Quantcast
Channel: Pinoy Weekly » Lathalain
Viewing all 181 articles
Browse latest View live

Gabriela performs One Billion Rising flash mob vs ‘rape of Motherland’

$
0
0
Members of Gabriela dance the One Billion Rising theme

Members of Gabriela dance the One Billion Rising theme “Isang Bilyong Babae ang Babangon” in the intersection of Legarda and Recto Avenues to protest the “rape of Motherland.” (PW Photo)

Members of militant women’s alliance Gabriela yesterday protested  the US military intervention in the Philippines, as well as the various government policies that adversely affect Filipino women and the people.

And they did it through dance: a flash mob of the One Billion Rising (OBR) anthem “Isang Bilyong Babae ang Babangon” in the middle of the bustling intersection of Legarda and Recto Avenues, near Don Chino Roces (formerly Mendiola) Bridge, in Manila.

Gabriela compares the

Gabriela compares the “rape of Motherland” to the abuses the state and US forces inflicted on women throughout the years. (PW Photo)

In a statement, Gabriela said the protest action kicks off the month-long series of actions, including the global day of dancing and protesting for OBR on February 14, and will culminate on March 8, the International Women’s Day.

Gabriela Rep. Emmi de Jesus said that they launched the action to protest the Aquino government’s complicity with the US military violations of the country’s national sovereignty and even abuse of women.

“When we rise against violence (in OBR), what we want to show is primarily state-instigated violence. (This includes) all the policies of the government that opens the gate for (Filipino) women to experience different kinds of violence,” De Jesus said.

She reiterated Gabriela’s call to scrap the PH-US Visiting Forces Agreement (VFA) that reinforces the one-sided relationship between the Philippines and the US. The VFA mainly benefits US interests, De Jesus said.

“Why do we allow the use of Philippine soil for their military exercises when in fact we are not associated with their wars of aggression?” De Jesus asked.

Meanwhile, Nitz Gonzaga of the women’s department of Kilusang Mayo Uno (KMU) said the OBR movement is not only a protest against gender-based violence.

She said it is also a protest against many issues confronting women, including the rampant demolition of urban poor communities as well as the lack of policies that favor workers such as substantial wage hikes, abolition of contractualization of work and others.

Gabriela also criticized the Aquino administration for pushing for the privatization of public hospitals, including the Philippine Orthopedic Center, where many impoverished women and men turn to for medical assistance.

Violence against women comes in many forms, according to Gabriela. One form is the demolition of urban poor communities as well as the privatization of social services. (PW Photo)

Violence against women comes in many forms, according to Gabriela. One form is the demolition of urban poor communities as well as the privatization of social services. (PW Photo)

According to medical doctor Julie Caguiat of Doktor Ng Bayan - Network Opposed to Privatization, public health services under President Aquino are becoming even more privatized and profit-oriented in the country, to the detriment of many women and men who can ill-afford expensive medical care.

The flash mob commenced a series of activities for OBR’s global campaign against violence against women (VAW). In the Philippines, it is led by Gabriela, Gabriela Women’s Party and New Voice Company.

According to Joms Salvador, Gabriela secretary-general, there will be similar events leading up to the “main rising” on February 14 at Tomas Morato Avenue in Quezon City, and in different parts of the country.

Gabriela plans to bring the issue of the

Gabriela plans to bring the issue of the “rape of Motherland” to the global One Billion Rising event on February 14. (PW Photo)

This event will raise issues such as imperialist plunder, poverty and VAW. Salvador said the protests will also focus on the “rape of Tubbataha” by the US military, as well as the “rape of the Motherland” through US military, political and economic intervention in the country.

The activity will also raise issues that deeply affect Filipino women and people, including increasing costs of public utilities such as water and electricity, privatization of social services and, of course, increasing number of VAW cases as economic crisis intensifies.

“Filipino women are joining a billion people in nearly 190 countries next week to protest VAW, the rape by foreign military troops of our Motherland and our women, and poverty and economic policies that destroy our lives,” Salvador said.


Video: ReCLAIM: Farmers in pursuit of the coco levy funds

$
0
0

coco levy farmers protestCoconut farmers recently formed a group, CLAIM (Coco Levy Funds Ibalik Sa Amin), to demand the return of the multi-billion peso coco levy funds that were extracted from small farmers during martial law.

Late last year, P56 Billion of the coco levy funds were remitted to the National Treasury. The Aquino administration formed the Presidential Task Force on Coco Levy Funds headed by National Anti-Poverty Commission (NAPC) to administer the funds.

But farmers say that the funds are in danger of being corrupted by government officials and used for other purposes, such as the Conditional Cash Transfer and the “bogus” Comprehensive Agrarian Reform Program.

This video documents a three-day protest of coconut farmers, including a siege of the NAPC office, to underscore their demands. They are proposing the creation of a council composed of small coconut farmers, which will allow them to administer the funds themselves.

One Billion Rising PH: Furious dancing (and singing) for our hard times (Audio Slideshow)

$
0
0

“Hard times require furious dancing.”

Thus said Alice Walker, American writer, activist and one of many supporters of the One Billion Rising campaign across the globe. The quote is an apt explanation for the fury and celebration that was One Billion Rising Philippines last February 14, 2013, when thousands of Filipinos — women, men and children — went on large, mostly outdoor, gatherings and danced and protested.

Led worldwide by V-Day founder Eve Ensler, One Billion Rising as a campaign focused on violence against women, but in the Philippines, women and men who participated brought to attention various forms of violence against women, from physical abuse, rape and sexual trafficking, to economic violence that women bear the brunt off, especially in impoverished countries like the Philippines.
By all accounts, in different provinces, One Billion Rising Philippines was a success, and pooled the efforts of sectoral organizations, as well as politicians,civic leaders, artists, schools and universities, and commercial establishments. But undeniably, it is the militant women’s organizations, led by Gabriela and Gabriela Women’s Party, that successfully raised the level of discourse, by way of seeing clear connections between the phenomena of violence against women and the oppressive, patriarchal culture, the backward, underdeveloped economy, the deep-seated corruption and the persistence of imperialist domination upon the land and our people.

The battle lines have been sharply drawn in these hard times. After February 14, we can only expect the furious dancing and singing, and protesting, to continue and grow.

Photos of the main rising in Tomas Morato, Quezon City, by KR Guda, Macky Macaspac, Darius Galang & Pher Pasion

 Music from “I Am Rising,” sung by Monique Wilson, music and arrangement by Andrei Ionescu, lyrics by Joi Barrios; and “Do You Hear the People Sing?” sung by Various Artists during the One Billion Rising Philippines program, music by Claude Michel Schonberg & Alain Boublil, from the musical “Les Miserables”

Biktima ng bagyo, binibiktima uli ng gobyerno

$
0
0
Barikada ng mga nakaligtas sa Bagyong Pablo sa Montevista Highway, Compostela Valley, para igiit ang pananagutan sa sakuna ng malalaking kompanya, at humingi ng ipinagkakait na relief ng gobyerno. (People's Lens)

Barikada noong Enero 15 ng mga nakaligtas sa Bagyong Pablo sa Montevista Highway, Compostela Valley, para igiit ang pananagutan sa sakuna ng malalaking kompanya, at humingi ng ipinagkakait na relief ng gobyerno. (People’s Lens)

Hindi pangkaraniwang mga biktima ng bagyo ang mga mamamayan ng Compostela Valley at Davao Oriental.

Noong nakaraang Disyembre, winasak ng Bagyong Pablo ang dalawang probinsya. Pagsasalarawan ng mga nakasaksi, para itong hinulugan ng bomba atomiko. Mahigit anim na milyong katao ang apektado. Naubos lahat ang mga puno, at nabuwag maging ang malalaking istruktura gaya ng eskuwelahan at simbahan, habang ang maliliit na kabahayan ay nagkapira-piraso.

Pero sa halip na maghintay na lamang sa mga evacuation center para sa tulong na hindi dumarating, nagkasa sila ng isang barikada. Noong Enero 15, mahigit 5,000 katao ang umokupa sa Montevista National Highway sa Compostela Valley. Hindi nila pinaraan ang mga sasakyan, hangga’t hindi sila nabibigyan ng pagkain.

“Talagang nagdesisyon kaming magbarikada dahil wala nang ibang paraan para kami ay mapakinggan ng gobyerno,” ani Karlos Trangia, isang magsasakang Lumad at tagapagsalita ng Barug Katawhan, isang bagong tayong grupo ng mga nakaligtas sa Bagyong Pablo.

Sa halip na pagmalasakitan, kinasuhan pa ng pulisya ng salang public disorder ang pitong lider ng barikada. Kinagabihan, dumating na ang tulong. Pero kasya lamang sa 10 araw ang ipinamahagi ng gobernador na relief packs at bigas. Ilang residente pa ang nakatanggap ng bulok na bigas.

Sa barikada, nangako si Sek. Dinky Soliman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 10,000 sako ng bigas na darating umano sa susunod na dalawang araw. Pero habang sinusulat ang artikulong ito, hindi pa rin ito dumarating.

Tapos na ang bagyo pero tila nagsisimula pa lamang ang unos. Ngayon, mismong ang gobyerno ang sumasalanta sa pagsisikap ng mga biktima na makabangon. Bilang tugon, isang malaking pagkilos sa susunod na mga araw ang muling ikakasa ng Barug Katawhan.

Mapaminsalang mga kompanya

Hindi lamang relief ang hinihiling ng mga nagbarikada. Hinihiling din nila ang hustisya. Para sa kanila, may dapat sisihin para sa malubhang pinsala: ang malalaking kompanya ng troso, mina, at plantasyon na sumira at dumambong sa kalikasan.

Sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), may halos 83,000 ektaryang trosohan ang sakop ng mga Integrated Forest Management Agreement (IFMA) sa Baganga, Cateel, Caraga at Manay, mga bayan sa Davao Oriental na pinakaapektado ng Bagyong Pablo. Kabilang ang IFMA sa mga hindi kasali (exempted) sa diumano’y “log ban” ni Pangulong Aquino.

Halos 20 porsiyento naman ng lupain sa dalawang probinsya ang ikinumbert sa mga plantasyon ng saging na pang-eksport, mula 2000 hanggang 2010. Inulat ng grupong pangkalikasan, Panalipdan, na maging ang conservation site na Mt. Kampalili-Puting Bato sa Compostela Valley ay pinapasok ng Dole-Stanfilco at AMS-Sumifru, lokal na subsidaryo ng mga kompanyang transnasyunal sa US at Japan.

Hirap pa ring makabangon ang mga mamamyan ng Compostela Valley at Davao Oriental sa pagkasalantag dulot ng Bagyong Pablo (PW File Photo/Romeo Quijano)

Hirap pa ring makabangon ang mga mamamyan ng Compostela Valley at Davao Oriental sa pagkasalantang dulot ng Bagyong Pablo (PW File Photo/Romeo Quijano)

Samantala, may 30,000 ektarya ng sakahan at kagubatan ang kinumbert na rin sa mga plantasyon ng palm oil at biodiesel.

Malawakan din ang pagmimina. Sa Southern Mindanao, may 37,000 ektarya ang sakop ng mga Mineral Production Sharing Agreement (MPSA), at may isang milyong ektarya pa ang sakop ng mga aplikasyon para sa MPSA at eksplorasyon.

Sa isang pahayag matapos ang Bagyong Pablo, nanawagan ang Panalipdan at isang grupo ng mga Lumad kay Pangulong Aquino: “Itigil na ang liberalisasyon at pagbebenta ng aming mga lupaing ninuno para sa malalaking kompanya. Dapat ding mapanagot ang mga kompanyang ito sa pandarambong na nagdulot sa amin ng kamatayan!”

Mahigit isang libong katao ang namatay sa bagyo, sinasabing ang pinakamalakas na nanalasa sa Mindanao sa huling 40 taon.

Ngayon, makaraan ang halos dalawang buwan, nasa bingit pa rin ng kamatayan ang mga binagyo. Walang pagkain at tirahan ang karamihan. Wasak ang mga pananim at plantasyon, kaya hindi makapagtrabaho.

Sa laki ng pinsala, kailangang umasa muna ng mga mamamayan sa tulong. “Dapat pakainin ng gobyerno ng isang taon ang mga biktima ng bagyo para sila makabangon,” ayon kay Francis Morales, executive director ng Balsa Mindanao, nangunguna sa relief operation ng mga grupong pangmasa.

‘Saan napupunta ang tulong?’

Kung tutuusin, bumabaha ng tulong para sa mga biktima ng Pablo. Nagbigay ng tone-toneladang bigas at milyun-milyong pisong halaga ng relief goods ang USAID, United Nations, at mga gobyerno ng Australia, Canada, at Indonesia. Bukod pa rito ang P18 Bilyon mula sa calamity fund ng gobyernong Aquino.

Diumano'y overpriced na bunkhouse ng DSWD (Davao Today/ Medel V. Hernani)

Diumano’y overpriced na bunkhouse ng DSWD (Davao Today/ Medel V. Hernani)

Ang tanong ni Trangia, “Saan napupunta ang tulong? Hindi ito umaabot sa mga magsasaka, lalo na sa mga liblib na lugar.” Umano’y dalawang beses pa lamang sila nakakatanggap ng relief (ang huli, resulta pa ng barikada). Iniulat din ng mga Lumad sa Baganga na binebenta ang relief packs sa halagang P200 kada isa.

Kinuwestiyon din ng mga biktima ang overpriced na mga bunkhouse ng DSWD. Naiulat sa mga pahayagan na ginastusan ng ahensiya ng kalahating milyong piso ang bawat bahay na gawa lamang sa ilang pirasong kahoy at yero. Nananawagan sila ng pagbibitiw sa puwesto ni Soliman dahil sa korupsiyon.

Dagdag pa Trangia, “Ang pagpuwersa sa amin sa mga bunkhouse ay isang porma ng hamletting. Labag ito sa aming customary laws (batas katutubo). Bakit hindi na lang kami bigyan ng mga materyales para makagawa kami ng sariling bahay?”

Inakusahan nila ang DSWD na “nakikipagkutsabahan” sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para gamitin sa kontra-insurhensiya ang relief efforts. Mga sundalo ng AFP ang namimigay ng relief goods at nagtatayo ng mga bunkhouse.

Namataan din ang mga sundalo na kasama tropang Amerikano sa Baganga. Ayon sa Barug Katawhan, tahasang panggagamit ito ng Estados Unidos sa sakuna para manghimasok sa internal na usapin ng bansa.

Ginagamit rin ang sitwasyon ng mga kompanya ng mina, troso, at plantasyon para gipitin ang kanilang mga manggagawa. “Nagsasagawa sila ng early retirement program. Pinapapirma rin sila ng kasunduan na hindi sasali sa unyon bago makapagtrabaho muli,” ani Trangia.

Kung ang mga residente ng Compostela Valley at Davao Oriental ang masusunod, hindi na dapat payagan muling tumakbo ang mga kompanya ng troso, mina, at plantasyon, at dapat mapanagot sa pandarambong at pagsira sa kalikasan. Tunay na reporma sa lupa–o pagbalik ng lupaing ninuno para paunlarin ng mga magsasaka ang kanilang hiling.

Pero sa mata ng gobyerno, rebelde ang sinumang may ganitong hiling. “Inaakusahan na kaming tagasuporta ng NPA (New People’s Army) kahit sa paghingi lamang ng relief. Bakit daw kami sasama sa rali?” ani Trangia.

Alam na niya ang sagot. Dahil kung hindi, lalo silang walang makakain. Lalo silang bibiktimahin ng gobyerno, at ng mga negosyong tila sakuna lamang ang dala.

