Quantcast
Channel: Pinoy Weekly » Lathalain
Viewing all 181 articles
Browse latest View live

Militar lantarang lumabag sa karapatan ng mga gerilya’t sibilyan sa San Narciso, Quezon

$
0
0
Si Arman Albarillo, sa gitna ng protesta kontra sa rehimeng Arroyo noong 2008. (King Catoy/File Photo)

Si Arman Albarillo, sa gitna ng protesta kontra sa rehimeng Arroyo noong 2008. (King Catoy/File Photo)

Hinahanap ng mga militar ang mga rebelde, iyung tumutulong sa mga residente ng Brgy. White Cliff sa San Narciso, Quezon sa mga problema nila sa lupa. Nang di agad matagpuan, pinaputukan nila ang mga bahay. Di tiyak ang bilang ng mga nasugatan at napaslang.

Ang tiyak, agad na sinukluban ng takot ang mga residente ng White Cliff. Umaga noong Hunyo 30, eksaktong dalawang taon ng panunungkulan ni Pang. Benigno Aquino III, sinalakay ng mga sundalo ng 75th at 85th Infantry Battalion ng Philippine Army ang barangay.

Pitong bahay ang inisyal na pinaputukan, ayon sa independiyenteng imbestigasyon ng Karapatan-Southern Tagalog. Matapos halughugin ang lugar at di agad na mahanap ang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA), muling pinaputukan ang tatlong bahay.

Ayon kay Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim ng Karapatan-ST, di pa nila madetermina ang aktuwal na bilang ng mga sugatan at napaslang na mga sibilyan dahil sa matinding presensiya ng militar sa lugar at takot ng mga residente, hanggang sa kasalukuyan.

Pero may di-kumpirmadong ulat na isang batang sibilyan ang napaslang, at nanunog pa ng mga bahay ang mga sundalo, ani Malabanan.

Bandang alas-11 ng umaga, matapos ang atake sa komunidad, nagkatagpo ang mga sundalo at mga gerilya ng NPA. Ayon sa mga ulat, umabot ng 30 minuto ang putukan.

Sinabi ni Col. Bartolome Bacarro, assistant chief for operations ng 2nd Infantry Division ng Army, na 11 ang napaslang sa engkuwentro. Ngunit sa imbestigasyon ng Karapatan-ST, napag-alamang nahuli pa ang ibang mga gerilya bago sila paslangin.

“Napag-alaman sa naturang resulta ng fact-finding na niyurakan (desecrate) ng mga militar ang labi (ng mga gerilya), sa pamamagitan ng pag-double tap (dalawang sunud-sunod na pagpaputok ng baril) sa mga bangkay ng 11 napaslang na mga miyembro ng NPA,” pahayag ni Malabanan.

Sinabi pa ni Malabanan na may mga ulat na “ipinarada” pa ng militar ang “hubad na mga labi” ng mga rebelde.

Isang mercy mission ng iba’t ibang grupo para sa militarisadong mga bayan sa Timog Quezon ang nagaganap noong araw na iyon. Nakadaan na ang naturang misyon sa San Narciso nang maganap ang naturang insidente.

Nag-aklas dahil sa kawalan ng hustisya

Isa sa mga napaslang si Arman Albarillo, 34-anyos, na itinuturo ng militar na “platun lider” ng naturang yunit ng mga gerilya. Dating sibilyang aktibista si Albarillo sa Southern Tagalog, bago siya kasuhan ng “gawa-gawang kriminal na mga kaso”, kasama ang 71 iba pang militanteng lider, sa gitna ng pagtugis ng administrasyong Arroyo sa mga lider ng militanteng oposisyon noong 2008.

Tinagurian ng mga grupong pangkarapatang pantao ang nakasuhang mga lider-militante na “Southern Tagalog 72.”

“Halos katatapos lamang ng pag-file (namin) ng impeachment complaint laban kay Pangulong GMA (Gloria Macapagal-Arroyo), nabigla ako nang lumabas ang gawa-gawang kaso laban sa akin at sa 71 iba pang mga lider ng iba’t ibang sektor. Ito yung kaso na isinampa sa Mindoro Oriental, sa sala ni Judge Tomas Leynes. Ito ang judge na (duminig sa kaso) laban sa aking mga magulang, ito rin ang nagpakulong sa aking ama bago siya pinaslang,” sinabi ni Albarillo, sa bidyo ng Southern Tagalog Exposure matapos kasuhan ng administrasyong Arroyo ang ST 72 noong 2008.

Pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-ST si Albarillo bago natulak na sumapi sa NPA dahil umano sa kawalang hustisya.

Mahigit sampung taon na ang nakararaan, noong Abril 2002, nang paslangin ang mga magulang ni Albarillo na sina Manuela at Expedito Albarillo ng mga elemento ng militar sa ilalim ng noo’y Hen. Jovito Palparan sa Mindoro Oriental. Hanggang sa kasalukuyan, di pa rin nabibigyang hustisya ang kanyang mga magulang, at nananatiling nagtatago si Palparan.

“Sa ating mga kababayan, huwag po kayong mag-alala. Hindi kami mawawala sa piling ninyo. Kami ay tuluy-tuloy na kikilos. Tuluy-tuloy kaming makikibaka. At sama-sama nating ipagtatanggol at isusulong ang ating mga karapatan. At ipaglalaban ang alam nating tama,” sabi pa ni Albarillo noong 2008.

Nanatili sa paglaban sa inhustisya si Albarillo, pero sa pamamagitan ng paglahok sa armadong pakikibaka ng NPA sa Timog Katagalugan.

Pinapurihan si Albarillo ng mga dating kasamahan sa Bayan-ST at iba pang lider-militante, na nagsabing “martir ng sambayanan” na di nakahanap ng hustisya sa kasalukuyang namamayaning sistema ang napaslang na gerilya.

“Naghanap ng katarungan si Ka Arman at pumanig sa mahihirap upang makibaka para sa disenteng sahod, lupa, edukasyon at iba pang pundamental na karapatang sibil. Ngunit siya ay sinampahan ng AFP ng mga gawa-gawang kaso, tulad ng arson at multiple murder, noong 2008. Hindi nakapagtataka kung bakit siya ay tumangan ng armas dahil ang katarungan ay mailap sa bansang dominado ng dayuhan at kanilang reaksiyonaryong papet,” ani Leo XL Fuentes, kasalukuyang pangkalahatang kalihim ng Bayan-ST.

Nakatakdang parangalan ng progresibong mga organisasyon si Albarillo. Dadalhin ang kanyang mga labi ngayong araw, Hulyo 5, sa UP Parish of the Holy Sacrifice.

Samantala, iniulat ng Karapatan-ST na maging ang burol ng iba pang mga biktima ng pagpatay sa San Narciso ay napapailalim sa panghaharas diumano ng militar.

“Ang pagluluksa ng mga tagabaryo sa San Andres (sa Quezon, kung saan galing ang tatlong napaslang na gerilya) ay nahaluan ng takot dahil sa interogasyon na isinasagawa ng mga militar sa mga nakikiramay sa naiwang pamilya,” ani Malabanan.

Ipinaliwanag ni Malabanan na labag sa International Humanitarian Law (IHL) ang nabalitang pamamaril, panununog at pagpatay sa mga sibilyan sa San Narciso, gayundin ang pagpaslang sa mga nadakip nang mga kalaban sa digmaan, tulad ng mga gerilya ng NPA sa naturang lugar.

“Ipinakikita ng aming mga nakalap na reports na lumalabag ang AFP (Armed Forces of the Philippines) sa IHL. Hindi lamang mga NPA ang biktima kundi maging mga sibilyan,” pagtatapos ni Malabanan.


Mga puwersa ng hustisya sa kaso ng pagpaslang kay Fr. Pops

$
0
0
Simon Santiago, direktor ng political department ng Merardo Arce Command ng NPA. (Macky Macaspac)

Simon Santiago, direktor ng political department ng Merardo Arce Command ng NPA. (Macky Macaspac)

Walong buwan na mula nang paslangin sa bayan ng Arakan, North Cotabato si Fr. Fausto “Pops” Tentorio. Pero sa imbestigasyon ng gobyerno, wala pa ring linaw ang kaso. Bagamat may natukoy na mga salarin sa pagpaslang sa pari, hindi pa rin natutunton ang mga utak ng pamamaslang.

Hindi pa rin nabibigyang hustisya ang pagpaslang sa pari na matagal na naglingkod sa mga mamamayan ng Timog Mindanao.

Matapos ang pamamaslang, agarang binuo ng gobyerno ang isang task force na mag-iimbestiga raw sa naturang kaso. Pinangunahan ito Deparment of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police at lokal na mga opisyal.

Naging masigla ang kooperasyon ng mga testigo at komunidad. Pumaloob pa sa nasabing task force  ang Justice for Fr. Pops Movement (JPM) na kinapapalooban ng iba’t ibang grupo kabilang na ang Karapatan.

Samantala, habang usod-pagong ang imbestigasyon ng gobyerno ni Benigno Aquino III, gumugulong naman ang imbestigasyon, pagpaparusa at paghangad ng hustisya kay Fr. Pops – ng rebolusyonaryong kilusan sa Timog Mindanao.

Lumutang na mga saksi

Sa panayam ng Pinoy Weekly kay Hanimay Suazo, pangkalahatang kalihim ng Karapatan-Southern Mindanao Region, sinabi niyang sa kanilang grupo unang lumapit si Ric (di-tunay na ngalan). Si Ric ang positibong nagturo sa magkapatid na sina Jimmy at Robert Ato bilang pangunahing salarin sa pagpatay kay Fr. Pops.

First week ng December 2011, may lumapit sa amin na gusto raw tumestigo. Kinuhanan namin ng affidavit para sa dokumentasyon, tapos ininterbyu rin siya ng NBI,” sabi ni Suazo.

Ilang linggo matapos mainterbyu ng NBI si Ric, inaresto si Jimmy at nakuha sa kanyang pag-iingat ang baril na diumano’y ginamit sa pagpatay. Pero nakatakas naman ang kapatid nitong si Robert Ato na  kinupkop naman ni Rep. Nancy Catamco ng ikalawang distrito ng North Cotabato. Hindi ipinagkaila ni Catamco na tauhan niya si Robert Ato at nagpahayag sa mga midya na isusuko niya si Robert kung may kaso siya. Hanggang sa kasalukuyan, nasa pangangalaga pa rin ng naturanng mambabatas ang isa sa mga salarin.

Gayundin, ang pag-aresto kay Jimmy Ato ay hindi pa dahil sa kaso ng pagkakapaslang kay Fr. Pops.  Ang warrant of arrest ay patungkol sa isang kaso (Criminal Case No. 2245) ng arson at pagpatay na nakasampa sa Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City.

Sa kabila ng tuwa sa pagkakaaresto kay Jimmy Ato na itinuturing na gunman, hindi malubos ang kasiyahan ng mga grupong malalapit sa biktima. Ikinuwento ni Suazo na nagkaroon ng isang case conference noong Enero ang binuong task force, kasama ang JPM. Ayon kay Suazo,   napagkasunduan na magtutulungan at magkakaroon ng kooperasyon ang bawat grupo sa imbestigasyon para maresolbahan agad ang kaso.

Piket ng mga taong-simbahan sa harap ng Department of Justice para sa hustisya kay Fr. Pops Tentorio, noong Nobyembre 2011. (Macky Macaspac / PW File Photo)

Piket ng mga taong-simbahan sa harap ng Department of Justice para sa hustisya kay Fr. Pops Tentorio, noong Nobyembre 2011. (Macky Macaspac / PW File Photo)

“Nakaharap sa case conference ang JPM, kasama ang NBI, PNP (at) CHR. Nandoon din si Fr. Peter Geremiah at Bishop de la Cruz ng Kidapawan na nag-facilitate sa conference. Nagkasundo ang lahat na magtutulungan sa imbestigasyon. Hindi rin exempted sa imbestigasyon ang pulis, ibang opisyal lalo na ang militar at ’yung paramilitar na Bagani,” ani Suazo.

Ayon pa kay Suazo, napagkasunduan din umano sa case conference na kailangang matukoy ang mastermind, dahil isang salarin pa lang ang nahuhuli. “Sa tingin kasi ng aming abogado, may conspiracy sa pagpatay kay Fr. Pops, at ’yung alleged gunman pa lang ang nahuhuli, ” dagdag niya. Ngunit laking gulat na lang ng grupong JPM, nang sampahan ng reklamo ng NBI sa Provincial Prosecutors Office sa Kidapawan ang magkapatid na Ato kasama ang dalawang magsasaka na idinawit ng hiwalay na testigo ng NBI. Sa tingin ng grupo, minadali ng NBI ang pagsampa at may pagtatangkang iligaw ang imbestigasyon.

“ Kasalukuyan pa kaming nag-iipon ng ebidensiya. Nilabag ng NBI ang napagkasunduan sa case conference. Wala kasing eye witness, puro circumstantial evidence. Isinama pa ang magkapatid na sina Jose at Dima Sampulna,” ani Suazo. Iginiit din niya na sa pag-iimbestiga ng JPM, walang kinalaman ang magkapatid. Kalaunan, inalis din sa reklamo ang magkapatid na Sampulna.

