batas Militar. Pero kasaysayan na mismo ang magrereklamo kapag sukdulan nang narindi sa mga sabi-sabi at boladas nitong barkadahang dilawan. Kasaysayan mismo ang babasag sa mito at ilusyong siwalat ng buong naghaharing sistema mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Ang kaso ni Valle, halimbawa – mula sa kinagisnang dislokasyon at pananambakan, pagkamulat at pagkilos, at hanggang sa trahedya ng kanyang pagkakapaslang – ay hindi aksidente ni pambihira.  Sistematikong karahasan ang araw-araw na ipinapataw ng estado laban sa sambayanan. Ito ngayon ang tungkuling ipinamana ng Batas Militar kay Noynoy Aquino at sa lahat ng rehimeng sumunod kay Marcos – kung paano ipapatupad ang terorismo ng estado nang hindi ito tasahang idinedeklara sa madla.

Batas Militar ang disenyo ni Marcos para sa kontra-insurhensiya, upang maagang masawata ang paglakas ng armadong paglaban  ng sesesyunistang Moro sa Mindanao, at ng muling-tatag na rebolusyonaryong kilusan na noo’y naka-ambang magpalawak sa buong kapuluan. Ang kontra-insurhensiya (counter-insurgency o COIN), na pangunahing polisiyang pandepensa ng US hanggang sa ngayon, ay marahas na sinimulan sa Pilipinas nang agawin ng US ang tagumpay ng Rebolusyong 1896, at nang lubusin ang pagdurog sa nasyunalismo at pagbabalikwas ng sambayanan sa henosidyo ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

Ipinataw ni Marcos ang Batas Militar para panatilihin ang sarili sa kapangyarihan, habang pinagsisilbihan ang interes ng among imperyalista. Ang pangangayupapa sa dayuhang interes, gayunpaman, ay hindi rin naman espesyal na kapintasan ni Marcos – katangian ito ng mga pulitikong ang layon ay magpayaman at mamayagpag sa poder, ng salot ng burukrata kapitalismo. Ang papet na estado ang angklahan ng mala-kolonyal at mala-pyudal na kaayusan mula nang basbasan ng imperyalismong US ang “kasarinlan” ng Republika ng Pilipinas noong  Hulyo 4, 1946.

Sa panahon ni Makoy, pinaslang ang aktibistang misyonero na si Fr. Tulio Favali; sa panahon ni Noynoy, si Fr. Pops Tentorio. Nagkokoro ang dalawa sa pagsasabing walang bilanggong pulitikal ang kanilang rehimen. Mahigit 350 na ngayon ang bilanggong pulitikal sa bansa, 170 sa kanila ang inaresto sa dalawang taon pa lang ng panunungkulan ni Aquino. Dumarami ang lumilikas – mga bakwet – hindi lang dahil sa delubyo at bagyo, kundi dahil sa abuso at militarisasyon sa kanayunan. May basbas ni Aquino ang lagim ng private army ng malalaking kompanya ng mina. Kinasuhan pero hindi napaparusahan ang berdugong heneral na si Jovito Palparan Jr., habang itinataas pa ang ranggo ng mga opisyal ng militar na sangkot sa tortyur. Sunud-sunod ang demolisyon at malawakang dislokasyon sa hanay ng mga magsasaka at maralita.

Pahirapan ang pagkakamit ng katarungan at kumpensasyon para sa mga biktima ng Batas Militar, habang ang bagong rehimen ay nag-iipon na rin ng mga bagong biktima. Pagkatapos ni Valle, mabilis na sumunod si Willem Geertman, ang magsasakang si Romulo Vaflor, ang lider-transportasyon na si  Poncing Infante.

Proyekto ng naghaharing sistema ang panatilihing baluktot ang ating pagsipat at interpretasyon sa kasaysayan. Ang kasaysayan nga naman ay pwedeng listahan lang ng mga petsang dapat kabisahin, o kaya’y mga bayaning dapat kilalanin sa panahon ng eksamen. Sa ayaw lumimot, isang bantayog ang alay para sa mga bayani  ng Batas Militar– mga makabayan, aktbista, rebolusyonaryo, desaparecido. Kinikilala bilang mga bayani laban sa diktadura maging mga namartir na gerilya’t lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army  (CPP-NPA),  gaya nina Magtanggol Roque, Romulo Jallores, Emmanuel Lacaba, Lorena Barros, Merardo Arce, Filomena Asuncion, Chadli Molintas, Edgar Jopson at iba pa. Pero habang ang CPP-NPA ay patuloy na binabansagang “teroristang organisasyon,” mas madalas ang papuri ng iba ay  alang-alang na lang sa nostalgia, at hindi naman talaga sa taos na pagkilala sa kawastuhan ng kanilang simulain at paninindigan.

Lalo na’t para kay Aquino, napakahalagang maaangkin ang pinakamagiting na papel bilang “bayani ng demokrasya.” Sadyang itinatampok ni Aquino ang sarili bilang tagapagmana’t tagapagsalba ng sambayanan mula sa kalupitan ng Batas Militar – habang minamaliit at binabasura ang susing papel ng kilusang masa at digmang bayan sa pakikibaka’t pagpapabagsak sa pasistang diktadura. Inaalagaan at ipinangangalandakan ni Aquino ang ilusyon ng mapayapang pagbabago, mabuting panunungkulan at mantra ng “daang matuwid” lalo na sa isang lipunang nananatiling lugmok sa inhustisya at batbat ng pamalagiang krisis – sa isang lipunang anumang oras ay maaaring sumambulat na gaya ng bulkan, pagkat laging nasa bisperas ng rebolusyonaryong pagbabago.

Si Marcos noon, at si Aquino ngayon ay parehong tuta ng Kano. Pagkatapos ni Marcos, nagpatuloy ang padron ng kontra-insurhensya ng US sa mabangis na balatkayo: mga Oplan Lambat Bitag sa panahon nina Cory at Ramos, Oplan Makabayan ni Erap, Oplan Bantay Laya sa kinamumuhiang rehimen ni  Arroyo – Oplan Bayanihan ngayon sa ikalawang rehimeng US- Aquino. Kinukutya ni Aquino ang militanteng pagkilos bilang gawaing di-produktibo – sukdulang sisihin bilang dahilan diumano ng karahasan ni Marcos, at maging sa pagka-atrasado ng lipunan kahit sa ngayon. Pero hindi pagtutol ni pagbabalikwas ang puno’t dulo ng gulo. Naunang ipinataw sa kapuluan ang malupit na pananakop, pandarambong, pang-aapi, panunupil. Sa katunayan, pananahimik at pagsasawalang-bahala ang nagpapahintulot sa ibayong pagsasamantala at karahasan sa mamamayan.

Ang protesta at himagsik kung gayon ay hindi espesyal na mga okasyon na angkop lang para sa bulok at tiwaling era ni Marcos. Kutya pa ng iba: “Bakit ka pa nga ba mag-aaktibista? Bakit ka pa mamumundok, e wala na si Marcos?” E bakit nga ba? Ang protesta at himagsik ay makatarungang tugon sa obhetibong kalagayan ng pagsasamantala at pang-aapi sa mga mamamayan, lalung lalo na sa malawak na masang anakpawis. Mananatili itong makabuluhan at angkop habang may mga nagdurusa sa hapilan, mga iskwater sa sariling bayan, mga aliping pang-eksport sa ibayong-dagat. Seryoso, pero pwede namang ibalik ang kantyaw: Magbabangon ang masa hangga’t hindi pa nakakamit ang tunay na kalayaan at demokrasya para sa sambayanan. “Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?”

Pumunta sa bundok ng basura sa Payatas, saksihan ang karahasang militar sa Bondoc Peninsula’t sa mga liblib na nayon at bulubundukin, pansinin ang paniniil sa mga pagawaan, dumalaw sa mga bilangguang libingan ng mga buhay. Sa mismong bakuran ng mga Cojuangco-Aquino sa Hacienda Luisita,  matatagpuan ang nuknukan ng inhustisya, kasinungalingan, at karahasan sa patuloy na pagkakait sa magsasaka sa karapatan at tunay na reporma sa lupa.

Ngayong buwan ay bubuhos ang komemorasyon para sa ika-40 taon ng Batas Militar. Pero ano pa ba ang maibabahagi bukod sa mga kupas na litrato, lumang kamiseta, makinilya, dyaryo at radyo; basyong bala, mga tula, drowing, awit o kwento?

Hindi man ipinangalan sa kanila ang anumang kalsada ni esknita, maya’t maya’y maaalala ang kabayanihan ng mga kagaya nina Chadli Molintas, Merardo Arce o ni Romulo Jallores dahil sa sunud-sunod na mga ulat mula sa larangan: kapag may matagumpay na atake ang katukayo nilang kumand ng NPA laban sa destakamento’t tauhan ng pasistang militar sa kunsaang sulok ng kapuluan. Kahit ipaglihim, o ibalita nang negatibo sa telebisyon at pahayagan, ang mga opensibang ito’y ikinatutuwa ng masa – hindi dahil ang masa’y mangmang, tutol sa kaunlaran at nagbubunyi sa karahasan. Kundi dahil ang masa ay pinanday na ng mga dekada sa makauring tunggalian – makatao at matalas, at gagap nila na ang hustisya ay rekisito sa kasaganaan at kapayapaan ng buong lipunan.

Pagkat alam nila kung sino ang tunay na kakampi ng inaagrabyado at ninanakawan ng karapatan. Alam nila kung sino ang tunay na lumalaban sa abusado’t mapang-api. Bitbit ang mga aral kapwa sa kahinaan at karanasan, tungkulin nilang baguhin ang bulok na naghaharing sistema – pagkat ang pamana sa kanila ng Batas Militar ay ang panata ng pagbabalikwas mula sa madilim na yugtong ito ng ating kasaysayan. Alam nilang maaliwalas ang kinabukasan para sa aping mamamayan ng buong daigdig na nakikibaka laban sa imperyalismo. Nagpasya silang hanguin ang lipunan mula sa sangsang at lusak ng kahirapan at karahasan, dahil ngayon higit kailanman – ang maghimagsik ay makatarungan.

.

Puntahan ang memorabilia eksibit ng Karapatan na pinamagatang “Himagsik at protesta: ika-40 taon ng imposisyon ng martial law” sa basement lobby ng UP Diliman Main Library. Magbubukas ito ngayon, Setyembre 14, alas-4 ng hapon at nakadisplay hanggang Setyembre 21.

Larawan: Paggunita sa paglaban sa batas militar

$
0
0
Nagtipun-tipon ang mga aktibista ng dekada '70 para gunitain ang batas militar na ipinataw ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Nasa larawan si Carol Araullo, tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan, at isa sa mga aktibistang estudyante na lumaban sa diktadurang Marcos. (Macky Macaspac)

Nagtipun-tipon ang mga aktibista ng dekada ’70 sa AS Lobby ng Unibersidd ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City para gunitain ang batas militar na ipinataw ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Nasa larawan si Carol Araullo, tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan, at isa sa mga aktibistang estudyante na lumaban sa diktadurang Marcos. (Macky Macaspac)

Mga beterano ng pakikibakang anti-diktadurang Marcos na sina Satur Ocampo, Bise Presidente Teofisto Guinggona Jr. at Anakpawis Rep. Rafael Mariano. (Macky Macaspac)

Si Jess Santiago, makabayang mang-aawit mula noong panahon ng batas militar hanggang sa kasalukuyan. (Macky Macaspac)

Madamdaming pag-awit ng Bayan Ko ang inihandog ng aktor na si Jon Arcilla na isang dating miyembro ng Kabataan para sa Demokrasya at Nasyunalimo o Kadena noong dekada ’80. (Macky Macaspac)

Bibeth Orteza, aktres, manunulat at direktor sa teatro,telebisyon at pelikula, na isang kabataang aktibista nang ideklara ang batas militar ni Marcos noong Setyembre 21, 1972. (Macky Macaspac)

Bibeth Orteza, aktres, manunulat at direktor sa teatro,telebisyon at pelikula, na isang kabataang aktibista nang ideklara ang batas militar ni Marcos noong Setyembre 21, 1972. (Macky Macaspac)

“Never again to Martial Law” – Vice Presidet Teofisto Guinggona. (Macky Macaspac)

 


Masa ang tunay na bayani

$
0
0
Manipesto ng mga manggagawa ng La Tondena. Mula sa koleksiyon ni Dante Ambrosio.

Manipesto ng mga manggagawa ng La Tondena. Mula sa koleksiyon ni Dante Ambrosio.

Ang masa ang tunay na mga bayani.

Pinatunayan ito sa kasaysayan ng pakikibaka sa panahon ng batas militar. Libu-libong magsasaka, manggagawa, mga katutubo sa Cordillera at sa Mindanao, mga Moro at mga maralitang tagalungsod ang gulugod ng paglaban sa pasistang paghahari noong martial law. Bago pa man nangyari ang malawakang pagkilos ng mga panggitnang uri sa mga kalunsuran pagkatapos ng asasinasyon kay Ninoy Aquino, libu-libong manggagawa’t magsasaka ang lumaban sa diktadura; iginiit ang kanilang mga kahilingang pang-ekonomiya; ipinaglaban ang karapatan sa kanilang lupa at mariing tumutol sa pasistang panunupil.

Narito ang ilan sa kanilang  makasaysayang  paglaban sa gitna ng  represyon at panunupil ng diktadura.

Kilala ang mga manggagawa ng La Tondeña sa pagbali sa pagbabawal sa welga na itinakda ng diktadura sa pamamagitan ng General Order Number 5 na pinimarhan ni Marcos  noong Setyembre 22, 2012 .[1] Noong Oktubre 24, 1974 , nagdeklara ng welga ang mga manggagawa para sa regularisasyon ng  600 manggagawang kaswal at 500 manggagawang “ekstra” na mahigit na sa anim na buwan ang panunungkulan. [2] Dinahas ng mga sundalo at pulis ang piketlayn ng mga manggawa sa unang gabi pa lamang ng welga at hinuli ang mga welgista at kinulong. Pero malawak ang suporta ng unyon ng mga manggagawa ng La Tondena mula sa mga kapwa manggagawa sa mga karatig na pabrika, mga samahan sa komunidad, mga taong simbahan at mga estudyante.

Hindi lamang ang mga manggagawa ng La Tondeña ang nagpamalas ng tapang laban sa General Order ni Marcos. Sa maagang bahagi ng 1973, naglunsad na ng “sit-down strike” ang mga manggagawa sa isang pabrika ng tela sa Canlubang, Laguna at ng “wildcat strike” ang mga manggagawa ng General Textile Mills sa Libis, Quezon City.  Mga 900 manggagawa naman sa Pampanga Sugar Mills ay naglunsad ng boykot mula sa kanilang trabaho bilang protesta sa pagkabalam ng kanilang sahod.  Sa mga unang buwan ng 1974, ang mga manggagawa ng Lirag Textile Mills sa Malabon ay nagsagawa ng piket para sa mas mataas na sahod. Naglunsad naman ng martsa sa Bicutan ang manggagawa ng Gelmart, isang malaking pabrika ng pagawaan ng damit sa Paranaque, para igiit ang pagkilala sa kanilang unyon.