Pagmamahalan ngayong Pebrero — ng bayarin sa mga pamantasan

$
0
0
Mga lider-estudyante na bumubuo ng Tuition Monitor ng Kabataan Party-list at National Union of Students of the Philippines, kasama si Konsehal DJ Bagatsing ng Manila. Patuloy umano nilang imomonitor ang mga balak ng mga pamantasan na magtaas ng matrikula at mga bayarin, at lalabanan ito. (Pher Pasion)

Mga lider-estudyante na bumubuo ng Tuition Monitor ng Kabataan Party-list at National Union of Students of the Philippines, kasama si Konsehal DJ Bagatsing ng Manila. Patuloy umano nilang imomonitor ang mga balak ng mga pamantasan na magtaas ng matrikula at mga bayarin, at lalabanan ito. (Pher Pasion)

Buwan ng pagmamahalan ang Pebrero: pagmamahal ng bayarin sa edukasyon sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) sa kanilang inilunsad ng Tuition Monitor Network (TMN) sa Maynila upang mangalap ng mga datos sa pagtataas ng mga bayarin sa mga pamantasan sa nasabing lugar.

Batay sa kanilang mga pag-aaral, inaasahang magtaas na naman ng bayarin sa matrikula at iba pang singilin ang iba’t ibang pamantasan sa bansa — at walang ginagawa ang mga ahensiya ng gobyerno para pigilan ito.

Lumalabas umanong umabot sa 257 pamantasan ang nagtaas ng bayarin noong nakaraang taon. Pinayagan ito ng Commission on Higher Education (CHED), na hindi man lamang nag-imbestiga kung daanan ba ang taas-matrikula at taas-singil sa mga konsultasyon sa mga estudyante, ayon sa NUSP.

Nakapagtala rin ang NUSP na 108 porsiyentong average na pagtaas sa matrikula noong nakaraang taon sa buong bansa. Nasa 148% naman ang average na pagtaas sa National Capital Region.

Isang alyansa ang TMN na binuo ng NUSP para magbantay sa mga bayarin sa mga pamantasan at pagbibigay ng impormasyon sa mga rekisitos na kailangan bago magtaas ng bayarin.

Nagsimula nang mangalap at maglunsad ng mga konsultasyon ang TMN sa Lungsod ng Quezon sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Cebu, Davao at Negros.

Panimulang datos

Napipilitan ang maraming kabataan na maghigpit ng sinturon, o kaya'y di na lang mag-aral, dahil sa mga taas-bayarin, ayon sa Tuition Monitor. (Pher Pasion)

Napipilitan ang maraming kabataan na maghigpit ng sinturon, o kaya’y di na lang mag-aral, dahil sa mga taas-bayarin, ayon sa Tuition Monitor. (Pher Pasion)

Sa Pebrero, nagmamadaling magkaroon ng konsultasyon para sa pagtaas ng matrikula dahil hanggang Pebrero 28 lamang ang pagpapasa sa CHED ng pahintulot.

“Pero hindi umano konsultasyon ang nagaganap, kundi pagpapaabot lamang sa mga mag-aaral na magkakaroon ng pagtataas,” ayon sa NUSP.

Tumaas na nang 75 porsiyento ang matrikula sa University of Santo Tomas sa nakalipas na sampung taon — mula P71 noong 2003 tungo sa P1,249 kada unit sa kasalukuyan, paliwanag ni Mary Jean Lazo ng Alliance of Concerned Thomasians sa TMN-Manila.

“May redundant fees din sa amin sa anyo ng development umano; special development fee na P500-P2,000 depende sa kolehiyo, information development fee at physical infrastructure and development fee,” ayon kay Lazo.

Nakaamba raw ang pagtaas ng kanilang guidance and counseling fee, athletic fee, library fee, at singil sa National Service Training Program o NSTP at Reserved Officers Training Corps o ROTC.

“May mga bayarin din gaya ng installment fee na tumaas mula P600 patungong P1,500. Kaya ka nga nag-i-installment dahil wala kang pambayad. Tapos may penalty fee na P1,500 kapag hindi ka nakabayad agad. At kung credit card ang gagamitin, may 3.5 porsiyentong bank charge,” ayon kay Lazo.

Sa Colegio de San Juan de Letran naman, may plano ang Center for Planning ang Finance na magtaas nang 7 porsiyento sa kanilang matrikula, ayon kay Paolo Domingo, public relation officer ng Alyansa Letranista.

“Kami raw kasi ang nagpapasuweldo sa Letran-Bataan, kaya magtataas daw sila. Tapos ‘yung ginagawang basic education building din ang dahilan. Parang kami ang nagbabayad para sa elementary building tuloy,” ayon kay Domingo.

Nasa P50,000 na dating P40,000 ang matrikula ni Xyza Maleriado, senator for broadcasting ng Alyansa Letranista. Aniya, mahal daw ang kanilang facilities na ginagamit sa kanilang kolehiyo sa komunikasyon.

Nasa P5,155 ang miscellaneous fee, P6,000 ang supplementary fee at P8,300 naman ang laboratory fee, sabi pa ni Maleriado. Paliwanag pa niya, marami ang mga estudyanteng nagbabayad na hindi nakakagamit ng mga pasilidad sa Letran.

Sa Feati University naman, tumaas nang 5 porsiyento ang matrikula noong nakaraang taon at pinangangambahan itong maulit sa susunod na academic year, ayon kay Bong Reyes, presidente ng student council.

“Bukod pa rito, may mga bayarin din kami gaya ng Seminar Survey Inspection Field Trip na P600 kada semestre pero hindi naman kami kada semestre nagkakaroon ng field trip,” sabi pa ni Reyes.

Nasa P40,000 ang matrikula ni Reyes para sa unang semestre. Umaabot sa P12,000 dito ang miscellaneous fee at P1,100 kada unit ang kanyang binabayaran.

“May mga hindi na nga nakapag-enroll dahil sa sobrang taas ng bayarin. ‘Yung iba, kahit ‘yung remaining balance, hindi na kayang bayaran kaya nahinto,” ayon kay Reyes.

Napagtagumpayan

Sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), napagtagumpayan ng mga mag-aaral ang pag-refund ng P505 sa kanilang miscellaneous fee noong nakaraang semestre dahil sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral.

“Hindi dumaan sa konsultasyon ang pagtaas ng miscellaneous fee na P305 para sa PE uniform, P150 sa medical at P50 naman sa insurance. Hindi kami nasabihan sa konseho at nagulat na lang ang lahat sa bayarin na ito,” ani Cristel Constantino, konsehal mula sa konseho ng mga mag-aaral sa PUP.

Bagamat may pagtatangka na tanggalin ang redundant fees sa PUP gaya ng athletic fee at sports developmental fee na hindi aabot sa P150 kada semetre, plano umano ng administrasyon na pag-isahin na lamang ito.

Dahil sa planong ito, pinangangambahan ng mga estudyante na tataas nang P150 ang singil sa kanila. Batay din umano ito sa inisyal nilang nakalap na impormasyon sa konseho, ayon kay Constantino.

Iniulat naman ni Iza Isip, secretary general ng NUSP-National Capital Region, ang nakaambang pagtaas ng matrikula sa Trinity University of Asia at Technological University of the Philippines na parehong wala pang petsa ng konsultasyon.

Nasa 200% umano ang itinaas ng matrikula sa buong system ng TUP noong nakaraang taon mula P50 patungong P150.

Isa pang problema ng TUP ang pagbabayad ng candidate’s fee na P3,800 para sa mga tatakbo sa konseho dahil wala umanong pondo ang unibersidad para rito, ayon kay Isip.

CHED Memo No.3

Ipinaliwanag din ng TMN ang inilabas ng CHED ang Memorandum No. 3, na naglalayong maging gabay umano ng mga pamantasan sa pagtataas ng mga bayarin.

Ayon sa TMN, kasama ang tuition at miscellaneous fee rito at kaiba sa CHED Memo No.13 na ginagamit noon na tuition lamang ang sakop. Pagbigay-katwiran umano ito ng miscellaneous fee, ayon sa TMN.

“Pero hindi covered ng CHED Memo No. 3 ang mga freshman kaya malakas ang loob ng mga administrasyon na magtaas ng matrikula sa mga first year. Pero kailangan pa rin nating tugunan ito,” ayon kay Issa Baguisi, pangkalahatang kalihim ng NUSP-National.

Ang problema pa, ayon kay Baguisi, polisiya mismo ng administrasyong Aquino ang unti-unting pagbabawas ng pondo sa mga state universities and colleges.

 Ito umano ang dahilan kung bakit may mga ladderized tuition increase na ginagawa ang mga pamantasan tulad ng Philippine Normal University. Socialized tuition fee and assistance program naman ang anyo nito sa UP.

“Kailangan ding may representatives ang mga mag-aaral mula sa konseho, organizations at publikasyon na hindi lalampas sa 10 kung may mga konsultasyon. Dapat itong malaman ng mga mag-aaral sa pagpapaskil sa loob ng kampus na mabilis na mapapansin. Aabot sa 15-araw pa bago ang konsultasyon,” ani Baguisi.

Dagdag pa dito, may karapatan umano ang mga mag-aaral na humingi ng financial statements para malaman kung saan napupunta mga karagdagang bayarin sa tuwing may proposal ng tuition increase.

Maaari ring magkaroon ng sariling sarbey ang mga mag-aaral kung may kakayahan bang pangpinansiya ang mga mag-aaral sa pagtaas ng matrikula.

“Kung hindi matutuloy ang konsultasyon, hindi rin magkakaroon dapat ng pagtaas sa tuition at iba pang bayarin,” ayon kay Baguisi.

Pinahihintulutan din umano ang paghahain ng reklamo 30-araw pagkatapos ng konsultasyon.

“Kailangang maging sustinido ang paglaban dahil ang Pebrero paghahain pa lamang ‘yan ng mga pagtaas at Marso hanggang Abril ang approval ng mga ito. Kaya dapat tuluy-tuloy ang paglaban,” ayon kay Baguisi.

Paglawak ng suporta

Nakiisa naman si City Councilor DJ Bagatsing sa isinusulong ng TMN. Pinanguhan ni Councilor Bagatsing ang city ordinance sa Maynila ang pagbabawal ng “no-permit, no-exam policy.”

Ito rin ang siyang isa sa isinusulong ng Kabataan Party-list sa Kamara at may sariling bersiyon naman sa Senado si Sen. Manuel Villar.

Nagpasa din umano si Bagatsing ng resolusyon para itulak ang Kamara na imbestigahan ang mga bayarin gaya ng development fee, athletic fee, energy fee at iba pang bayarin sa pribadong mga pamantasan sa Maynila.

I will not be behind you. But I will be beside you para rito,” ayon kay Bagatsing.

Isinusulong ng Kabataan sa Kamara ang Tuition Regulation Bill para bigyan ng hangganan ang maaaring magtaas ng tuition.

Layon naman ng Tuition Moratorium Bill na itigil ang pagtaas ng bayarin sa mga pamantasan na isinulong sa panahong dumaan sa matinding kalamidad ang bansa at matinding krisis pang-ekonomiya.

“Kung nag-lobby ang school administrations sa Kamara para huwag matuloy ang mga batas na ito, mas lalo dapat tayong mag-ingay at mag-lobby para matupad ang mga ito at maipasa,” ayon kay Baguisi.

‘Pag-unlad’ na di-ramdam ng karamihan

$
0
0
Hindi bumababa sa mayorya ng mga mamamayang Pilipino ang sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa, ayon sa Bayan. Tanging ang minoryang bahagi ng naghaharing uri lamang ang yumayaman, sabi pa nila. (Soliman A. Santos)

Hindi bumababa sa mayorya ng mga mamamayang Pilipino ang sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa, ayon sa Bayan. Tanging ang minoryang bahagi ng naghaharing uri lamang ang yumayaman, sabi pa nila. (Soliman A. Santos)

Gutom at Dukhang Pilipino. Ito ang ibig pakahulugan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa ipinagmamalaking paglago umano ng gross domestic product (GDP) sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sa isang protesta sa pulong ng mga ekonomista ni Pangulong Aquino sa Philippine International Convention Center sa Pasay City noong Pebrero 13, ibinunyag ng mga miyembro ng Bayan at iba pang grupo ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan sa kabila umano ng sinasabing pag-unlad.

Sa gitna ng init ng araw at singaw ng kalsada, nagprograma ang mga miyembro ng Bayan, Kilusang Mayo Uno (KMU), Gabriela, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), at iba pang organisasyon para iparinig ang kanilang mga karaingan habang napupulong sa loob ng naturang convention center ang mga economic policy maker ng gobyerno sa pangunguna ng National Economic Development Authority o NEDA.

“Good Governance is Good Economics: Achieving Investment Grade Status” ang tema ng Year-End Economic Briefing ng administrasyong Aquino pero tila balewala ito para sa mga demonstrador.

Anila, ang paglago ng GDP, pagtaas ng credit rating at malakas na stock market na sinasabing indikasyon ng pag-unlad ng ekonomiya ay taliwas sa lumalalang krisis sa trabaho, kagutuman at kahirapan na kinakaharap ng milyun-milyong Pilipino.

Ayon kay Lengua de Guzman ng Bayan, hindi nararamdaman ng ordinaryong mga Pilipino ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya. “Wala pa ring disenteng trabaho, walang reporma sa lupa at mataas pa rin ang matrikula ng mga estudyante. Malinaw na hindi ang mayorya ng mamamayan ang nakikinabang sa pag-unlad na ito, kundi ang malalaking negosyo,” aniya pa.

Para naman sa militanteng mga manggagawa, mga polisiyang makapagbibigay sa bansa ng investment grade status para sa mga ahensiyang nagpapautang ang tatalakayin ng mga ekonomista ni Pangulong Aquino, lalo na ang Standard & Poor’s.

“Inaasahan na naming muli ang kasinungalingan ng administrasyon na umuunlad ang bansa para isulong ang dati nang mga polisiya na nagpalala sa kagutuman at kahirapan sa bansa. Ang layunin nito’y paigtingin ang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon ng ekonomiya para sa mga credit rating agency at malalaking dayuhang kapitalista na nasa likod ng mga ito, sabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Inihalintulad ni Soluta ang administrasyong Arroyo na umaarte umanong parang nasa dekada ’90 pa na nagbebenta ng ‘Philippines 2000’ sa publiko, na aniya’y nagdulot ng malubhang kahirapan sa kalakhan ng populasyon.

Tinuligsa pa ng KMU ang umano’y balak ng gobyernong Aquino na ibenta ang Mindanao sa mga dayuhang kapitalista.

Ani Soluta, malinaw na ang nais ng gobyerno ay hikayatin ang maraming dayuhang mamumuhunan na magpunta sa Mindanao para samantalahin ang mga mamamayan at likas na yaman doon.

Matagal nang nagpapapasok ng dayuhang mamumuhunan ang gobyerno pero nananatiling mahirap ang ating bansa, dagdag ni Soluta.

Kasabay na protesta

Ipinagpapatuloy lamang ng kasalukuyang administrasyon ang nakaraang bigong mga polisiya sa ekonomiya, sabi pa ng mga nagrali. (Soliman A. Santos)

Ipinagpapatuloy lamang ng kasalukuyang administrasyon ang nakaraang bigong mga polisiya sa ekonomiya, sabi pa ng mga nagrali. (Soliman A. Santos)

Sumabay din sa protesta ang iba pang mga kasapi ng Kadamay at Anakpawis Party-list na nagdaos naman ng kanilang protesta sa Litex (Payatas) Road sa Quezon City.