Sang-ayon naman ang Karapatan na may kinalaman ang magkapatid na Ato. Anila, “kuwestiyonable” talaga ang pagkatao ng magkapatid na ito, na diumano’y kilalang goons sa North Cotabato.

Dahil sa pagtingin ng grupo na hindi malalim ang pag-imbestiga ng NBI, nagkusa sila na palalimin ang imbestigasyon hanggang may pangalawang testigong lumapit muli sa kanila. Sa pagkakataong ito, mas may kredibilidad ang testigong si Dante (di-tunay na pangalan), ayon kay Suazo. Inamin umano ng testigong si Dante na siya ay aktibong kasapi ng Special Bagani Force at idinawit ang kanilang kumander na si Jan Corbala alyas “Kumander Iring” na nagplano sa pagpatay kay Fr. Pops, sa utos na rin ng mga militar.

“Special Bagani Force” ang paramilitar na grupong binubuo ng mga katutubong Lumad at kumikilos sa North Cotabato. Nagsisilbi silang force multiplier o karagdagang puwersa ng militar sa kampanya laban sa New People’s Army. Ngunit inirereklamo ito ng iba’t ibang grupo dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Ipinakita ni Suazo sa sa Pinoy Weekly ang testimonyang isang “Dante.” Bahagi umano si Dante ng unang grupong binuo para patayin si Fr. Pops. Noong Oktubre 10, sa isang pulong na ipinatawag ni Kumander Iring, sinabi sa kanila na ipinag-uutos ng militar na ambusin at patayin si Fr. Pops at naibigay na umano kay Kumander Iring ang paunang bayad sa halagang PhP50,000 kasama ang isang motorsiklong Honda XRM na gagamitin sa pag-ambus. “Ipapatay gyud siya sa military kay supporter siya sa NPA (Pinapapapatay siya ng militar dahil tagasuporta raw si Fr. Pops ng NPA,” bahagi ng testimonya ni Dante.

Ayon pa sa testimonya, Oktubre 15 ang itinakdang pag-ambus sa pari, ngunit hindi ito natuloy. Tumanggi raw si Dante na sumama sa operasyon. Nahuli rin ng kapulisan ang mga armas na gagamitin sa pagpatay. Hindi rin umano sumang-ayon ang datu ng kanilang tribu sa planog asasinasyon.

Iginiit din ni Dante na alam niyang nasa lugar ng pinangyarihan ng pagpatay sa pari noong Oktubre si Kumander Iring, kasama ang iba pang kasapi ng Bagani Force na sina Nene Durado, Kaing Labi, Edgar Enoc at Joseph Basol. Gayundin na nakikipag-ugnayan si Kumander Iring sa magkapatid na Ato bago at matapos ang insidente.

Ayon kay Suazo, ilang dayalogo pa ang nangyari sa pagitan ng JPM at Task Force Fausto (DOJ, NBI at iba pang government agencies) bago makapagsampa ng karagdagang reklamo sa Prosecutors’ Office.  Inalis sa reklamo ang magkapatid na Sampulna dahil binawi ng mga testigo ng NBI ang kanilang naunang mga pahayag.

Maliban sa magakapatid na Ato, idinagdag sa reklamo ang mga kasapi ng Bagani Force na sina Kumander Iring, Nene Durado, Kaing Labi, Edgar Enoc at Joseph Basol. Kasama rin sa panibagong inireklamo ang mga Commanding Officer ng 57th Infantry Batallion, 10th Special Forces Batallion at 601st Infantry Brigade ng Philippine Army.

Hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin nasasampahan ng pormal na kaso ang mga inaakusahan dahil nasa yugto pa rin ito ng preliminary investigation sa Provincial Prosecutors Office. Isa pa lamang sa mga inaakusahan ang nahuli NBI, samantalang ang isa ay nasa pangangalaga naman ni Rep. Nancy Catamco, karamihan ay patuloy pa rin na gumagala.

Samantala, kasabay ng imbestigasyon sa kaso ng mga ahensiya ng gobyerno gayundin ang fact-finding mission ng JPM, isang proseso ng “rebolusyonaryong hustisya” ang umuusad kaugnay ng kaso.

Rebolusyonaryong hustisya

Kasing aga pa ng buwan ng Disyembre 2011, ipinalabas na ng Merardo Arce Command, Southern Mindanao Regional Operations Command (MAC-SMROPC) ng rebolusyonaryong NPA ang kanilang indictment laban sa mga opisyal ng militar.

Ipinagsakdal ng binuong military tribunal ng NPA ang ilang opisyal-militar sa lokal at nasyunal na antas, mga kasapi ng paramilitar at armadong ahente nito, kasama na si Pangulong Aquino bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines.

Kinasuhan sila ng salang pagpatay kay Fr. Pops at sa magsasakang si Ramon Batoy na pinaslang tatlong araw matapos patayin ang pari. Naging prominente lamang sa midya at publiko ang pagpapalabas ng indictment, nang “parusahan” ng NPA noong Marso 2012 si Patrick Wineger, isang negosyante sa Kidapawan at itinuturong military asset at sangkot sa Central Intelligence Agency (CIA) ng gobyernong US.

Inilinaw ni Simon Santiago, direktor ng political department ng NPA-MAC sa panayam ng Pinoy Weekly, na kanilang agarang binuo ang isang panel ng imbestigador ilang araw matapos paslangin si Fr. Pops at si Ramon Batoy. “Nagbuo agad ng isang investigating body at may direct witnesses din, kaya natukoy ang mga taong sangkot sa pagpatay at naipalabas agad ang indictment,” sabi ni Santiago.

Sa panayam, inisa-isa ni Santiago ang pagkilala ng rebolusyonaryong kilusan sa mga naiambag ni Fr. Pops hindi lamang para sa mga katutubong Lumad ng Arakan. “Maraming serbisyo at proyekto si Fr. Pops dito sa Arakan at umaabot pa ang iba sa ilang lugar ng Davao,” aniya. Kinilala rin nila ang aktibong paglaban ng pari laban sa pagpasok ng mga kompanya ng mina at sa pang-aagaw ng mga lupain ng mga magsasaka at katutubo para sa malawakang plantasyon ng mga dayuhan at lokal na negosyante. Isa sa tinutulan ng pari ang programang CADT (certificate of ancestral domain title).

“Sa tingin ni Fr. Pops, peke ang programang CADT, kaya kontra siya rito, lalo (sa) mining,” ani Santiago.

Naniniwala ang rebolusyonaryong kilusan na pinaslang ang pari dahil sa aktibong pagkontra niya sa  mga programang labis na makakaapekto sa mga mamamayan ng Arakan, bahagi din umano ang pagpaslang sa kontra-insurhensiyang programang Oplan Bayanihan.

“Maraming threats kay Fr. Pops na mula sa mga panatiko dahil na rin sa posisyon niya laban sa anti-people programs. Makailang beses na rin siyang pinagtangkaan,” sabi ni Santiago. Sinabi pa niya na buwan din ng Oktubre pumasok sa Arakan ang 3rd Special Forces Batallion ng 10th Infantry Brigade ng Army, sa panahong ito pinaslang ang pari.

Positibo rin sa kanilang imbestigasyon na ang nahuling si Jimmy Ato ang isa sa pumaslang sa pari.  Gayundin na sangkot na negosyanteng si Patrick Wineger. Ayon kay Santiago, aktibo si Wineger bilang armadong intelligence asset ng militar. Siya rin ang nagpopondo at nag-aarmas sa mga paramilitar kabilang na ang mga akusadong magkapatid na Ato. Sa ipinalabas nilang indictment nakasaad ito:

“Sometime between August and September 2011, the 6th ID-AFP under Respondent Maj. Gen. Rey Ardo held a so-called peace meeting at the North Cotabato provincial capitol. Witnesses bare that present in this meeting was Wineger who singled out Fr. Tentorio and his progressive Arakan Church as a big impediment to the AFP counter-revolutionary Oplan Bayanihan operations in North Cotabato and adjacent areas. After Fr. Tentorio’s death, Wineger immediately conferred with the killer and his companions–the bagani ringleaders in Barangay Dalag, Arakan– to confirm the murder. Wineger who is known to have close ties with retired Gen. Jovito Palparan and Norberto Gonzales has, for more than a decade, coddled and financed fanatical and anti-NPA Bagani warriors and groups particularly those present in the hinterlands of North Cotabato, Bukidnon province and in Davao City including Respondent Corvala. Respondent Nene Durano and Corvala are frequently seen at Wineger’s house in Makilala.”

Ngunit inilinaw ni Santiago na hindi sa indictment “pinarusahan” si Wineger. Mayroon umanong matagal ng “standing order” para sa negosyante at ahente sa salang kontra-rebolusyonaryo dahil sa aktibo nitong paglahok sa kampanya ng mga militar. “Involved siya sa pagpatay kay Fr. Pops pero hindi siya pinarusahan dahil sa indictment,” aniya. Pinarusahan daw ang negosyante dahil sa pagiging armadong ahente ng militar, financier ng mga Bagani na ginagamit ng militar sa counter-insurgency at aktibong kumalaban sa kilusan.

“Nahatulan na siya bago pa paslangin si Fr. Pops,” diin ni Santiago.

Pinaninindigan din ni Santiago sa kanilang imbestigayson na bukod kay Wineger na nasa likod ng pagpaslang kay Fr. Pops, nasa likod din nito ang militar dahil bahagi umano ng Oplan Bayanihan.  “Sa tingin nila, sagabal si Fr. Pops sa pagpapatupad ng Oplan Bayanihan,” aniya.

Dagdag pa ni Santiago, patuloy na may bisa ang indictment at kanilang aarestuhin ang mga taong nasasangkot anumang oras na mabigyan sila ng pagkakataon para maiharap sa korte ng rebolusyonaryong gobyerno. Gayundin, masusi nilang tututukan ang isinasagawang imbestigasyon ng mga ahensiya ng itinuturing nilang reaksiyonaryong gobyerno.

“Titingnan namin kung ano ang development sa imbestigasyon ng reaksiyonaryong gobyerno.  Ngayon pa nga lang may cover-up na. Tingnan ninyo ’yung isa sa Ato brothers, nasa pangangalaga ni Rep. Nancy Catamco,” ani Santiago.

Ipinangako ni Santiago na gagawin ng rebolusyonaryong kilusan na maibigay kay Fr. Pops ang hustisya. “Titiyakin ng kilusan na palabasin ang katotohanan para maibigay ang rebolusyonaryong hustisya,” aniya.

(Panoorin ang bidyo-dokumentaryo hinggil sa panayam ng Pinoy Weekly kay Simon Santiago.)

(Basahin ang artikulo hinggil sa ‘bagong gobyerno’ sa Timog Mindanao.)

‘Dead end’ sa dalawang taong pagtahak ng kabataan sa ‘daang matuwid’

$
0
0
Martsa ng militanteng kabataan patungong Mendiola, para irehistro ang pagkadismaya nila sa administrasyong Aquino, laluna't nalalapit na ang State of the Nation Address ng pangulo sa Hulyo 23. (Pher Pasion)

Martsa ng militanteng kabataan patungong Mendiola, para irehistro ang pagkadismaya nila sa administrasyong Aquino, laluna’t nalalapit na ang State of the Nation Address ng pangulo sa Hulyo 23. (Pher Pasion)

Inilabas ng militanteng kabataan ang kanilang galit sa administrasyong Aquino sa isinagawang walk-out sa kanilang mga pamantasan. Dismayado umano sila dalawang taong panunungkulan ni Aquino.

Bitbit ang kanilang mga panawagan, nagtipon ang daan-daang mga nag-walkout na kabataan sa harap ng University of Sto. Tomas sa Espana Avenue at tumulak sa paanan ng Mendiola kung saan nila binatikos ang administrasyong Aquino sa walang pagbabago at papalala krisis sa edukasyon.

“Walang maningning na kinabukasan ang kabataan habang patuloy ang pagkaltas sa badyet ng edukasyon. Habang tumataas ang mga bayarin sa pribadong pamantasan, pinipili na lumipat ng mga mag-aaral sa mga pamantasan na mababa ang pondo. Ang iba naman ang nagiging out-of-school youths. Nasan ang ‘Daang Matuwid’ sa buhay ng kabataan?” diin ni Vencer Crisostomo, pangkalahatang kalihim ng Kabataan Party-list.

Ayon naman sa Anakbayan, ang dalawang taon ni Aquino ay marka ng taunang pagtaas ng matrikula, pagtaas ng bilang ng dropout, paglala ng kahirapan kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis at demolisyon sa mga komunidad.

“Ang nakita nami’y mga programa na ang nakinabang ay iilang makapangyarihan, nagprotekta sa mga abusadong monopolyo at naglingkod sa interes ng Estados Unidos,” pahayag ng Anakbayan.