Ang mga katutubo (na karamihan ay mga magbubukid) ng Cordillera ay matapang na tumindig at lumaban sa proyektong Chico River Dam sa Kalinga at Bontoc at sa pagsasara ng  “Cellophil Resources Corporation na sumaklaw sa 200,000 ektaryang konsyeson para sa logging at paper pulp na iginawad ni Marcos sa kanyang kroni na si Herminio Disini noong 1973.” Pinaslang noong Abril 24, 1980 ng mga tauhan ng mga militar ng diktadura si Macliing Dulag, lider sa paglaban sa Chico Dam.

Ang demonstrasyon ng mga manggagawa sa tubuhan, magsasaka, mangingisda, estuyante, mga taong-simbahan sa Escalante, Negros Occidental noong Setyembre 20, 1985 para tutulan ang patuloy na pag-iral ng batas militar ay  marahas na binuwag gamit ang machine gun at automatic rifles. Dalawampung demonstrador ang namatay, 30 ang sugatan.

Hinarap ng 13,000  manggagawa ng Bataan Export Processing Zone (BEPZ) sa Mariveles, Bataan ang mga tangke ng army sa kanilang welga noong 1982.

Isa sa pinakaunang tumindig laban sa batas militar ang mga kapatid na Moro  sa Mindanao. Naglunsad sila ng armadong paglaban sa diktadura. Sa tindi nang ginawang operasyong militar ng mga tauhan ng diktadura sa Mindanao, mahigit sa 100,000 Moro ang tinatayang pinatay sa panahon ng batas militar.

Iilan lamang sa masang lumaban ang may pangalan sa mga aklat o naisama sa listahan ng mga bayani sa panahon ng batas militar. Pero hindi maitatwa, hindi matatawaran ang kanilang dakilang kontribusyon sa pagguhit ng kasaysayan ng paglaban sa panunupil at pang-aapi. At nakakatiyak tayo, na patuloy na titindig at lalaban ang masang Pilipino sa panunupil at pang-aapi kahit sa panahon na walang lantarang pagdeklara ng batas militar katulad sa kasalukuyan.

Pandarahas sa isa pang militanteng paglaban ng mga manggagawa ng Artex Textile Mills sa Malabon noong 1984. (Boy Bagwis)

Pandarahas sa isa pang militanteng paglaban ng mga manggagawa ng Artex Textile Mills sa Malabon noong 1984, panahon pa rin ng diktadurang Marcos. (Boy Bagwis)

Abogado Romeo T. Capulong: Mula personal tungong pambayan

$
0
0
Abogado ng bayan: Atty. Romeo Capulong o RTC. (Boy Bagwis / PW File Photo)

Abogado ng bayan: Atty. Romeo Capulong o RTC. (Boy Bagwis / PW File Photo)

Pumanaw si Atty. Romeo T. Capulong o RTC noong Setyembre 16, matapos ang matagal na pagka-confine sa Manila Medical Doctors Hospital. Ikinaluksa ng iba’t ibang organisasyong masa ang pagpanaw ng isang “abogado ng bayan” at pioneer sa public interest law, o paggamit sa batas para sa interes ng publiko, sa bansa.

Ang artikulong ito ay unang inilathala sa Pinoy Weekly (weekly print edition) noong Oktubre 18-24, 2006.

* * *

“Muntik na akong madale,” bungad ni Atty. Romeo Capulong, ad litem judge ng United Nations at tagapagtatag ng kauna-unahang Public Interest Law Center sa Pilipinas, nang dalawin namin siya sa bago nilang nilipatan. Umalis sila sa bahay nila sa Muntinlupa dahil marami nang umaaligid na mga kahina-hinala.

Nabalitaan ni Atty. Capulong (kilala rin sa tawag na RTC) na may isang “matanda” sa OB (Order of Battle) ng militar. Ang hinala niya, siya iyon o si Obispo Alberto Ramento, na di pa natatagalang pinaslang. Kapwa sila nagtaguyod sa laban ng mga welgista sa Hacienda Luisita. Si RTC ang senior legal consultant nila – at abogado rin ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines).

Pagdalaw ng peligro 

Noong Marso 7, 2006, habang nagpapahinga sa kanyang bahay sa Nueva Ecija, isang sasakyan ang huminto sa tapat. Dalawang lalaki ang nagbukas ng bintana ng sasakyan.Nakita sila ng mga barangay tanod na nagbibigay ng seguridad kay RTC. Naalarma ang mga tanod, nagkasa ng baril. Mabilis na tumalilis ang sasakyan.

Maraming taon na ang nakaraan, si RTC ay naging panauhin sa isang talk show sa RPN Channel 9. Inabangan siya ng ilang kotse sa entrada ng istasyon. Mismong mga security guard ng istasyon ang naghinala sa masamang tangka kay RTC. Umeskort sila sa abogado, gamit ang daan sa likod ng compound.

Mahirap maging abogado

Anak ng magsasaka si RTC. Minsan habang siya’y nagpapastol ng kalabaw sa gilid ng bahay ng asendero, napanood niya ang isang pagdiriwang. Nakita niya ang mga abogadong kuntodo porma at nangangastila pa. Humanga siya sa kanila. Tingin niya, ang mga taong iyon ang nakapagbibigay ng katarungan sa bayan.

Dahil laki sa hirap, nakita ng batang Capulong ang kawalan ng katarungan. Nakita niya ang pagkakahati-hati. Ang mga kaklase sa elementarya na anak ng mga asendero, malilinis, pormang-porma, samantalang siya’y yapak.

“Bakit ganoon? Bata pa lang ako, may nararamdaman na akong inhustisya sa lipunan.”

Sa hayskul, isang gurong nag-aaral ng abogasya ang naging inspirasyon niya. Itinulak din ng iba ang guro na mag-abogado siya dahil siya ay “pilosopo” at mahilig sa debate. Natuloy ang pangarap, 1951. Madali siyang nakapasok sa Unibersidad ng Pilipinas para kumuha ng pre-law dahil salutatorian siya sa hayskul. Taong 1953, nasa College of Law na siya, hanggang nakatapos ng abogasya noong 1957.

‘Mapagpasyang sangandaan’ at kamulatan

Inamin ni Atty. Capulong na mis-edukado siya lalo na sa kolehiyo. Itinuro umano sa kolehiyo ang indibidwalismo at pagtatanggol sa namamayaning kalagayan ng lipunan. “Itinanim sa aming kaisipan na ang pagiging abogado ay isang propesyon na magpapaunlad sa sarili. Na magkakaroon ka ng magarang bahay, awto at iba pa.”

Para kay RTC, ang isang abogado ay aabot at aabot sa rurok ng pagpapasya, ng “mapagpasyang sangandaan.” Nakatulong sa pagpapasya ang bilin ng kanyang ama na huwag hahawak ng mga kasong panig sa mga panginoong maylupa.

“Nagpraktis din ako ng tradisyunal na abogasya, at minsang nag-ambisyong maging kongresista. Pero dumating ang punto na kailangan kong mamili…at pinili ko ang maglingkod sa sambayanan.”

Unang nasabak si RTC sa isang asuntong kaugnay ng Republic Act 3844 (Leasehold Law), bandang 1962 sa Nueva Ecija. Batay rito, 25% na lamang ang ibubuwis ng magsasaka sa panginoong maylupa. Naghanap ng butas sa batas ang mga panginoong maylupa. Nagawa nilang mapalayas ang mga magsasaka. Si RTC ang naging abogado ng mga magsasaka.

Sabi ni Atty. Capulong, hindi uubra na wala kang pinapanigan sa pagtatanggol ng isang usapin. “Sinong human rights lawyer ang pupusta ng buhay sa mababang halaga? Hindi ka tatagal sa ganyang gawain kung hindi ka naniniwala sa iyong ginagawa,” aniya.

Pero iginiit din niyang kailangang mulat ang ipinagtatanggol ng isang abogado. “Dapat bitbit ng isang kliyente ang wastong pulitika. Kung hindi, dapat na imulat mo siya sa tamang pulitika.” Kailangan aniyang mulat ang magsasaka o ang manggagawa sa usapin para hindi natatali sa usaping legal. Para kay RTC, mahalagang ang kasong hinahawakan ay nakaugnay sa mas malawak na laban ng mga mamamayan.

Pag-unlad sa pulitika

Noong mga unang mga taon ng kanyang pagiging abogado, naging kliyente niya si Gob. Eduardo Joson, isang tradisyunal na pulitiko. Sa pag-usad ng panahon, naging kliyente naman niya si Sen. Benigno Aquino, na ayon kay Atty. Capulong ay may pagka-liberal at nakikipag-alyansa sa progresibong mga puwersa. Hanggang nitong mga huli, naging kliyente na niya si Jose Maria Sison, punong tagapayo ng NDFP.

“Masasalamin dito ang transisyon ng aking pulitika bilang aktibista at abogado ng karapatang pantao,” sabi ni RTC.

Minsan, hinarang ng mga pulis ang mga nagrali sa Balintawak. Panahon noon ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit, presidente si Fidel Ramos. Isang koronel ang nagmamando. Lumapit si Atty. Capulong sa koronel para makipagnegosasyon. Nang malaman ng koronel kung sino siya, nanlaki ang mata at nagwika, “Hindi ako puwedeng makipag-usap sa inyo. Tatawag ako ng mas mataas na opisyal!”

Minsan naman, isang abogadong pulis ang sumita kay Atty. Capulong. Sinabi ng abogadong pulis na “roving checkpoint” ang ginagawa nila. Gusto nilang halughugin ang sinasakyan nina RTC.

“Ilegal iyan,” sabi ni Atty. Capulong.

“Legal ito ayon sa Korte Suprema,” pakli ng abogadong pulis.

“Legal kung mapapatunayan mo na ang APEC Summit ay isang state of emergency – dahil  ang roving checkpoint ay legal lamang sa panahon ng state of emergency.”

Natameme ang pulis.

‘Sa bawat kasong hawakan ko…”

Sa kabila ng mga banta sa buhay, walang planong tumigil si RTC sa paglilingkod sa taumbayan. “At kapag ikaw ay inaatake, atakehin mo rin.” Ito ang isa sa kanyang paninindigan sa harap ng pandarahas. “Nagsu-survive angt mga lumalaban habang ang mga nananahimik ay napapahamak.”

“Kung tutuusin, dekada ’80 pa, patay na ako. Hinahawakan ko noon ang mga kaso ng mga nangungunang komunista tulad nina Jose Maria Sison at iba pa. Pero narito pa rin ako at buhay na buhay,” aniya. Kahit magpipitumpu’t dalawang taon na si RTC, hindi siya magreretiro dahil walang ganoon sa abogado ng bayan.” Aminado siya, gayunman, sa mga pisikal na limitasyong dulot ng edad.

“Naglilingkod tayo dahil alam natin na iyon ang dapat gawin. Isinabuhay natin ang makabuluhang buhay, bagaman maaaring hindi ko makikita sa aking lifetime ang tagumpay ng ating ipinaglalaban – isang lipunang may katarungan, kapayapaan at tunay na demokrasya.”

“Sa bawat kasong hawakan ko, alam kong nailalantad ko ang kabulukan, naigigiit ang paglaban. Isa pa, may tiwala ako sa masa. Sila ang huhubog sa kinabukasan.”

Kabataan humiling ng sapat na badyet sa edukasyon, sa ika-40 anibersaryo ng batas militar

$
0
0
Simbolo ng pag-abandona sa edukasyon ng administrasyong Aquino ang kabaong na bitbit ng mga kabataang estudyante sa martsa ng mga ito patungong Mendiola noong Setyembre 21, araw ng ika-40 anibersaryo ng batas militar. (Gregorio Dantes Jr.)

Simbolo ng pag-abandona sa edukasyon ng administrasyong Aquino ang kabaong na bitbit ng mga kabataang estudyante sa martsa ng mga ito patungong Mendiola noong Setyembre 21, araw ng ika-40 anibersaryo ng batas militar. (Gregorio Dantes Jr.)

Kulminasyon ang martsa sa Mendiola ng isang linggong protesta ng kabataang estudyante mula sa iba't ibang kolehiyo at pamantasan sa Metro Manila. (Darius Galang)

Kulminasyon ang martsa sa Mendiola ng isang linggong protesta ng kabataang estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at pamantasan sa Metro Manila. (Darius Galang)

Bumulwak sa kalsada patunging Mendiola, Manila ang libu-libong kabataang estudyante para iprotesta ang anila’y di pa rin pagprayoritisa ng administrasyong Aquino sa sektor ng edukasyon. At nagmartsa sila sa mismong araw ng pagbabalik-tanaw sa isa sa pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa – ang ika-40 anibersaryo ng batas militar ng diktadurang Marcos.

Nagprotesta ang mga estudyante dahil sa plano umano ng administrasyong Aquino na unti-unting talikuran ang tungkulin nito sa edukasyon. Nangyayari na umano ito sa pamamagitan ng pagkaltas sa badyet ng State Universities and Colleges (SUCs), pagdagdag sa matrikula at iba pang singilin sa kolehiyo, panunupil sa mga estudyanteng tumututol sa direksiyong tinatahak ng administrasyon at ang tinaguriang Road Map on Public Higher Education Reform.

Laman ng naturang road map ng administrasyong Aquino at Commission on Higher Education ang tuluyang pagbitiw sa pag-aloka ng sapat na badyet sa SUCs at sektor ng edukasyon sa taong 2016 at pagtulak sa SUCs na maging self-sufficient sa pamamagitan ng komersalisasyon.

Ngayon pa lamang, anila, nararamdaman na ng SUCs ang epekto ng pagtutulak ng gobyerno na ikomersalisa ang edukasyon. Kasama na rito ang mga pagbabago sa bracketing ng iskemang socialized tuition sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa iskemang ito, ayon sa Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (Stand-UP), mistulang kinakailangang patunayan ng estudyante na mahirap siya bago siya bigyan ng diskuwento sa matrikula. Nasa P1,000 kada yunit ang matrikula sa UP Diliman, pero ang ilang estudyanteng sinasabing bahagi ng “millionaires’ bracket” ay pagbabayarin ng P1,500 kada yunit.

Sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) naman, pinalitan ng mga estudyante ang pangalan ng kanilang paaralan sa main gate na “People’s University of the Philippines.” Nais nila bigyan-diin na kailangang manatiling nagbibigay ng edukasyong pambansa, siyentipiko at maka-masang ang pamantasan. Nagprotesta rin ang mga mag-aaral mula sa PUP College of Nutrition and Food Science laban sa merging ng mga kolehiyo sa kanilang unibersidad.

Mga estudyante mula sa UP sa Diliman at Manila, gayundin sa PUP, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (Earist), at maging private universities tulad ng University of Sto. Tomas ang lumahok sa tinaguriang strike week ngayong nakaraang linggo.