Ayon kay Carlito Badion, pangkalahatang kalihim ng Kadamay, sa halip na makinabang, nagiging biktima pa umano ang mga maralita ng maka-dayuhang pag-unlad na ipinamamarali ng administrasyong Aquino.

Sinabi pa ni Badion na hirap na umanong makasabay ang mga maralita sa pang-araw-araw na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng mga buwis na ipinapataw ng gobyerno at ng walang patid na pagtaas ng produktong petrolyo. Sinasabayan pa umano ito ng pagtaas ng singil ng kuryente, tubig, transportasyon at nakaambang pagtaas ng halaga ng serbisyong pangkalusugan sa pagsasapribado ng aabot sa 30 pampublikong ospital sa bansa.

Batay sa mga sarbey ng Social Weather Station, sa loob ng halos tatlong taong panunungkulan ni Aquino, naitala ang papataas na tantos ng kahirapan mula 47.5% noong 2010 tungong 54% sa huling kuwarto ng taong 2012 o katumbas ng 10.9 milyong pamilyang Pilipino.

Dahilan ng tumitinding kahirapan

“Pangunahing nasa likod ng tumitiding kahirapan ng mga mamamayan ang kupad-pagong na pagpapatupad ng reporma sa lupa,” ani Badion.

Katunayan, ayon sa Ibon Foundation, pinakamababa ang pamamahagi ng lupa (14,942 ektarya kada buwan) sa termino ni Aquino sa lahat ng mga pangulong pagkatapos ni Marcos. Nasa 66 porsiyento pa ng naipamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program ay lupain ng gobyerno at ang naglalakihang mga plantasyon o asyenda ng mga panginoong maylupa.

Taliwas din sa indiskasyon ng paglago ng ekonomiya, dumami ng aabot sa tatlong milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa panunungkulan ni Aquino: Mula 9.5M noong 2010, ngayon ay 12.1M na ito, ayon pa kay Badion.

Ayon naman sa Bayan, malalaking burgesya kumprador, panginoong maylupa at mga dayuhang korporasyon lamang ang nakikinabang sa ipinamamaraling paglago ng ekonomya ng administrasyong Aquino. Makikita ito sa lumalaking yaman ng pinaka-mayayamang negosyante sa bansa at ng mga korporasyong transnasyonal na may operasyon dito.

Sa datos ng magasing Fortune, tumalon ang pinagsama-samang yaman ng 40 pinaka-mayayamang Pilipino mula sa $22.8 Bilyon noong 2009 tungong $34-B noong 2010 at $47.43-B noong 2011.

Hindi bumuti

Ayon naman sa ipinalabas na pahayag ng Ibon Foundation, hindi bumuti bagkus ay lalo pang lumala ang kawalan ng trabaho sa kabila ng pinapatampok na 6.6 porsiyentong paglago sa GDP noong 2012.

Dumami pa sa 11.9 milyon noong 2012 ang bilang ng walang-trabaho at kulang-sa-trabahong Pilipino.

Tinataya ng Ibon na ang bilang ng walang-trabahong Pilipino ay dumami nang 48,000 at umabot nang 4.4 milyon at ang bilang ng kulang sa trabaho ay lumaki nang 349,000 at umabot nang 7.5 milyon noong 2012 – sa kabuuang 11.9 milyong walang trabaho at kulang sa trabaho.

Nanatili sa 10.5 porsiyento ang tantos ng disempleyo, samantalang matingkad na tumaas tungong 20 porsiyento mula 19.3 porsiyento noong nakaraang taon ang kakulangan sa trabaho. Ang mga numero’y nakabatay sa pagtataya ng Ibon sa opisyal na datos at nagwawasto sa ginawang pagbabago ng gobyerno sa pamamaraan ng pagbilang ng may trabaho na nagpababa sa tunay na bilang nito.

Subalit kahit na ang opisyal na datos ng gobyerno, hindi nagbago mula noong nakaraang taon na 7.0 porsiyento. Ang Pilipinas pa rin ang may pinakamalalang tantos ng disempleyo sa East Asia kumpara, halimbawa, sa Thailand (0.6%), Singapore (1.7%), Malaysia (3.0%), Korea (3.0%), China (4.1%), Taiwan (4.3%), Vietnam (4.4%) at Indonesia (6.5%)

Ayon sa Ibon Foundation, kumala ang kalagayan ng trabaho dahil hindi binago ng administrasyong Aquino ang bigong patakaran sa ekonomiya ng nakaraang mga administrasyon. Matatandaang nagresulta na ang “paglago” ng ekonomiya noong nakaraang dekada nang walang kaakibat na trabaho sa bansa.

Kinakitaan ang bansa ng pinakamabilis na paglago ng ekonomiya noong nakaraang dekada, pagkatapos ng panahon ng diktadurang Marcos. Pero sa mga panahon ding ito nangyari ang walang-kapantay na kawalang-trabaho at dumarami pang mahihirap na Pilipino bukod sa malubhang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

Nalalapit na eleksiyon

Sinabi naman ng Bayan na dapat gamitin ang nalalapit na eleksiyon para patampukin ang isyu ng mga mamamayan, kabilang na ang usapin sa trabaho at kahirapan.

Dapat umanong ihinto ng mga pulitiko ang kompetisyon kung sino ang tunay na kumakatawan sa daang matuwid, na isa naman umanong hungkag na retorika.

Ang dapat na itanong, ayon sa Bayan: Sino ang maninindigan para sa mga programa at polisiyang poprotekta at magsusulong ng industriyang pambansa at magpapatupad ng tunay na reporma sa lupa sa kanayunan para makalikha ng sustenable at kabuhayan para sa mas maraming mamamayan?

Automated elections, binabagabag ng piniratang teknolohiya, atbp. problema

$
0
0
aes watch

Automated Electoral System Watch: Posible ang election failure at dayaan sa darating na halal an (Ilang-Ilang Quijano)

Sa halip na iwasto, inulit lamang, at pinatindi pa, ng Commission on Elections (Comelec) ang mga pagkakamali nito sa pagdaos ng automated elections.

Posible itong maging dahilan ng failure of elections at malawakang pandaraya, ayon sa AES Watch, isang grupong tagapagbantay sa halalan.

Sa isang porum noong Enero 18, naglabas ang AES Watch ng isang indipendyenteng assessment sa paghahanda ng Comelec. Dito, bagsak muli ang Comelec.

Ayon kay dating komisyuner ng Comelec na si Gus Lagman, nakakabahala at posibleng impeachable offenses ang di pagsunod ng Comelec sa Automated Elections Law o Republic Act 9369. Pangunahin dito ang kawalan ng source code verification at paggamit ng piniratang teknolohiya para sa eleksiyon.

Piniratang teknolohiya

Parehong mga problema ng rejection at jamming ng mga balota, transmission failure, maling bilang ng mga boto, at kawalan ng digital signatures sa mga Election Return (ER) at Certificate of Canvass (COC) ang bumagabag sa mock elections na dinaos ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms noong Hulyo 24-25 noong nakaraang taon at Pebrero 2 ngayong taon, ayon sa AES Watch.

Pinabulaanan ng grupo ang sinasabi ng Comelec “minor glitches” lamang ang mga ito. “Malamang na maulit ang mga problemang ito sa halalan at magresulta sa maling bilang ng mga boto at disenfranchisement ng mga botante,” ayon sa grupo

Higit pa rito, dapat umanong ikabahala ng mga botante ang paggamit ng piniratang teknolohiya. Tinawag ni Dr. Pablo Manalastas,  isang eksperto sa Information Technology, na “biggest act of piracy” ang pagdaos ng automated elections. Ito’y dahil nag-expire na noong Mayo 23, 2012 ang License Agreement sa pagitan ng Smartmatic at Dominion Voting Systems, na may-ari ng gagamiting software.

Smartmatic, isang kompanyang multinasyunal, ang kinontrata ng Comelec para sa pagdaos ng halalan. Nag-subcontract naman ang Smartmatic sa Dominion. Ayon kay Lagman, labag ito sa RA 9369.  ”Hindi pwedeng i-subcontract ang software o hardware na gagamitin sa halalan dahil masyado itong mahalaga,” aniya.

Dating komisyuner na si Gus Lagman: Nilabag ng Comelec ang batas (Ilang-Ilang Quijano)

Dating komisyuner na si Gus Lagman: Nilabag ng Comelec ang batas (Ilang-Ilang Quijano)

Kilalang nagtutulak ng mga pagbabago sa sistema ng halalan si Lagman, ngunit sinibak ng Malakanyang matapos lamang ang 10 buwan sa puwesto.

Kinuwestiyon din nina Lagman at Manalastas ang patuloy na pagtanggi ng Comelec na ibigay ang source code sa mga indipendyente at pulitikal na grupo at partido para maberipika ang magiging resulta ng halalan.

“Hindi natin pwedeng ipagkatiwala na lang ito sa Comelec at Smartmatic. Hindi dapat tayo pumayag sa ganito,” ani Manalastas.

Malakanyang, tahimik

Sa assessment ng AES Watch, lumabas din ang iba pang problema, kabilang ang mga sumusunod:

  • Ang gagamiting CF Cards ay hindi Write-Once-Read-Many (WORM). Ang mga CF Card na hindi WORM ay maaaring pasukan ng panibagong datos.
  • Walang Ultraviolet Ink Detection Mechanism sa mga PCOS (Precinct Count Optical Scan) machine
  • Walang Voter-Verified Paper Audit Trail, alinsunod sa RA 9369
  • Walang Secured Electronic Transmission. Hindi naipakita ng Comelec sa mock elections ang paggana ng Virtual Private Network na gagamitin sa halalan.
  • Kawalan ng inventory ng mga Transmission Facilities sa mga lungsod at munisipalidad
  • Problema sa initialization ng mga PCOS machine
  • Kawalan ng impormasyon kung papaano ikokondukta ang Random Manual Audit ng mga PCOS machine, alinsunod sa RA 9369
  • Hindi naipakita ng Comelec ang digital signing ng mga ER at COC
  • Hindi umabot sa 99.995% na accuracy ang bilang ng mga boto

Marami sa mga problemang ito ang dati nang naranasan. Halimbawa, natuklasan na hindi rin digitally signed ng Board of Election Inspectors ang mga ER at COC noong 2010 halalan, kaya walang paraan para maberipika ang mga ito.

Babala ni Maricar Akol ng Transparentelections.org, ang mga pagkakamali ng Comelec ngayon ay limang beses na mas matindi kaysa noong 2010. “Noong una pagbibigyan mo pa sila dahil sa tinatawag na birth pains. Pero ngayon, alam na ng mga operator ang mga bulnerabilidad ng sistema. At dahil hindi ito inayos ng Comelec, possible ang talamak na pandaraya,” aniya.

Ayon naman kay Fr. Joe Dizon ng Kontra Daya, “Nakakabahala na wala tayong naririnig mula kay Pangulong Aquino. Malakanyang pa mismo ang nagsabi na okey lang bilhin sa Smartmatic ang mga PCOS machine na inirekomenda ng Comelec Advisory Council na huwag bilhin dahil sa kuwestiyon sa kredibilidad nito. Palagay ko, ayaw kuwestiyunin ng Pangulo ang Comelec dahil kapag ginawa niya ito, makukuwestiyon maging ang pagkapanalo niya noong 2010.”

Nanawagan si Dizon sa mga mamamayan na maging lalong mapagbantay, at na panagutin ang Comelec at gobyernong Aquino sa paglalagay sa panganib ng integridad ng halalan.

Para naman kay Anna Leah Escresa ng Workers Electoral Watch, talagang bulnerable ang isang halalan na nasa kamay ng pribadong sektor. “Ang isyu rin dito ay ang soberanya ng ating eleksiyon. Dapat may kakayanan tayong magdaos ng eleksiyon na walang partisipasyon ng isang pribado, at dayuhan, na kompanya,” aniya.

Ipinunto ni Escresa na napakaraming lokal na eksperto na maaari sanang magpatakbo ng automated elections, ngunit kahit ang partisipasyon nila sa pagbabantay nito ay hinaharang pa mismo ng gobyerno.

Kalagayan ng kababaihan sa ‘rising tiger’ ni PNoy

$
0
0
Nagprotesta ang Gabriela sa harapan ng Energy Regulatory Commision. Tutol sila sa dagdag-singil sa kuryente na ipapatupad sa susunod na buwan. (Kontribusyon)

Nagprotesta ang Gabriela sa harapan ng Energy Regulatory Commision. Tutol sila sa dagdag-singil sa kuryente na ipapatupad sa susunod na buwan. (Kontribusyon)

Umuunlad na raw ang ekonomiya. Patunay dito ang pagtaas nang 6.6 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) noong 2012. Pero malayo ito sa nararamdaman ng kababaihan at mamamayang Pilipino.

Para sa militanteng kababaihan, walang dapat ipagbunyi rito, dahil di naman umano ramdam ang anumang pagtaas sa GDP o pag-unlad sa ekonomiya. Hindi raw naipapakita ng pagtaas ang pag-unlad sa kalagayan ng kababaihan.

“Simple lang ang pamantayan ng mga nanay — hindi ang rising economy,” sabi ni Cham Perez, research director ng Center for Womens Resources (CWR), sa isang porum hinggil sa kalagayan ng sektor ng kababaihan. Aniya, ramdam ng mga kababaihan ang paglago ng ekonomiya kung nakakasapat ang kinikita ng bawat pamilya para tugunan ang pangangailangan sa araw-araw.

Hangad ng bawat ina ng pamilya na magkaroon ng pagkain para sa pamilya, pambayad ng utilidad tulad ng kuryente at tubig, gayundin ang gastusin sa pagpapa-aral sa mga anak. Kaya’t simple lang pamantayan o sukatan ng kababaihan sa pagtakda kung lumago nga ang ekonomiya: pagkain sa bawat mesa,regular at disenteng trabaho, libreng serbisyong panlipunan. Ibig sabihin umuunlad ang ekonomiya kung wala o nabawasan ang naghihirap at nakakaranas ng gutom.

Gutom pa rin ang pamilya ng kababaihan.

Sa pinakahuling datos ng National Statistics Coordinating Board (NSCB) noong 2009, bumaba ang poverty incidence (mga taong naghihirap) sa 20.9 % mula 26.3% noong 2006. Pero ayon sa CWR, hindi repleksiyon ng umuunlad na ekonomiya ang pagbaba ng bilang ng mga naghihirap.

“Ni-refine ng NSCB ang depinisyon ng mahirap,” ani Perez. Sa pamamagitan umano ng refinement ng NSCB sa menu (pinakamurang pagkain na masustansiya), kailangan lamang ng bawat pamilyang may limang miyembro ang P162.35 kada araw para sa pagkain, o P32.46 kada tao.

Pero sabi ng CWR, kahit nagkaroon ng refinement sa menu ang NSCB hindi pa rin nito nabawasan ang bilang ng nagugutom. Hinimay nila ang menu ng NSCB at lumalabas na P42.24 kada tao ang kailangan para sa pagkain sa kada araw o P214.24 sa lima kataong miyembro ng pamilya.

“Ginamit pa rin namin ang menu ng NSCB isinama lang namin ang ibang sangkap para sa mga pagkain,” paliwanag ni Perez. Tipid na tipid na nga daw ang kuwenta nila.

Sabi pa ng CWR, kabalintunaan ang “rising tiger” na ipinagmamalaki ng gobyerno. Ilang administrasyon na ang nagsabi nito. Pero hilahod pa rin ang marami sa mga mamamayan lalo na ang kababaihan na siyang nagbabadyet sa papaliit na sahod, kahit pa pagsamahin ang sahod ng buong pamilya.