Komersyalisasyon todo implementasyon

Binatikos ng militanteng kabataan ang pagpabor umano ng administrasyong Aquino sa komersiyal na interes sa halip na tugunan ang pangangailangan ng kabataan sa edukasyon. (Pher Pasion)

Binatikos ng militanteng kabataan ang pagpabor umano ng administrasyong Aquino sa komersiyal na interes sa halip na tugunan ang pangangailangan ng kabataan sa edukasyon. (Pher Pasion)

Ayon naman sa National Union of Students of the Philippines, patuloy ang pagtalikod ng gobyerno ni Aquino sa sektor ng edukasyon.  Nakaranas muli ang sektor ng edukasyon ng pagkaltas sa badyet nito sa sa loob ng dalawang taon. Naitulak nito ang mga pamantasan na magtaas ng matrikula o di kaya’y magbenta o magparenta ng mga lupa at iba pang assets nito sa pribadong sektor.

Ayon kay Cleve Argulles, student regent ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, kailangan na ng isang mag-aaral sa UP ng aabot sa PhP30,000 kada semestre. Ito’y dahil sa bagong iskemang ginagawa ng unibersidad sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STAFP) na awtomatikong inilagay sa Bracket A ang mga mag-aaral na may PhP1,500 kada yunit.

“Isipin ninyo, sa mismong bakuran ng UP, itatayo ang isang mall na pag-aari ng mga Ayala. Sa mismong UPIS (UP Integrated School). Ito’y lantarang paggamit ng lupa ng UP sa komersiyal na interes. Habang sa UP Visayas naman, magkakaroon ng pribadong resort,” dagdag ni Argulles.

Sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) naman, nananatiling kulang ang pondong inilaan, bagamat may pagtaas mula mahigit PhP600 Milyon noong 2011 na umaabot sa PhP735-M ngayong 2012. Nangangailangan pa rin ang PUP ng P2 Bilyon para sa pondo nito, ayon kay Helen Alfonso, student regent ng PUP.

Nitong pagpasok ng akademikong taon 2012-2013, P450 ang tinatayang naidagdag na miscellaneous fee sa mga nasa unang taon sa PUP.

Sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (Earist), nanganganib na mawalan ng gusali ang mga mag-aaral sa bantang pag-okupa dito ng Unibersidad de Manila (UDM) dahil sila man ay may kakulangan sa klasrum, ayon kay Philip Bautista, mula sa konseho ng Earist.

“Hindi ito simpleng pagpapabaya. Sistematiko ito. (Ito) ang unti-unting pagtalikod ng gobyerno sa ating karapatan sa edukasyon,” ayon kay Argulles.

Kasabay naman ng pagtaas ng bayarin ng State Universities and Colleges (SUCs), ganoon din sumabay ang pribadong mga pamantasan. Mahigit sa 200 pribadong pamantasan ang inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) na magtaas ng matrikula ngayong taon, ayon sa Kabataan.

“Ginagawa tayong parehong konsiyumer at produkto ang mga mag-aaral sa loob ng mga pamantasan. Tayo ang konsiyumer sa mataas na edukasyon at produkto na magsisilbi sa merkado. Ibebenta (tayo) sa mga kapitalista upang mapagsamantalahan,” diin ni Sheryl Alapan, deputy secretary-general ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).

Represyon sa kampus

Ayon sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP), sa patuloy na komersalisasyon ng edukasyon at pag-abandona ng gobyerno sa karapatan ng mga kabataan sa edukasyon ay siya ring patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng represyon sa loob ng mga kampus.

“Mula noong nakaraang taon, mahigit sa 300 campus press freedom violations na ang naitatala ng CEGP, kabilang na ang kaso ng libelo na kinakaharap ngayon ni Jesusa Paquibot ng UP Outcrop Baguio,” ayon kay Anna Tolentino, pangkalahatang kalihim ng CEGP.

Ayon naman kay Alapan, sa Camarines Sur Polytechnic College, kinasuhan ng grave misconduct ng administrasyon ang mga mag-aaral na nanawagan ng dagdag na mga klasrum. May mga pamantasan pa rin na hindi nagpapahintulot sa kanilang mga mag-aaral na magkaroon ng mga organisasyon na lumalabag sa karapatan ng mga mag-aaral na organisahin ang kanilang mga sarili.

“Lalong nailalayo ang mga mag-aaral sa kanilang karapatan, higit nilang nauunawaan ang kahalagahan ng pagkikisangkot at paglaban subalit marahas tayong sinusupil. Kung hindi papatalsikin sa mga publikasyon o sa konseho ng mga mag-aaral, nagagawang suspendihin o di kaya sipain ang mga mag-aaral dahil mga kontra-estudyanteng mga polisiya,” ayon kay Romina Astudillo, tagapangulo ng CEGP sa National Capital Region.

K+12, banta sa kinabukasan ng paggawa

Kasabay na binatikos ng mga kabataan ang programang K+12 ni Aquino. Mapanganib umano ang K+12 dahil pinatitibay nito ang kasalukuyang labor-export policy sa kapariwaraan ng mga manggagawang Pilipino ayon sa NUSP.

“Layunin ng K+12 na mas palalain ang kasalukuyang mababa ng sahod ng mga manggagawa at higit na itulak ang mga kabataan na magtrabaho para sa dayuhan imbes na magtuloy ng pag-aaral sa kolehiyo,” ayon kay Gemma Canalis, pambansang tagapangulo ng League of Filipino Students.

Sa programang K+12, inaasahan na magtatapos ang mga kabataan sa legal na edad (18 years old) para makapagtrabaho. Sa ganitong balangkas, itinutulak ang mga magsisipagtapos ng K+12 na magtrabaho kaysa mag-aral. Magdudulot din ito ng pagkaltas sa badyet sa edukasyon dahil sa magiging opsiyonal na lamang ang pagpasok sa kolehiyo, ayon sa CEGP.

“Hindi ang interes ng mga mag-aaral ang siyang nasa implementasyon ng K+12 kundi para sa kapakanan ng negosyon. Nais tayong paniwalain ni Aquino ng kanilang retorika na ito ang gamot sa sakit ng lipunan natin na kawalan ng trabaho na ang gagawin ay maging pabrika ng semi-skilled na mga manggagawa ang ating mga paaralan na kanilang pagsasamantalahan upang maging bahagi ng lumalaking bilang ng low-wage earners,” ayon kay Mark Louie Aquino, ikalawang nominado ng Kabataan Party-list.

“Mula K+12 na programa na nagdadala ng pangangailangan ng dayuhan at kapitalista hanggang sa paglagda sa Executive Order 79 na lalong nagbuyangyang sa ating mga likas na yaman na dambungin ng malalaking kompanyang minahan,” ani Canalis.

“Ang mga proyekto ni Aquino ay nakadisenyo para sa kanyang dayuhang boss,” pagtatapos niya.

Tropang Kano sa Pilipinas: Kumpas ng imperyo

$
0
0
Si Pang. Benigno Aquino III, sa pakikipagpulong kay US Pres. Barack Obama sa Oval Office sa White House, Washington, DC noong Hunyo 2012. (White House Photo)

Si Pang. Benigno Aquino III, sa pakikipagpulong kay US Pres. Barack Obama sa Oval Office sa White House, Washington, DC noong Hunyo 2012. (White House Photo)

Eksaherado ba ang mga kritiko na nagsasabing baseng militar ng Estados Unidos ang buong Pilipinas?

Marahil, hindi kasing-eksaherado ng gobyernong US na idineklarang “American Lake” ang Dagat Pasipiko, matapos maagaw ang Pilipinas mula sa gobyernong Espanya noong 1898. Isang negosyador sa Treaty of Paris, si Whitelaw Reid, ang nagsabi na ang pananakop sa Pilipinas ay isang mahalagang susi para maging Lawa ng Amerika ang buong Pacific Ocean.

Metapora ito ng pagkontrol ng US sa komersiyong dumaraan sa karagatang ito, at sakupin ang iba pang bansa sa Asya Pasipiko. Metapora ito ng pagtatayo ng imperyo sa pinakamalawak na rehiyon sa mundo.

Makaraan ang isang siglo, ang US pa rin ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihang imperyo sa daigdig. Ngunit dahil binabayo ng krisis pang-ekonomiya o krisis ng monopolyo kapitalismo, marami ang nagsasabing unti-unti nang humihina ito.

Siyempre, hindi ito basta-basta makapapayag. Kaya simula ngayong taon, pinili ng US na ibuhos ang mayorya ng lakas-militar nito sa Asya Pasipiko, na may populasyon na kalahati ng mundo. “Ang makinabang sa pag-unlad ng Asya ay nasa pang-ekonomiya at estratehikong interes ng Amerika,” ayon mismo kay US Secretary of State Hillary Clinton sa sanaysay na America’s Pacific Century.

Nagsimula nang ideploy sa rehiyon ang karamihan sa mga barkong pandigma ng US.

Sa siglong ito ng ibayong presensiya o panghihimasok ng US sa rehiyon, mahalaga ang papel ng Pilipinas, na dating kolonya—at nagpapatuloy nitong mala-kolonya. “Ang mga tratado ng pakikipag-alyansa natin sa Japan, South Korea, Australia, Philippines, at Thailand ay sentro ng ating estratehikong pagpihit sa Asya Pasipiko,” ani Clinton.

Malinaw na lubhang kailangan tayo ng Estados Unidos.

US at ‘kooperasyon’ ni Pnoy

Ngunit bakit laging sinasabi ng gobyerno na tayo ang may kailangan sa “tulong” ng Amerika? Halimbawa na lamang, sa pagdepensa umano ng teritoryal na pag-aari ng Pilipinas sa Scarborough Shoal, na inaangkin din ng Tsina at iba pang kalapit na bansa.

Naniniwala si Prop. Roland Simbulan ng Unibersidad ng Pilipinas at Institute for Nationalist Studies, isang eksperto sa relasyong US-PH, na sadyang pinalalaki ni Aquino ang alitan sa Scarborough Shoal para lalong bigyang-katuwiran ang presensiya sa bansa ng mga tropang Amerikano. Pinalayas ang mga tropang Kano sa mga baseng militar sa Clark at Subic noong 1991, pero nakabalik naman ito gamit ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Simula pa noong nakaraang taon, nagpupulong na ang matataas na opisyal para paigtingin ang “kooperasyong militar” sa pagitan ng dalawang bansa. Pinakahuli lamang ang bisita noong Hunyo ni Pang. Benigno Aquino III kay US Pres. Barack Obama sa Washington, at ang bisita naman sa bansa ni Hen. Martin Dempsey, hepe ng US Joint Chiefs of Staff at pinakamataas na opisyal militar ng Amerika.

Pinagkaisahan ang paglabas-pasok sa bansa ng mas maraming tropang Kano, mas malalaking joint military exercises o Balikatan, at mas regular na pagdaong ng mga barkong pandigma ng US. Siniguro ng gobyernong Aquino ang todong pagbukas ng ating mga paliparan, himpapawid, daungan at karagatan, gayundin ang pagbigay ng lohistikal na suporta, tuwing kakailanganin ito ng Estados Unidos. (Tingnan ang istoryang ‘Paano nilalabag ang ating soberanya?’)

Kumpara sa presensiya ng mga barko at mangingisdang Tsino sa Scarborough Shoal, hindi hamak na mas malala na paglabag sa soberanya ang malawakang presensiyang militar ng US sa bansa.

“Maliit lang ang teritoryal na alitan sa Tsina, na natural para sa magkakalapit na bansa at maaaring resolbahin sa antas-rehiyon. Ang totoong kailangang resolbahin ng gobyerno ay ang pagiging dependent nito sa US para sa ating kakayahang pandepensa,” ani Simbulan.

Ilang dekada nang umaasa sa ayudang militar ng US, ngunit hindi pa rin namomodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Tumatanggap lamang ang AFP ng pinaglumaang kagamitan at sasakyang pandigma, gaya ng BRP Gregorio del Pilar, isang barko noong World War II na tinanggalan pa ng armas. Binebenta—at hindi ibinibigay—ng US ang mga armas, gamit ang Balikatan bilang pagkakataon na ipakita ang mga ito.

“Gusto ng US na laging umaasa sa kanila ang ating militar, dahil sa pamamagitan (nito), naiimpluwensiyahan nila ang ating pulitika at ekonomiya,” ani Simbulan.

Chairman ng US Joint Chiefs of Staff na si Hen. Martin Dempsey, sa bisita sa Mindanao noong Hunyo 2012. Tinitingnan nila ang mapa ng Asya-Pasipiko. (US Department of Defense photo)

Chairman ng US Joint Chiefs of Staff na si Hen. Martin Dempsey, sa bisita sa Mindanao noong Hunyo 2012. Tinitingnan nila ang mapa ng Asya-Pasipiko. (US Department of Defense photo)

Di-tuwirang kolonya pa rin

Malalim na nakaugat sa kasaysayan ng kolonyalismo ang masaklaw na impluwensiya ng US sa pulitika at ekonomiya ng bansa. Kasaysayan ito ng panlilinlang, panunupil at pandarahas sa mga puwersang makabayan, dominasyon sa edukasyon at kultura, at paggamit sa lokal na naghaharing-uri para isulong ang interes ng imperyo.