Sinimulan ang pagkilos sa pamamagitan ng isang programa upang hikayatin ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo na makiisa sa malawakang walk-out ganap na alas-11:30 ng umaga.

Mapagmatyag sa protesta

Noong Setyembre 19, nagpatuloy naman ang protesta sa kabila ng masamang panahon.

Dinaluhan ng mga delegado mula sa mahigit sampung eskuwelahan sa Metro Manila ang private school caucus sa De La Salle College of St. Benilde upang talakayin ang kasalukuyang estado ng kabataan sa ilalim ng administrasyon Aquino.
Kabilang sa mga dumalo ang Far Eastern University, University of the East, University of Sto. Tomas, DeLasalle University, College of St. Benilde, San Beda College, Philippine Womens University, STI Taft, New England College at marami pang iba.

Tampok sa mga naging usapin ang walang puknat na pagtaas ng matrikula at ang pagiging inutil ng pamahalaan upang pigilan ito. Nagkaroon din simbolikong protesta matapos ang programa ng mga mag-aaral.
Sa UP Diliman, nagpatuloy ang barikada kaugnay ng kampanyang ibasura ang Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) at irolbak ang kanilang matrikula. Kinondena naman ng CEGP Visayas sa pangunguna ni CEGP Vice President for Visayas Karl Doceo ang lumalalang paglabag sa karapatang pantao at militarisasyon sa bansa.
Ayon kay Doceo, “Walang pinagkaiba ang administrasyong Arroyo at Aquino. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring nakakaranas ng military harassment ang marami sa mga lider estudyante at mamamahayag pangkampus.”

Patuloy pa rin umanong nangunguna ang Armed Forces of the Philippines pagdating sa paglabag sa karapatang pantao. Ayon sa datos ng Karapatan, 99 na extrajudicial killings at 11 kaso ng sapilitang pagdukot na ang naitatala sa mahigit dalawang taong panunungkulan ni Aquino.

40 taon makalipas: Batas militar nagpapatuloy

$
0
0

Muling binagtas ng mga aktibista ng dekada sisenta at otsenta ang daan patungong tulay ng Mendiola sa Maynila para muling gunitain ang malagim na kasaysayan ng deklarasyon na batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972.

Marami sa kanila, mga lumaban sa diktadurang Marcos at ang ila’y naging biktima ng paglabag ng karapatang  pantao noong panahong iyon.

Sa pangunguna ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, protesta ang pamamaraan ng paggunita ng mga aktibista sa batas militar. Anila, nananatili pa kasi sa bansa ang legacy ng diktadura.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin umano ang pag-iral ng batas militar bagamat hindi klarong nakikita.  Sinabi ng grupo na tulad noong umiiral pa ang batas militar, laganap pa rin ang paglabag sa karapatang pantao tulad ng ilegal na pag-aresto at detensiyon sa mga kritiko ng gobyerno at lumalaban para sa pagbabago. Laganap pa rin ang tortyur, pagdukot at pagkawala, ekstra-hudisyal na pamamaslang, pambobomba at hamletting sa mga komunidad, ebakwasyon at paglaganap at paggamit sa mga para-militar na grupo.

Samantala, sa hiwalay na paggunita ng Pangulong Aquino sa batas militar binatikos nito ang mga paglabag ng militar noon, at sinabing hindi nito umano papayagang umiral muli ang batas militar.

Nagsabit ng mga larawan ng mga biktima ng karapatang pantao noong panahon ng batas militar ang mga aktibista. (Darius Galang)

Nagsabit ng mga larawan ng mga biktima ng karapatang pantao noong panahon ng batas militar ang mga aktibista. (Darius Galang)

Nanawagan ang mga aktibista kay Aquino na “tularan ang kanyang amang si dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr.” na lumaban sa tiraniya. Magagawa umano ito ni Aquino sa pamamagitan ng pagbigay ng hustisya sa mga martir at biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao, noon at ngayon.

“Nakakahiya ang pagpuna ni Pangulong Aquino kay Marcos at sa Martial Law, dahil ang mga sinabi niya sa kanyang talumpati ay parehong nangyayari sa ilalim ng kanyang gobyerno. Wala nga lang ng pormal na deklarasyon ng batas militar,” pahayag ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Sinabi pa ni Palabay na “nakakatawang pakinggan” si Aquino na tutol sa mga checkpoint noong batas militar samantalang laganap ngayon ito lalo na sa mga kanayunan.

Kahit umano ang ginawang pag-aresto ni Marcos sa mga aktibista at kritiko noon ay nagaganap pa rin sa kasalukuyan.

“May 385 bilanggong pulitikal ngayon, at 170 ang inaresto sa loob ng dalawang taong panunungkulan niya,” sabi ni Palabay. Pero sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Edwin Lacierda, dati nang itinanggi ni Aquino na may mga bilanggong pulitikal sa kanyang panunungkulan – tulad ng pagtanggi din noon ni Marcos.

Tulad din umano noon, laganap din ang pamamaslang na “salvaging” ang turing at extra-judicial killings  naman ngayon.

Sa tala ng Karapatan, mahigit 100 na ang biktima ng EJKs sa dalawang taon ni Pangulong Aquino.

“Parehong Armed Forces of the Philippines at grupong mga paramilitar ang mga salarin,” ani Palabay.  Inihalimbawa niya ang pagpaslang sa isang lider-katutubo sa Agusan del Sur nito lamang Setyembre 13.  Binaril at pinahirapan hanggang sa mapatay umano ng mga mga sundalo at paramilitar si Genesis Ambason, 23-anyos na aktibo sa kampanyang pagtutol sa komersiyal na pagmimina sa kanilang lugar.

Ayon sa grupo, hindi sapat na hustisya ang mga papuri at pag-aalay ng mga bulaklak para sa mga martir na nag-alay ng kanilang buhay sa paglaban sa diktadurang Marcos at sa batas militar.

Pag-alala sa batas militar

Para sa mga mamamayang Moro, tila batas militar pa rin ang nagaganap sa kanilang mga lugar. Hanggang sa kasalukuyan, nakakulong pa rin ang daan-daang Moro na political prisoners -- marami sa kanila'y taong 2001 pa nakakulong. (Darius Galang)

Para sa mga mamamayang Moro, tila batas militar pa rin ang nagaganap sa kanilang mga lugar. Hanggang sa kasalukuyan, nakakulong pa rin ang daan-daang Moro na political prisoners — marami sa kanila’y taong 2001 pa nakakulong. (Darius Galang)

Para sa mga aktibista at beterano ng pakikibaka noong batas militar, malinaw ang mapait na aral na iniwan nito, gayundin ang maningning na pakikibaka ng sambayanan para pabagsakin ang diktaduryng Marcos na suportado ng gobyerno ng US.

“Bigo ang mga nakaraang rehimen pagkatapos ni Marcos, mula sa unang rehimeng Aquino hanggang sa kasalukuyang rehimeng Aquino. Wala pa ring hustisya para sa mga biktima ng batas militar. Apatnapung taong walang hustisya. Kahit ang indemnification bill para sa mga biktima, nakabitin pa rin sa Kongreso,” ani Carol Araullo, tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at dati rin bilanggong pulitikal noong batas militar.

Sinabi ni Araullo na walang ipinapakitang interes ang pangulo na mabigyan ng katarungan ang mga biktima.

Isa sa mga muling nagmartsa ang batikang direktor na si Bhen Cervantes na nagsabing hindi dapat kalimutan ang batas militar at mga martir sa panahon na ito.  “Hindi natin dapat kalimutan na pinatay si Lean Alejandro noong 1987, samantalang nais naman maging pangulo ni Bongbong Marcos,” sabi ni Cervantes.  Inalala ni Bhen Cervantes na apat na beses siyang inaresto at ikinulong noon at kabisado na niya ang ABC (Aguinaldo, Bicutan at Crame). Ilan lang ito sa mga detention center na nagsilbing piitan ng mga bilanggong pulitikal noon na ayon sa isang nabilanggo din at ngayon ay propesor sa University of the Philippines na si Judy Taguiwalo, aabot sa 70,000 ang naaresto at nakulong.

Giit nila na wala pa rin hustisyang nakakamit ang mga biktima ng batas militar,  kahit nagsampa ng isang class suit laban kay Marcos ang aabot sa sampung libong biktima.  Bukod kasi sa hindi nasaklaw ng class suit ang lahat ng biktima, marami pa ang naalis sa listahan ng orihinal na complainant sa class suit ng ibigay ang danyos noong nakaraang taon. Sinabi din nila na namamayagpag at nakabalik na sa poder ang pamilyang Marcos, samantalang ang mga biktima ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya.  “Nasaan na ang Marcoses? Nasa poder pa rin sila at wala pa ring hustisya,” ani Taguiwalo.

“Mangangampanya ako laban kay Bongbong Marcos,” pahayag sa midya ni Cervantes patungkol sa planong pagkandidato bilang pangulo ng anak ni dating Ferdinand Marcos.

Kasabay ng paggunita,  hindi rin umano dapat kalimutan ang pag-iral ng malagim na bahagi ng kasaysayan, dahil hindi pa umano nakakamit ang hinahangad na tunay na pagbabago kaya naman tuloy pa rin ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino. Pinaalalahanan din ng mga beterano ng pakikibakang anti-diktadurya na kailangang ipaalam at ituro sa mga susunod na henerasyon ang tunay na kuwento ng batas militar.

“Ang mapait na aral at dakilang pakikibaka ng sambayanan para pabagsakin ang diktaduryang US-Marcos ay dapat na maituro sa mga susunod na henerasyon,” ani Araullo.

Cybercrime Prevention Act, seryosong banta sa karapatan sa pamamahayag

$
0
0
Roundtable discussion ng mga miyembro ng midya na inisponsor ng National Union of Journalists of the Philippines at Philippine Press Institute. (Lito Ocampo/NUJP)

Roundtable discussion ng mga miyembro ng midya na inisponsor ng National Union of Journalists of the Philippines at Philippine Press Institute. (Lito Ocampo/NUJP)

Buwan ng Setyembre ang nagpapaalala sa atin sa pagkakasilang ng Batas Militar ni dating Presidente Ferdinand Marcos. Ang panahong ito ang isa sa pinakamalagim sa kasaysayan. Libu-libo ang pinaslang, dinukot, ipinakulong at kinitil ang kanilang karapatan sa kalayaang magpahayag, 40-taon na ang nakakaraan.

At muli nitong Setyembre isang batas ang pinirmahan ni Pang. Benigno Aquino III na nagbigay hudyat sa tinaguriang “e-Martial Law”: Inaasahang kikitil ito sa kalayaang magpahayag sa internet at higit na magpapalala sa kasalukuyang panunupil sa pundamental na mga karapatan ng mga mamamayan.

Inaasahan ding magpapalimita ito sa karapatan ng mga mamamayan na makakuha ng impormasyon at magbigay ng opinyon – laluna kung marami naman talagang dapat batikusin sa kasalukuyang kaayusan. Nangyari na ito noong panahon ng batas militar at ng nakaraang mga rehimen; nangyayari ito ngayon.

Nakakalasong probisyon

Noong unang linggo ng Setyembre pinirmahan ni Aquino ang Republic Act No. 10175 na naglalayong mas paigtingin ang kasong libelo online o sa internet.

Ipinaliwanag ni Jose Jesus Disini, abogado, eksperto sa mga batas na may ugnay sa information & communication technology (ICT) at propesor sa UP College of Law, maraming probisyon sa batas na ito na masasabing mapanganib sa karapatan sa malayang pamamahayag ng mga mamamayan. Sinabi niya ito sa isang roundtable discussion hinggil sa naturang batas na inisponsor ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at Philippine Press Institute (PPI).

Paliwanag din ni Maria Cristina Yambot, abogado mula sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), “The law infringes and violates our basic rights and therefore must be struck down as unconstitutional,” ayon kay Yambot.

Nakakabahala umano hindi lang ang marami sa mga probisyon ng batas – pati ang framework ng banta ng parusa sa pagpapahayag (prior restraint). Isa sa pinakaunang napansing problema sa naturang batas ang Section 6 at Section 7, na may kaugnayan din sa Section 19.

Nakasaad sa Section 6 na isang degree higit pa sa kasalukuyang parusa sa Revised Penal Code (minimum ng anim na buwan) ang parusa sa kasong libelo. Ibig sabihin, maaaring makulong ang isang tao ng anim hanggang 10 taon kung mapapatunayang may libelous itong nilabas na online content, ayon kay Disini.

Sa ganito balangkas, hindi na rin mabibigyan ng probation ang may hatol na libelo sa unang conviction dahil higit na ito sa anim na taon.

Because you bridged the six-year period you are not entitled to probation in which case prosecution for libel is conducted under the Cybercrime Act, you will definitely go to jail. You cannot apply for probation,” paliwanag ni Disini.

Pinalalala pa ito ng Section 7, na nagsasabing maaaring parusahan ka sa libelous content hindi lamang sa ilalim ng RA 10175, kundi kahit sa Revised Penal Code. Ibig sabihin, ani Disini, puwedeng magkasabay na parusahan ka sa dalawang batas – at magkahiwalay na ipataw ang mga parusa sa iisang “kasalanan.”

So you are prosecuted for the 6 months to 4 years in the Revised Penal Code and then you are prosecuted under 6 years to 10 years under the cyber crime act at the same time. The range becomes much higher and it is a double conviction. That’s problematic because it violates the law in double jeopardy. And certainly it creates and chilling effect,” aniya.

Higit na nakakabahala para kay Disini ang Section 19. Ito ang tinawag niyang “take down provision” ng batas: Binibigyan nito ng kapangyarihan ang kalihim ng Department of Justice na mag- utos para i-block ang content ng isang artikulo sa internet o i-block o tanggalin ang buong site nito dahil lamang sa “prima facie finding” o sa unang tingin pa lamang ng kalihim.

What is troubling about Section 19 is that there are no limitations to that power. It doesn’t say that the take down order is only valid for 10 days or 20 days or 30 days. It is a permanent order. Second, there is no requirement on the part of the Department of Justice to follow up the data on order let’s say a criminal prosecution. Meaning it begins and ends with this prima facie finding of a probable violation of the Cybercrime Act. So it is troubling because at any content it can be immediately taken down,” paliwanag ni Disini.

Walang kailangang pagrebyu ng isang korte ang naturang desisyon. Kahit man lang ang karapatang paharapin sa DOJ ang inaakusahan para depensahan ang sarili, wala sa batas. “They don’t need due process. They can on the basis of the complaint, take down the content. Since the bar is very low, it is really almost discretionary on the secretary of justice whether or not to take down the content,” sabi pa niya.

Masahol din ang nilalaman ng Section 12 na nagbibigay kapangyarihan sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police na kumuha ng real time traffic data.