Lubha umanong maliit ang minimum na sahod kumpara sa mabilis at walang humpay na pagtaas ng mga presyo ng batayang bilihin at serbisyo. Dagdag pa, marami sa mga kababaihan ang walang hanapbuhay.

Kababaihan sa lakas-paggawa

“Nanatili ang malaking agwat ng partisipasyon ng kababaihan sa labor force,” ani Perez.

Kahit ang International Labor Organization, kinilala na hindi nadagdagan ang tantos ng kababaihang walang trabaho — 6.7% noong 2012 na pareho pa rin sa nagdaang taon ng 2011, kumpara sa 6.6% na naitala sa kalalakihan. Ayon kay Perez, maliit na nga ang bilang nga kababaihang may trabaho, mas maliit naman ang sinasahod nila. “Signipikante ang agwat sa average daily basic pay ng kababaihan at kalalakihan; mas mataas din ang bahagi ng kababaihang low paid workers,” aniya.

Sabi pa ni Perez, lubhang limitado ang mga trabahong maaaring makuha ng kababaihan. Karamihan pa ito ang nasa pagbibigay serbisyo, na pinapasu. Halos kalahati o 68% ng kababaihan. Pero kalakhan naman sa mga ito ang kontraktuwal (85%) na tumatagal lamang sa 3-4 na buwan.

Isa sa pa rin sa pangunahing inilalako ng gobyerno para magkaroon ng trabaho ang mga kababaihan, ang pangingibang bansa. Ayon sa CWR, 7 sa 10 nangibang bayan na kababaihan ang nasa serbisyong pribado, karamihan domestic worker na bulnerable sa pang-aabuso. Nababahala din ang grupo sa lumalaking bilang ng mga migranteng kababaihan na bata (15-24 taong gulang), “napakabulnerable nila sa abuso, dahil bata, takot silang magsumbong,” paliwanag ni Perez.

UL 2013 menu

Pantakip sa kakulangan

Sa matinding kahirapan na nararanasan, napipilitan  ang kababaihan na maghigpit sa kanilang badyet.

Sa pananaliksik ng CWR, mayorya sa kababaihan sa komunidad ang nagsabing tinitipid nila ang kanilang gastusin. Una na rito ang pagbawas sa paggamit ng kuryente, tubig at iba pang gastusin, para lamang matustusan ang batayang pangangailangan ng pamilya – ang pagkain. Bago matapos ang taong 2012, iniulat ng International Food Policy Research Institute (IFPRI) na lumala ang kagutuman sa Pilipinas, nasa ika-27 sa hunger incidence sa buong mundo.

Pero sa halip na tugunan ng gobyerno ang lumalalang kagutuman, sinabi ng grupo na tinatapalan lamang ito ng iba’t ibang iskema tulad ng conditional cash transfer o Pantawid Pamilyang Pilipino Program. At dahil sa dole-out ang programa, hindi umano nakakatulong sa kababaihan ang mahigit isanlibong pisong mula sa programa. Sa sarbey ng grupo sa mga benepisyaryo ng programa, 77% ang nagsabing mas nanaisin nilang magkaroon ng permanenteng trabaho o pangmatagalang pagkakakitaan kaysa umasa sa programang walang katiyakan.

Kahit daw ang suporta sa mga magsasakang kababaihan na micro credit o maliitang pautang hindi nakakatulong para maibsan ang kahirapan sa kanayunan. “Hindi epektibo ang pagpapautang para gamitin sa produksiyon ng mga magsasaka,” giit ni Perez. Aniya, sa mga mahihirap na naging bahagi ng programa, ginamit ang perang nakuha sa mas batayang pangangailangan katulad ng pagkain, gamot at gastusin sa pag aaral.

“Wala kasing sariling lupa ang mga magsasakang kababaihan,” reaksiyon naman ni Lita Mariano, pangalawang tagapangulo ng Amihan, isang organisasyon ng mga magsasakang kababaihan. Bukod sa kawalan ng lupa, napakataas din ng gastusin sa produksiyon, kahit sa isang ektarya lang ng palayan.

Sabi ni Mariano, aabot sa P56,000/kada ektarya ang gastos sa produksiyon kasama na ang bayad sa upa sa lupa. Dagdag niya, sobra naman ang pambabarat sa kanilang produkto, sa anihan P12-14/kilo lamang ang bili sa kanilang palay, pero kung bibili naman ang mga magsasaka ng bigas mahgit P30.00 na kada kilo ang bigas.

Giit ng CWR na bukod sa hindi na nakakatulong ang mga programa na maibsan ang kahirapan batbat pa ito ng anomalya at korapsiyon.

“Trabaho ang kailangan ng kababaihan, gayundin ang abot kamay na serbisyong panlipunan,” giit ni Perez.

Serbisyong di maabot

Dagdag pahirap sa mga kababaihan - kinalampag ng mga miyembro ng Gabriela ang gate ng Energy Regulatory Commission bilang protesta sa 19 sentimos na dagdag sa universal charge na sisingilin ng Meralco.  (Kontribusyon)

Dagdag pahirap sa mga kababaihan – kinalampag ng mga miyembro ng Gabriela ang gate ng Energy Regulatory Commission bilang protesta sa 19 sentimos na dagdag sa universal charge na sisingilin ng Meralco. (Kontribusyon)

Wala nang sapat na trabaho, matindi ang kahirapan at kagutuman. Hindi pa maabot ang batayang mga serbisyo ng gobyerno, tulad ng edukasyon at kalusugan. Nais pa ng gobyerno na kontrolin ang populasyon bilang tugon sa pagbawas ng mahihirap. Kahit umano naipasa ang Reproductive Health Bill, hindi umano ito totoong komprehensibong tugon sa pangangailangan pangkalusugan ng mga kababaihan.

Kasabay kasi nito ang pagsasapribado ng 26 pampublikong ospital, kasama na ang Fabella Hospital na pangunahing ospital paanakan sa Metro Manila. Gayundin, ipinatupad ng Department of Health o DOH ang programang PRISM (Private Sector Mobilization) ng United Nations Agency for International Development (USAID) para diumano sa proyektong kalusugan para sa pamilya.  Pero nakatuon naman daw ito sa pagkontrol ng populasyon at paggamit sa pribadong mga klinika para mapaunlad daw ang kakayahan ng 300 midwives.

Ayon pa sa CWR, mas malaki ang gastos sa kalusugan ng bawat mamamayan kaysa sa suporta ng gobyerno para rito. “Galing ito sa sariling bulsa ng mga mamamayan,” sabi ni Perez. Aabot kasi sa 60% ang pribadong ospital, samantalang isinasapribado naman ang mga ospital at mga serbisyong pangkalusugan, at ang alokasyon ng badyet sa kalusugan, napupunta sa negosyong PhilHealth na ginagamit lamang sa pogi points ng  gobyerno.

“Hindi nakakapagtatakang 12 nanay ang namamatay kada araw, hindi unwanted pregnancy ang dahilan nito kundi walang akses sa serbisyong pangkalusugan,” ani Perez.

Maliban sa serbisyo sa kalusugan, hirap din ang kababaihan sa patuloy na pagsirit ng presyo laluna nang langis. Sa buwan pa lang ng Pebrero, apat na beses nang nagtaas ang presyo ng krudo nito. Samantala, tumaas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG)  nang 376%. Noong 1998, nasa P165.00 kada tangke ang presto nito. Ngayong 2013, nasa mahigit P700 na itogobyerno. “Dahil sa pagtaas ng presyo ng LPG, naitala ang pagpapalit gamit sa pagluluto ng mga nanay mula LPG patungong uling o kahoy,” sabi ni Perez.

Bukod pa rito, muling itataas ang singil sa kuryente (19 sentimos para sa universal charge) sa buwan ng Marso, gayundin ang tubig (P10.00 sa Maynilad at P5.00 sa Manila Waters) sa mga susunod na buwan.

Iginigiit ng grupo ng kababaihan na ang patakaran ng matuwid na daan ni Pangulong Aquino ang dahilan ng pagiging rising tiger ng Pilipinas. Pero para lamang sa mga malalaking negosyante at dayuhang mamumuhunan.

Hirap na, inaabuso pa

“Habang dumarami ang nagugutom, naghihirap at walang trabaho, kasabay din nito ang pagdami ng karahasan sa kababaihan,” pahayag ni Perez.

Mismong sa tala ng Philippine National Police – Women’s Desk, lumaki an bilang ng mga babaing inaabuso. Ayon sa ulat ng PNP, may 5,180 kaso ng panggagahasa noong 2012. Pito sa bawat sampung biktima ay bata. Nangangahulugan na kada araw, 14 na kababaihan o bata ang nagiging biktima ng rape o incest. Samantalang isang kababaihan o bata ang sinasaktan sa bawat 34 minuto.

Ngunit pinakamasahol umano ang pang-aabusong seksuwal ng mga awtoridad ng estado partikular na ang mga militar, kung saan nakapagtala ang CWR ng 10 kaso noong 2012. Karamihan, hindi na nagsasampa ng kaso dahil sa takot o pinagbabantaan. Ibinigay na halimbawa ng CWR ang kaso ng isang 21 taong gulang na halinhinang ginahasa ng mga elemento ng 19th Infantry Batallion sa Masbate.

Maliban pa sa seksuwal na pang-aabuso, pangunahing kababaihan at bata ang nakakaranas ng hirap at pang-aabuso ng mga militar sa kanilang kampanyang kontra-insurhensiyang Oplan Bayanihan na nagtatago sa temang “peace and development”. Ayon sa grupo, may 15 kababaihan ang pinaslang noong 2012, isa na rito si Juvy Capion, lider kababaihan ng tribung B’laan sa Mindanao na tutol sa pagmimina ng dambuhalang korporasyon ng SMI-Xstrata. Kasamang napatay ang dalawang anak ni Capion. Nabibilang ang dalawang batang Capion sa 12 batang napatay noong 2012 dahil sa mga operasyong militar.

"Kabalintunaan ang rising tiger ng administrasyong Aquino," sabi ni Cham Perez, research director ng CWR sa kanilang porum kamakailan.  (Macky Macaspac)

“Kabalintunaan ang rising tiger ng administrasyong Aquino,” sabi ni Cham Perez, research director ng CWR sa kanilang porum kamakailan. (Macky Macaspac)

Dagdag pa, kababaihan at bata ang pinakabulnerable sa panahon ng kalamidad. Kamakailan lamang, inuulat ng United Nations Office for Coordination of Humanitarian Affairs (Unocha) na tumataaas ang malnutrisyon sa hanay mga biktima ng bagyong Pablo sa Compostela Valley at Davao Oriental. Dahil daw ito sa patuloy na kawalan ng maayos na tirahan at pagkukunan ng ikabubuhay. Libu-libong kababaihang buntis at nagpapasuso ang nangananib din sa malnutrisyon.

“ Kahit sa aming mga pag-aaral noon, karaniwan na ang mga ganito sa ebakwasyon dahil 85% ang mga babae at bata,”  ani Jojo Guan, executive director ng CWR. Sinabi nito na dahil sa kawalan ng maayos na tirahan sa mga ebakwasyon nasa alanganin ang kalusugan ng mga bata at kababaihan. “Bulnerbale pa sila sa panghaharas,” aniya. Sabi pa ni Guan, habang tumatagal ang mga biktima ng Pablo sa ebakwasyon, simbolo naman ito ng kapabayaan ng gobyerno sa batayang pangangailangan ng mga biktima. Hindi rin daw planado ang pagharap ng gobyerno sa mga kalamidad. “Alam naman natin na mahigit sampung bagyo ang dumadaan sa Pilipinas kada taon, pero lagi tayong naso-sorpresa,” aniya.

Dagdag pa ni Guan,  “Sinasabi ni PNoy na ang mga tao ang boss niya, na gumaganda na ang ekonomiya. Pero simpleng pagresponde sa mga biktima, hindi magawa. Hindi lang kasinungalingan. Mapanlinlang ito,” ani Guan. Sa nakaraang mga araw, lumabas sa midya ang maanomalyang pagtatayo ng mga bunk house para sa mga biktima, maliban pa sa reklamo ng mga ito na kulang o hindi nakakarating ang relief goods laluna sa mga liblib na lugar.

Kaya’t hindi naniniwala ang kababaihan na sa ipinagmamalaking “rising tiger” na ekonomiya. Pasusubalian nila ito sa pamamagitan ng kanilang “rising protest.”


Skeptisismo pa rin sa Hacienda Luisita

$
0
0
Mga magsasaka ng Hacienda Luisita, tinitingnan ang kanilang pangalan sa pinal na listahan ng benepisyaryong inilabas ng Department of Agrarian Reform noong Pebrero 27. (Ilang-Ilang Quijano)

Mga magsasaka ng Hacienda Luisita, tinitingnan ang kanilang pangalan sa pinal na listahan ng benepisyaryong inilabas ng Department of Agrarian Reform noong Pebrero 27. (Ilang-Ilang Quijano)

Nang i-turnover ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sek. Virgilio de los Reyes ang listahan ng mga benepisyaryo ng lupa sa Hacienda Luisita sa covered court ng Brgy. Mapalacsiao, mga hiyaw ng galit, sa halip na tuwa, ang sumalubong sa kanya.

Dahil dito, hindi natuloy ang inaasahan ng mga magsasaka na “publicity gimmick” ng DAR. Nang magsimulang maghiyawan ang mga magsasaka, bumalik na lamang sa mga sasakyan si de los Reyes at mga tauhan ng DAR. Bago nito, nag-press conference na ang DAR sa isang malapit na hotel para ianunsiyo sa midya ang paglabas ng listahan.

Paliwanag ni Lito Bais, tagapangulo ng United Luisita Workers Union (ULWU), gusto sana nilang makapagsalita muna ang DAR, bago igiit ang kanilang hiling na libreng pamamahagi ng lupa. “Kaso agitated na ‘yung mga tao. At ayaw na rin niyang (de los Reyes) makinig sa amin,” aniya.

May dahilang magalit si Rafael Marquez, 59, residente ng Brgy. Bantog. Ipinanganak siya sa asyenda at nagsimulang magtrabaho rito noong 1970. Mga tenanteng magsasaka rin ang kanyang mga ninuno.

Kahit tatlong beses siyang ininterbyu ng mga tauhan ng DAR, “hindi pa rin nila ako isinama listahan,” malungkot niyang sinabi.

Napaluha rin si Rebecca Santos, 46, nang makitang wala sa listahan ang kanyang pangalan. Kasama siya sa 1989 Stock Distribution Option (SDO) referendum na tinataguriang master list ng mga benepisyaryo, at may homelot pa para patunayan ito. Tubong asyenda rin ang kanyang mga ninuno.

“Hindi sana ganoon kasakit sa loob ko kung ‘yung mga hindi dapat nasa listahan ay wala. Kaso ang daming nandoon na hindi naman dapat. Samantala kaming nakipaglaban, wala,” himutok niya.

Naganap ang turnover ng listahan sa covered court ng Brgy. Mapalacsiao (Ilang-Ilang Quijano)

Naganap ang turnover ng listahan sa covered court ng Brgy. Mapalacsiao (Ilang-Ilang Quijano)

Kuwestiyunableng listahan

Kinukuwestiyon ng mga grupong magsasaka ang listahan ng DAR na nakabatay sa listahan na umano’y pinalobo ng manedsment ng Hacienda Luisita, Inc. (HLI). Ang 5,176 na benepisyaryong kasama sa 1989 SDO referendum ang nais lamang na kilalanin ng ULWU at Ambala (Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita). Ngunit kinilala ng Korte Suprema sa desisyon noong 2011 ang 6,296 na benepisyaryo na iginigiit ng HLI. Nasa 6,212 dito ang bumuo sa pinal na listahan ng DAR.