Mula 1899 hanggang 1913, daan-daan libong Pilipino ang namatay sa paglaban sa mga Amerikanong kolonisador. Marami pa ang marahas na sinupil hanggang sa ipinagkaloob ng US ang ating “kalayaan” noong Hulyo 4, 1946. Huwad ang kalayaang ito; ipinuwesto lamang ng US ang lokal na mga naghaharing-uri na sunud-sunuran sa kanila.

Hindi nahirapan ang US sa pagdikta ng mga polisya sa inihahalal na mga opisyal ng gobyerno—karamihan ay mga asendero at komprador kapitalista o kinatawan nila na nakikinabang din sa mga polisiyang ito. Ibinukas ang ekonomiya ng bansa para pumabor sa dayuhang mga negosyo. Pinanatili ang presensiyang militar ng Amerikano sa pamamagitan ng 1947 Military Bases Agreement (MBA) at Military Assistance Pact, at 1951 Mutual Defense Treaty (MDT).

Malaki ang pakinabang noon ng US sa mga baseng militar nito sa Clark at Subic. Naging himpilan, refuelling at kumpunihan ito ng mga barko at eroplanong pandigma. Naging sanayan at pahingahan din ito ng libu-libong tropang Amerikanong isinasabak sa mga samu’t saring digmaan sa Asya Pasipiko at Gitnang Silangan. Sa panahong sinasalakay ng US ang mga mamamayan ng Vietnam at buong Indochina na nakikibaka para sa pambansang paglaya, dito naka-base ang Seventh Fleet, ang pinakamalaking puwersang pandigma ng US.

Mula 1946, binigyang ayuda at pabuya ng US ang lahat ng mga pangulong nagmantine sa kaayusang mala-kolonyal. Isa na rito si Corazon Aquino. Gamit ang mga manwal at pagsasanay na ibinigay ng US, ipinatupad niya ang madugong kampanyang kontra-insurhensiya laban sa mga armadong puwersang rebolusyonaryo ng CPP-NPA-NDFP at Moro, na tumulong sa pagpapabagsak ng diktadurang Marcos. Sinubukan din ng ina ng kasalukuyang pangulo na pigilan ang pagbabasura ng Senado sa US-RP MBA noong 1991. Samantala, nitong nakaraang ilang taon, masugid na ipinatupad ni Gloria Arroyo at ni Pangulong Aquino ngayon ang 2009 US Counterinsurgency Guide para sawatain ang kilusang rebolusyonaryo.

Akses saanman

Matagumpay na naipasara man ng mga mamamayan ang mga baseng militar, hindi kailanman nawala ang mga tropang Amerikano. Ayon sa mga kritiko ng VFA, mas malala pa nga ang paglabas-pasok sa bansa ng mga tropang Kano. Sa ilalim ng kasunduan, malaya silang pumaroo’t pumarito nang walang takdang panahon, bilang, o lugar.

Sang-ayon ito sa diin ng Estados Unidos sa rotational deployment ng kanilang mga puwersa, sa halip na pagmantine ng malalaking base gaya noong panahon ng Cold War. Paliwanag ni Simbulan, “Hindi na nila kayang i-maintain ang malalaking base kasi magastos, hindi na kaya ng kanilang ekonomiya. Kaya ang porma ng pagbabalik ng mga base ay ang akses ng mga tropang Amerikano sa ating mga daungan, paliparan, at iba pang pasilidad, hindi lamang sa Clark at Subic, kundi sa buong bansa.” Mas madalas din ang kanilang pagdating, at sa mas maraming bilang.

Sa rotational deployment at akses, mahalaga ang pakikipagalyansa sa maraming bansa. Ang mga pasilidad sa mga bansang ito ang nagsisilbing forward operating bases ng Estados Unidos, ayon mismo sa terminong ginagamit ng US Congress.

Kaya’t maituturing na nagbabase rito ang mga tropang Kano, lalo na ang may tinatayang 600 na permanenteng special forces ng Joint Special Operations Task Force Philippines (JSOTFP). Hindi sila ordinaryong mga puwersa, kundi sinanay para sa mahihirap at sikretong operasyon.

Nakapokus ang US sa pagsasanay at pagdedeploy ng espesyal, kaysa regular, na mga puwersa. Kung ngayon ay nasa 42,000 ang bilang ng US special forces sa buong mundo, target nilang palakihin ito sa 250,000 sa 2015, habang binabawasan naman ang regular forces.

Sa Pilipinas, nakahimpil ang JSOTFP sa Camp Navarro ng Philippine Army sa Zamboanga. “Mas bentahe sa kanilang nasa loob ng mga kampo ng AFP, dahil reduced ang kanilang visibility. Hindi sila madaling matarget ng mga rebelde, at minimal pa ang gastos,” ani Simbulan.

Sabi pa ni Simbulan, “Ginagawa ng US ang lahat ng paraan para imantine ang imperyo nito sa pinaka-epektibo at di-magastos na paraan.”  Para dito, kailangan ang ibayong “kooperasyon” na tinawag niyang “negotiated subservience”  ng mga bansang kaalyado—o ang pagpapagamit ng mga gobyerno sa kanilang teritoryo at rekurso para sa interes na sa esensya ay dayuhan, na walang pakinabang ang sariling mga mamamayan.

Panganib sa sambayanan

Pangunahin sa mga interes ngayon ng US ang pagkontra sa bantang maungusan ng Tsina, ayon sa Sustaining Global Leadership: Priorities for 21st Century Defense. Inamin mismo sa bagong estratehikong pandepensa ng US na ang pagpoposisyon kontra Tsina ang isang dahilan ng pagpihit nito sa rehiyon.

Ngunit kaiba sa US na marahas na sinasakop ang ibang bansa simula pa noong nakaraang siglo, ang Tsina ay matataguriang “soft power”:  Pinalalawak nito ang impluwensiya sa mundo sa pamamagitan ng kapangyarihang pang-ekonomiya, kaysa militar.

Maging ang US, umaasa sa Tsina. Karamihan sa mga malalaking pabrika at kompanyang US ay nasa Tsina. Malaking palengke ang Tsina para sa mga sobrang produkto ng US. Para makapaghabol ng supertubo ang mga kompanyang US na bumabagsak sa panahon ng matinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo, kailangan ang murang paggawa at merkado sa Tsina.

Paliwanag ni Simbulan, pinalilibutan ng US ang Tsina hindi lamang para bantayan, kundi para pakinabangan. Kaya hindi nito basta-basta gigiyerahin ang karibal—lalong hindi para pumanig sa Pilipinas sa usapin ng Scarborough Shoal.

Aniya pa, habang umaasa tayo sa US para sa depensang panlabas, lalong lumalaki ang panganib na maipit ang Pilipinas sa labanan ng dalawang bansa, na posibleng dumulo sa giyera sa hinaharap.

Samantala, patuloy na naghihirap ang sambayanang Pilipino dahil sa pangangayupapa at kawalan ng kakayahan ng gobyernong Aquino na igiit ang soberanya ng bansa mula sa kontrol ng imperyo.

SIDEBAR: Paano nilalabag ng US ang ating soberanya?

Serbisyong panlipunan, serbisyong pang-iilan

$
0
0
Piket ng Gabriela sa harap ng tanggapan ng Department of Education noong Hunyo. (KR Guda)

Piket ng Gabriela sa harap ng tanggapan ng Department of Education noong Hunyo. (KR Guda)

Gustung gusto na ni Tristan Santamaria, 15 anyos, na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa hayskul. Noong nakaraang taon, kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral sa Batasan National High School sa Quezon City, dahil nagkasakit ang kanyang nanay. May nadiskubreng tumor kay nanay noong Agosto nakaraang taon; pagsapit ng Enero namaalam na siya. At dahil nauna nang namatay ang kanyang ama, kay Aling Ilet, 52 anyos, naiwan si Tristan.

Noong nakaraang Hunyo 18, inenrol ni Aling Ilet si Tristan sa dating hayskul niya. Excited si Tristan. Iniwan ni Aling Ilet si Tristan sa eskuwela dahil may kailangan siyang asikasuhin. Pagbalik niya, sabi ng apo, ipinasok daw siya ng eskuwela sa home schooling. Punung puno na raw ang mga klase, at di na maipapasok si Tristan. Tuwing Sabado na lang daw ang pasok ni Tristan, at may mga asignatura na lang na gagawin Lunes hanggang Biyernes.

Si Nanay Ilet (gitna) at ang kanyang apo na si Tristan, naghihintay na makapasok sa loob ng tanggapan ng DepEd para makipagdiyalogo sa mga opisyal ng departamento. (KR Guda)

Si Aling Ilet (gitna) at ang kanyang apo na si Tristan, naghihintay na makapasok sa loob ng tanggapan ng DepEd para makipagdiyalogo sa mga opisyal ng departamento. (KR Guda)

“May mga assignment daw kami sa Science. Sa internet na lang daw hanapin ang sagot,” kuwento ni Tristan sa Pinoy Weekly. Sino ang magtuturo sa kanila? “Turuan na lang daw namin ang sarili namin.”

Ikinagalit ni Aling Ilet ang pagtaboy ng mga administrador ng eskuwela sa kanyang apong gustung-gusto nang mag-aral. Ito lamang ang huli sa serye ng mga krisis na kanyang pamilya. Noong nakaaraang taon, dinala ni Aling Ilet ang kanyang anak na nanay ni Tristan sa East Avenue Medical Center, isang pampublikong ospital. Libre, sa ngayon, ang pagpapagamot sa East Avenue, pero di libre ang mga gamot. Malaki rin ang ginastos nila, bago pumanaw si nanay. Samantala, ang kanilang komunidad sa Batasan, may banta ng demolisyon. Isang National Government Center ang gustong patayuin ng pamahalaan, at sasagasaan ang kanilang mga abang tahanan.

Hirap na rin makaagapay sa nakaraang pagtaas ng presyo ng langis (sa kabila ng mas maliliit na rolbak sa presyo kamakailan) ang asawa ni Aling Ilet, na isang drayber ng taksi. “Kahit na hirap na kami makatustos (sa pag-aaral ni Tristan, at mga anak niya), pinipilit pa rin namin. Ito na lang ang tanging pamanang maibibigay namin sa kanila,” aniya.

Tulad ng milyun-milyong iba pa, ramdam ni Aling Ilet ang mistulang pagtalikod sa kanila ng gobyerno—silang mga maralitang pinagsasamantalahan, naghihikahos sa araw-araw na pangangailangan.

Kasosyo sa negosyo

Ganito ang direksiyong tinahak ng nakaraang mga administrasyon at ng kasalukuyan: Pampublikong ospital na pinatatakbong parang korporasyon; sistema ng edukasyon na nakatuon sa pagluwal ng mura at masusunuring manggagawa; at mga serbisyong dapat ibinibigay ng gobyerno subali’t ipinapasa na sa pribadong sektor.

Lantarang nakasaad sa Philippine Development Plan 2011-2016 ni Pangulong Aquino na Private-Public Partnerships (PPPs) ang centerpiece o pangunahing programang pang-ekonomiya ng administrasyong ito. PPPs ang pakikipag-partner ng gobyerno sa pribadong malalaking negosyong  lokal (minsa’y may dayuhang kapital), para sa pagpapatupad ng mga serbisyong panlipunan at imprastraktura na dati’y (at dapat na) ipinapatupad ng gobyerno lamang.

Sinasaklawan ng planong ito ang programa sa edukasyon, kalusugan at pabahay – mga serbisyong lubhang kailangan ng mga tulad nina Aling Ilet.

Kung tutuusin, di na bago sa bansa ang PPP ng administrasyong Aquino. Marami na ang karanasan ng bansa sa mga iskema ng PPP na build-own-operate, build-develop-operate, buy-build-operate, build-operate-transfer, at iba pa. Ganito ang iskemang pinatupad sa paggawa ng Light Rail Transit (LRT) at  Metro Rail Transit (MRT) sa Kamaynilaan. Dekada ’90 rin napatupad ang pagsasapribado sa serbisyo ng tubig, kuryente at iba pa.

Itinutulak ng pandaigdigang mga institusyong pampinansiya tulad ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) ang PPP. Sa ulat nito hinggil sa PPP, sinabi ng IMF na mapapaunlad daw ng pagpasok ng pribadong sektor ang serbisyo at maiiwasan ang depesito sa badyet.

Pero malinaw sa naging karanasan ng Pilipinas na lalong di naging abot-kamay sa mga mamamayan ang mga serbisyong pinatatakbo ng pribadong sektor. Halimbawa, nang maisapribado ang serbisyo ng tubig sa Metro Manila, tulad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong 1997, ibayong tumaas ang singil sa tubig sa Metro Manila.

Noong panahon ni Pang. Fidel Ramos, isinapribado naman ang Philippine National Bank at Petron.

Matapos ang sunud-sunod na pagsasapribado ng kuryente at tubig, at pagpasok ng pribadong sektor sa ilang pampublikong imprastraktura tulad ng MRT at LRT, itinutulak naman ng naturang mga institusyong pampinansiya ang PPP sa serbisyong panlipunan.