Ang traffic data ay monitoring ng datos sa komunikasyon, maliban sa komunikasyon mismo o content nito. Sa kaso ng mobile communications, maaaring malaman kung sino ang tumawag, tinatawagang numero, kailan at anong oras naganap ang pag-uusap, gaano katagal ang tawag, at ganoon din halos sa text messages. Sa internet, maaaring kunin na ang NBI o PNP ang datos tulad ng kung sinu-sino ang bumibisita sa mga website na naglalaman ng mga batkios sa gobyerno.

Wala rin pagpigil sa kung gaano karaming datos ang maaari lamang kunin o kung kailan mangungulekta na nangangahulugan.

You know the identity of the person; in effect you have put that person under surveillance – all without a warrant, all without any complaint from anyone, just as part of right that authority given to PNP and NBI. If they have data base or directory of cell phone number of journalists, they can now find out who is talking to if they have real time traffic data,” paliwanag ni Disini.

Aniya pa, nakakabahala ito dahil wala sa kasaysayan ng batas sa Pilipinas na ito ay pinahintulutan kahit sa pagkakapasa ng Human Security Act ng Kongreso.

Kahit kung terorista kaya, may karapatan ka sa batas na maprotektahan ang iyong privacy. Kailangan mo muna makakuha ng order mula sa Court of Appeals bago makalkal ang pribadong impormasyon hinggil sa iyo. Pero sa kaso umano ng RA 10175, sinuman ay bulnerable sa paniniktik kahit walang korte na umuutos.

Batas ni Aquino, responsabilidad ni Aquino

Para kay Tonyo Cruz, kilalang blogger, malaki ang responsabilidad at pananagutan ni Aquino sa pagiging batas nito taliwas sa paghuhugas kamay ng Malakanyang.

The responsibility of the Congress ended when the bill is transmitted to the Office of the President for whatever action it wishes to take… President Aquino instead, knowingly, signed this bill into law. This is already his law. This is an Aquino law. And no amount of sophistry and duplicity coming from Malacanang could erase the responsibility and liability of the President regarding this clear and present danger to the expression of the country,” ayon kay Cruz.

Ayon naman kay Kabataan Rep. Raymond Palatino, may malisya kung bakit siningit nila nitong taon lang ang Section 19, gayundin ang Section 4 C4 hinggil sa libelo.

“Walang benefit ng public discussion. Walang benefit ng public hearing. Baka nga ’yung co-authors nito hindi alam ang Section 19. They have to explain. They merely inserted it sa bicam (bicameral committee),” ayon kay Palatino.

The fact is, we were never consulted. This was done so fast like the Data Privacy Act,” ayon kay Malou Mangahas, executive director ng Philippine Center for Investigative Journalism.

Sinisisi naman ni Palatino ang bicam sa pagkakadagdag ng Section 19 at Section 4 c4. Aniya, lumalabas na tatlo ang houses: Lower House, Senado at ang bicam – at ang bicam ang pinakapangyarihan. Nagagawa nitong idagdag kung ano ang gusto nila at tanggalin kung ano man napagdiskusyunan sa komite sa Kongreso o sa plenaryo.

Dagdag pa ni Palatino, “When they inserted libel, when they inserted Section 19, they know what they are doing. Alam nila kung ano ang magiging kapangyarihan nila kapag ininsert nila ang provision na yan.”

The issue is no longer why the Congress made such a stupid law, why the congress made such an unconstitutional bill; it is why President Aquino failed to uphold the constitution by vetoing the bill,” dagdag naman ni Cruz.

Hindi negotiable

Bagamat kinikilala ng mga mamahayag na may mga krimen sa internet tulad ng child pornography at cyber sex, hindi umano ang Cybercrime Prevention Act ni Aquino ang sasagot dito, at lalong hindi dapat ilebel dito ang kalayaang magpahayag.

Free expression cannot be put in the same category, as let us say identity theft or cyber sex. Those are different categories all together. As far as rights are concerned, I think we should affirm that free expression is a fundamental right and it is an important right. It is critical to democratic discourse and without that everything goes to hell,” ayon kay Prop. Luis Teodoro, deputy director ng Center for Media Freedom and Responsibility.

Ayon kay Mangahas, may mga bagay na hindi negotiable tulad ng pundamental na karapatan ng mga mamamayang magpahayag.

Dagdag din ni Teodoro,  “While we do recognize that abuse happens not only in the old media but even more prominently in the new media, free expression is something that we cannot allow to be the subject of legislation…”

Pagtatapos niya, hindi batas ang dapat na sagot sa mga abuso sa midya kundi pagpapaliwanag sa kaisipan ng mga nasa midya at mga tumatangkilik nito.

Karahasan at kapabayaan sa mga batang Pilipino

$
0
0
Ipinanawagan ng mga tagatagyod ng karapatan ng mga bata na bigyang proteksiyon ang mga bata.  Nasa ibabang bahagi ng larawan ang dalawang batang biktima ng pang-aabuso ng militar sa Mindanao. (Macky Macaspac)

Ipinanawagan ng mga tagataguyod ng karapatan ng mga bata na bigyang proteksiyon ang mga bata. Nasa ibabang bahagi ng larawan ang dalawang batang biktima ng pang-aabuso ng militar sa Mindanao. (Macky Macaspac)

Matindi ang epekto ng serye ng mga pagdemolis sa maralitang mga komunidad sa Metro Manila sa mga bata.

Ito ang sinabi ng isang grupo ng mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata, sa isang press conference kamakailan, matapos ang sunud-sunod na mararahas na demolisyon sa mga maralitang komunidad tulad ng sa Fort Bonifacio, Pasay at Guatemala, Makati nitong nakaraang linggo.

Sa naturang presscon, sinabi ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns na ang mga maralitang komunidad na nademolis ay larawan lamang ng kabuuang kalagayan ng mga bata at kanilang mga pamilya sa buong bansa.

“Pabaya si Pangulong Aquino sa karapatan at kagalingan ng mga batang Pilipino,” ani Melissa San Migeul, tagapagsalita ng Salinlahi.

Sinabi pa ng grupo na hindi alintana ng administrasyong Aquino ang kalagayan ng mga bata at “ibinabaon” ng administrasyon ang mga bata at kanilang pamilya sa kahirapan at inilalagay pa sa panganib ang kanilang kinabukasan.

Tinukoy ni San Miguel ang mga patakarang sa ekonomiya na ipinapatupad ng administrasyong Aquino tulad ng Public Private Partnership (PPP).

“Sa ilalim ng PPP, magpapatuloy ang pagpapaalis sa mga komunidad ng mga maralita para bigyang daan ang mga malalaking negosyong dayuhan habang inaabandona naman ng gobyerno ang responsabilidad nito na magbigay ng sapat na serbisyo sa mga bata tulad ng edukasyon at kalusugan,” ani San Miguel.

Idinagdag pa niya na larawan ng kapabayaan ng gobyerno na mapabuti ang kalagayan ng 94 milyong Pilipino ang bilang na 3.8 milyong pamilyang nagugutom. “Hindi nakaligtas ang mga bata sa gutom at sa araw-araw na kasalatan, dahil patuloy na lumulubog ang kabuhayan ng kanilang pamilya,” aniya.

Pantapal na solusyon

Kinontra naman ng Gabriela ang mga programang pangkabuhayan ng gobyerno para sa mga maralitang bata at kanilang pamilya, tulad ng Conditional Cash Transfer (CCT) na nakapaloob sa programang Pantawid Pamilyang Pilipino o 4Ps. Layunin lamang daw nito na makahabol sa target ng gobyerno para sa Millineum Development Goals na itinakda ng United Nations (UN).

“Hindi nabibigyang solusyon ng CCT ang kalagayan ng mga bata. Gasino na lang ang bilang ng  mahihirap na naabot nito kumpara sa milyon-milyong mahihirap,” sabi ni Gert Ranjo-Libang, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Gabriela. Sinabi pa ni Libang na mas maraming pamilya ang sinasalanta ng mga programa ng gobyerno tulad ng pagsasapribado ng batayang mga serbisyo.

“Idagdag pa ang mga demolisyon sa mga maralitang nasa lungsod at militarisasyon naman sa mga  kanayunan,” aniya.

Sinabi pa ng naturang lider-kababaihan na manunumbalik din ang 3,041,152 pamilyang naabot ng gobyerno sa programang 4Ps dahil pansamantala o pantawid lamang ang programa. “Kapag natapos ang programa, manunumbalik ang kahirapan ng mga benepisyaryo,” sabi ni Libang.

Isinisisi ng lider-kababaihan ang kawalan ng malinaw at sustenidong pagbabago sa mga patakarang ipinapatupad ng gobyerno hinggil sa pag-ahon sa kahirapan ng mga mahihirap na pamilya.

“Dumarami nga ang bilang ng mga walang trabaho, kasabay naman nito na lumalaki ang bilang ng mga batang napipilitang magtrabaho dahil sa kahirapan at para makatulong sa pamilya,” ani Libang.

Sa pinakahuling tala ng National Statistics Office noong Oktubre 2011, aabot na sa 5.49 milyon ang mga batang manggagawa na may edad lima hanggang 17. Karamihan umano’y nasa sektor ng agrikultura at ang iba’y nasa mapanganib na trabaho tulad ng pagmimina, quarrying, pabrika, konstraksiyon at maging sa prostitusyon.

“Apat sa sampung batang manggagawa ay batang babae,” sabi ni Libang.

Karahasan sa mga bata

Idinagdag pa ng Salinlahi na dahil sa kabiguan ng gobyernong lunasan ang kahirapang nararanasan ng mga bata at kanilang pamilya, ilan sa mga bata ang nagiging bulnerable sa paggawa ng krimen o di nama’y nagagamit ng mga sindikato.

Ngunit lalong nadidismaya ang mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata sa pagtatangkang amyendahan ang batas na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o RA 9344.

Nitong Hunyo 2012, ipinasa na sa Kongreso ang panukalang batas na nag-aamyenda sa Republic Act 9344, pinababa ng House Bill 6052 ang edad ng criminal liability. Ayon sa grupo, hindi umano makakatulong sa mga batang lumabag ang pagbabago sa batas.

“Hindi malulutas ng pagpapababa sa edad mula 15 taong gulang patungong 12 ang problema,” ani San Miguel. Sinabi rin niya na hindi lubusang naipatupad ang RA 9344 dahil na rin sa kawalang badyet na inilaan kaya nabigo itong tulungan ang mga batang nagkasala sa batas.

Maliban sa mga batang nasasadlak sa maagang pagtatrabaho, nawawalan ng tirahan dahil sa kabi-kabilang demolisyon at mga batang nasasangkot sa krimen. Hindi rin umano nabibigyang proteksiyon ng gobyerno ang mga bata sa malalayong  mga lugar sa kanayunan. Marami umanong mga bata ang nagiging biktima ng paglabag sa karapatang pantao dulot ng matinding operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Patuloy umanong nagsisinungaling ang gobyerno hinggil sa kalagayan ng karapatang panatao.

“Maraming BI (bad influence) sa mga bata. Sinasabi natin sa mga bata na huwag magsinungaling, pero ang gobyerno’y nagsisinungaling hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Sinabi ni Palabay na kasinungalingan ang sinasabi ng gobyerno sa internasyunal na komunidad na ginagawan ng kongkretong aksiyon ang paglutas sa mga extra-judicial killings at hindi pinapayagan ang culture of impunity o kultura ng kawalang pananagutan. Kamakailan, nakipag-diyalogo si Sek. Leila de Lima ng Department of Justice o DOJ sa ilang mambabatas at grupo ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa US.

Sabi ni De Lima, sinsero raw ang gobyerno sa paglutas sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, bagamat kailangan pang pahusayin ang bilang ng convictions.

Pero para sa Karapatan, lumalala ang kultura ng impunity na mapapatunayan ng mga biktima.  Dagdag pa ni Palabay, habang nagsisinungaling ang gobyerno sa ibang bansa’y nagpapatuloy daw ang paglabag sa karapatang pantao.

“Noong isang linggo lang, binaril at tinortyur hanggang sa mapatay si Genesis Ambason, isang lider-katutubo sa Agusan del Sur,” aniya.

Ayon sa Karapatan, si Ambason ang ika-112 biktima ng EJK sa ilalim ni Pangulong Aquino. Hindi rin nakaligtas ang mga bata na maging biktima ng pamamaslang, dahil siyam ang naitala ng grupo kasama na ang tatlong batang napaslang sa kasagsagan ng operasyong militar sa Maguindanao noong Agosto.

Maliban pa rito ang mga batang napilitang lumikas kasama ng kanilang mga pamilya dahil sa matinding operasyong militar. Sinabi ni Palabay na karamihan sa 112 na kaso ang nakabinbin sa lebel ng prosekusyon o sa mga korte.

Paniwala ng grupo, nagbubulid umano ng kasinungalingan ang gobyerno para maging makatuwiran ang tulong-pinansiyal ng US para sa militar na aabot sa $13-Milyon.

Kasama sa press conference ang dalawang batang mula sa North Cotabato na inaresto umano at ginawang giya ng mga sundalo sa kanilang operasyon laban sa mga rebeldeng New People’s Army. Nandoon rin ang isang pamilya na galing sa Quezon na lumikas dahil sa takot sa militar.

Haharap sila sa isang kumperensiya ng child rights advocates sa Oktubre 2, bilang paggunita sa buwan ng mga bata.

Pag-aaklas kontra Cybercrime Law, offline at online

$
0
0
Kasama ng kabataan at iba pang netizens na nagprotesta sa Korte Suprema maging ang mga magsasaka mula sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. (Ilang-Ilang Quijano)

Kasama ng kabataan at iba pang netizens na nagprotesta sa Korte Suprema maging ang mga magsasaka mula sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. (Ilang-Ilang Quijano)

Umepekto na ang CyberCrime Prevention Act of 2012 pagpatak ng alas-12 ng umaga ngayong Oktubre 3, pero lalong tumindi naman ang buhos ng pagbatikos dito ng netizens, o mga mamamayang nasa Internet.

Bumuhos ang paggamit ng hashtags na #junkcybercrimelaw, #notocybercrimelaw at #iamnotacriminal, at iba pa, sa Twitter at maging sa Facebook, para labanan ang bagong batas na naglilimita at nagpapataw ng parusa sa sinumang lumabag sa batas gamit umano ang computer at iba pang elektronikong gamit.

Pinangangambahan ng netizens na gagamitin ng gobyerno ang Cybercrime Act para supilin o kontrolin ang mga bumabatikos dito sa Internet. Sinabi nilang mistulang deklarasyon ng “E-Martial Law” ang naturang batas.

Gamit ang mga meme, patawang hirit, larawan at iba pa, ipinakita ng netizens na hindi umano sila patatahimik sa kabila ng implementasyon ng batas.

“Wala tayong dahilang matakot. Hindi naman tayo ang nagpapatay sa mga nakawelgang manggagawang bukid sa Hacienda Luisita. Hindi naman tayo ang kumakanlong kina Arroyo at Palparan. Hindi naman tayo ang nahulihan ng AK47 sa loob ng kotse. Hindi naman tayo ang nagpahalughog sa condo ni Sec. Robredo.