Ayon sa DAR, nakabatay ang kanilang listahan sa master list, mga interbyu, dokumentong isinumite ng mga magsasaka, at rekord ng HLI sa Social Security System (SSS).

Ngunit ayon sa ULWU at Ambala, itinigil ng HLI ang pagbabayad sa SSS mula 1985 hanggang 1990. “Saan nagmula ang dagdag na 1,000 pangalan?” anila.

Gayunpaman, opisyal na naghain lamang ng exclusion ang mga grupo sa walong tao na kilalang mga bisor at “loyalista” ng HLI: sina Windsor Andaya, Noel Mallari, Julio Suniga, Eldie Pingol, Engr. Rizalino Sotto at Brgy. Capt. Edgardo Aguas.

Paliwanag ni Bais, para hindi “mag-away-away” ang kanilang hanay (gaya ng hinahangad ng manedsment), pinalampas na nila ang iba pang isinama sa listahan ng DAR na tauhan ng HLI, gaya ng mga kasambahay ng pamilya Cojuangco.

Ngunit hindi pa rin napigilan ng mga magsasakang nagbabasa ng listahan na tukuyin kung sinu-sino ang sa tingin nila’y hindi tunay na benepisyaryo: “Labandera ito ng mga Cojuangco,” sabi ng isa, sabay turo sa isang pangalan.

Sinikap din ng ULWU at Ambala maisama sa listahan ang mga miyembrong hindi nakasama sa inisyal na listahang inilabas ng DAR noong Oktubre 2012. Ngunit kahit isa sa 16 na ipinetisyon nila para sa inclusion, hindi ipinasok ng DAR.

Matagal pang laban

Sinasabi ng pamilyang Cojuangco na “nirerespeto” nila ang desisyon ng Korte Suprema, habang sinasabi naman ng DAR na ginagawa nito ang lahat para maipatupad na ang desisyon.

Rafael Marquez, 1970 pa nagtatrabaho sa asyenda, pero di kasama sa listahan (Ilang-Ilang Quijano)

Rafael Marquez, 1970 pa nagtatrabaho sa asyenda, pero di kasama sa listahan (Ilang-Ilang Quijano)

Ngunit taliwas dito ang kanilang ginagawa, ayon sa mga magsasaka.

Sa isang pulong ng DAR, manedsment ng HLI, kompanyang magsa-sarbey ng lupa, at mga lider ng ULWU at Ambala noong Pebrero 21 sa Max’s Restaurant, Luisita Park, sinabi ni Peping Cojuangco na hindi siya makapapayag na isarbey ang lupa hangga’t hindi sila nababayaran ng gobyerno ng kompensasyon.

Isa sa maraming natitirang usapin sa pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita ang kompensyasyon–iniwan ito ng Korte Suprema sa pagpapasya ng DAR. Ayon sa mga magsasaka, dapat ibatay ito sa halaga ng lupa noong 1989, habang iginigiit naman ng HLI na ibatay ito sa mas mataas na halaga ng lupa noong 2004.

Isa lamang ang kahulugan ng pahayag ni Cojuangco, tiyuhin ni Pangulong Aquino: “Matatagalan pa ito. Siyempre, hangga’t hindi nakakapagsarbey ng lupa, hindi mailalabas ang mga CLOA (Certificate of Land Ownership Award),” ayon kay Bais.

Ngunit karamihan sa mga magsasakang nakapanayam ng Pinoy Weekly ang hindi kampanteng makita lamang ang kanilang pangalan sa listahan, o kahit mabigyan pa ng CLOA.

“Siguro hindi ako matutuwa hangga’t hindi pa talaga mabibigay ang lupa,” ayon kay Remedios Viedan, 59.

Isa si Viedan sa maraming magsasaka na napilitang iparenta ang lupa sa mga nagtatanim ng tubo, dahil sa kagipitan at tagal ng pamamahagi nito ng gobyerno. Karamihan sa mga rumerenta o pinagsanglaan ng lupa ay mga tauhan ng HLI–ito ang naging paraan ng kompanya para panatilihin ang kontrol sa asyenda.

“Pero hindi ko na ire-renew ang kontrata (sa renta),” aniya, tila nabubuhayan ang loob sa paglabas ng listahan ng DAR.

Iba pang maniobra

Napipilitang parentahan o isangla ng mga magsasaka ang kanilang lupa para sa mga tubuhang pag-aari ng mga tauhan ng HLI. (Ilang-Ilang Quijano)

Napipilitang parentahan o isangla ng mga magsasaka ang kanilang lupa para sa mga tubuhang pag-aari ng mga tauhan ng HLI. (Ilang-Ilang Quijano)

Ngunit hindi nauubusan ng maniobra ang pamilya Cojuangco. Inihayag ni de los Reyes kamakailan na ibabawas pa sa 4,335-ektaryang lupa na ipinagkaloob sa mga magsasaka ang mga pampublikong lupa gaya ng kalsada at kanal ng irigasyon.

“Sinabi niya (de los Reyes) na napagkasunduan ito sa isang inspeksiyon noong Pebrero 14. Hindi iyon totoo. Naroroon si Peping (Cojuangco) kaya hindi kami sumama (sa inspeksiyon),” paglalahad ni Bais.

Ipinagkaloob din ng DAR sa manedsment ng HLI ang pagtatakda ng criteria o pamantayan sa pagpili ng auditing firm para sa P1.33 Bilyon mula sa pagbenta ng mahigit 500 ektarya ng lupa sa asyenda, na inutos ng korte na ibalik sa mga magsasaka.

Kinuwestiyon ito ni Bais: “Bakit sila ang magtatakda, eh para sa amin ang pera?”

Naghain na ang ULWU at Ambala ng diskwalipikasyon sa auditing firm na Reyes Tacandong & Co., na karamihan sa mga opisyal ay dati umanong nagtatrabaho sa SGV & Co. Philippines, ang auditing firm ng HLI.

Libreng pamamahagi

Iginigiit pa rin ng mga magsasaka ang libreng pamamahagi ng lupa. Umano’y ito ang tanging paraan para masigurong hindi maibabalik lamang ang lupa sa kamay ng pamilya Cojuangco.

Sa kanilang kwenta, kung matutupad ang P1 Milyon kada ektarya na kompensasyon sa lupa, sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (Carper) ay mangangahulugan na babayaran ito ng magsasaka ng P700,000.

“Sa ilalim ng Carper, 30 percent lang ang subsidy ng gobyerno. Eh kahit nga sabihin pa nating 50 percent ang subsidy, saan kukunin ng mga magsasaka ang kalahating milyon? Eh ‘di babalik lang ulit sa kanila (mga Cojuangco) ang lupa,” sabi ni Bais.

Marami ang naghihimutok sa pagsama sa listahan ng mga tauhan ng HLI (Ilang-Ilang Quijano)

Marami ang naghihimutok sa pagsama sa listahan ng mga tauhan ng HLI (Ilang-Ilang Quijano)

Dagdag pa niya, “Ang swerte naman ng mga Cojuangco. Napasakanila ang lupang ito noong 1957, ang ipinambayad, pera ng gobyerno. Ngayon, ibabalik sa atin ang lupa, babayaran na naman sila ng gobyerno. Ang swerte nila!”

Nakasaad pa sa Carper na maaaring bawiin ang CLOA kapag tatlong taon nang hindi nakakabayad ng amortisasyon ang mga magsasaka. Ngayon pa lang, marami nang magsasaka na ang nagpaparenta o nagsasangla ng lupa sa halagang P3,000 hanggang P10,000 lamang, nang dahil sa hirap.

“Habang nandiyan ang Carper na ‘yan, hindi matutupad ang tunay na reporma sa lupa,” sabi ni Bais.

Kaya naman patuloy na pinanghahawakan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang “bungkalan” o kolektibong pagbubungkal ng lupa, isang porma ng paggiit ng kanilang pag-aari rito.

Sumali sa bungkalan simula noong 2005 si Marquez. Hirap man dahil walang suporta ng gobyerno, masaya siya sa pagtatanim sa lupa na itinatrato niyang kanya. “Mas gusto ko ang palay kaysa tubuhan. Noon, ang kita ko ay P100 lang sa isang linggo dahil dalawang beses lang ako pinagtatrabaho,” aniya.

Wala man siya sa listahan ng DAR, naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng kanyang mga kasamahan sa tila matagal-tagal pang laban para maibalik sa kanila ang lupa.

Video: Pagbangon ng Kababaihan (Part One)

$
0
0

one billion rising philippines featuredLibu-libong Pilipino ang lumahok sa One Billion Rising, isang kampanya para wakasan ang karahasan sa kababaihan sa pamamagitan ng sayaw. Sa Tomas Morato, Quezon City noong Pebrero 14, ginanap ang main rising na inorganisa ng Gabriela, Gabriela Women’s Party, New Voice Company, at iba pang grupo.

Opisyal na dokumentasyon para sa One Billion Rising Philippines ng PinoyMedia Center, opisyal na media partner ng kaganapan. Panoorin sa High Definition (720p).

 

 

Shot and edited by Pher Pasion and King Catoy

Opening and closing credits music “Fireflies” by Susie Ibarra

Balik-Tanaw sa Sabah

$
0
0
Mapa ng Sabah

Mapa ng Sabah

[Kaugnay ng umiinit ngayong usapin tungkol sa Sabah na kinaligtaan na yatang habulin ng gobyerno, matapos ang magkasunod na rehimen nina yumaong Pres. Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos, minabuti naming muling ilathala rito ang artikulo naming ito (unang lumabas sa PINOY WEEKLY, may petsang Setyembre 25-Oktubre 1, 2002). Pagkaraan ng naturang dalawang rehimen, lumilitaw na natulog na sa kangkungan ang sumunod na mga administrasyon mula kay Pres. Cory Aquino hanggang ngayon kay P-Noy, at ibinasura na ang paghahabol ng Pilipinas sa teritoryo ng Sabah.]

ISANG BOMBANG maaaring biglang sumabog anumang oras ang isyu ng paghahabol ng Pilipinas sa Sabah. Dekada ’60 pa nang simulan ito at, batay sa datos, lumilitaw na hindi Malaysia ang dapat magmay-ari ng naturang teritoryo.

Ang Hilagang Borneo, kilalang Sabah noon pa, ay may kabuuang sukat na 29,000 milya kuwadrado, maliit lamang ng 8,000 milya kuwadrado kaysa Mindanaw. Mula sa Pilipinas, 18 milya lamang ang layo nito, ngunit 1,000 milya mula sa Kuala Lumpur, kabisera ng Malaysia.

Kung titingnan ang mapa, ang hilagang dulo ng Isla ng Borneo ang bumubuo sa sangkapat (1/4) na bahagi ng Sulu Sea at nag-uugnay sa mga isla pakanan mulang Palawan hanggang Kanlurang Bisaya, Mindanaw, at Arkipelago ng Sulu.

Ilang libong taon na ang nakaraan, isang kultural, historikal, at pang-ekonomiyang yunit lamang ang Pilipinas at ang Borneo. Ayon sa mga siyentipiko, magkarugtong ang dalawang teritoryo, mula sa iisang lahi ang mga tao, magkakulay, magkaugali at may parehong mga tradisyon.
——
ANG SOBERANYA NG SULTAN NG SULU

Dating pinamamahalaan ng Sultan ng Brunei ang Sabah. Noong 1704, bilang pagtanaw ng utang na loob nang matulungan ng Sultan ng Sulu na masugpo ang isang rebelyon sa Brunei, ipinagkaloob ng Sultan ng Brunei sa Sultan ng Sulu ang Hilagang Borneo o Sabah.

Si Alfred Dent, na nagbigay kay Baron de Overdeck ng  £10,000 para "bilhin" ang Hilagang Borneo.

Alfred Dent

Noong 1878, pinarentahan ng Sultan ng Sulu ang Sabah kina Baron de Overbeck at Alfred Dent sa halagang 5,000 dolyar (Malaysian) na itinaas nang malaon sa 5,300.

Ipinagbili nang malaon ni Overbeck kay Dent ang lahat niyang karapatan sa ilalim ng kontrata. Isang pansamantalang asosasyon ang itinayo ng Ingles na mangangalakal na si Dent at, nang malaon, naitatag ang British North Borneo Company.

1881 — nang pagkalooban ng Karta Royal ang naturang kompanya. Nagprotesta ang pamahalaan ng Espanya at ng Olandes sa gobyerno ng Bretanya laban sa pagbibigay nito ng Karta Royal sa British North Borneo Co. Binigyang-diin ng Bretanya na “NANANATILI SA SULTAN NG SULU ANG PAGMAMAY-ARI SA SABAH” at tungkuling administratibo lamang ang gagampanan ng nasabing kompanya.

1903 — hiniling ng British North Borneo Co. sa Sultan ng Sulu na magpalabas ng isang kasulatang muling magpapatibay sa dating kontratang ginawa noong 1878 (lease agreement) at tataasan ang renta.

1946 — inilipat ng British North Borneo Co. sa British Crown ang lahat nitong karapatan at obligasyon sa Sabah at noong Hulyo 10, 1946 — anim na araw matapos ibalik ng Amerika ang inagaw na kasarinlan ng Pilipinas — iginiit ng British Crown ang ganap nitong mga karapatan sa soberanya ng Hilagang Borneo o Sabah.
——-
IBA PANG MGA PATOTOO SA SOBERANYA

1737 — isang tratado (Treaty of Alliance) ang pinirmahan ng Espanya at ng Sultan ng Sulu.

1805 — isang tratado ng pakikipagkaibigan sa Espanya ang nilagdaan ng Sultan ng Sulu.

1836 — kinilala ang soberanya ng Sultan ng Sulu nang makipagtratado sa kanya ang Espanya tungkol sa kapayapaan, pakikipagkaibigan at proteksiyon.

1851 — muling nakipagtratado ang Espanya sa Sultan ng Sulu. Nakilala ang tratadong ito bilang “Treaty of Annexation” at ipinailalim sa soberanya ng Espanya ang buong kapuluan ng Sulu.

1878 — isa pang tratado ang pinirmahan ng Sultan ng Sulu na, sa ikalawang pagkakataon, nagbibigay-diin sa soberanya ng Espanya sa teritoryo ng Sulu.
——–
PAPEL NG ESTADOS UNIDOS NG AMERIKA

1848 — sa pamamagitan ni Komodor Charles Silker, isang tratado ang isinulong ng Estados Unidos sa Sultan ng Sulu para sa kalakalan.

Agosto 20, 1899 — sa pamamagitan ni Hen. John C. Bates, isang tratado ang pinirmahan ng gobyerno ng E.U. at ng Sultan ng Sulu. Nakilala ito bilang Bates Treaty. Sa ilalim nito, idineklara at kinilala ng Sultan ng Sulu ang soberanya ng Amerika sa Arkipelagong Jolo at sa nasasakupan nito. May mga probisyon sa tratado na kumikilala sa “gobyerno ng Sultan” na gumagarantiya sa paggalang sa Sultan at sa mga Datu nito, gayundin ang ganap na pagkilala sa kanilang mga karapatan. Pinawalang-saysay ng Amerika ang tratado noong 1904 dahil sa paglabag diumano ng mga Muslim sa mga probisyon.