Ospital at pabahay para kumita

Tulak ng IMF, WB at ADB, na sa katunaya’y kontrolado ng US at ibang mga imperyalistang gobyerno, ang pagsasapribado sa mga ospital at pag-phaseout sa mga ahensiya ng gobyerno na dapat na nagseserbisyo sa publiko, tulad ng mga ahensiya sa pabahay.

Kongreso ngayon ang naging lunsaran ng mga panukalang batas para mapatupad ang mga itinutulak na ito ng naturang mga institusyon. Sa Mababang Kapulungan, inaprubahan noong Mayo 16 ng House Committee on Health ang House Bill 6069 o Hospital Corporatization Bill na panukalang batas ni Bacolod Rep. Anthony Golez Jr. Target ng naturang batas ang mistulang pagsasapribado sa 26 pampublikong ospital sa buong bansa.

Kasama sa nais ng panukalang batas na patakbuhin bilang korporasyon ang pampublikong mga ospital.

Pero bukod dito, matagal nang ipinaplano ng nakaraang mga administrasyon, sa tulak din ng IMF at World Bank, ang pagbenta ng lupaing kinatitirikan ng mga ospital, tulad ng sa Welfareville at National Center for Mental Health. Noong panahon ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo, pinlano rin ang pag-merge ng mga ospital na pinatatakbo bilang pampublikong korporasyon, tulad ng Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney Transplant Institute, Philippine Childrens Medical Center, at East Avenue Medical Center, para gawing isang “Philippine Center for Specialized Health Care.”

Kung natupad ang naturang plano, ni hindi sana naitakbo sa East Avenue ang nanay ni Tristan. Lalong napagastos sana sila sa pribadong ospital, at lalong nahirapan si Tristan na makabalik sa eskuwela.

Samantala, sa Mababang Kapulungan din ipinasa ang panukalang pag-isahin ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na may ugnay sa pagbibigay ng serbisyong pabahay. Nakatakdang pag-usapan sa Kamara, matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Aquino, ang House Bill 6231, na naglalayong magtatag ng isang “Department of Housing, Planning and Urban Development” at maga-abolish sa iba pang ahensiya at korporasyon ng gobyerno.

Kasabay na itinutulak sa Senado ang Senate Bill 3199 ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na counterpart ng nabanggit na DHPUD Bill. Ayon kay Marcos, sa ilalim ng isang sentralisadong ahensiya, maaaring pumasok ang gobyerno sa Public-Private Partnerships, mangutang at humingi ng assistance sa pandaigdigang mga organisasyon (at korporasyon) para sa mga programang pabahay.

Malinaw sa panukalang ahensiyang ito ang pagpasa ng serbisyong pabahay sa pribadong sektor—na walang ibang pakay kundi ang magkamal ng tubo.

Para sa Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (Courage), nangangahulugan lamang ito ng pagpawi sa mga serbisyong binibigay ng iba’t ibang ahensiya at pampublikong korporasyon. Bukod pa ito sa panganib sa mga 5,000 empleyado na matatanggal sa trabaho sa naturang mga ahensiya.

Dahil sa bantang ito, nagkakaisa ang malawak na bilang ng mga kawani sa loob at labas ng nanganganib na mga ahensiya. Pahayag ni Rosalinda Nartates, pangulo ng Consolidated Union of Employees-National Housing Authority: “Hangga’t kaya namin, lalabanan namin ang pagpasa ng [DHPUD]. Minamadali ng Kongreso ang pagpasa sa [DHPUD] bilang regalo sa Presidente upang ipagmalaki nito sa kanyang SONA.”

Edukasyon para sa merkado

Aling Erlinda Obligado ng Batasan Hills. (KR Guda)

Aling Erlinda Obligado ng Batasan Hills. (KR Guda)

Magkapitbahay sa Batasan Hills sina Aling Ilet at Aling Erlinda Obligado, 37 anyos, at ina ng apat na nag-aaral pang mga bata. Grade 5 ang panganay na anak na babae ni Aling Erlinda, sa San Diego Elementary School sa Payatas.

“Hinati na nila sa dalawang klase ang mga klasrum. Mahigit 60 estudyante sa isang klase,” sabi niya. Kuwento ni Erlinda, nahihirapang makapokus sa pag-aaral ang kanyang mga anak, dahil sa laki ng klase. Nangangamba rin siya pagkatapos ng Grade 6, dahil mapapasailalim na sa K+12 ang kanyang anak.

“Sa construction lang ang asawa ko. Kahit sa pagkain lang, hirap na kami. May mga panahong natutulog ang mga anak ko na walang laman ang tiyan,” sabi niya, bago napatigil sa pagsalita dahil sa pagkaluha.

Hindi lamang si Aling Erlinda ang kumakaharap sa problemang ito, kundi ang milyun-milyong maralitang mga magulang. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), di bababa sa P12,000 kada taong dagdag sa pag-aaral ang kailangang bunuin ng mga magulang para mairaos lamang sa batayang edukasyon ang kanilang mga anak. Malinaw sa sitwasyon ngayon—lalupa’t walang makabuluhang dagdag-sahod  sa mga manggagawang tulad ng asawa ni Erlinda—na hindi ito makakayanan ng maraming maralitang magulang.

Gayunman, itinutulak pa rin ito ng administrasyong Aquino.

Tulad ng PPP, pag-abolish sa mga ahensiyang nagseserbisyo at korporatisasyon sa pampublikong mga ospital, dikta rin ng IMF at World Bank ang programang K+12. Ayon sa administrasyong Aquino, bahagi ito ng pagsabay natin sa “pandaigdigang mga istandard” sa edukasyon, nang sa gayo’y makasunod ang Pilipinas sa demands ng merkado sa ibang bansa.

Sa diyalogo ng militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela sa Department of Education (DepEd) noong Hunyo 24, sinabi ni DepEd Undersecretary Rizalino Rivera na nakatuon ang K+12 sa paglikha ng mga gradwado na tutugon sa kung ano ang kailangan sa merkado. Katunayan, ang mga kursong vocational na ituturo sa hayskul at karagdagang dalawang taon sa ilalim ng K+12 ay nakatuon sa kung ano ang mga trabahong kailangan sa lugar. Itatakda ng eskuwelahan, lokal na gobyerno at/o ng mga pribadong kompanya o industriya kung ano ang mga trabahong kailangan nila at iyun ang mga vocational courses na ituturo nila.

Kung tutuusin, pasok ang K+12 sa pangkalahatang programa ng gobyerno na ilako ang lakas-paggawa ng mga Pilipino, hindi lamang sa lokal at dayuhang mga kapitalista sa Pilipinas, kundi sa mga kapitalista sa ibang bansa. “Labor export policy” ito, na matagal nang ipinapatupad. Pero ngayon, dahil sa K+12, mas tutugon na ang sistema ng edukasyon sa pangangailangan ng mga negosyo.

Kasabay ng K+12 ang taun-taon ding pagkaltas sa badyet ng edukasyon. Isa sa pinakamalaking kinakaltasan ang tertiary education, o ang State Universities and Colleges (SUCs). Kung sabagay, naisip ng gobyerno, dahil hindi na kinakailangang makatuntong ang kabataan sa kolehiyo para magkatrabaho, mas madali nang bawasan ang badyet sa SUCs.

Dahil sa taunang mga kaltas-badyet na ito, natutulak ang SUCs na maghanap ng pagkakakitaan, para lamang mapanatili ang kanilang mga pamantasan. Sa Unibersidad ng Pilipinas kamakailan, biglang binago ng administrasyon ng UP ang Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) para mas mahirapan ang mga estudyante na makakuha ng diskuwento sa matrikula. Para sa militanteng mga grupo tulad ng Anakbayan at League of Filipino Students (LFS) sa UP, mistulang taas-matrikula ang ginawang ito ng administrasyon.

Samantala, natulak din ang administrasyon ng UP na pumasok sa leasing ng mga lupain ng pamantasan—kahit na ang lupaing ginagamit ng UP Integrated School. Nakipagsosyo ang UP sa Ayala Corporation para sa pagtatayo ng isang “town center” na mistulang mall sa dating lote at magiging karatig ng eskuwelahan.

Pangarap sana ni Aling Ilet na pag-aralin sa kolehiyo si Tristan at ang nakababatang anak niya, sa hinaharap. Pero dahil sa pagsasapribado ng administrasyong Aquino sa mga serbisyong panlipunan, lalong lumalabong makamit ang pangarap na ito ni Aling Ilet at ng milyun-milyong maralitang Pilipino.

Gobyernong sa dayuhan sumusunod: Panatilihing mababa ang sahod

$
0
0
Elmer "Bong" Labog, tagapangulo ng KMU. (KR Guda/PW File Photo)

Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU. (KR Guda/PW File Photo)

“Si PNoy na mismo ang nagsalita sa harap ng mga manggagawa na wala sa puwesto ang dagdag-sahod sa kabila ng sunud-sunod na pagtaas ng mga bilihin at serbisyong panlipunan. Isang maka-negosyante, maka-kapitalista at kontra-manggagawang pangulo.”

Ito ang nangangalit na tugon ni Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa usapin ng panawagang dagdag-sahod para sa mga manggagawa. Ang Pilipinas ang pangatlo sa may pinakamababang sahod, ayon sa sarbey sa 72 bansa na ginawa ng International Labor Organization nitong taon.

Matapos ang barya-baryang P30 na dagdag sa Cost of Living Allowance na pautay-utay ibibigay, ang mga administrasyong nagdaan at kasalukuyan ay nagiging tagapagsalita at protektor ng mga kapitalista at dayuhang mamumuhunan laban sa mahigit isang dekada nang kahingian para sa P125 umento sa sahod, dagdag ng KMU.

Habang lumalaki ang kita ng 40 pinakamayayamang Pilipino sa bansa—mula $23.4 Bilyon noong 2011 tungo sa $32.2-B ngayong 2012, ayon sa ulat ng Forbes—nanatili namang barya-barya ang natatanggap ng mga manggagawang lumilikha ng yamang ito.

Walang mahita sa kita

Malayo pa rin sa nakabubuhay na sahod ang kinikita na minimum wage ng mga manggagawa na kumikita lang ng P446 sa National Capital Region. Sa rehiyong ito, nangangailangan naman ng P1,018 para mabuhay ang isang karaniwang laking pamilya, tantya ng Ibon Foundation, isang independiyenteng institusyon ng pananaliksik. Labas pa dito ang gastusin tulad ng sa edukasyon at kalusugan.

“Kulang na kulang ang minimum wage para mabuhay nang disente at responsabilidad ng gobyerno na itaas ang minimum wage para maitaas ang standard of living ng mga manggagawa sa Pilipinas,” ayon kay Sonny Africa, executive director ng Ibon.

Ayon sa KMU, mayroon lamang 44 porsiyento ang nominal na pagtaas sa minimum na sahod mula 2001 hanggang 2011, samantalang 62.4 porsiyento ang pagtaas sa presyo sa parehong panahon. Kung susuriin, papabagsak ang tunay na halaga ng inaprubahang dagdag-sahod ng mga administrasyon nina Corazon Aquino (P82), Ramos (P16), Estrada (P22) at Arroyo (P5).

Polisiya at sistema

Nananatiling kontraktuwalisasyon ang isa sa pangunahing nagpapababa sa sahod ng mga manggagawa. Sa ganitong sistema, mas mababa ang sahod ng mga kontraktuwal na manggagawa kaysa sa mga regular, kulang ang kanilang benepisyo, at kinikitil ang unyonismo, ayon sa KMU.

“Polisiya ni PNoy ang kontraktuwalisasyon, sa pamamagitan ng Department Order 18-A series of 2012. Tulad ng naunang mga pangulo na nagpatupad ng neoliberal na mga patakarang dikta ng mga imperyalistang gobyerno at institusyon tulad ng World Trade Organization at IMF-World Bank, ito ay upang mamaksimisa ang kanilang tubo sa kapariwaraan ng mga manggagawa,” ayon kay Labog.

Panibagong kinababahala ngayon ng KMU ang pagpapatupad ng two-tiered wage system (2TWS) na mas ilulubog pa ang napakababa nang sahod ng mga manggagawa.

“Ipinatutupad na ito ngayon sa Southern Tagalog at NCR kung saan malakas ang unyonismo. Kung mapapatupad nila ito doon na walang pagtutol ng mga manggagawa, mapapatupad nila ito sa lahat lalo’t higit sa mga rehiyon o mga pabrika na walang mga unyon,” ayon kay Labog.

Ang 2TWS ay isang sistema ng pasahod na dadaan sa dalawang antas ang paraan ng pagtaas ng sahod. Sa una, isasailalim ang lahat sa tinatawag na floor wage, na gobyerno ang siyang magtatakda at ihahalili sa regional wage system. Ang ikalawa naman ang productivity wage na di dapat bumaba sa floor wage pero nakabase sa produksiyon ng isang kompanya. Ibig sabihin, buung-buong nasa kapangyarihan ng kompanya at kapitalista kung magtataas ba sila ng sahod o hindi, ayon sa Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler).