“Hindi naman tayo ang kakampi ng ganid na kartel sa langis at dayuhang kompanya sa pagmimina. Hindi naman tayo ang nagpapabansot sa sahod ng mga manggagawa. Hindi naman tayo ang nagpautang ng 1bilyon dolyar sa IMF habang nagugutom 80% ng Pilipino. Hindi naman tayo ang kaalyado ng mga promotor ng martial law. Hindi naman tayo ang natutulog sa pansitan habang binabagyo at nalulunod ang taumbayan.Wala tayong dapat ikatakot. Sila ang dapat na matakot sa atin,” ayon sa mahabang status message ni Randy Evangelista, isang aktibista.

Makabagong plakard, gamit ang iPads at tablets. (Ilang-Ilang Quijano)

Makabagong plakard, gamit ang iPads at tablets. (Ilang-Ilang Quijano)

Para kay Prop. Luis Teodoro, dating dekano ng mass communication sa UP at kolumnista sa Business World, masasabing ito na ang pinakamalupit na banta sa karapatan sa pagpapahayag (“worst assault on free expression”) magmula nang magdeklara ng batas militar ni Marcos noong 1972.

Nakiisa ang ilang websites sa pagprotesta, sa pamamagitan ng pag-blackout ng kanilang sites, tulad ng ginawa ng Interaksyon.com, UP College of Mass Communication, at iba pa.

Protesta offline

Tumugon naman sa panawagang magprotesta ang netizens sa harap ng Korte Suprema noong Oktubre 2 para ibasura ang Cybercrime Law o maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Kataas-taasang Hukuman.

Daan-daang bloggers, mga gumagamit ng social media, mamamahayag, manunulat, litratista, manggagawa, kabataan, maralita, at iba pang sektor ang lumahok sa protesta. Pero natapos ang araw, tumanggi ang Korte Suprema na maglabas ng TRO laban sa naturang batas.

Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at iba pang militanteng grupo ang protesta.

“Mas marami pang karapatan ang suspected terrorists kaysa sa atin. Nananawagan ako na magbuo tayo ng mga koalisyon at alyansa, na umaksiyon both online at offline,” bahagi ng talumpati ni Tonyo Cruz, isang tanyag na blogger.

"Huwag ikriminalisa ang kritisismo!" Ito ang laman ng isang plakard ng Pinoy Weekly sa protesta sa Korte Suprema noong Oktubre 2. (Ilang-Ilang Quijano)

“Huwag ikriminalisa ang kritisismo!” Ito ang laman ng isang plakard ng Pinoy Weekly sa protesta sa Korte Suprema noong Oktubre 2. (Ilang-Ilang Quijano)

Sinabi naman ng artist na si Marlene Aguilar, “Mas marami pang kriminal sa gobyernong Aquino kaysa sa Internet.”

Kasama sa nagprotesta ang mga kabataan na may suot na maskara ni Guy Fawkes, isang rebelde sa Inglatera na pinasikat ng pelikulang “V For Vendetta.” Sa panayam sa kanila ng Pinoy Weekly, sinabi nilang unang beses nilang lumahok sa protesta at nahikayat na magprotesta dahil sa banta sa kanila ng naturang batas.

“Kahit hindi kami magkakakilala, iisa lang ang aming gusto: anonymity at kalayaan,” sabi ng isa, na tumangging magpakilala.

Sinabi naman ng isang kasamahan nila na “sila-sila lang” sa gobyerno ang makikinabang sa Cybercrime Law. “Iba yung sinasabi ng gobyernong Aquino sa kanyang ginagawa. Sabi niya noong kanyang kampanya, ipapasa niya ang Freedom on Information Act. Pero heto ngayon ang ipinasa niya, isang batas na lalo pang magre-restrict sa kalayaan sa impormasyon.”

“Nakakatuwa na nandito kami, na hindi kami isa sa mga walang pakialam,” sabi pa ng isa.

Kasama sa mga netizen na unang beses na nakalahok sa kilos-protesta si Ian Cabonce, na kumuha ng litrato gamit ang kanyang tablet, at nag-upload sa social media nang real time.

Kagabi lang umano niya nabalitaan sa Facebook ang tungkol sa pagkilos. “I wake up, and everyone’s profile pic was black…I’ve been on the internet since 1994, and it’s always a good means to communicate. But now they want to change that, and it’s just not right. The Internet has always been free. Considering how corrupt the government is, if they take away this freedom, then what do we have left?

(“Gumising ako, at lahat ng profile pic ng mga tao ay itim…Nasa internet ako mula 1994, at laging magandang paraan ito para makipag-ugnayan. Pero ngayon, gusto nilang baguhin ito, at hindi ito tama. Lagi namang malayang espasyo ang Internet. Kung isasaalang-alang nating kurakot ang gobyerno, kung kukunin nila ang kalayaang ito, ano ang matitira sa atin?”)

Kasama sa protesta ang mga kabataang nakamaskarang Guy Fawkes, isang anarkistang rebelde sa Inglatera noong ika-18 siglo. (Ilang-Ilang Quijano)

Kasama sa protesta ang mga kabataang nakamaskarang Guy Fawkes, isang anarkistang rebelde sa Inglatera noong ika-18 siglo. (Ilang-Ilang Quijano)

Natutuwa umano si Cabonce na maging bahagi ng isang protesta, dahil hindi pa siya ipinanganak nang maganap ang pag-aalsa sa EDSA noong 1986, at maliit pa siya masyado para makalahok noong EDSA Dos.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataong lumahok si Noemi Lardizabal, mas kilala bilang blogger na “Momblogger” at editor ng BlogWatch.ph, sa mga pulitikal na aksiyon. Pero naniniwala umano siyang direktang apektado siya bilang blogger kaya aktibo siyang lumahok at lalahok sa mga protesta.

We are the group that is most affected, because the penalty is higher than in print media. It’s scary. We are used to a language that is free. I myself am conscious of libel, my husband is a lawyer, and we in Blog Watch are conscious of the elements that make up libel. But what about those who don’t know what libel is?” sabi ni Lardizabal.

(“Kami ang grupong pinaka-apektado, dahil mas mataas ang parusa sa amin kaysa sa print media. Nakakatakot. Nasanay na tayo sa malayang lengguwahe. Malay ako sa libel, abogado ang asawa ko, at kami sa Blog Watch ay malay sa mga elemento na kumakatawan sa libel. Pero paano naman dun sa mga hindi alam kung ano ang libel?”)

Petisyon ng kabataan, midya sa korte

Pinangunahan noong Oktubre 2 ng Kabataan Party-list ang panukalang TRO sa naturang batas na dudulo sa tuluyang pagbasura nito. Nitong Oktubre 3, nagsampa rin ng petisyon kontra sa Cybercrime Law ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Sinabi ng NUJP na lantarang labag sa karapatan sa pamamahayag ang Cybercrime Law at nagkakaisa ang mga alagad ng midya para kuwestiyunin at tutulan ito. (Kabilang ang Pinoy Weekly sa mga organisasyon ng midya na sumama sa petisyon)

Para rin sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP), pinakamalalang bahagi ng naturang batas ang hinggil sa libelo. Bukod sa walang due process, malinaw na paglabag ito sa karapatan ng mga mamamayan na magpahayag at tumanggap ng pamamahayag.

“Bulnerable ang lahat sa kung ano ang itinuturing ng gobyerno na libelous, sa pagpapatanggal ng ating mga website, o, mas malala, maaresto…Nakikita rito kung ano ang komitment ni Aquino sa pagpapalala sa kanyang rekord sa karapatang pantao,” sabi ni Pauline Gidget Estella, pambansang pangulo ng CEGP.

Sinabi pa ni Estella na tila mas pinagkakaabalahan pa ng gobyerno ang pagtarget sa mga kritiko nito kaysa sa totoong mga kriminal at nagsasamantala sa mga mamamayan.

Progresibong blogger na si Tonyo Cruz. (Ilang-Ilang Quijano)

Progresibong blogger na si Tonyo Cruz. (Ilang-Ilang Quijano)

Kalahok din sa protesta ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa ilalim ng Karapatan. Anila, hinahadlangan ng Cybercrime Law ang trabaho nila para ipalaganap ang mga kaso at isyung pangkarapatang pantao.

Nagpahayag din ng pagtutol ang mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno (KMU). Anila, sa internet na nga lamang umano nagkakapuwang para sa pagpapalaganap ng kanilang mga paglaban, hinaing at opinyon — pero kahit ito’y gustong kitlin ng gobyerno.

“Kanina (Okt. 2) nagrali kami sa DOLE (Department of Labor and Employment) laban sa Two-Tiered Wage System — bagong iskema para ibaba pa ang mababang minimum wage ng mga manggagawa. Narinig nyo ba ito sa mainstream media? Hindi. Pero makikita nyo ito sa aming website at FB account. Pero pati ito, gustong kunin sa atin ng rehimeng Aquino. Pero lalabanan natin ito,” status message ng KMU Facebook account.

Binigyang-diin naman ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, na labag ang Cybercrime Law sa maraming international human rights conventions at declarations, kabilang ang International Convention on Civil and Political Rights at United Nations (UN) Declaration on the Protection of Human Rights Defenders.

Nanawagan naman ang Kabataan Party-list at iba pang grupo ng kabataan ng muling pagprotesta sa harap ng Korte Suprema sa Oktubre 9. Samantala, patuloy nilang pinararami ang lagda sa kanilang online petition kontra sa Cybercrime Law.

Maaaring lumahok sa petisyon ng Kabataan dito.

May ulat si Ilang-Ilang D. Quijano


Teddy Casiño: ‘Kaiba’ sa tradisyunal na mga kandidato sa pagkasenador

$
0
0
"Iba naman!" Ito ang naging tema ng pagtakbo ni Teddy Casiño sa pagkasenador -- ang maging kandidatong alternatibo sa tradisyunal na mga pulitiko ngayon. (Tine Sabillo / tinesabillo.com)

“Iba naman!” Ito ang naging tema ng pagtakbo ni Teddy Casiño sa pagkasenador — ang maging kandidatong alternatibo sa tradisyunal na mga pulitiko ngayon. (Tine Sabillo / tinesabillo.com)

Hindi napigilan ng sama ng panahon ang paghain ni Bayan Muna Rep. Teodoro “Teddy” Casiño ng kanyang certificate of candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila noong Oktubre 3.

At dahil tumatakbo siya sa pagkasenador, totoong tumakbo si Casiño at ang mga tagasuporta niya mula San Agustin Church sa Maynila patungong Comelec para sa ihain dito ang kandidatura sa halalang 2013.

Kakaiba ang pamamaraan ng paghain ni Casiño ng kandidatura. Ito’y dahil para sa kanya at mga tagasuporta niya, kakaibang kandidato si Casiño.

“Iba naman” ang sigaw ng ilang plakard na naglalaman din ng pangalan ng militanteng kongresista. Matapos ang dalawang sunod na araw ng paghain ng kandidatura ng tradisyunal na mga pulitiko na tatakbong senador, unique ang pinili ni Casiño na paghain ng kandidatura. Suot niya ang kulay-asul na damit pang-jogging, at basang basa na pumasok ng tanggapan ng Comelec. Ibang iba nga.

“Tayo lang yata ang kandidato (na naghain ng kandidatura) na naka-short pants,” sabay tawang sinabi ni Casiño sa mga tagasuporta sa labas ng Comelec.

Pero hindi katatawanan ang iniaalay umano ni Casiño sa publiko. “Ang masisiguro ko po lamang ay ibubuhos natin ang lahat upang manalo tayo at magkaroon ng boses ang karaniwang tao sa loob ng Senado,” ayon kay Casiño.

Dagdag ni Casiño, sa panahon ngayon na ang mga tumatakbo ay puro incumbent (kasalukuyan) o bumabalik na mga senador, o kaya’y mga anak, kapatid at kamag-anak nila, o mga talunan sa dating mga eleksiyon, importanteng may iba namang pagpilian ang tao.

Malinaw umano ang plataporma niya, at malinaw na para ito sa ordinaryong mga mamamayan at sambayanan.

Makabayang kandidato

Pinanghahawakan ni Casiño ang leksiyon ng nakaraang mga pagsabak ng militanteng mga organisasyon sa halalan sa pagkasenador. Partikular dito ang pagtakbo nina Satur Ocampo at Liza Maza, sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan), noong 2010.

Sa kumperensiya ng Makabayan noong nakaraang buwan, inanunsiyo ng mga lider nito na handa na muli ang koalisyon sa pagbigay ng alternatibong mga kandidato sa bumotong mga mamamayan, ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano, tagapangulo ng Makabayan.

Para sa taong 2013, pinili ng Makabayan na patakbuhin si Casiño dahil sa maningning na rekord niya sa Kamara bilang kinatawan ng Bayan Muna at tagapamandila ng progresibong paglaban sa lehislatura. Bago nito, tumampok din si Casiño sa pamumuno sa kilusang masa at sektor ng kabataan, bilang dating pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at dating presidente ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP).

Tinitiyak ni Casiño na sa kanyang pagtakbo, kinakatawan niya ang interes ng mardyinalisado at aping mga sektor sa lipunang Pilipino.

“Ang laban po sa Senado ay hindi naman tungkol sa akin o sa aking mga pangarap. Tungkol ito sa inyo. Bahagi ito ng ating pagsisikap na magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa ating bayan. Sa pagnanais natin na magkaroon ng tunay na boses ang mga manggagawa, ang mga magsasaka, ang karaniwang tao sa Senado,” sabi ni Casiño, noong ideklara ang kanyang pagtakbo sa kumbensiyon ng Makabayan noong Setyembre.

Sa harap ng Comelec, itinaas ni George San Mateo, kilalang lider ng sektor ng transport at mula sa Piston Party-list, ang kamay ng "kakaibang" kandidato ng Makabayan sa pagkasenador na si Teddy Casino. (Kontribusyon)

Sa harap ng Comelec, itinaas ni George San Mateo, kilalang lider ng sektor ng transport at mula sa Piston Party-list, ang kamay ng “kakaibang” kandidato ng Makabayan sa pagkasenador na si Teddy Casino. (Kontribusyon)

Tiwala sa tagumpay

Sinabi ni Mariano na malakas ang kanilang tiwala at pananalig na maitataguyod at maipagwawagi ng kilusang masa ang kandidatura sa Senado ni Casiño.

“Unang-una, malakas at malawak ang pagkakalatag ng Makabayan sa may 16 na rehiyon sa ating bansa. Nandiyan pa ang mga kaanib o mga kasapi na progresibong mga party-list nito. At siyempre pa, ang masang kasapian ng Makabayan,” sabi ni Mariano, nang kapanayamin ng Pinoy Weekly noong kumbensiyon ng Makabayan.

Ayon kay Casiño, napakalaking hamon ito dahil pinag-aaralan pa rin nila ang ibang katangian ng pakikilahok ng Makabayan sa eleksiyon. Gayunpaman, ayon kay Casiño, malaki ang tiwala niya sa suporta na bumubuo sa Makabayan.