Marso 22, 1915 — napilitang makipagkasundo sa Estados Unidos ang Sultan ng Sulu dahil sa pangakong patuloy silang babayaran at bibigyan ng lupa. Pinagtibay niya ang kanyang “pagkilala sa soberanya ng E.U. sa Mindanaw at Sulu.
————
MGA HAKBANG NG ESTADOS UNIDOS NA PALAWAKIN ANG SULTANATO

Pagpirma ni John Hay, US Secretary of State, sa memorandum of ratification ng Estados Unidos at Espanya, mula sa Harper's Pictorial History of the War with Spain, Vol. II, inilathala ng Harper and Brothers noong 1899. (Wikimedia Commons)

Pagpirma ni John Hay, US Secretary of State, sa memorandum of ratification ng Estados Unidos at Espanya na tinaguriang Treaty of Paris, mula sa Harper’s Pictorial History of the War with Spain, Vol. II, inilathala ng Harper and Brothers noong 1899. (Wikimedia Commons)

1. Walang kaukulang legal na mga batayan, sa pamamagitan ng Tratado ng Paris, isinalin ng Espanya sa Estados Unidos ang pagmamay-ari sa Pilipinas.

2. Hunyo 1, 1903, sa bisa ng Bates Treaty, nilikha ang probinsiyang Moro na nagbawas sa kapangyarihang pampulitika ng Sultanato.

3. Nang pagtibayin ang Batas Jones noong 1916, nabuksan sa Kongreso ng E.U. ang talakayan hinggil sa kasarinlan ng Pilipinas. Natakot na kapag nagsasarili na ang Pilipinas, baka bawiin nito ang Sabah, kaya hinimok ng British Crown si Pres. Woodrow Wilson ng Amerika na atasan si Al-Sultan Jamalul Kiram II na isuko sa gobyerno ng E.U. ang soberanya nito sa Arkipelago ng Sulu at Mindanaw.

4. Itinadhana ng 1919 Kasunduang Carpenter na kilalanin ng Sultan ng Sulu ang soberanya ng E.U. sa Mindanaw at Sulu kaakibat ang lahat ng karapatan at regulasyong ipinatutupad ng gobyerno ng Amerika sa lahat ng nasasakupan nito.

5. Sa tratadong pinirmahan ng E.U. at ng Gran Bretanya noong Enero 2, 1930, nilimitahan ang teritoryal na hurisdiksiyon ng Pilipinas.

6. Sa ilalim ng 1935 Konstitusyon ng bansa, isinama sa balangkas ng Republika ng Pilipinas ang Sultanato ng Sulu nang walang kaukulang patalastas sa gobyerno ng Sultan at labag sa kagustuhan ng mga mamamayan ng Sultanato. Ang Gobyernong Komonwelt ang nagmana mula sa E.U. ng soberanya ng Sultanato ng Sulu.
——–
MGA HAKBANG NG GOBYERNO NG PILIPINAS SA PAGHAHABOL SA SABAH

Hunyo 22, 1962 — Ipinatalastas ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Kagawarang Panlabas (DFA), sa UK (United Kingdom) ang paghahabol nito sa Sabah.

Setyembre 12, 1962 — Ipinaliwanag ng Pilipinas sa gobyerno ng UK ang mga batayan nito sa paghahabol sa Sabah.

Disyembre 29, 1962 — Nagkasundo ang UK at ang Pilipinas na talakayin ang isyung ito.

Enero 28 – Pebrero 1, 1963 — Idinaos sa London ang unang kumperensiyang ministeryal tungkol dito. Pinamunuan ni dating Bise-Presidente Emmanuel Pelaez ang lupon ng Pilipinas, at ni Ministrong Panlabas Earl Home ang lupon ng UK.

Hunyo 7-11, 1963 — Nagpulong sa Maynila ang mga Ministrong Panlabas ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Sa isang dokumentong ipinalabas nila, napagkasunduang “hindi mababale-wala ang paghahabol ng Pilipinas sa Sabah o ang anumang mga karapatang kaugnay nito” sakaling mabuo man ang Pederasyon ng Malaysia.

Pang. Diosdado Macapagal

Pang. Diosdado Macapagal

Hulyo 30-Agosto 5, 1963 — Nagpulong sa Maynila sina Pres. Diosdado Macapagal, Pres. Sukarno ng Indonesia, at Ministrong Panlabas Tunku Abdul Rahman ng Malaysia. Sa dokumentong ipinalabas nila, pinagtibay nila ang napagkasunduan noong Hunyo 7-11, 1963 ng kani-kanilang mga ministrong panlabas tungkol sa paghahabol ng Pilipinas sa Sabah.

Setyembre 14, 1963 — Ipinahayag ng Pilipinas ang pag-aalinlangan nito sa resulta ng misyon ng U.N. na gusto diumano ng mga mamamayan ng Sabah na manatili ang naturang teritoryo sa Malaysia.

Pebrero 5-10, 1964 — Sinimulang talakayin ng mga ministrong panlabas ng MAPHILINDO (Malaysia, Pilipinas, Indonesia) ang paghahabol ng Pilipinas sa Sabah, gayundin ang iringan ng Malaysia at Indonesia.

Pebrero 5-12, 1964 — Nag-usap din sa Phnom Penh, Cambodia, sina Macapagal at Rahman at nagkasundong dalhin sa World Court ang isyu ng Sabah.

Marso 5-6, 1964 — Idinaos sa Bangkok, Thailand, ang ikalawang masusing talakayan ng mga ministrong panlabas ng MAPHILINDO tungkol sa naturang isyu, gayundin ang banggaan ng Malaysia at Indonesia, ngunit walang napagkasunduang anuman.

Hunyo 20-22,1964 — Nagpulong sina Macapagal, Sukarno at Rahman. Batay sa napag-usapan sa Phnom Penh, ibinigay ng Malaysia ang dokumentong “Philippine Claim to North Borneo, Volume 1.” Ipinanukala rin ng Pilipinas na bumuo ng komisyong Apro-Asyano para mamagitan sa bagay na ito.

Pebrero 7, 1966 — Opisyal na ipinahayag ng gobyerno ng Malaysia na hindi nito nilabag ang Hulyo 31, 1963 Kasunduan sa Maynila at binigyang-diing patuloy na igagalang iyon.

Hunyo 3, 1968 — Naging normal ang relasyon ng Malaysia at Pilipinas.

Enero 12, 1968 — Nagpalabas ng dokumento sina Pres. Marcos at Ministro Rahman na sa lalong madaling panahon, ipagpapatuloy ang talakayan ng kanilang mga bansa tungkol sa Sabah.
———
Bago idineklara ni Marcos ang Batas-Militar, ibinunyag ni Sen. Benigno Aquino, Jr. noon ang planong paglusob ng puwersa ng gobyerno sa Sabah sa pamamagitan ng tropang Jabidah na sinasanay ng militar. Humantong iyon sa pagmasaker sa mga miyembro ng Jabidah ng diumano’y mga militar dahil nagsitutol ang mga iyon sa plano ni Marcos.

Mula sa rehimen ni Cory Aquino, Fidel Ramos, Erap Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at masasabing hanggang ngayon sa rehimen ni P-Noy, parang binuhusan ng tubig at lumamig ang usaping ito sa Sabah. Muli lamang itong uminit dahil sa malupit na maramihang deportasyon noon ng mga Pilipinong nandayuhan sa Malaysia, at umiinit nang umiinit nga ngayon bunga naman ng mga 400 Pilipinong nagpunta sa Sabah kamakailan at naninindigang teritoryo iyon ng Pilipinas na, malamang, baka puwersahang pabalikin sa Pilipinas ng mga awtoridad ng Malaysia.

Tuluyan ba itong magsisiklab at parang bombang sasabog sa ilalim ngayon ng rehimen ni P-Noy? O talagang bahag ang buntot sa Sabah ng ating kinauukulang walang gulugod na pambansang liderato?

Pebrero 21, 2013

Pagkulong sa ‘Courage 2′, pagsupil sa mga kritiko ng estado

$
0
0

Iginiit ng mga kaanak nina Randy Vegas at Raul Camposano, kasama ang mga miyembro ng iba’t ibang sektoral na grupo, ang paglaya ng dalawa, na dinukot sa Maynila noong Disyembre 3, 2012 at inakusahang rebelde.

Tinaguriang “Courage 2,” organisador sina Vegas at Camposano ng mga kawani ng gobyerno, partikular ng mga manggagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Noong Disyembre 3, 2013, patungo sila sa MMDA para tulungan ang mga kawani ng naturang ahensiya na nagpaplanong maglunsad ng barikada sa EDSA nang dukutin sila sa magkaibang lugar ng mga militar na nakabihis-sibilyan.

Kilos protesta sa harap ng tanggapan ng Commission on Human Rights para igiit ang paglaya nina Randy Vegas at Raul Camposano, noong Peb. 27. (KR Guda)

Kilos protesta sa harap ng tanggapan ng Commission on Human Rights para igiit ang paglaya nina Randy Vegas at Raul Camposano, noong Peb. 27. (KR Guda)

Dalawang araw silang incommunicado, hanggang tawagan ng mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology sa Labo, Camarines Norte si Teresa Sesaldo, asawa ni Randy. Sinabi ng naturang kawani na nakakulong ang kanyang asawa, kasama si Raul, sa kanilang piitan.

Inaakusahan ang dalawa na kalahok daw sa pakikipaglaban ng New People’s Army o NPA sa mga militar sa Labo noong Abril 29, 2012.

Mariing itinatanggi ito ng dalawa. Anila, malinaw na organisador sila sa hanay ng mga kawani ng gobyerno. Noong araw na nangyari ang labanan sa Labo, malinaw ding nasa Maynila sila, abala sa mga paghahanda para sa pagkilos ng mga kawani para sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Hinala ni Teresa, bahagi ang pagdukot at pagpiit nila ng kampanya ng panunupil ng administrasyong Aquino sa mga kritiko ng gobyerno. Maaaring sangkot din umano dito ang hepe ng MMDA na si Francis Tolentino.

Idinulog kamakailan ng mga kaanak nina Randy at Raul ang kaso nila sa Commission on Human Rights o CHR.

Paliwanag ni Ferdinand Gaite, pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage), malinaw na nilabag ng militar at administrasyong Aquino ang karapatan ng dalawa nilang organisador.

“Dinukot sila ng mga militar na nakasuot-sibilyan, piniringan sila, dinala sa Kampo Bagong Diwa (sa Taguig) para sa interogasyon at naging incommunicado nang ilang araw. Hindi sa kanila binasa ang Miranda Doctrine at ipinagkait ang karapatang makausap ng abogado. Kahit ang ilang personal na mga gamit ni Randy, tulad ng wallet, pera, ID at backpack ay hindi isinoli ng militar,” sabi pa ni Gaite.

Dagdag naman ni Sammy Malunes, tagapagsalita ng Koalisyon ng Progresibong Manggagawa at Mamamayan o KPMM, nilabag din ng mga umaresto sa kanila ang karapatan nila na masabihan tungkol sa mandamyento de aresto nila. Ni walang karampatang identipikasyon ang mga umaresto sa kanila, ani Malunes.

Nanawagan din sa paglaya ng dalawa ang iba pang mga grupo tulad ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at Kabataan Party-list.

“Nananawagan kami sa agarang pagbasura ng kaso nila at nananawagan kami kay CHR Chairperson Etta Rosales na huwag magbulag-bulagan sa tumitinding paglabag ng mga karapatang pantao at imbestigahan ang kaso nila,” sabi ni Marc Lino Abila, pangalawang pangkalahatang kalihim ng CEGP.

Dapat na magsilbing panggising ang kaso ng dalawa kay Rosales na kalauna’y nagsisilbing “tuta” ng rehimeng Aquino sa pagdepensa sa pandarahas ng estado, sabi naman ni Terry Ridon, unang nominado ng Kabataan Party-list.

Infographic: Violence Against Women under the Aquino administration

‘Panggagahasa sa Inang Bayan,’ ipinrotesta sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

$
0
0

Humigit-kumulang 15,000 katao ang nagmartsa kontra sa "panggagahasa sa inang bayan" sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8. (KR Guda)

Humigit-kumulang 15,000 katao ang nagmartsa kontra sa “panggagahasa sa inang bayan” sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8. (KR Guda)

Tinatayang umabot sa 15,000 katao, karamiha’y kababaihan, ang nagmartsa mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola, sa paanan ng Malakanyang noong Marso 8, pandaigdigang araw ng kababaihan.

Protesta ang porma ng kanilang pagdiriwang — protesta sa anila’y panggagahasa ng kutsabahang Aquino at Obama (administrasyong Aquino sa Pilipinas, at administrasyong Obama sa US) sa inang bayan ng Pilipinas. Kinondena ng kababaihan ang pagtindi ng mga dayuhang eksplorasyon at pandarambong (sa uri ng large-scale mining at oil and gas explorations) at ang tumitinding presensiya ng militar ng US sa Pilipinas.

Anila, pinakahuling patunay lamang ng pagyurak sa pambansang kasarinlan at soberanya ng Pilipinas ang pagkasira ng barkong US na USS Guardian sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea, gayundin ang masaker ng mga Pilipino sa Sabah na naggigiit ng karapatan sa naturang lupa.

“Ipinapanagot namin ang rehimeng US-Aquino sa malubhang kalagayan ng kababaihang Pilipino, sa pandarambong at pagkasira ng ating ekonomiya at ang matinding atake sa pampulitika at pang-ekonomiyang karapatan at kagalingan ng kababaihan. Kinokondena namin ang kahirapan at karahasan na nararanasan namin,” sabi ni Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Nagsimula ang araw ng kababaihan ng Gabriela, kasama ang iba pang militanteng grupo, sa paglusob ng humigit-kumulang 2,000 katao sa embahada ng US. Pero sa Kalaw Avenue, sa tapat ng National Library, pa lamang ay hinarangan na sila ng daan-daang pulis.

Pagkatapos, tumuloy sila sa harap ng headquarters ng Manila Police District ng Philippine National Police, kung saan ipiniit ang dalawang demonstrador na kabilang sa nagsagawa ng lightning rally sa Gate 7 ng Palasyo Malakanyang noong nakaraang araw. Pinalaya ang dalawa pagdating ng martsa.

Sa hapon, nagtipon ang kababaihan sa Liwasang Bonifacio para magsagawa ng programa hinggil sa “Adyenda ng Kababaihan” para sa nalalapit na eleksiyong 2013. Nagsalita ang mga kinatawan ng mga kandidato sa pagkasenador para ihayag ang kanilang tugon sa naturang adyenda.

Sa iba’t ibang bahagi ng bansa, naganap din ang mga paggunita sa pandaigdigang araw ng kababaihan. Pinangunahan din ng mga tsapter ng Gabriela sa naturang mga lugar, naganap ito sa Baguio, Laguna, Batangas, Iloilo, Bacolod City, Davao City at iba pang probinsiya at lungsod sa bansa.

Teksto ni KR Guda | Larawan nina KR Guda, Macky Macaspac, Pher Pasion at Darius Galang

Panunupil at paglaban sa Bikol

$
0
0

Nagpakilala sila, mga sundalo, bilang mga alagad ng gobyerno: mga katuwang umano ng Department of Agriculture sa pagkuha ng sensus sa Brgy. Sinungtan, Guinobatan, Albay. Gusto raw nilang malaman kung sino ang pinakamahihirap na pamilya sa lugar.

Pero ang sine-sensus pala nila, ayon sa sinumpaang salaysay ng mga sibilyang residente sa lugar, ay kung sino ang mga sumusuporta raw sa mga rebelde. Tilang sinasabi nila na kung sino ang pinaka-mahihirap sa lugar, sila rin ang sumusuporta sa mga rebelde, kundi man mga rebeldeng New People’s Army (NPA) mismo.