“Mapanlinlang ang sistemang ito at mapanghati sa mga manggagawa dahil may indibidwalista itong katangian. Bawas sa sahod at pagkapako ng sahod ang esensiya ng sistema ito. Ang layunin nito: pababain ang sahod ng mga manggagawa upang akitin pa lalo ang mga dayuhang mamumuhunan na samantalahin ang murang lakas-paggawa sa bansa,” ayon naman kay Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng KMU.

Hindi lamang ito makakaapekto sa regular na mga manggagawa. Kasabay na ilulubog ng sistemang ito ang mga kontraktuwal. Kaya hamon ni Labog, “Kailangang maorganisa rin ang kontraktuwal na mga manggagawa mula sa mga aral na mayroon tayo noong panahon ng Batas Militar na palihim dahil sila ay binabawalan o di kaya tinatakot ng management na mag-unyon. Hindi ito naging imposible noon sa kabila ng bangis ng Martial Law. Kailangan natin ipakita muli na ang manggagawa ang siyang mapagpasya.”

Inhustisyang panlipunan

Kung ang KMU ang tatanungin, ang mababang sahod ng mga manggagawa ay ibinubunsod ng papalaking kawalan ng  trabaho at pagsandig sa dayuhang pamumuhunan. Maituturing na isang lansakang kawalan ng hustiyang panlipunan ang ginagawang pang-aalipin sa sahod ng malalaking kapitalista at ng pahirap at papet na gobyernong Aquino sa hanay ng mga manggagawa, ayon pa sa KMU.

“Inaalay ng gobyernong ito sa altar ng kapitalistang interes ang mga manggagawa. Nagmimistulang bugaw ang gobyerno na hinahayaang ibayong  pagsamantalahan ang mga manggagawa sa kapakinabangan ng mga kapitalista at dayuhan,” diin ni Labog.

Habang nakatali at sunud-sunuran ang gobyerno sa mga dikta ng dayuhang mga institusyong pampinansiya na nagtutulak ng neoliberal na globalisasyon, mananatiling kalunus-lunos ang kalagayan ng mga manggagawa.

“Walang ibang patutunguhan ang ganitong pagtrato sa mga manggagawa kundi ang pagtutol at paglaban nila. Kasaysayan ang nagtuturo sa atin na hindi habang panahon magiging busabos ang mga manggagawa,” pahayag ni Labog.

Kay PNoy: Negosyo ang tubig

$
0
0
Martsa ng mga empleyado ng water districts patungong Mendiola noong Hulyo 18. (KR Guda)

Martsa ng mga empleyado ng water districts patungong Mendiola noong Hulyo 18. (KR Guda)

Mula sa batis, bukal at iba pang pinagmumulan ng tubig-tabang, hanggang gripo sa bawat tahanan – sa madaling salita, ang buong serbisyo ng tubig: Ito ang nais kontrolin ng administrasyong Aquino para negosyohin ng pribadong sektor.

Kung maipapasa ang Senate Bill 2997 ni Sen. Edgardo Angara at House Bill 5497 nina Marikina Rep. Romero Quimbo at  Davao City Rep. Karlo Nograles, masesentralisa sa isang pambansang opisina ang serbisyo ng tubig. Sentralisado ring maibubukas ito sa lokal at dayuhang mamumuhunan para pagkakitaan ito.

Tutol dito siyempre ang mga empleyado ng iba’t ibang lokal na water districts sa buong bansa. Noong Hunyo 18, sabay-sabay silang nagprotesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa para ihayag ang paniniwalang esensiyal na karapatan ng bayan ang tubig, at di ito maaaring gawing negosyo.

PPP sa serbisyo ng tubig

SB 2997 at HB 5497: Tulak ng pribadong sektor at dayuhang mga institusyong pampinansiya para ibukas sa mga mamumuhunan ang serbisyo ng tubig. (KR Guda)

SB 2997 at HB 5497: Tulak ng pribadong sektor at dayuhang mga institusyong pampinansiya para ibukas sa mga mamumuhunan ang serbisyo ng tubig. (KR Guda)

Unang itinakda ni Pangulong Aquino ang panukalang pagsesentralisa at regulasyon ng water utilities sa buong bansa sa unang pulong ng Legislative-Executive Development Authority (Ledac) noong Pebrero 2011.

Mula rito, naipanukala ni Angara sa Senado, at nina Quimbo at Nograles sa Kamara, ang mga panukalang batas. Ang kanilang dahilan: Marami pa ring Pilipino ang walang akses sa malinis na tubig, at maibibigay lamang sa kanila ito kung masesentralisa ang pangangasiwa ng water utilities at papayagan ang pribadong sektor na makisosyo sa pangangasiwang ito.

Achieving effective water governance will induce investors to come in and would facilitate the unitary approach in the operation of service providers,” sabi ni Nograles, nang isumite ang panukalang batas kasama si Quimbo.

Pero para sa Water System Employees’ Response (Water), alyansa ng mga empleyado ng serbisyo ng tubig at lokal na water districts, napatunayan nang hindi sagot ang pagsasapribado o ang pakikipagsosyo sa pribadong sektor para mabigyang akses ang mga mamamayan ng serbisyong ito.

Anila, napatunayan na ng pagsasapribado ng serbisyo ng tubig sa Kamaynilaan noong 1997 na di totoo ang batayan ng mga panukalang batas. Noong 1997, iginawad ng noo’y administrasyong Ramos ang pamamahagi ng tubig sa Kamaynilaan sa Manila Water (ng mga Ayala) sa East Manila at Maynilad (ng mga Lopez) sa West Manila. Ang resulta: tumaas nang 845 porsiyento (sa mga sineserbisyuhan ng Manila Water) at 449 porsiyento (sa mga sineserbisyuhan ng Maynilad) ang singil sa tubig.

“Habang di naman nagkaroon ng 24/7 na availability ang service areas ng Maynilad, isang water shortage pa ang naganap noong 2010 na nangailangan ng pagrarasyon ng tubig sa maraming lugar ng parehong kompanya,” sabi ng Water, sa position paper nito hinggil sa SB 2997 at HB 5497.

Lalong di naging abot-kamay sa mga mahihirap ang serbisyo ng tubig, anila.

Problema ng pagsasapribado

Jaime Augusto Zobel de Ayala ng Ayala Corp. at Manila Water: Nanguna sa pakikipagsosyo sa gobyerno sa serbisyo ng tubig. (Wiki Commons)

Jaime Augusto Zobel de Ayala ng Ayala Corp. at Manila Water: Nanguna sa pakikipagsosyo sa gobyerno sa serbisyo ng tubig. (Wiki Commons)

Gusto ng dalawang panukalang batas na magbigay ng insentibo sa pamumuhunan ng pribadong sektor (lokal at/o dayuhan). Kabilang na rito ang sampung taong tax holiday (di nila kailangang magbayad ng buwis),  pag-import ng kagamitan nang walang duties, espesyal na realty tax sa makinarya at kagamitan, at maraming iba pa.

Sa pangangasiwa ng serbisyo ng tubig, nais ng SB 2997 at HB 5497 na maisentro ito sa isang “provincial water resource zone”. Ito’y sa halip na nakakalat ang water service sa iba’t ibang water districts sa mga munisipyo tulad ng nakasaad sa Presidential Decree 198 noong taong 1973 na ipinapatupad pa ngayon.  At ang pamprobinsiyang ahensiyang ito’y nasa ilalim ng isang “Water and Sanitation Regulatory Authority”.

Ang ibig sabihin lamang nito, ayon kay Ramir Corcolon, pangkalahatang kalihim ng Water at empleyado ng San Pablo City Water District, ay mergers ng local water districts – na nangangahulugan ng tanggalan. “Nanganganib ang trabaho ng 30,000 empleyado (ng serbisyo ng tubig) sa buong bansa,” aniya.

May batayan ang kanilang pangangamba, dahil naging malawakan din ang tanggalan sa Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) matapos ang pagsasapribado ng serbisyo ng tubig sa Kamaynilaan noong 1997.

Naniniwala si Corcolon na gobyerno pa rin ang pinakamainam na magbigay serbisyo ng tubig sa mga mamamayan. Aniya, minamandato ng Saligang Batas na gobyerno ang dapat magbigay ng pampublikong serbisyo tulad ng tubig. Ito rin ang nakasaad sa mismong resolusyon ng General Assembly ng United Nations noong Hulyo 28, 2010, na nagdedeklarang esensiyal na karapatan ng mga mamamayan ang akses sa malinis na tubig.

Hiling ng Water, maglaan ang gobyerno ng sapat na pondo para suportahan ang lokal na mga water service providers para mapalawak ang kanilang mga operasyon.

Pagkiling sa malalaking negosyante

Bago pa man maipatupad ang mga panukalang batas hinggil sa pagsasapribado ng serbisyo ng tubig, unti-unti nang pinapasok ng malalaking negosyante ang serbisyong ito.

Kuwento ni Corcolon, noong 2007 ay binigay na ng gobyerno sa Manila Water ang pangangasiwa sa malawak na water source sa Cabuyao, Laguna na tinaguriang Matang Tubig. “Magandang water source kasi malakas at sariwa, at halos di nauubusan ng tubig,” sabi niya.

Nakuha ng Manila Water ang 25-taong concession para sa pamamahagi ng tubig hindi lamang sa Cabuyao, kundi sa Sta. Rosa City at Binan sa Laguna. Sa pamamagitan ng AAA Water Corporation na nasa ilalim nito, kontrolado ng Manila Water ang 70 porsiyento ng Laguna AAA Water Corp. na siyang nagsusuplay ng tubig sa naturang mga lugar.

Sa pamamagitan ng SB 2997 at HB 2497, gusto ng administrasyong Aquino na lalong palawakin ang Public-Private Partnerships (PPP) sa serbisyo ng tubig. Gusto nitong sakupin ng negosyo, hindi lamang ang mga gripo sa bawat tahanan, kundi pati ang mga batis, bukal at iba pang pinagmumulan ng tubig-tabang.

Desidido ang Water na labanan ito. “Ang tubig ay buhay. Karapatang pantao na rin ang tubig. Pero nilalabag ito ng gobyerno, sa pagturing sa tubig bilang negosyo,” pahayag pa ng Water.

PPP, magpapalala sa ‘sakit’ ng sektor pangkalusugan

$
0
0
Mga manggagawang pangkalusugan na nagtipon at nagprotesta sa harap ng Rizal Medical Center para tutulan ang korporatisasyon ng mga pampublikong ospital. (Pher Pasion)

Mga manggagawang pangkalusugan na nagtipon at nagprotesta sa harap ng Rizal Medical Center para tutulan ang korporatisasyon ng mga pampublikong ospital. (Pher Pasion)

Gusto raw ni Pangulong Aquino ang universal health care. Ibig sabihin, lahat ng tao’y may akses daw sa health care. Dahil daw ito, itinutulak niya ang pagkakaroon ng Public-Private Partnerships (PPP) sa sektor pangkalusugan.

Unti-unti na itong nagaganap. Ngayon pa lamang, umaangal na ang maraming maralitang lalong nahihirapang makaakses sa serbisyong pangkalusugan ng gobyerno.

Kabilang na rito si Lydia Bentulan, residente ng Payatas. “Kahit na libre na sinasabi nila, hindi naman talaga libre sa mga publikong ospital. Kailangan mo pa ring magbayad. Kailangan mo pa ring bumili ng mga gamot. Kailangan mo pa ring mamasahe,” ayon kay Aling Lydia.

Ayon kay Aling Lydia, taong 1983 nang mamatay ang kanyang ama at tatlong kapatid na hindi nadadala sa ospital. Taong 1986 nang mamatay naman ang kanyang nanay at kanilang bunso na hindi nabibili ang niresetang gamot ng doktor. At nitong 2012, namatay naman ang kapatid nito na hindi rin nabibili ang gamot na nireseta.

“Bago mo mailabas ang bangkay sa ospital kailangan mo magbayad. Tapos private din ang punerarya dahil wala naman publikong funerarya. Kaya mahirap talaga para sa aming mahihirap,” aniya.

Marami silang nakararanas nito. Ayon kay Dr. Julie Caguiat ng Network to Oppose Privatization, anim sa bawat 10 mga nagkakasakit na Pilipino ang namamatay na hindi man lamang nagkakapagpatingin o nakakapunta sa ospital.

Samantala, nasa 80% ng batang Pilipinong nagkakasakit ang namamatay sa mga karamdamang maaari namang malunasan.

Publiko patungong pribado

Ayon sa NOP, dekada ’70 pa o sa panunungkulan pa ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang isyu ng pribatisasyon na dumaan sa iba’t ibang pangalan sa bawat rehimen. At ngayon, sa PPP ng administrasyong Aquino tuluyan nang naging bukas ang pinto ng serbisyong publiko tungo pribado.