“Pinakabentahe namin siyempre ang aming kasapian. ‘Yun ang napakalawak na grassroots membership ng party-lists, NGOs (nongovernment organizations), ng people’s organizations, na subok sa laban at hindi bibitaw sa prinsipyo. At siyempre, ang track record, sa aking 15 taon sa parlamento ng lansangan at walong taon sa Kongreso,” kuwento ni Casiño, sa panayam ng Pinoy Weekly.

Pakikipanayam ni Casino sa midya bago isumite ang certificate of candidacy sa Comelec. (Kontribusyon)

Pakikipanayam ni Casino sa midya bago isumite ang certificate of candidacy sa Comelec. (Kontribusyon)

Sinabi pa niyang ang malinis at wastong hangarin ng Makabayan para sa mga mamamayan at sa bayan ang tunay na magpapatagumpay sa kanyang kampanya.

Ayon sa Makabayan, dinadala ni Casiño sa kanyang pagtakbo ang matagal nang adyenda ng kilusang masa para sa kaunlaran ng mayorya ng mga mamamayan. Tampok na rito ang pagtataguyod ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon.

Tampok rin sa itutulak ni Casiño sa Senado ang pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa sa makabuluhang dagdag-sahod, imbestigasyon sa mga paglabag sa karapatang pantao at pagtigil sa polisiya ng pampulitikang panunupil, pagtigil sa agresyong militar ng US, pagrepaso sa mga batas at polisiya na di kapaki-pakinabang sa batas tulad ng Oil Deragulation Law, batas sa Value-Added Tax, Mining Act of 1995 at iba pa, at marami pa.

“Ang nais ko lang po ay ang makapaglingkod nang tapat sa bayan. At sa abot ng aking makakaya, ano man ang magagawa ko. ‘Yan po ang ginawa ko sa 15 taon sa parlamento ng lansangan. ‘Yan ang ginawa ko nang walong taon sa Kongreso. ‘Yan ang meron ako. ‘Yan ang aking maipagmamalaki: Ang katatagan ng prinsipyo, ang kahandaang kumilos at lumaban para sa bayan – buhay man ay ialay!” diin ni Casiño, sa talumpati sa kumbensiyon.

Marami pa rin ang kailangang habulin mula sa mga aral na ng nakaraang eleksiyon mula sa mas higit pagpapalawak ng kampanya hanggang pagsagot sa tinaguriang mga black propaganda.

“Ang political party ang tagapagdala ng programa. Hindi mo ‘yan iaasa sa iilan lamang na mga lider ng partido kundi sa malawak na masang kasapi nito,” paliwanag ni Satur Ocampo, na tumatayong presidente ng Makabayan. “Malaking bahagi ang magagampanan ng mga kabataan sa mga kolehiyo, sa hayskul at komunidad na sila ang mas higit na madaling makaunawa sa mga isyu. Kung sila ay mapapakilos para sa kampanyang ito, malaking bentahe na para sa Makabayan.”

Alternatibo sa eleksiyon

Ang pagiging alternatibo ng Makabayan ang isa sa pinakabentahe sa laban, ayon kay Casiño.

“Tingin ko naghahanap na ang mga mamamyan ng bagong mukha, bagong boses at bagong representasyon sa Senado. ‘Yun ang ino-offer namin, at tingin namin may puwang para sa alternatibong kandidato,” ayon kay Casiño.

Ganito rin ang pagtingin ni Ocampo. Aniya, mahalaga ang paglahok ng Makabayan sa eleksiyon upang bigyan ng alternatibong kandidato ang mga mamamayan na matagal nang nakalubog sa tradisyunal na pulitika ng eleksiyon.

“Importante ang patuloy ng pagpapalawak ng Makabayan sa batayang mga sektor. Ang kaibhan ng Makabayan at kaanib nito ay buhay na tao ang mga pinakikilos, panahon man ng kampanya o hindi. Binibigyan sila ng tamang oryentasyon kung ano ang pinaglalaban, ano ang pinaninindigan. Nililinaw at binibigyan sila ng kakayahan na maanalisa ang mga nangyayari – maging aktibo silang participants sa pulitika,” paliwanag ni Ocampo.

Kung ikukumpara umano ito sa tradisyunal na mga partido-pulitikal, napakalaki ang makikitang pagkakaiba.

“Ito ang magguguhit ng matalas na pagkakaiba ng pagdadala natin ng kung anong klaseng pulitika ang ating itinataguyod. Walang iba kundi ang pulitika ng pagbabago. Walang iba kundi ang ating isinusulong na makabayang pagbabago sa ating lipunan, sa ating bansa,” ani Mariano. “Maitataas natin ang antas ng pulitika sa ating bansa. Ang kalidad ng debate sa loob ng Kongreso.”

Ang malinis na track record din ng Makabayan ang patuloy na nagpapalapit sa mga mamamayan at ibang mga pulitiko, ayon kay Mariano.

“Ang kinatawan ng Makabayan, hindi nangungurakot. Hindi man ako mapera, mayroon naman akong ibang kayamanan: ang aking malinis na pangalan, ang aking prinsipyong makabayan. At kayo, aking mga kasama at kaibigan, kayo ang aking kayamanan,” paliwanag ni Casiño.

Kabilang siya sa pinakamahihirap na mga kongresista sa Kamara at nanatiling mahirap sa loob ng halos siyam na taon na paglilingkod bilang representante ng Bayan Muna.

“Hindi ko ugali na mambola para lamang makakuha ng boto. At lalong hindi ko ginagamit ang aking posisyon para magpayaman. Ako lang siguro ang kandidatong hindi milyonaryo. Pangatlo po ako sa pinakamahirap na mga congressman,” ayon kay Casiño.

Kawani ng gobyerno, mardyinalisado – pero bakit ayaw kilalanin ng Comelec?

$
0
0
Protesta ng mga kawani ng gobyerno sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections: "Mardyinalisado kami!" (KR Guda)

Protesta ng mga kawani ng gobyerno sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections: “Mardyinalisado kami!” (KR Guda)

“Bahagi ng labor sector ang mga kawani ng gobyerno. Malinaw na marginalized tayo.”

Ito ang sinabi ni Ferdinand Gaite, unang nominado ng Courage Government Employees Party-list, sa protesta sa harap ng Commission on Elections (Comelec) matapos tumanggi ang huli na kilalanin ang partido ng mga kawani ng gobyerno bilang accredited party-list na lalahok sa eleksiyong 2013.

Sinabi ni Gaite na malinaw sa Republic Act 7941, o ang Party-list System Act, na bahagi ang sektor ng paggawa sa mardyinalisadong mga sektor na binibigyang puwang ng batas na makaupo sa Kamara. Nakasaad sa RA 7941: “the sectors shall include labor, peasant, fisherfolk, urban poor, indigenous cultural communities, elderly, handicapped, women, youth, veterans, overseas workers, and professionals.

Sa desisyong inilabas ng Second Division ng Comelec, sinabi nitong hindi umano kinakatawan ng Courage ang isang mardyinalisadong sektor ng lipunang Pilipino. “The Commission is of the opinion that the sector that Courage seeks to represent is not marginalized and is already overly-represented.”

Pero, paliwanag ni Gaite, hindi dapat inihihiwalay ng Comelec ang turing nito sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, dahil lahat ng ito’y bahagi ng lakas-paggawa. “The framers of the Philippine Constitution did not distinguish nor discriminate private sector labor from public sector labor so the Comelec should not also distinguish and discriminate,” pahayag pa ni Gaite.

Nagsumite sila sa Comelec ng motion for reconsideration noong araw ng protesta nila, Oktubre 4.

Nahihiwagaan umano ang mga kawani ng gobyerno sa pahayag ng Comelec na “overly represented’ sila sa lehislatura. Ani Gaite, walang ni isang kinatawan ng Kamara, ng Senado o kahit sa ehekutibo ang makakapagsabing kinakatawan nito ang rank-and-file employees ng gobyerno.

Ferdie Gaite, unang nominado ng Courage: "Papaano nangyaring walang track record ang Courage?" (KR Guda)

Ferdie Gaite, unang nominado ng Courage: “Papaano nangyaring walang track record ang Courage?” (KR Guda)

Katunayan nito, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin umuusad ang panukalang batas na P6,000 dagdag na suweldo sa mga kawani ng gobyerno. Naging abala rin umano ang Courage Party-list sa pagharang sa samu’t saring atake ng ehekutibo sa mga karapatan at benepisyo nito – at maliban sa progresibong mga party-list, kakarampot lamang ang natatanggap nilang suporta mula sa mga mambabatas at mga opisyal sa ehekutibo.

Paliwanag naman ni Roming Mamolo, kawani ng gobyerno, lider-maralita at ikalimang nominado ng Courage, marami sa kanilang mga miyembro’y bahagi ng maralitang lungsod. Sa sahod ng di-tataas sa P9,000 sa maraming kawani, marami umano sa kanila ang naghihirap, nakatira sa maralitang mga komunidad ng bansa. Malinaw umanong mardyinalisadong sektor silang mga maralitang kawani.

Kailangang paghiwalayin, ani Gaite, ang rank-and-file employees sa iilang opisyal ng gobyerno na sumusuweldo ng daan-daang libong piso kada buwan – maliban pa sa ibang pinagkakakitaan ng nila, at maliban pa sa laganap na korupsiyon sa pinakamatataas na antas ng gobyerno.

Walang track record?

Samantala, dagdag pa sa katwirang “overly represented” ang mga kawani, sinabi rin ng naturang desisyon ng Comelec na wala raw track record ang Courage na kumilos ito para sa rank-and-file employees at retiradong mga empleyado ng gobyerno, dahil hindi raw nakapagsumite ng larawan ng kanilang mga aktibidad nitong huling apat na taon.

Pero sinabi ng Courage na matagal nang nasa unahan ang kanilang grupo sa paglaban para sa makabuluhang sahod, gayundin sa pagtatanggol sa mga karapatan at benepisyo ng mga kawani. Si Gaite mismo, tanyag na sa publiko bilang mukha ng sektor ng mga kawani ng gobyerno, sa maraming taong pagiging pangulo ng organisasyong Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) – na siyang panguna sa pagtatag ng kapangalang party-list noong  2008.

Kabalintuaan umano ang pagtanggi ng Comelec na di i-accredit ang Courage, samantalang pinapayagan nito ang mga partidong tulad ng Akbayan na tumakbo sa eleksiyong party-list. (KR Guda)

Kabalintuaan umano ang pagtanggi ng Comelec na di i-accredit ang Courage, samantalang pinapayagan nito ang mga partidong tulad ng Akbayan na tumakbo sa eleksiyong party-list. (KR Guda)

Kasabay ng di-pagkilala sa Courage, nakababahala umano ang patuloy na pagkilala bilang party-list ng ilang partidong sobra na ang kinatawan sa gobyerno. Tampok dito ang partidong Akbayan, na may pormal na alyansa sa namumunong partido pulitikal na Liberal Party.

Bukod sa pagtakbo ng dating kinatawan nitong si Risa Hontiveros sa ilalim ng ruling coalition, namumutiktik din ng mga lider ng Akbayan ang administrasyon ni Benigno Aquino III, mula sa presidential political adviser niyang si Ronaldo Llamas, ang pinuno ng National Anti-Poverty Commission na si Joel Rocamora, tagapangulo ng Commission on Human Rights na si Loretta Ann Rosales, hanggang sa commissioner-at-large ng National Youth Commission na si Percival Cendaña, at iba pa.

Maging ang pangalawa at pangatlong nominado nito, sina Ibarra Gutierrez at Angelina Ludovice-Katoh, ay kasalukuyang mga opisyal ng gobyerno ni Aquino.

Depensa ng Comelec sa Akbayan

Samantalang tumanggi ang Comelec sa akreditasyon ng Courage, dumepensa naman ang tagapangulo ng nito sa akreditasyon ng Akbayan.

Nang tanungin ng midya hinggil sa kasong diskuwalipikasyon laban sa Akbayan, sinabi ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes Jr. na kahit ang mga opisyal ng gobyerno ay “mardyinalisado rin” daw.

Ito ngayon ang mga katanungang maaaring itanong matapos ang pahayag ni Brillantes at desisyon ng Comelec kaugnay ng Courage: Kung puwedeng maging mardyinalisado ang mga opisyal ng gobyerno tulad ng mga lider ng Akbayan, bakit hindi mardyinalisado ang mga kawani ng gobyerno?

Para sa kagalingan at karapatan ng mga bata

$
0
0
Sina Kevin at Ben kasama ang kanilang tiyuhin, inaresto umano ng mga militar ang dalawang bata at isinama sa kanilang operasyon. (Macky Macaspac)

Sina Kevin at Ben kasama ang kanilang tiyuhin, inaresto umano ng mga militar ang dalawang bata at isinama sa kanilang operasyon. (Macky Macaspac)

Katahimikan ang namayani sa bulwagan matapos magsalita si Melissa San Miguel sa mikropono. Garalgal ang tinig ng executive director ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns at tila nagpipigil ng hikbi. Inanunsiyo niya, sa harap ng pambansang kumperensiya para sa karapatan at kagalingan ng mga bata, isang malagim na pamamaslang sa isang bata sa Tarlac ang naganap pa lamang.

Isang 15-anyos na bata ang namatay, matapos magpaputok ng baril ang mga pulis para idemolis ang mga maralita sa naturang probinsiya.

Nagluksa ang mga delegado ng nasabing kumperensiya. May ilan sa 300 delegado mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naiyak pa. “Opisyal na itinatala ng Salinlahi ang ika-siyam na batang pinaslang sa ilalim ng administrasyong Aquino,” malungkot na wika ni San Miguel.

Ang kumperensiya’y inilunsad ng iba’t ibang grupong tagataguyod ng karapatan ng mga bata, sa pangunguna ng Salinlahi, Children’s Rehabilitation Center (CRC) at Gabriela. Inilunsad nila ito dahil mismo sa nakaka-alarmang padron ng pagkakabiktima ng mga bata sa iba’t-ibang proyekto’t patakaran ng gobyerno, kabilang na ang kampanyang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan.

Nagluksa ang mga delegado sa balita ng pagpaslang kay John Cali Lagrimas sa Tarlac dahil pamilyar nang istorya sa kanila ito.

Kaibigan sa kubol

Nauna nang magsalita sa kumperensiya ang kinatawan ng iba’t ibang rehiyon hinggil sa mga kaso ng paglabag sa karapatan ng mga bata. Matapos ibalita ang naganap kay John Cali, isang 10-anyos na bata mula sa Hacienda Luisita, Tarlac, na si Jojie ang di nakatuloy sa pagtetestimonya. “Kaibigan ko siya, kasama ko siyang natutulog sa kubol,” kuwento ni Jojie.

Hindi umano taga-Luisita si John Cali, pero sumasama siya sa kanyang mga magulang na taga-Brgy. San Roque na sumuporta sa “bungkalan” ng mga magsasaka sa lupang inaangkin ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC). Sa bungkalang ito nakilala niya si Jojie.