Hangad ay hustisya. Protesta ng mahigit 1,000 mamamayan ng Guinobatan, Albay kontra sa militarisasyon, noong Peb. 25. (KR Guda)

Hangad ay hustisya. Protesta ng mahigit 1,000 mamamayan ng Guinobatan, Albay kontra sa militarisasyon, noong Peb. 25. (KR Guda)

“Ginamit nilang base ang barangay hall,” sabi ni Fernando Paloyo, magsasaka mula Brgy. Sinungtan. Hulyo 22, 2011 ito naganap. Sumunod na araw, sinimulan na ng mga militar na patawagin ang “mahihirap na mga residente.”

Nang panahon na ni Fernando, para magreport sa mga militar, hindi na siya nagmatigas at pumunta agad sa barangay hall. Pero rito, mistulang isinailalim siya sa interogasyon. Pagpasok ni Fernando, binagsak ng isang sundalo ang pinto at pinaupo siya. Ang bungad sa kanya, aminin daw niyang NPA siya, at siya araw ang “Ka Pando.”

Mariing itinanggi ito, siyempre, ni Fernando. Sa kabila nito, pinilit siya ng mga militar na hawakan ang isang plakard na may nakasulat na “Ka Pando” at “MGB”. Parang preso, parang kriminal, kinuhanan siya ng litrato. Pagkatapos, pinapirma siya at pinamarka ng thumbprint sa isang blangkong papel — para “malinis daw ang kanyang pangalan.”

Hanggang sa pagkakasulat ng artikulong ito, nananatili pa rin ang mga militar sa lugar nina Fernando.

Ayon sa mga magsasaka sa iba’t ibang lugar sa Kabikulan, laganap at tumitindi pa ang militarisasyon sa kanilang mga lugar. Walang ibang paraan ang mga magsasaka para ihayag ang kanilang pagtutol sa presensiya ng militar sa mga komunidad kundi ang magprotesta.

Nagkaisang boses

Noong Pebrero 25, sa ika-27 anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA, nagrali ang libu-libong magsasaka at miyembro ng militanteng mga grupo sa Bikol. Sabay-sabay, sa apat na probinsiya, bumulwak sila patungo sa mga sentrong bayan para magpahayag: Hindi umano sila patatahimikin ng nakaumang na mga baril. Batid nila ang karapatan nila, at igigiit nila ito sa kabila ng paninikil, sa harap ng pananakot.

Sa Guinobatan, Albay, umabot sa 1,500 magsasaka at militante ang nagprotesta. Sa Sorsogon, umabot pa ito ng 3,000. Sa Bula, Camarines Sur, 350. At sa Daet, Camarines Norte, 300. Kinakatawan nila ang mga sibilyan ng 20 munisipalidad ng rehiyon na napapasailalim sa lagim ng Community Peace and Development Teams ng militar. Kasama sa mga nagprotesta ang mga miyembro at lider ng Karapatan-Bikol, Bagong Alyansang Makabayan, Kilusan ng Mamamayan Laban sa Militarisasyon sa Kabikulan, at iba pa.

Sabi ni Vince Casilihan ng Karapatan-Bikol, nakapagtala sila ng 37 sibilyan – marami sa kanila’y mga aktibista – na pinaslang magmula nang umupo sa puwesto si Pangulong Aquino. Sa mga kasong ito, pawang iba’t ibang elemento ng militar ang suspek. Bukod pa ito sa malawak na paglatag ng iba’t ibang yunit ng Philippine Army sa sibilyan na mga komunidad. Takot ang bumabalot sa maraming mga komunidad sa mga probinsiya ng Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte.

“Marami sa amin, hindi na makapagsaka, umalis na sa kanilang mga sakahan at bahay dahil sa takot,” kuwento ni Felix Paz, pinuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa Bikol.

Malagim na alaala

Maliban sa anibersaryo ng pag-aalsang EDSA – na nagpatalsik pa sa diktadurang Marcos, bagamat nanatili ang mapanupil na mga pamamaraan nito – ginunita rin ng mga militante ang unang taong anibersaryo ng masaker ng pamilyang Mancera sa Sitio Mapatong, Purok 6, Brgy. Malaya, Labo, Camarines Norte.

Pebrero 24 nang paputukan ang bahay ng pamilyang Mancera ng pinaghihinalaang mga miyembro ng 49th Infantry Battalion ng Philippine Army na may hinahabol umanong mga gerilya ng New People’s Army. Napaslang sa pamumutok si Benjamin Mancera, gayundin ang magkapatid na anak niyang sina Richard at Michael.

“Kasuklam-suklam ang di pa rin pagkamit ng hustisya (para sa pamilyang Mancera) dahil sa culture of impunity na bumabalot sa bansa, laluna kaugnay ng mga kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao,” sabi ni Maricel Delen, coordinator ng Karapatan-Camarines Norte.

Hanggang sa kasalukuyan, sabi ni Delen, nababalot pa rin sa teror ang mga mamamayan ng Brgy. Malaya. Mistulang ginawang kampo na ng mga sundalong miyembro ng “Peace and Development Teams” ng 49th IB ang barangay hall ng naturang barangay. Bahagi ang mga tropang ito ng Charlie Company na namamalagi sa Malaya at karatig na barangay na Pag-asa.

“Iyung kumander nito, si 2nd Lt. Dominic Olayvar, ay responsable sa ilegal na reyd sa mga tanggapan ng Karapatan-Camarines Norte at Kilusang Magbubukiod ng Pilipinas noong Nobyembre 22, 2010,” sabi pa ni Delen.

Sa kabila nito, at sa tulong ng mga organisasyon at mamamayang nagkakaisa para sa paghangad ng hustisya at paglaban sa militarisasyon, desidido ang asawa ni Benjamin na si Leonisa Mancera na papanagutin ang mga maysala.

Ipinakita ni Leonisa, at ng mga magsasakang nagprotesta kabilang si Fernando, na sa halip na matakot, lalong tumatapang silang pinagkakaitan ng karapatan at hustisya. Natututo silang pag-isahin ang boses, para lumaban.


Sabah crisis: Is Aquino siding with Malaysia to protect relatives’ business interests?

$
0
0
Picket of members of progressive organizations, including Moros, in front of the Malaysian Embassy in Metro Manila. (Raymund Villanueva/Arkibong Bayan)

Picket of members of progressive organizations, including Moros, in front of the Malaysian Embassy in Metro Manila. (Raymund Villanueva/Arkibong Bayan)

The “journey home” to Sabah of some 200 followers of the Sultanate of Sulu more than a month ago has escalated into a full blown humanitarian crisis. More than a thousand Filipinos have fled Sabah that for decades they called home. Men, women and children took any boat available in a frantic and perilous voyage away from the brutality of Malaysian forces. The number of refugees in Tawi-Tawi from Lahad Datu and other affected towns in Sabah is expected to grow in the coming days.

Those who fled recounted the atrocities that Filipinos suffered in the disputed territory. “Malaysian policemen ordered Filipino men to run as fast as they could and shot them,” said a report by the Philippine Daily Inquirer. “Even pregnant women and children have been hunted down and killed as the Malaysians fire mortars and embark on a house-to-house search,” according to the Philippine Star. These people are not part of the armed followers of Sultan Jamalul Kiram III. They just happen to be Filipinos.

Some are baffled while most are enraged by the attitude of the Aquino administration towards the Sabah crisis. From the onset, President Benigno Aquino III took a hardline stance against the Sulu royal forces. Jamalul’s brother Rajah Mudah Agbimuddin Kiram and his men must surrender before any talks can happen, Aquino insisted. Charges are being prepared versus the Kirams, claimed the Justice department. They may also be turned over to Malaysian authorities to face prosecution. Malacañang sowed intrigues to cast doubt on the motive and legitimacy of the Sultanate. The National Bureau of Investigation (NBI) is probing the alleged conspiracy between the Kirams and certain politicians. All these even as Aquino ignored appeals by the Sultanate and the United Nations (UN) to stop the Malaysian military assault and for parties to talk.

“Noynoy, traitor to the country,” reads a placard in front of the Malaysian Embassy. (Raymund Villanueva/Arkibong Bayan)

Palace and Foreign Affairs spokespersons, of course, expressed concern over the reported human rights abuses in Sabah. But their statements are meaningless amid the brutal military offensive launched by Prime Minister Najib Abdul Razak that Aquino practically sanctioned with his reckless position. The public perception is that Aquino abandoned his own people, surrendered the country’s rightful claim to Sabah and sided with Malaysia. Thus Aquino, like Prime Minister Najib Abdul Razak and his forces, is responsible for the carnage of Filipino men, women and children in Sabah.

But why is Aquino siding with Malaysia? One plausible explanation noted by analysts is the ongoing peace talks with the Moro Islamic Liberation Front (MILF) where Malaysia plays a key role as facilitator. Aquino does not want to displease Malaysia and risk undermining the negotiations.

However, it is also notable that since taking over in 2010, Aquino’s relatives who bankrolled his presidential bid have inked business deals with Malaysia. Could these business interests be another possible explanation for the administration’s handling of the Sabah crisis?

What are these business deals? One involves San Miguel Corporation (SMC) of Aquino’s uncle Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. In August 2011, SMC acquired three subsidiaries of US oil giant Exxon Mobil’s downstream oil business in Malaysia. Worth $610 million, the transaction included the purchase by SMC of Esso Malaysia Bhd, Exxon Mobil Malaysia Sdn Bhd and Exxon Mobil Borneo Sdn Bhd. In its website, SMC said that the three companies form an integrated business engaged in refining, distribution and marketing of petroleum products. The physical assets include the 88,000 barrels per day Port Dickson refinery; seven fuel distribution terminals; and about 560 refilling stations.

SMC’s entry into the Malaysian downstream oil industry could be just the initial steps. Ramon S. Ang, president of the giant conglomerate, recently disclosed that SMC is eyeing big oil and natural gas field overseas. “If we were able to buy one of those, it would be like printing money forever,” Ang was quoted as saying. SMC is so serious about the plan that Ang said they are willing to let go of longtime core business San Miguel Brewery Inc. and new assets in power generation to raise funds. With its acquisition of Exxon Mobil’s downstream assets, SMC is in a strategic position to also corner upstream deals in oil-rich Malaysia.

The disputed state of Sabah itself is abundant in oil and gas resources. An article by the Philippine Star, quoting a 2012 study by Singapore-based FACTS Global Energy, reported that Sabah has reserves of about 11-12 trillion cubic feet of gas and at least 1.5 billion barrels of oil. The figures represent 12% and 15% of Malaysia’s natural gas and oil reserves, respectively, according to the report. Another article, by the Centre for Research on Globalization, noted that Sabah has 15 oil wells that can produce as many as 192,000 barrels a day. Also, four new oil fields have been discovered in its territorial waters in the past two years further increasing Sabah’s potential as oil producer.

Is Aquino avoiding displeasing Malaysia over the Sabah dispute so as not to undermine the grand multibillion dollar oil and gas ambitions of SMC and uncle Danding?

Another business deal involves AirAsia Philippines, the local affiliate of Malaysia-based AirAsia Bhd, the largest budget carrier in Southeast Asia. In November 2010, the Board of Investments (BOI) approved the formation of AirAsia Philippines as a joint venture between Malaysian investors and Filipino businessmen led by the President’s cousin Antonio “Tonyboy” Cojuangco Jr. Tonyboy and his Malaysian partners are aggressively expanding their operation in the Philippines with their recent acquisition of at least a 40% stake in local rival Zest Airways Inc.

Does Aquino fear that the contentious Sabah issue could somehow complicate the blooming Malaysian business partnership of his cousin Tonyboy?

Aquino could not just ignore the interests of his rich relatives. He won’t be President without their vital support.

Tonyboy was the biggest campaign donor of Aquino in 2010, based on the President’s official declaration to the Commission on Elections (Comelec). Out of the P440 million in campaign funds declared by Aquino, Tonyboy’s contribution accounted for almost a quarter with P100 million. While Danding was not officially listed as a campaign donor, it is widely believed that the tycoon and Marcos crony also supported the candidacy of his nephew.

If these business interests of his relatives played a key role in Aquino’s handling of the crisis, then the slaughter of our men, women and children in Sabah becomes much more revolting and enraging than it already is.

The author is a Filipino activist, writer, and researcher. The article first came out in his blog.

Trahedya ng nakararami

$
0
0
Candlelight vigil para sa estudyante ng UP Manila na kinitil ang sariling buhay matapos di-makapagbayad ng matrikula. (Instagram photo ni Carl Marc Ramota)

Candlelight vigil para sa estudyante ng UP Manila na kinitil ang sariling buhay matapos di-makapagbayad ng matrikula. (Instagram photo ni Carl Marc Ramota)

komentaryoNakakadurog ng puso ang istorya ni Kristel Tejada: 16-anyos, estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Manila (UP Manila), anak ng isang taxi driver na ama at homemaker na ina. Matalino, puno ng pag-asa.

Unang taon sa kolehiyo, ikalawang semestre, nahirapang magbayad ng matrikula. Di pinayagan ng UP Manila na mag-loan. Balewala ang mahigit tatlong buwan ng pag-aaral, ang lahat ng ginastos sa baon, pamasahe, xerox ng readings, pagkain. Napilitang magsangla pa ng pag-aari ang ina, pero di na umabot sa bayaran, di na puwedeng pumasok si Kristel at napuwersa na siyang mag-leave of absence.

Ayon sa ilang ulat, nanikluhod pa raw ang ina sa harap ng UP Manila Chancellor. Hindi talaga puwede, ayon sa UP Manila, dahil polisiya ito ng pamantasan. Kailangang magbayad para makapag-aral.

Kumalat sa social media, at kalauna’y sa mainstream media, ang pagkitil ni Kristel sa sariling buhay. Sa lungkot, marahil; sa desperasyon, siguro. Gaano man kakumplikado ang sitwasyon, malinaw ang pahayag ng kanyang guro at mga magulang: Bagsak ang diwa ni Kristel, depressed siya, dahil hindi na niya matatapos ang semestre. Nakiusap pa nga sa guro niya, baka naman puwedeng mag-sit-in na lang siya sa mga klase.

Gusto niyang matuto. Gusto niyang pumasok. Ano man ang motibasyon ng pagkitil ni Kristel sa sarili niyang buhay, alam nating malaki ang pagpapahalaga niya sa pag-aaral. Matalino siya, sabi ng propesor. Tahimik lang, pero isa sa pinaka-bright niyang estudyante. Nitong huling mga linggo, humihingi sa kanya ng payo si Kristel. Ano ang gagawin niya? Wala talaga sila. Walang maipambayad. Papaano sasalubungin ng pamantasan ang kagustuhan niyang mag-aral at makapagtapos? Sinalubong siya ng memo:No Late Payment”.

Hindi nakapagtataka ang taas ng pagpapahalaga ng mga tulad ni Kristel at pamilya niya sa edukasyon. Gobyerno mismo, sa pamamagitan ng mismong sistema ng edukasyon, ang nagdikdik sa atin ng ideya na tanging sa pagtatapos ng pag-aaral aasenso ang buhay at maiaahon ang pamilya sa hirap. Edukasyon ang pag-asa. Edukasyon ang solusyon sa kahirapan.

Kaya di nakapagtatakang itinataya ng maraming maralitang pamilya ang lahat ng pera at rekursong kaya nilang itaya para sa edukasyon, para sa kolehiyo. Panganay pa naman siya. Sa ating kultura, sa panganay (o sa pinakamatalino) madalas itaya ang rekurso ng pamilya dahil siya ang may pinakamalaking tsansang makatulong sa pag-ahon ng pamilya matapos ang kolehiyo at makakuha ng magandang trabaho.

Malamang, ipagmamalaki ng pamilya na nakapasok si Kristel ng UP. Ipinagmalaki ito sa lahat ng kaanak at kapitbahay. Sa wakas, may pag-asa na sila.