Nitong Mayo 16, inaprubahan ng House Committee on Health ang Hospital Corporatization Bill (HB 6069) ni Bacolod Rep. Anthony Golez na naglalayong gawing “korporasyon” ang 26 na pampublikong ospital sa bansa. Ang Senate Bill 3130 naman ni Sen. Franklin Drilon ang counterpart nito sa Senado.

Pangamba ng Alliance of Health Workers (AHW), ang pakiling sa komersiyal na interes ng korporatisasyon higit sa serbisyong panlipunan ang maglalayo sa akses ng mga mamamayan sa mga serbisyong pangkalusugan.

Halimbawa umano nito ang Rizal Medical Center. Pangunahing isinailalim sa PPP ang naturang ospital. Nagpirmahan na ng Memorandum of Agreement noong Hunyo 19 sina RMC Director Relito Saguilayan, Department of Health Sec. Enrique Ona at si Manuel V. Pangilinan, dambuhalang negosyante at tagapangulo raw ng Makati Medical Center Foundation.

Sa naturang kasunduan, nangangamba ang AHW na lalong maging mahal ang serbisyong pangkalusugan sa naturang ospital. Tinatayang nasa 583 pasyente pa naman ang natatanggap ng RMC sa 300 higaang kapasidad nito sa isang takdang panahon at nakapanggagamot ng umaabot sa 300 outpatients araw-araw sa mga residente ng Pasig, Taguig, Marikina, Taytay, Tanay, Antipolo, Mandaluyong, maging galing Makati, Sucat, Muntinlupa at Paranaque.

Nangangamba rin ang AHW para sa mga pasyente ng National Center for Mental Health. Bagamat hindi sasailalim sa pribatisasyon ang ospital na ito, nakatakda naman itong ibenta naman na walang tiyak na paglilipatan para sa 4,200 pasyente nito. Nakapaloob ang NCMH sa buong Welfareville kabilang ang 20,000 pamilya na nakatakdang idemolis na hindi makakapagbayad sa itatayong medium-rise buildings.

Nakatakdang sumailalim sa bidding ngayong Hulyo ang Welfareville at NCMH sa pribadong mga kompanya, sang-ayon sa plano ng gobyerno na Welfareville Development Plan (WDP) na itinutulak ni Department of Social Welfare and Development Sec. Corazon “Dinky” Soliman.

Samantala, ang Philippine Orthopedic Center naman, may panganib ding maisapribado pagpasok ni Pangilinan bilang kasosyo sa kasunduang PPP.

Kabilang sa iba pang sasailalim sa “korporatisasyon ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Cagayan Valley Medical Center, Baguio General Hospital and Medical Center, Bicol Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, Amang Rodriguez Medical Center at San Lazaro Hospital.

Kasama pa rito ang Eastern Visayas Regional Medical Center, Western Visayas Medical Center, Northern Mindanao Medical Center, Southern Philippines Medical Center, Zamboanga City Medical Center, Cotobato Regional and Medical Center, Caraga Regional Hospital, Davao Regional Hospital, at iba pa.

Kulang na pondo naging negosyo

Dahil sa pagtulak ng pamahalaan sa mga ospital na maging self-sufficient dahil sa kakulangan ng pondo, sari-saring iskema na nagtutulak sa pagkakaroon ng karagdagang kita ang mga ospital.

Kung maaprubahan, tataas ang badyet ng DOH na P 56.8 Bilyon para sa 2013 mula P44.4-B ngayong 2012. Labas dito ang badyet para sa PGH na kasama sa badyet ng Unibersidad ng Pilipinas.

Subalit ayon kay Gabriela Rep. Emmi De Jesus, nasa 1.89 porsyento lamang ito ng Gross Domestic Product na nairehistro ng National Economic Development Agency para sa ikatlong kuwatro ng 2011 o tinatayang nasa P0.62 lamang ang nakalaang pondo ni Aquino para sa kalusugan ng bawat Pilipino sa 2013. Malayo ito sa internasyunal na rekomendasyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) na 5 porisyento ng GDP ang dapat nakalaan para sa kalusugan.

Ayon kay Dr. Caguiat, nasa 3 porisyento lamang ng GDP ang kabuuang gastusin sa kalusugan.

“Sa 41,000 na pamayanan sa buong bansa, nasa 17,000 lamang nito ang mayroong establisimyento ng gobyerno para sa kalusugan. Subalit karamihan sa mga ito hindi nagtatagal dahil kulang ng doktor, nars, gamot, kagamitan at community health workers dahil sa kakulangan ng badyet,” ayon kay Dr. Caguiat.

Sa Philippine General Hospital, inaprubahan sa UP Board of Regents noong Hunyo 4 ang “Class D for the Underserved and Underprivileged Patients of the UP Manila Philippine General Hospital,” na nag-aapruba na ang mga Class D patients na dating walang binabayaran sa 192 service examinations nito ay sisingilin na ngayon. Maliban sa natitira pang 12 service examinations na nananatiling libre.

Sa National Kidney and Transplant Institute, nangangailangan ng deposito ang mga pasyente kahit sa mga emergency bago ma-admit. Bagamat may pag-unlad sa mga pasilidad ng NKTI, ang mga serbisyo nito ay napakamahal na tanging mga mayayaman at dayuhan lamang na pasyente ang may kakayahang makapagbayad.

“Sa 10 nagpapa-kidney transplant, isa lamang ang Pilipino at siyam ang dayuhan,” Fernando Liberato, opisyal ng Kidney Transplant Association of the Philipppines, Inc (Kitap).

Samantalang sa Philippine Heart Center naman, bumaba mula 70% patungong 20% ang charity beds. Ang mahabang listahan nito na umaabot sa 1,600 na naghihintay para sa operasyon ay umuunti dahil marami ang nangangamatay bago maoperahan, ayon sa AHW.

Sa Philippine Children’s Medical Center, isinasangla ng mga pasyente ang kanilang mga ari-arian gaya ng cellphone, relo, rice cooker, maging titulo ng kanilang mga lupa sa mismong sa ospital para makauwi.

“Kami po sa Tala [leprosarium], kami po dati ay nasa 1,700 na pasyente subalit dahil sa phase-out nasa 400 na lamang po kami. Tuwang tuwa pa ang gobyerno sa tulong ng kung anu-anong samahan dahil nakakamenos sila. Subalit walang nararamdamang tulong ang mga ketongin bagkus inilalaan nila kung saan-saang proyekto. Hindi nakikinabang, nagagasgas ang pangalan ng ketongin,” pahayag ni Boy Torres mula sa Tala Leprosarium.

Ayon kay Torres, pinasok na rin ng pribadong interes ang lupa sa Tala at pinauupahan sa mga negosyante tulad ng dalawang cell sites dito.

Sa Western Visayas Medical Center (WVMC), mayroon lamang itong 400 higaan para sa 600 pasyente na pinaglilingkuran ng 102 regular na kawani lamang. Lahat din ay may bayad gaya ng alcohol, bulak at iba pa, ayon kay Dr. Edwin Huervana.

Pagkaltas-Pagtanggal-Panggigipit

May sakit na nga ang mga mamamayan dahil sa iba't ibang pagpapahirap sa kanya, ayon sa Gabriela, lalo pang pinahihirapan dahil sa patakaran ni PNoy na pagsasapribado sa mga serbisyong panlipunan. Kuha sa rali ng Gabriela sa Mendiola noong Hulyo 18. (KR Guda)

May sakit na nga ang mga mamamayan dahil sa iba’t ibang pagpapahirap sa kanya, ayon sa Gabriela, lalo pang pinahihirapan dahil sa patakaran ni PNoy na pagsasapribado sa mga serbisyong panlipunan. Kuha sa rali ng Gabriela sa Mendiola noong Hulyo 18. (KR Guda)

Kasabay ng kanilang pagharap sa mga banta ng pribatisasyon, pagkaltas sa kanilang mga benepisyo at pangambang tanggalan ng trabaho dulot ng PPP ang kinahaharap sa kasalukuyan ng sektor pangkalusugan.

Enero nitong taon, kinaltasan ang subsistence allowance ng mga kawaning pangkalusugan mula P50 patungong P30 kada araw at ang kanilang laundry allowance na P130 mula P150 kada buwan. Samantalang pitong buwan na walang natatanggap na hazard pay ang mga ito at nitong lamang Hunyo 25, ibinaba ng DOH ang Memorandum Order No. 2012-0181 na nagpapatigil sa pagbibigay ng hazard pay.

Tinatayang nasa P2,000 hanggang P8,000 kada buwan ang hazard pay ng mga kawaning pangkalusugan ang hindi nila natanggap mula Enero. Ang ibang ospital nakatanggap subalit pinapirma ng waiver gaya ng sa WVMC.

Ayon kay Robert Mendoza, pangkalahatang kalihim ng AHW, nakalagay ang mga nasabing benepisyo sa ilalim ng Magna Carta of Health Workers (RA 7305) at Joint Resolution No. 4 o Salary Standardization Law III (SSL3) at ilegal na tinanggal mula sa kanila ng DOH at Department of Budget and Management.

Ikinapapangamba naman ngayon ng regular na mga kawani ng RMC ang pangambang pagtanggal sa kanila sa kanilang mga trabaho dahil sa pribatisasyon na tiyak pipilitin ng mga “negosyante” na mga kontraktuwal ang mga kawani ng ospital, ayon sa AHW.

“Upang maging madulas ang kanilang pagkokorporatisa o pagsasapribado, una nilang tatanggalin ang mga makabayang unyon o di kaya ay palitan ng mga magiging sunud-sunuran sa kanila,” Remy Ysmael ng Tondo Medical Center.

Philhealth: malalang solusyon

Ayon naman Dr. Gene Nisperos ng Health Alliance for Democracy (HEAD), hindi puwedeng paghiwalayin ang usapin ng Philhealth at pribatisasyon.

“Si Sec. Ona mismo ang nagsabi na okey lang daw maisapribado ang mga ospital dahil Philhealth naman daw ang magbabayad,” ayon kay Nisperos.

Pero paliwanag niya, sa top 10 na ospital na nagpapareimburse sa Philhealth noong 2006, tanging ang Davao Medical Center lamang ang publikong ospital.

Inihayag naman ng DOH ang pagpapalit sa charity wards patungong Philhealth wards sa mga ospital. Ibig sabihin, ang mga may Philhealth na lamang ang magkakaroon ng akses sa wards sa ospital. Ayon sa DOH nasa 87% ang sakop ng Philhealth.

Ayon naman sa Ibon Foundation, isang independiyenteng institusyong pananaliksik, sa taong 2008 nasa 40% lamang ng pamilyang Pilipino ang sakop ng Philhealth na nasa 7% lamang ng kabuuang gastos sa kalusugan ng bansa at iniiwan ang 58% gastusin sa bulsa ng mga mamamayan.

Nasa 20-30% lamang ng kabuuang gastusin ng ospital ang binabayaran ng Philhealth, ayon kay Dr. Caguiat.

“May Philhealth man o wala, tungkulin ng gobyerno na magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa tao,” ayon kay Dr. Emma Manuel, president emeritus ng AHW.

Ayon kay Nisperos, walang halaga ang sakop ng Philhealth kung nanatiling napapabayaan ang public healthcare system. May problema ang mismong Philhealth dahil nila alam ng kabuuang miyembro nila ang kanilang 15-taong operasyon. Hindi kayang takpan ng Philhealth ang kakulangan ng pondong inilalaan ng gobyerno sa kalusugan.

Magagamit lamang ang Philhealth sa mga ospital na accredited nito. Kung ang isang lugar ay may ospital at hindi accredited ng Philhealth, hindi rin ito mapapakinabangan, dagdag ni Nisperos.

Higit sa pangalan

Para kay Aling Lydia, maaaring hindi ang kuwento nya ang pinakamasaklap sa serbisyong pangkalusugang natatanggap ng mga Pilipino. Pero para kay Aling Lydia, wala sa pangalan ng programa ang tunay na serbisyong pangkalusugan kahit paano pa ito pagandahin.

Sa huli, ang kalusugan ng mga mamamayan ay repleksiyon ng kalusugan ng gobyernong may tungkuling pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan at mga kawaning naglilingkod para dito.


SONA ng Bayan (Mga Larawan)

$
0
0

9:05 hanggang alas-11 ng umaga: Paunang programa ng Bayan Southern Tagalog, dala ang effigy ni Pangulong Aquino bilang barkong kontrolado ng US.