Hindi na makapagsalita ang batang si Jojie na nagmula sa Hacienda Luisita, nang mabalitaan niyang napatay ang kanyang kaibigan sa demolisyon sa Tarlac habang naganap ang kumperensiya. (Macky Macaspac)

Hindi na makapagsalita ang batang si Jojie na nagmula sa Hacienda Luisita, nang mabalitaan niyang napatay ang kanyang kaibigan sa demolisyon sa Tarlac habang naganap ang kumperensiya. (Macky Macaspac)

Nasaksihan din ng dalawang bata ang tangkang pagbuwag noon sa mga kubol sa lugar ng bungkalan kung saan pinaputukan ng mga guwardiya ng RCBC ang mga magsasaka. Sa testimonya ni Jojie, sinabi niiyang hindi iyun ang unang pagkakataon na makasaksi siya ng karahasan. Apat na taon pa lang si Jojie nang masaksihan niya ang karahasan sa sarili niyang pamilya. “Noong bata pa ako, nasaksihan ko po kung paano binugbog ng mga tauhan ni Hen. Jovito Palparan ang aking papa. Nakita ko nung pinasubo nila ng silencer ng baril si papa,” ayon sa testimonya ng bata.

Kuwento ni Jojie, hindi nila makakalimutan ni John Cali ang pananakot ng mga guwardiya ng RCBC. “Pinaputukan kami ng mga security guard ng RCBC nang limang beses. Takot na takot kami,” ani Jojie.

Bahagi ang paglabag ng mga karapatan nina Jojie at John Cali ng malawakang paglabag sa karapatang ng mga bata sa Pilipinas.

“Patuloy na pinapahirapan ang mga bata dahil sa patuloy na pagpapatupad ng gobyerno sa mga patakarang neo-liberal na nakapaloob sa programa at proyekto ni Pangulong Benigno Aquino III,” pahayag ng Salinlahi.

Patakarang  neo-liberal

Sa panayam ng Pinoy Weekly, sinabi ni San Miguel na layunin ng kumperensiya na ipakita na hindi nagbago ang kalagayan ng mga bata sa loob ng 19 taon matapos iproklama ng United Nations ang buwan ng Oktubre bilang buwan ng mga bata.

“Hindi pa rin maganda ang kalagayan ng mga bata at nagpapatuloy ang paglabag sa kanilang mga karapatan,” aniya.

Nagsagawa ng pag-aaral ang Salinlahi hinggil sa epekto sa mga bata ng mga patakarang ipinapatupad ng gobyerno. Ayon dito, apektado ang 35.1 milyong bata sa 11.7 milyong Pilipino na walang trabaho. Dahil apektado umano ang mga bata sa kawalan o kakulangan ng trabaho ng kanilang mga magulang, napipilitan silang magtrabaho sa murang edad.

Kahit sa datos ng International Labor Organization (ILO) at National Statistics Office (NSO), nasa limang milyon ang mga batang manggagawa, kalakhan nito’y nasa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Salinlahi, pinalala ng mga patakaran tulad ng liberalisasyon sa pangangalakal ang kalagayan ng mga bata. Sa pagpasok ng imported na mga produktong agrikultural partikular na ang galing sa bansang US, mistulang pinapatay nito ang lokal na agrikultura ng bansa.

Inihalimbawa ng grupo ang kalagayan ng mga manggagawang bukid sa malalaking plantasyon ng asukal sa Negros Occidental. Dahil sa walang habas na importasyon ng asukal, halos patayin na nito ang lokal na industriya. Dahil sa matinding kompetisyon, nagresulta ito ng pagpasok ng sistemang pakyawan sa mga manggagawang bukid sa mga asyenda.

The pakyawan or quota system in the hacienda has forced the whole families to work so as to meet the required number and get at least a wage suitable to feed them for the day. Conscious of this quota requirement, children want to help their parents in the hacienda so as to add income to their families,” bahagi ng research paper ng grupo.

Dagdag ni San Miguel, mayroon umanong mga batang hindi na nag-aaral at natali na lamang sa pagtulong sa kanilang mga magulang. “Ilan sa mga respondent (sa focused groud discussion sa Negros Occidental) ang tumigil na sa pag-aaral. Kadalasan, ang trabaho nila sa asyenda ng asukal ay  panghilamon (pag-aalis ng damo), pamatdan (paghahanda sa tubong itatanim at pang-abono (paglalagay ng abono,” ani San Miguel.

Dagdag pa ni San Miguel, sa sistemang pakyawan, PhP100 hanggang PhP300 ang sinasahod ng buong pamilya sa 15 araw na pagtatrabaho sa panahon ng dry season. Samantala, PhP1,400 hanggang 2,500 naman sa 15 araw ng pagtatrabaho ang sinasahod nila kung milling season. Bukod pa rito, walang sapat na benepisyo sa mga manggagawang-bukid.

Dahil sa monopolisado ng iilang panginoong maylupa ang malalawak na lupain, naitutulak ang mga batang anak ng mga magsasaka na magtrabaho para makatulong sa pamilya. Hindi rin nakatulong ang programa ng gobyerno na “Batang Malaya Campaign” na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) nito lamang Hunyo para sugpuin daw ang child labor at tuluyang mapawi ito sa taong 2016. Para sa Salinlahi, pinapalakas lamang ng programa ang implementasyon ng Republic Act No. 9231, na nagpaparusa sa sinumang naglalagay sa mga bata sa paraang mapanganib na  pagtatrabaho.

“Hindi nito kinikilala ang katotohanang napipilitan ang mga bata na magtrabaho para makapagbigay ng tulong sa araw-araw na pangangailan ng kanilang pamilya,” ayon sa grupo.

Inlunsad ng mga tagataguyod ng karapatan ng mga bata ang isang pambansang kumperensiya. Dito tinalakay ang kalagayan ng mga bata sa buong bansa at magkaroon ng iisang aksiyon para matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga bata. Nasa larawan ang ilang delegado mula sa Luzon Visayas, Mindanao at NCR  na nagbigay ulat sa kumperensiya. (Macky Macaspac)

Inlunsad ng mga tagataguyod ng karapatan ng mga bata ang isang pambansang kumperensiya. Dito tinalakay ang kalagayan ng mga bata sa buong bansa at magkaroon ng iisang aksiyon para matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga bata. Nasa larawan ang ilang delegado mula sa Luzon Visayas, Mindanao at NCR na nagbigay ulat sa kumperensiya. (Macky Macaspac)

At dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang, namemeligro ang kalusugan ng mga bata. Ayon sa grupo, sa loob ng isang dekada, walang makabuluhang pagbabago sa datos ng nutrisyon at kalusugan ng mga bata. Dagdag pa, hindi naaabot ng serbisyong pangkalusugan ng gobyerno ang mayorya ng mga bata sa kanayunan. Kahit ang simpleng mga sakit tulad ng tigdas ay ikinakamatay. “(Halimbawa nito ang) kaso sa Talaingod, Davao del Norte, kung saan ilang pamilya ang nawalan ng anak dahil sa tigdas,” pahayag ni San Miguel.

Kahit sa mauunlad na lugar tulad ng Quezon City, hindi pa rin abot-kaya ang serbisyong pangkalusgan ayon sa grupo. Isinisi ng grupo ang ganitong kalagayan sa mababang badyet na inilaan ng gobyerno para sa serbisyong kalusugan at ang patuloy na pagsasapribado ng pampublikong mga ospital na dulot ng neoliberal na patakaran sa sistema ng kulusugan.

Inihayag din ng grupo na mali ang implementasyon ng programang K to 12 ng administrasyong Aquino. Hindi naman umano nito lulutasin ang mababang kalidad ng edukasyon. Dagdag pa, dagdag-pasanin pa sa mga magulang ang gastos sa karagdagang taon sa pag-aaral. Gayundin na nakabalangkas ang programa sa interes ng dayuhang kapitalista para sa murang paggawa. Giit pa ng grupo na pantapal na solusyon lamang ang ibinibigay ng gobyerno sa nararanasang kahirapan ng mga bata tulad ng conditional cash transfer na nakapaloob sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

“Dahil sa pagsasapribado ng batayang mga serbisyo, ang mga pundamental na karapatan ng mga bata tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay ay hindi na nakakamit. Hindi na rin maabot ng mga magulang ang presyo ng batayang mga bilihin dahil sa deregulasyon. Lumalabas na hindi na kayang hatiin ang kita ng pamilyang Pilipino para sa makalagpas sa isang araw,” ani San Miguel.

Maliban pa dito, wala rin umanong katiyakan ang kinabukasan ng maraming bata dahil sa patuloy na malawakang tanggalan sa trabaho na bumibiktima sa mga manggagawa, idagdag pa ang marahas na pagtataboy sa mga maralita sa kanilang komunidad.

Karahasan sa bata

Si Coni Ledesma ng NDFP habang ipinapahayag ang pagsuporta sa kumperensiya sa isang video.  (Macky MAcaspac)

Si Coni Ledesma ng NDFP habang ipinapahayag ang pagsuporta sa kumperensiya sa isang video. (Macky MAcaspac)

Sinabi din ng mga tagataguyod ng karapatang pambata na bukod sa malalang kahirapan na dinaranas ng mga batang Pilipino, nagiging biktima rin sila ng direktang atake ng mga puwersa ng estado sa pamamagitan ng programang kontra-insurhensiya.

“Bukod sa tama sa karapatang sosyo-ekonomiko, direktang inaatake rin ang karapatang mabuhay at seguridad ng mga bata sa ilalim ng Oplan Bayanihan,” ani San Miguel. Aniya pa, pinakamalala sa paglabag ang pagpaslang sa mga bata.

Nakapagtala ang Children’s Rehabilitation Center ng walong kaso ng ekstra-hudisyal na pamamaslang (bukod sa kaso ng batang pinaslang sa Tarlac), pitong kaso ang naganap sa taong ito. Dagdag pa, mayroong naitalang 18 bigong pagpatay, 17 ilegal na pag-aresto at pagkulong, limang kaso ng tortyur, at limang kaso ng paggamit ng militar sa mga bata bilang giya sa mga operasyon. Sampu naman ang kaso ng pag-atake sa mga eskuwelahan, 12 pagbabansag sa mga bata bilang batang mandirigma at apat na kaso ng panggagahasa at seksuwal na pang-aabuso ng mga militar.

“Nagpapakita ng kawalang malasakit ang pangulo sa buhay at kagalingan ng mga bata,” sabi pa ni Melissa.

Kalakhan sa mga batang biktima ang nasa kanayunan kung saan ang matinding militarisasyon ng Armed Forces of the Philippines. Ayon sa CRC, nagaganap ang militarisasyon mula sa mga probinsiya ng Luzon hanggang sa isla ng Mindanao, kasama ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nakapanayam ng Pinoy Weekly ang dalawang bata mula sa Magpet, North Cotabato na ginamit ng mga sundalo na giya para ituro ang puwesto ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA). Sa kuwento nina Kevin at Ben (di-tunay na pangalan), mula alas-11 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon noong Setyembre 17, nasa kustodiya sila ng aabot sa 50 elemento ng 57th IB.

“Nakasalubong namin ang mga sundalo. Mga 50 sila. Sinigawan kami at pinipilit na ituro ang lugar ng mga NPA,” kuwento ni Kevin, sa wikang Cebuano. Galing sila sa bahay ng kanilang tiyahin at pauwi na sa kanilang bahay nang makasalubong ng dalawang bata ang mga sundalo sa kanilang lugar sa Brgy. Balete.

Sapilitan silang isinama sa operasyon at pinaglakad nang malayo patungo sa magubat na bahagi.

“Takot na takot ako, at napaiyak nang kunin kami ng mga sundalo,” sabi naman ni Ben. Kuwento ni Kevin na sa loob ng halos anim na oras, hindi sila pinakain, binantaang itatali sa puno kung hindi nila ituturo ang kinaroroonan ng mga NPA. Dahil sa takot na masaktan, nagsinungaling na lamang ang mga bata at itinuro ang isang lugar na kawayanan para mapalaya sila.

“Itinuro namin ’yung kawayanan, sabi namin nandoon mga NPA kahit hindi namin alam kung anong mayroon doon. Noong pupuntahan na nila ’yung itinuro namin, tumakbo na kami para tumakas sa kanila,” dagdag kuwento ni Kevin.

Sinabi ng tiyuhin ng mga bata na si Bebot Gumay, dumating ang mga bata na namumutla at takot na takot. “Kinuwento nila na hinuli sila ng mga sundalo at isinama sa operasyon sa gubat,” ani Gumay.  Mula umano nang maganap ang insidente, takot na ang dalawang bata sa mga sundalo. Apektado na rin ang kanilang pag-aaral.

“Kapag may sundalo, nagtatago na lang sila sa loob ng bahay. Ayaw nilang lumabas, ayaw din pumasok sa eskuwela,” dagdag pa ni Gumay. “Takot kami baka hulihin uli kami sa eskuwelahan,” sabi naman ni Kevin.

Sa ulat ng CRC-Ilocos/Cordillera, namamalagi umano at ginagawang kampo ng mga elemento ng 503rd Infantry Batallion ng Army ang mga day care center, eskuwelahan at bahay ng mga sibilyan sa mga probinsiya ng Abra, Mountain Province, Ifugao at Kalinga sa Kordilyera. Ganito rin ang nangyari sa Sta. Lucia at Sta. Cruz sa Ilocos Sur sa ilalim naman ng 7th ID. Bulnerable rin ang mga bata sa abusong seksuwal, tulad ng nangyari sa dalawang menor-de-edad sa Mankayan, Benguet. “Kahit sa Sta. Cruz, Ilocos, namamalagi rin ang mga sundalo sa kabahayan. Nililigawan ng mga sundalo ang mga kabataang kababaihan,” ani Roda Tajon, tagapag-ugnay ng CRC-Ilocos.

Inakusahan pa ni Tajon na ginagawang daluyan ng programang kontra-insurhensiya ng militar ang mga eskuwelahan. Binabansagan din ang legal na mga organisasyon na “communist-terrorists.”

Ayon pa sa grupo, malawakan din ang ebakwasyon sa mga lugar na may matinding presensiya ang militar tulad sa Bondoc Peninsula sa Quezon at sa Mindanao.

“Habang nanatiling bingi at bulag ang gobyerno sa hibik ng mga bata, patuloy namang naninindigan ang mga organisasyong masa para tiyaking may kinabukasan ang mga bata,” ani San Miguel.

Naging pagkakataon din ang kumperensiya para iulat ang ilang debelopment sa pangangalaga sa mga bata. Iniulat ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pamamagitan ng video ang pagsusumikap nilang itaguyod ang karapatan ng mga bata. Ibinahagi ni Coni Ledesma, miyembro ng NDFP Negotiating Panel ang isang deklarasyon ng rebolusyonaryong kilusan para sa kagalingan ng mga bata at pagbubuo isang tanggapan para rito.