Pero nag-iiba na ang UP. Sa pagtutulak ng magkakasunod na mga administrasyon ng gobyerno na gawing mas “independiyente ang pinansiya” ng UP, unti-unting tumaas ang matrikula rito. Mula P40 kada yunit bago 1989 hanggang P1,500 ngayon. Kasabay din nito, ang presyur ng kulturang kolehiyo: ang pakikipagsabayan sa pananamit, kagamitan (gaheto pa nga), kagawian.

Sabi ng proposer niya, “sobrang nahiya na siya” sa mga kaklase noong huling mga linggo ng pagpasok niya. Nahihiya siyang pumapasok siya pero hindi niya kayang magbayad ng matrikula.

* * *

Nakakadurog ng puso, dahil walang kasinglinaw ang halimbawa niya, na isang di-makatarungang sistema ng edukasyon ang ipinapatupad ngayon sa bansa.

Ano mang paghuhugas-kamay ang gawin sa publiko ng Commission on Higher Education – na kesyo may sariling kapasyahan ang bawat state university na magtakda ng mga polisiya kaugnay ng matrikula – hindi maitatanggi na may pananagutan sila sa sinapit ng estudyanteng ito. Hindi ba’t matagal nang itinutulak ng CHED at ng administrasyon ni Benigno Aquino III ang taun-taong pagkaltas sa badyet ng state colleges and universities, para maging “self-sufficient”? Hindi ba’t matagal nang adbokasiya ni Aquino ang neoliberal na oryentasyon sa sistema ng edukasyon – ang pagpasok ng market forces sa sistemang ito para maging mas episyente raw?

Hindi ba’t pinangangasiwaan niya ngayon ang pagpapatupad ng plano ng pagsasapribado ng iba’t ibang pampublikong serbisyo, mula sa ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng National Food Authority, hanggang sa pampublikong mga ospital tulad ng Philippine Orthopedic Center?

Hindi mahirap sabihing may pananagutan ang pambansang administrasyon ni  Aquino sa nangyari kay Kristel. Ina na mismo niya ang nagsabi. Higit pa rito, direktang resulta ng mga polisiya niya – hindi lang ng polisiya ng UP Manila, bagamat may malaki silang pananagutan – ang pagkait ng pagkakataon sa mga tulad ni Kristel na makapag-aral sa UP at iba pang state university.

Mistulang itinutulak ng gobyerno ang bawat maralitang kabataan sa sitwasyon ni Kristel: Buong buhay paniniwalain na tanging sa edukasyon lang sila aahon sa hirap, pero brutal na ipagkakait ang edukasyon sa kanila kapag malapit na nila itong maabot. Maraming marami sila na mga katulad ni Kristel.

* * *

Tsuper daw ng taksi ang tatay ni Kristel. Magkano na ba ang kinikita ng tsuper ng taksi ngayon sa pang-araw-araw na trabaho? Iba-iba, marahil, pero siguradong hindi nito kakayanin ang matrikulang P1,500 kada yunit sa bawat semestre. Kahit mag-isa pa siyang pinag-aaral, at hindi lima (lima silang magkakapatid nina Kristel).

Gobyerno rin ang kalaban ng tatay ni Kristel – sa usapin lalo ng pagtaas ng presyo ng langis. Tulad ng paghugas-kamay ng CHED, hugas-kamay din ang lahat ng ahensiya ng gobyerno tuwing may magtatanong sa publiko kung sino ang dapat managot sa walang habas na taas-presyo ng langis at oil overpricing. Wala raw magagawa, dahil may Oil Deregulation Law, dahil wala nang kapangyarihan ang gobyerno na kontrolin ang presyo o kahit silipin man lang sa mga kompanya ng langis kung may batayan talaga ang taas-presyo.

Samantala, nag-anunsiyo na ang Meralco na magtataas ito ng singil sa kuryente. Gusto na ring magtaas ng singil ng Maynilad at Manila Water. Pati pamasahe sa LRT at MRT (Taga-Tayuman daw sina Kristel, kaya malamang na sumasakay din siya ng LRT papuntang UP Manila.).

Pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, pagsasapribado ng mga serbisyo tulad ng edukasyon at kalusugan – malinaw na magkakaugnay ang mga isyung ito. Malinaw na may ugnay sa trahedya ng isang kabataang estudyanteng tulad ni Kristel.

Sa pagtatapos, isa pang totoong kuwento, na patunay sa puntong ito:

Isang kaibigan ang nakasakay sa isang taksi isang umaga noong nakaraang buwan. Pansin niya, namumugto ang mata ng drayber.

Tinanong niya kung ano ang problema ng drayber. Galing lang daw kasi siya sa ospital. Tinawagan siya ng kanyang kapitbahay sa cellphone. Tumakbo raw siya sa ganitong pampublikong ospital kasi na­-hit-and-run ang asawa niya at dalawang anak. Nasa traysikel ang mag-iina, papuntang eskuwela.

Dead on arrival ang bunso niyang anak. Agaw-buhay ang kanyang asawa at isa pang anak. Sabi sa kanya ng nars, may kailangang bayaran. May mga gamot na kailangang bilhin. Hindi libre rito ang pagpapagamot. Nagsisimula pa lang siya sa pasada, kaya wala pa masyadong kita.  Kailangan niyang ituloy ang pasada. Walang panahong magluksa sa namatay na anak. Kailangang magpasada para kumita. Lumiliit ang kita kaya kailangang magpursigi pa.

Pinipilit niyang pigilan ang pagluha habang kinukuwento ito. Mahirap daw kasi magmaneho kung puno ng luha ang mata mo.

Trahedya ito ng nakararami sa atin. May kailangang tayong gawin.

May ulat ni Pher Pasion

Infographic: Price hikes and Privatization

Video: Pagbangon ng Kababaihan (Part Two)

$
0
0

OBR PART 2 featuredLibu-libong Pilipino ang lumahok sa One Billion Rising, isang kampanya para wakasan ang karahasan sa kababaihan sa pamamagitan ng sayaw. Sa Tomas Morato, Quezon City noong Pebrero 14, ginanap ang main rising na inorganisa ng Gabriela, Gabriela Women’s Party, New Voice Company, at iba pang grupo.

Dokumentasyon para sa One Billion Rising Philippines ng PinoyMedia Center, opisyal na media partner ng kaganapan. Panoorin sa High Definition (720p).

 

Shot and edited by Pher Pasion and King Catoy

Pagkamatay ni Kristel Tejada, naging sentro ng protesta laban sa kapabayaan ng gobyerno

$
0
0
Nagpanawagan ang mga manggagawa, estudyante, kababaihan at iba pang sektor na labanan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga serbisyo tulad ng langis, kuryente, tubig at matrikula. (Macky Macaspac)

Nagpanawagan ang mga manggagawa, estudyante, kababaihan at iba pang sektor na labanan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga serbisyo tulad ng langis, kuryente, tubig at matrikula. (Macky Macaspac)

Isang protestang bayan ang isinagawa kahapon ng iba’t ibang grupo bilang pagtutol sa pagtaas ng singil sa mga serbisyo tulad ng kuryente, tubig, at pamasahe sa tren; pagsasapribado ng mga pampublikong ospital; pagtaas ng presyo ng langis; at pagtaas ng matrikula na nagresulta umano sa pagpapakamatay ni Kristel Tejada, isang estudyante ng University of the Philippines (UP).

“Responsable ang gobyerno sa pagpapakamatay ni Kristel. Ipino-protesta namin ang kakarampot na subsidyo ng gobyerno para sa serbisyong panlipunan, mataas na presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo, at ang patakarang pribatisasyon ng gobyerno,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

Tampok sa maghapong protesta ang pagsasagawa ng mga piket sa harapan ng Department of Health (DOH), Philippine Orthopedic Center, sangay ng Meralco, at UP Manila at Diliman; pansamantalang pagharang sa Edsa Ave. ng mga maralita sa North Triangle; at protest caravan ng mga drayber sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay Labog, halos wala ng kuwenta ang papaliit na sahod ng karamihang Pilipino dahil sa pagsirit ng mga presyo ng batayang bilihin at serbisyo dulot ng kapabayaan ng gobyerno. “Katumbas din nito ang unti-unti at napakasakit na kamatayan ng mayorya ng mga Pilipino,” aniya.

Pagtutol sa taas presyo, pribatisasyon

Sa kabila ng pahayag ng mga kumpanya ng kuryente at tubig na ibababa ang kanilang singil para sa susunod na buwan dahil sa foreign currency adjustment, hindi kumbinsido ang iba’t ibang grupo.

“Nakakaduda ang pahayag na magbababa sila ng singil ilang araw bago ang protestang bayan. Pero kukunin pa rin ng Maynilad at Manila Water ang kabawasang ito sa Hulyo kapag inaprubahan na ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) ang kanilang petisyon na magtaas ng singil,” sabi ni Nere Guerrero, tagapangulo ng Gabriela-Quezon City.

Ayon naman sa Ibon Foundation, walang karapatang magtaas ng singil ang mga kumpanya ng tubig na doble umano ang sinisingil sa magkaparehong foreign currency differential adjustment (FCDA) at currency exchange rate adjustment (CERA). Batay sa concession agreement, pinapayagan ng MWSS ang mga kumpanya ng tubig na baguhin ang kanilang presyo para marekober ang pagkalugi mula sa foreign exchange (forex) at inflation, sa pamamagitan ng FCDA. Sa kabila nito, pinapayagan pa rin ang mga kumpanya na singilin ang CERA para marekober ang pagkalugi sa forex.

Nais ng mga nagprotesta na ibasura ang PPP ng gobyernong Aquino dahil magiging sanhi umano ito ng pagsasapribado ng mga serbisyong dapat na responsibilidad ng gobyerno.  (Macky Macaspac)

Nais ng mga nagprotesta na ibasura ang PPP ng gobyernong Aquino dahil magiging sanhi umano ito ng pagsasapribado ng mga serbisyong dapat na responsibilidad ng gobyerno. (Macky Macaspac)

“Both Maynilad and Manila Water are allowed to charge consumers a fixed rate of Php1.00 per cubic meter for CERA. Thus, even if there is a recent decrease in the FCDA of P0.33 and P0.12 for Manila Water and Maynilad households respectively, the water firms have still been able to compensate forex movements through the CERA. The water firms started collecting the FCDA since 2003 after amendments were made on their concession agreements,” pahayag ng Ibon.

Isa pa sa tinututulan ng grupo ang nakaambang pagtaas ng pamasahe sa tren (MRT/LRT) na dagdag-pasanin ng karamihan sa tumatangkilik dito, lalo na ang karaniwang mga manggagawa, empleyado at estudyante. Pinangangambahan ng Kabataan Party-list na maaring umabot sa P60 ang pamasahe sa oras na maisapribado ang MRT/LRT.

Ngunit ang lalong nagpasidhi sa galit ng iba’t ibang grupo ay ang pagpapakamatay ng isang estudyante ng UP matapos itong tanggihan ng administrasyon ng UP na tapusin ang ikalawang semestre dahil hindi nito nabayaran nang buo ang kanyang matrikula.

“Ang pagkamatay ni Kristel ay bahagi ng mga patakaran tulad ng STFAP, mataas na tuition fee at forced leave of absence. Hindi rin natin maitatanggi na ang kanyang pamilya ay biktima rin ng patuloy na pagtaas ng mga presyo at ang pagsasapribado ng mga serbisyo-sosyal,” ani Terry Ridon, abogado at pangulo ng Kabataan Party-list.

Ganito rin ang sentimyento ng mga estudyante ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Pangamba nila na matapos itaas nang 100% ang matrikula sa graduate school at open university, kasunod nito ang undergraduate school.

“Nakapasok sa roadmap ng administrasyong Aquino para sa higher education ang Socialized Tuition Fee Scheme (STFS) na katulad din ng STFAP sa UP, nauna lang ang graduate school,” sabi ni Kara Salvador, pangkalahatang kalihim ng League of Filipino Student o LFS sa PUP.

Maliban sa pagtaas ng matrikula sa graduate school, tinututulan din ng grupo ang pagtaas sa miscellaneous fees.

kuha ni Macky Macaspac

Kuha ni Macky Macaspac

Dagdag pa ni Salvador, nararanasan ng maraming bilang ng estudyante ang naranasang hirap ni Tejada bago ito nagpakamatay. “Maramot ang gobyernong Aquino sa mga estudyante at mamamayan dahil sa pag-abandona nito sa responsibilidad niya sa edukasyon,” aniya.

Isinisi ng mga grupo ang patuloy na pagtaas ng iba’t ibang bayarin sa Private-Partnership Programs ni Pangulong Aquino.

Maliban sa pagsasapribado sa batayang serbisyo tulad ng transportasyon at pagpapaliit sa badyet ng mga pampublikong eskuwelahan, isinasapribado din ang 26 na pampublikong ospital, ayon sa Network Opposed to Privatization (NOP).

Ilan umano sa mga isasapribadong ospital any Philippine Orthopedic Center, National Center for Mental Health, San Lazaro Hospital, Research Institute for Tropical Medicine, at iba pa. Interesado sa mga pampublikong ospital na ito ang mga dayuhan at lokal na mamumuhunan gaya ng Siemens, General Electric at Mega Pacific.

Sadly, the privatization of public hospitals will bleed the Filipino people dry, especially the poor, as they will spend more for health services that should have been provided for free by the government,” pahayag ni Dr. Darby Santiago, tagapangulo ng Health Alliance for Democracy (HEAD).

“The burden falls squarely on the patients especially the marginalized, who are already reeling from rising prices of basic goods and insufficient wages,” sabi naman ni Dr. Eleanor Jara, tagapag-ugnay ng NOP.

Para naman sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), malinaw umano na binigo ng gobyerno si Tejada gayundin din ang mamamayang Pilipino, “Yung ipinakitang aktitud ng gobyerno sa problema ng UP, ganito rin ang ipinapakita niya sa mga konsyumer na hinahataw ng mataas na presyo, o sa manggagawang walang mapasukang trabaho,” sabi ni Renato reyes, pangkalahatang kaalihim ng Bayan.

“Bahala ka sa buhay mo, ito ang ibig sabihin ng gobyerno,” sabi pa ni Reyes.

Iba pang larawan:

Protesta ng mga manggagawa sa harapan ng DOH. (Kontribusyon)

Protesta ng mga manggagawa sa harapan ng DOH. (Kontribusyon)

Isinisisi ng mga kabataan ang pagbawas ng gobyernong Aquino sa badyet ng edukasyon na sanhi umano ng pagpapatiwakal ni Kristel Tejada. (Macky Macaspac)

Isinisisi ng mga kabataan ang pagbawas ng gobyernong Aquino sa badyet ng edukasyon na sanhi umano ng pagpapatiwakal ni Kristel Tejada. (Macky Macaspac)

Nagsindi ng kandila  ang isang estudyante ng UP-Diliman bilang pakikiramay sa namatay na kapwa estudyante ng UP.  (Macky Macaspac)

Nagsindi ng kandila ang isang estudyante ng UP-Diliman bilang pakikiramay sa namatay na kapwa estudyante ng UP. (Macky Macaspac)

Taas kamaong inawit ng mga estudyante ng UP-Diliman ang himno ng kanilang paaralan habang nagsisindi ng kandila bilang protesta sa diumano'y kapabayaan ng gobyerno sa kanyang  mamamayan. (Macky Macaspac)

Taas kamaong inawit ng mga estudyante ng UP-Diliman ang himno ng kanilang paaralan habang nagsisindi ng kandila bilang protesta sa diumano’y kapabayaan ng gobyerno sa kanyang mamamayan. (Macky Macaspac)

Viewing all 181 articles
Browse latest View live