Samantala, patuloy ang paglaban para sa karapatan at kagalingan ng mga bata. Sinabi ni Joji na tuloy ang pakikibaka kahit ng mga bata kasama ng kanilang pamilya.

“Kami pong mga bata sa Hacienda Luisita ay tumutulong para ipaglaban ang lupa ng mga magsasaka – ang mamanahin namin dahil kami ang susunod na henerasyon,” pagtatapos ni Joji.

Free the new media, defy e-martial law

$
0
0

As outrage against the Cybercrime Prevention Act of 2012 continues to snowball and create unprecedented unity and defiance among netizens, the Aquino administration has not backed down in its resolve to implement a clearly draconian measure designed to curtail our most basic civil liberties—the right to freedom of expression, of speech, and of the press.

As alternative media practitioners, filmmakers, bloggers, and artists who maximize the new media to bring to the public information, opinion and analysis, as well as works of art that serve to illuminate social conditions and present ideas for social change, we believe that the government’s repression of the medium is the message. With the Cybercrime Act, the government wants to ensure that no avenue for expression exists that is free from control by the rich and powerful elite.

The existing law on libel has long been used by powerful public figures mostly to harass and prosecute journalists for doing their job. Instead of decriminalizing libel as urged by international human rights and media institutions, the government has even increased penalties. Worse, it now considers each and every citizen who uses Information and Communications Technology (ICT) as potential criminals.

With the rise of new media, ordinary citizens have been given the extraordinary power to reach large audiences, a power that has previously been the monopoly of the government and corporate media. The new media has been the recourse of citizens who see, report, and interpret social realities that traditional institutions ignore, hide or obliterate. Citizens have long been marginalized from discourse on national issues through the agenda-setting powers of the government and corporate media. Through the new media, citizens have the opportunity to counter this marginalization—to give voice to the poor and oppressed, to gain an audience without the need for huge capitalization, to criticize freely and creatively.

We believe that the Cybercrime Law is primarily a tool that exploits the rise of the new media and the use of ICT to suppress dissent and spy on citizens. The way the law is being defended by those who crafted it, and especially by the President who signed it, reveals that they enjoy, and will use to their own interest, the immense powers that the Cybercrime Law has given the government, such as the ability to take down websites, undertake surveillance, and seize electronic data.

Abuses that will surely arise from such powers will undermine any gains that this law claims to have against “cybercrimes.” For instance, online child pornography and sex trafficking should be addressed by the strict implementation and strengthening of existing laws to reflect the developments in ICT. It is still debatable if hacking and cracking, spamming, online piracy, and cyberbullying are indeed crimes or if they can be covered under a single piece of legislation. What is clear is that these “cybercrimes” will not be addressed by a law makes expressing oneself online punishable by a jail term, or one that assumes that authorities can dip their hands into private electronic communication. In other words, a law that throws us back to the dark ages won’t protect our women and children, nor our personal identities and safety. On the contrary, it makes every citizen using ICT vulnerable to abuse by the biggest band of criminals: a government that is corrupt, loathes criticism (as can be judged by President Aquino’s reaction to the online phenomenon ‘Noynoying’), and uses all of its resources to crush dissent.

Even the US government—the footsteps of which the government only follows—did not confer such broad powers unto itself when it attempted, but failed, to pass its Stop Online Piracy Act and Protect Intellectual Property Act. However, the Cybercrime Law probably pleases the US government, as it strengthens their existing network of surveillance in the country, and boosts the counter-insurgency program Oplan Bayanihan. The said law also pleases local and foreign big businesses that operate in utter secrecy in this country, further shielding them from public accountability and oversight while penalizing those who use ICT to expose wrongdoing and abuses in the private and public sectors.

For e-martial law only reflects the de facto martial law already in place. Under Oplan Bayanihan, more than 100 citizens have been killed for their advocacies, forever silenced by bullets. More than 350 are imprisoned for their political beliefs. The Cybercrime Law makes it even easier to slap dissidents with trumped-up charges and send them to jail. After all, it now takes so little to be considered a cybercriminal.

Repression and lack of freedom is a daily reality for millions of Filipinos in the militarized countryside, violently demolished urban poor communities, and highly controlled workplaces and schools. Now it has become a daily reality as well for netizens who seek comfort in the freedom, however limited, of the new media.

As poverty, exploitation, and repression worsen, the duty to speak up and express ourselves through new media is more necessary than ever. As we begin to feel the grip of Aquino’s iron fist rule, it becomes more urgent to struggle to break free through actions both online and offline. E-martial law has been declared, and as those who fought the Marcos dictatorship taught us, the only way to end it is to start defying it.

Junk the Cybercrime Prevention Act of 2012!
Don’t criminalize criticism!
Defend our freedom of expression, speech and the press!
Resist tyranny!

UPDATE: The Supreme Court on Tuesday morning, October 9, unanimously issued 120-day a temporary restraining order (TRO) on the implementation of RA 10175. This is a temporary victory for all who advocate freedom of expression, speech and the press. Still, we must be vigilant until the law is junked altogether, as President Aquino has still not reneged on his defense of RA 10175 and its repressive provisions.

Signatories as of 10/09/2012

Media & Audio-Visual Organizations:

Pinoy Weekly Online/ PinoyMedia Center
Bulatlat.com
Davao Today
Northern Dispatch Weekly
Burgos Media Center
Mayday Multimedia
Tudla Productions
Kodao Productions
Southern Tagalog Exposure
UPLB Zoomout

Artists & Filmmakers:

Ricky Lee
JL Burgos
King Catoy
Renan Ortiz
Katsch SJ Catoy
EJ Mijares
Tom Estrera III
Adjani Arumpac
Kiri Dalena
RJ Mabilin
Sigrid Andrea Bernardo
Datu’s Tribe (band)
Bobby Balingit
Dino Concepcion
Bonifacio P. Ilagan
Rogelio Ordoñez
Marie Boti
Ji-An Manalo, Artists for Change
Rommel Mendez, Panday Pira Professionals
Camille P. Sueno
Carlos Piocos
Patrick Bilog
R. Jordan P. Santos
Sari Lluch Dalena
Keith Sicat

Journalists & Media Workers:

Melanie Pinlac, Center for Media Freedom and Responsibility
Rupert Mangilit, National Union of Journalists of the Philippines
Nonoy Espina, NUJP Director/interaksyon.com
Jeffrey Tupas, TV5/interaksyon.com
Karlos Manlupig, Rappler.com/ Philippine Daily Inquirer
Alaysa Escandor, GMA-7
Edmalynne Remillano, GMA-7
Richard Gappi, Rizal News Online
Alex D. Lopez, Davao Today
Marilou Aguirre Tuburan
Rizle Saligumba
Cong Corrales, Freelance
Ritchie Salgado, Freelance
Pigeon Lobien, Cordillera Today
Silvestre Quintos, Baguio Chronicle
Thom Picaña, GMA Baguio
Antonio Pekas, ZigZag Weekly
Gregory Taguiba, Mountain Province Exponent
Samuel Bautista, Sunstar Baguio
Alfred Dizon, Northern Philippine Times
Kathleen T. Okubo, Northern Dispatch Weekly
Fred Villareal, The Voice
Maureen A. Hermitanio, Philippine Online Chronicles
Jonathan B. Canchela, The Philippine Reporter (Toronto)

Photojournalists:

Jes Aznar
Raymond Panaligan
Angelica Carballo
Buck Pago
Boy Esclanda
Alex Felipe
Medel Hernani
Oliver Garcia
Candice Reyes
Leonard Reyes

Academe:

Dean Rolando B. Tolentino, UP College of Mass Communication
Prof. Danilo Arao, UP Asst. Vice-President for Public Affairs
Former UP CMC Dean Luis V. Teodoro
Former UP Fine Arts Dean Leonilo Doloricon
Prof. Paul Grant, University of San Carlos Cebu
Prof. Edwin Padrilanan, Adamson University

Artists Organizations:

Pixel Offensive
Artists Arrest
Baluarte Artists Collective
Hiringgilya Collective
Habi Arts Collective
Gerilya

Bloggers:

Tonyo Cruz (TonyoCruz.com)
Vencer Crisostomo (twitter.com/Venzie)
Kenneth Keng (FilipinoFreethinkers.org)
Teo Marasigan (KapirasongKritika.wordpress.com)

Student Publications:

College Editors Guild of the Philippines

CEGP chapters in Central Luzon, Pangasinan, Tarlac, Cagayan, Baguio, Cordillera, La Union, Ilocos Sur, Bicol, Southern Tagalog, Palawan, Romblon, Samar, Tacloban, Bacolod, Cebu, Panay, Cagayan de Oro, Lanao, Bukidnon, Greater Cotabato, Davao & Socksargen

Solidaridad (UP publications alliance)
Philippine Collegian (UP Diliman)
Kalasag (UP Diliman)
The New Frontier (National College of Business and Arts)
Trinity Observer (Trinity University of Asia)
aSTIg (STI Araneta)
The Torch (Philippine Normal University)
Manila Collegian (UP Manila)
The Scholastican (St. Scholastica’s College)
EARIST Technozette (EARIST Manila)
Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (PUP publications alliance)
The Catalyst (PUP Manila)
Business Torch (PUP Manila)
The Communicator (PUP Manila)
Paradigm (PUP Manila)
The Warden (Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa)
The Philippine Artisan (TUP Taguig)
The Chronicler (PUP Taguig)
Atenews (Ateneo de Davao)
The Pillars (Ateneo de Naga)
UP Outcrop (University of the Philippines – Baguio)
Lorma Highlights (Lorma Colleges)
Technoscope (Pangasinan State University – Urdante)
The Pioneer (Palawan State University)
Tolentine Star (University of Negros Occidental – Recoletos)
The Angelite (Holy Angel University)

‘People power, nagpatigil sa implementasyon ng Cybercrime Law’

$
0
0

Ipinagdiwang ng iba’t ibang grupo, mamamayan at netizens ang deklarasyon ng 120-araw na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema laban sa implementasyon ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Pero nagkakaisa sila sa pagtinging pansamantala pa lamang ang tagumpay na ito.

Sa pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), isa sa mga grupong nanguna sa mga protesta at pagpetisyon sa Korte Suprema, sinabi nitong “people power” sa offline at online ang pansamantalang humarang sa implementasyon ng mapanupil na batas.

Credit goes primarily to the Filipinos who showed people power online and offline, who posted, tweeted, shared and marched to show their opposition,” sabi ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Mga petitioner at iba pang kritiko ng RA 10175, matapos ang presscon sa UP Manila noong Oktubre 9. (Pher Pasion)

Mga petitioner at iba pang kritiko ng RA 10175, matapos ang presscon sa UP Manila noong Oktubre 9. (Pher Pasion)

Pinangunahan ng Bayan at iba pang grupo ang pangalawang kilos-protesta ng daan-daang katao sa Padre Faura, Manila laban sa Cybercrime Law noong araw ng en banc session ng Kataas-taasang Hukuman, Oktubre 9.

Nagkaisa ang mga petitioner at mga mamamayang kontra-RA 10175, kabilang ang Pinoy Weekly at PinoyMedia Center, sa alyansang #NoToCybercrimeLaw, na nagsilbi ring hashtag sa social media.

Inilarawan ni Reyes na protestang mala-”occupy” ang naganap na pagkilos ng mga mamamayan sa Padre Faura. Nagkaroon ng programa sa harap ng Korte Suprema, pero mayroon ding naganap na shirt printing sa pangunguna ng Pixel Offensive, pagpirma sa freedom wall at street painting.

Ang kilusang occupy ay ang protest movement ng pag-ookupa sa mga pampublikong espasyo na nagsimula sa Wall Street, New York noong nakaraang taon.

Nilahukan din ng iba’t ibang new media advocates at media groups tulad ng Philippine Internet Freedom Alliance, National Union of Journalists of the Philippines, Center for Media Freedom and Responsibility, Bloggers and Netizens for Democracy, at marami pang iba.

Kasama rin sa protesta at pagsampa ng petisyon ang iba’t ibang abogado at grupo ng mga abogado kabilang ang Integrated Bar of the Philippines, National Union of People’s Lawyers, at iba pang abogado kabilang si Atty. Harry Roque.
Lumahok din ang mga grupo ng kabataan, kasama ang Anakbayan, League of Filipino Students, College Editors Guild of the Philippines, Student Christian Movement, National Union of Students of the Philippines, at mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan.

Pinangunahan naman ng Pinoy Weekly, PinoyMedia Center, Bulatlat.com, Kodao, Mayday, Tudla at iba pang new media practitioners, alternative journalists, independent filmmakers at akademiko ang paglabas ng pahayag kontra sa Cybercrime Law.

Pagmamatyag pa rin

Samantala, sinabi ni Reyes na nagpapatuloy ang paglaban sa mapanupil na batas na ito hangga’t di nababasura.

Para naman sa Computer Professionals Union (CPU), grupo ng mga propesyunal sa information and communications technology (ICT), ipagpapatuloy ng mga tulad nila at iba pang grupo ang paglaban sa karapatan ng mga mamamayan sa internet.

Nanawagan din sila sa administrasyong Aquino na pagtuunan na lamang ng pansin ang pagsasabatas ng mga bill na tutugon sa mas pundamental na mga pangangailangan at karapatan ng mga mamamayan.

We are reminding this administration to stop crafting irrelevant laws and instead focus on passing the Freedom of Information Bill and other bills which can greatly benefit the people,” pahayag ng CPU.

Nanawagan naman ang NUJP sa Korte Suprema na tuluyan nang ibasura ang RA 10175.

We call on the Supreme Court to render a final decision declaring the law null and unconstitutional. We call on the legislators to do the right thing and finally pass a law to decriminalize libel,” pahayag ng grupo.

Para naman sa Human Rights Watch, isang internasyunal na grupong pangkarapatang pantao, kailangang sa hinaharap ay siguruhin ng Kongreso na magpasa ito ng mga batas kaugnay ng internet na hindi lalabag sa karapatan ng mga mamamayan.

Congress, if it still wants to have a law governing online activity, should ensure that such a law will not infringe on civil liberties, human rights, the Constitution and the Philippines’s obligations under international law,” sabi ni Brad Adams, asia director ng HRW.

Nanawagan naman ang militanteng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno sa publiko na patuloy na gamitin ang internet para ihayag ang mga kritisismo at pagtutol sa mapanupil at masasamang mga polisiya ng administrasyong Aquino.

We are also calling on the Filipino workers and people to use the Internet to express their criticisms of the government’s repressive policies as embodied in Oplan Bayanihan,” pahayag ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Sinabi naman ni Kabataan Rep. Raymond Palatino na nasa Kongreso rin ang bola para tuluyan nang ibasura ang Cybercrime Law.

The issuance of a TRO is a cue for Congress leadership to expedite the processing of repeal bills now filed in both chambers of Congress. The TRO released by the high tribunal is effective for 120 days, enough time for Congress to repeal RA 10175,” sabi pa ni Palatino.

Viewing all 181 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>