Programa ng Bayan-ST para ihayag ang tunay na lagay ng bansa sa ilalim ng administrasyong Aquino. (Darius Galang)

Programa ng Bayan-ST para ihayag ang tunay na lagay ng bansa sa ilalim ng administrasyong Aquino. (Darius Galang)

Adeliza Albarillo, kapatid ng napaslang na rebolusyonaryong si Arman Albarillo: Kailangang ipagpatuloy ang ipinaglaban ng kanyang mga magulang at kapatid. (Darius Galang)

Adeliza Albarillo, kapatid ng napaslang na rebolusyonaryong si Arman Albarillo: Kailangang ipagpatuloy ang ipinaglaban ng kanyang mga magulang at kapatid. (Darius Galang)

Pagsunog ng Bayan-ST ng effigy ni Aquino. (Darius Galang)

Pagsunog ng Bayan-ST ng effigy ni Aquino. (Darius Galang)

Barikada ng pulis. (Darius Galang)

Barikada ng pulis. (Darius Galang)

Metalworkers, nanawagan ng pagtigil sa kontraktuwalisasyon sa paggawa. (Darius Galang)

Metalworkers, nanawagan ng pagtigil sa kontraktuwalisasyon sa paggawa. (Darius Galang)

Bulto ng mga militante mula sa Timog Katagalugan, na naunang nagmartsa sa Commonwealth Avenue. (Darius Galang)

Bulto ng mga militante mula sa Timog Katagalugan, na naunang nagmartsa sa Commonwealth Avenue. (Darius Galang)

10:30 am- Multi-sektoral na martsa na nilahukan ng mahigit 10,000 katao

Ayon sa grupong Karapatan, may 99 nang biktima ng extra-judicial killings sa ilalim ni PNoy, at pangamba nila ang patuloy na pagdami ng bilang dahil sa marahas na programang kontra-insurhensiyang Oplan Bayanihan. (Ilang-Ilang Quijano)

Iba’t ibang mukha ni Pnoy: Asendero, minero, konsumisyon, tuta ng Kano, at cowboy, ayon sa makukulay na costume na ipinarada ng mga raliyista. (Ilang-Ilang Quijano)

Martsa ng kababaihan (Ilang-Ilang Quijano)

Hanay ng militanteng mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno. (KR Guda)

Hanay ng militanteng mga manggagawa mula sa Kilusang Mayo Uno. (KR Guda)

Martsa sa Commonwealth Ave. Isa pang effigy ni Pnoy, nakatatak ang bandila ng Amerika sa noo. (Ilang-Ilang Quijano)

Mga boss umano ni PNoy: malalaking negosyante. Tinagurian din siyang “demolition king” ng mga maralitang lungsod. (Ilang-Ilang Quijano)

Hanay ng militanteng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno na nagmartsa sa Commonwealth Avenue. (Macky Macaspac)

Tinatayang mahigit 10,000 katao ang lumahok sa protesta sa SONA, ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). (Macky Macaspac)

Sinubukan ng militanteng kabataan na lampasan ang makapal na barikada ng pulisya (Ilang-Ilang Quijano)

Ferdie Gaite, pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage, bilang tagaulan ng lagay ng panahon sa ilalim ng administrasyong Aquino. (Macky Macaspac)

Ferdie Gaite, pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage, bilang tagaulat ng lagay ng panahon sa ilalim ng administrasyong Aquino. (Macky Macaspac)

 

Sining Lila, grupong pangkultura ng Gabriela, na kumanta ng protestang bersiyon ng popular na kantang "Starship" ni Nicki Minaj. (Macky Macaspac)

Sining Lila, grupong pangkultura ng Gabriela, na kumanta ng protestang bersiyon ng popular na kantang “Starship” ni Nicki Minaj. (Macky Macaspac)

Sumama sa martsa ang tanyag na aktres at mang-aawit na si Monique Wilson. Kasama siya ng Gabriela na nagmartsa kontra sa SONA ni Aquino. (Macky Macaspac)

Sumama sa martsa ang tanyag na aktres at mang-aawit na si Monique Wilson. Kasama siya ng Gabriela na nagmartsa kontra sa SONA ni Aquino. (Macky Macaspac)

Aktibistang fashionista? Sina (mula kaliwa) Bayan Muna Reps. Teddy Casino at Neri Colmenares, at Nikki Gamara (anak ng bilanggong pulitikal na si Nante Gamara) na dinaan sa kasuotan ang protesta. Sa damit ni Casino: "Presyo Ibaba". Kay Colmenares: "Free political prisoners". Karapatang pantao at paglaya ng mga bilanggong pulitikal naman ang mensahe ng damit ni Gamara. (Macky Macaspac)

Aktibistang fashionista? Sina (mula kaliwa) Bayan Muna Reps. Teddy Casino at Neri Colmenares, at Nikki Gamara (anak ng bilanggong pulitikal na si Nante Gamara) na dinaan sa kasuotan ang protesta. Sa damit ni Casino: “Presyo Ibaba”. Kay Colmenares: “Free political prisoners”. Karapatang pantao at paglaya ng mga bilanggong pulitikal naman ang mensahe ng damit ni Gamara. (Macky Macaspac)

Mga maskara na sumisimbolo sa 99 kataong biktima ng extra-judicial killings sa ilalim ng administrasyong Aquino. (Darius Galang)

Mga maskara na sumisimbolo sa 99 kataong biktima ng extra-judicial killings sa ilalim ng administrasyong Aquino. (Darius Galang)

Overkill? Kapansin-pansin ang dami ng pulis na nangharang sa martsa, kumpara sa nakaraang mga taon. (Macky Macaspac)

Overkill? Kapansin-pansin ang dami ng pulis na nangharang sa martsa, kumpara sa nakaraang mga taon. (Macky Macaspac)

Sinunog ng mga militante ang effigy ni Pangulong Aquino na may dalawang mukha: ang mukhang maamo at ang bulok na mukha. (Macky Macaspac)

Alas-11 ng umaga: Martsa ng mga maralita at iba pang sektor mula Litex market patungong IBP Road. Ito ang tangka ng mga militante na igiit ang karapatang magprotesta sa harap ng Batasan Pambansa

Sa IBP Road malapit sa Batasan Pambansa kung saan naganap ang SONA ni Aquino, hinarang ng pulis ang aabot sa 3,000 militante na naggiit na makalapit sa lugar ng SONA. (Pher Pasion)

Sa IBP Road malapit sa Batasan Pambansa kung saan naganap ang SONA ni Aquino, hinarang ng pulis ang aabot sa 3,000 militante na naggiit na makalapit sa lugar ng SONA. (Pher Pasion)

"Di susuko." Nalusutan ng mga militante sa Litex ang mga pulis. (Pher Pasion)

“Di susuko.” Nalusutan ng mga militante sa Litex ang mga pulis. (Pher Pasion)

Mula sa Litex, Commonwealth, sa kabilang bahagi ng naturang kalsada, naggiit din ang mga maralitang lungsod, kababaihan at iba pang sektor na nagmartsa patungo sanang Batasan Pambansa ngunit hinarang din ng mga pulis. (Pher Pasion)

Mula sa Litex, Commonwealth, sa kabilang bahagi ng naturang kalsada, naggiit din ang mga maralitang lungsod, kababaihan at iba pang sektor na nagmartsa patungo sanang Batasan Pambansa ngunit hinarang din ng mga pulis. (Pher Pasion)

Nagsunog din ng effigy ni Aquino ang mga nagmartsa galing Litex Market. (Pher Pasion)

Nagsunog din ng effigy ni Aquino ang mga nagmartsa galing Litex Market. (Pher Pasion)

Alas-3:30 ng hapon: Sa pagsisimula ng talumpati ni Aquino sa Batasan Pambansa, muling iginiit ng mga militante ang makapagmartsa patungong Batasan Pambansa. Binaklas nila ang ilang bakal na harang sa Commonwealth Avenue at lumapit sa hanay ng nakaharang na mga pulis. Sinalubong sila ng pandarahas ng mga pulis

Para malusutan ang panghaharang ng mga pulis, giniba ng mga aktibista ang railing sa gitna ng Commonwealth para makaabante. (Macky Macaspac)

Para malusutan ang panghaharang ng mga pulis, giniba ng mga aktibista ang railing sa gitna ng Commonwealth para makaabante. (Macky Macaspac)

HInarang ng drayber ng trak na naarkila ng pulis ang trak na ito habang sumusulong ang mga militante sa Commonwealth. Muntik nang masagasaan ang ilan -- bagay na ikinagalit ng mga militante. Binasag nila ang windshield ng trak at kinompronta ang drayber. (Macky Macaspac)

HInarang ng drayber ng trak na naarkila ng pulis ang trak na ito habang sumusulong ang mga militante sa Commonwealth. Muntik nang masagasaan ang ilan — bagay na ikinagalit ng mga militante. Binasag nila ang windshield ng trak at kinompronta ang drayber. (Macky Macaspac)

Naggiit ang mga militante na makaraan sa Commonwealth Avenue, sa kabila ng pandarahas ng pulis. (Boy Bagwis)

Pamamalo ng pulis sa isang militante. (Gregorio Dantes Jr.)

Pandarahas ng pulis. (KR Guda)

Walang maibato ang isang demonstrador kundi ang cone na ginagamit sa trapiko. (KR Guda)

Walang maibato ang isang demonstrador kundi ang cone na ginagamit sa trapiko. (KR Guda)

Isa sa walang-labang nagulpi ng pulis si Nardy Sabino, pangkalahatang kalihim ng Promotion for Church People's Response o PCPR. (Boy Bagwis)

Isa sa walang-labang nagulpi ng pulis si Nardy Sabino, pangkalahatang kalihim ng Promotion for Church People’s Response o PCPR. (Boy Bagwis)

Nabuntunan ng galit ng ilang tao ang mobile car ng pulis na iniharang sa martsa. (Boy Bagwis)

Nabuntunan ng galit ng ilang tao ang mobile car ng pulis na iniharang sa martsa. (Boy Bagwis)

Mangiyak-ngiyak na nakiusap ang isang militante sa pulis na itigil ang pamamalo. (KR Guda)

Mangiyak-ngiyak na nakiusap ang isang militante sa pulis na itigil ang pamamalo. (KR Guda)

Basag ang shield ng ilan sa mga pulis. (KR Guda)

Basag ang shield ng ilan sa mga pulis. (KR Guda)

Isa sa 82 aktibista na sugatan, ang iba'y malubha, sa pamamalo ng mga pulis. (Macky Macaspac)

Isa sa 95 aktibista na sugatan, ang iba’y malubha, sa pamamalo ng mga pulis. (Macky Macaspac)

Mga volunteer medic ng UNTV na tumulong sa sugatang mga aktibista. (Darius Galang)

Mga volunteer medic ng UNTV na tumulong sa sugatang mga aktibista. (Darius Galang)

Sa kabila ng pandarahas, militanteng paggiit. (KR Guda)

Sa kabila ng pandarahas, militanteng paggiit. (KR Guda)

Para sa iba pang kaganapan sa SONA ng bayan basahin ang live tweets: https://twitter.com/pinoyweekly

 

‘Himagsik’ ng taumbayang di nalilinlang

$
0
0
SONA ng Bayan kaalinsabay ng SONA ni Aquino: May layuning ilantad at itakwil ang administrasyon dahil sa mga polisiyang kontra-mamamayan nito. (Macky Macaspac)

SONA ng Bayan kaalinsabay ng SONA ni Aquino: May layuning ilantad at itakwil ang administrasyon dahil sa mga polisiyang kontra-mamamayan nito. (Macky Macaspac)

Hindi nalilinlang ang mga mamamayan sa diumano’y ilusyon at retorika na inilako ni Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address Address (SONA). Katunayan, sa ikalawang taon ng panunungkulan ni Aquino, hitik na ang panawagan mula sa batayang mga sektor ng “pagtakwil”, at maging “pagpapatalsik”, sa anila’y pangulong labis na nagpapahirap sa kanila.

Umabot sa mahigit 10,000 ang mga manggagawa, kabataan at guro, maralitang lungsod, kababaihan, empleyado ng gobyerno, pamilya ng overseas Filipino workers (OFW), taong simbahan, at iba pa ang nagprotesta sa kahabaan ng Commonwealth Ave., matapos pigilan ng daan-daang pulis na makarating sa Batasan Pambansa.

Pinabulaanan ng mga militante ang laman ng SONA ni PNoy. (Ilang-Ilang Quijano)

Pinabulaanan ng mga militante ang laman ng SONA ni PNoy. (Ilang-Ilang Quijano)

“Bistado na ng sambayanan na ang gobyernong ito’y para lamang sa iilan. Inclusive growth kuno, pero sabay-sabay lumalala ang kawalan ng trabaho, kahirapan at gutom. Inclusive growth kuno, pero kroni’t kamag-anak lang ang nakikinabang, kasabwat ang mga dayuhan,” ani Carol Araullo, tagapangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa kanyang talumpati.

Ganito ang naging tono ng maghapong kilos-protesta na tumuligsa sa mga polisiya ni Aquino na umano’y nagpapahirap sa mga mamamayan. Kabilang dito ang Public-Private Partnerships na ginagawang negosyo ang pabahay, kalusugan at edukasyon, at nagdudulot nga pagtaas sa presyo ng kuryente, tubig, langis, at iba pang bilihin;two-tiered wage system at kawalan ng dagdag-sahod; demolisyon sa mga maralitang komunidad; Oplan Bayanihan na nagdudulot ng mga paglabag sa karapatang pantao; pagpapapasok ng mga tropang Amerikano sa bansa; at iba pa.

“Paghihimagsik” ng mga manggagawa ang ipinanawagan ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU). “Sa halip na kilalanin at tugunan ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa, nagpapakalat pa ng kasinungalingan si Aquino. Nakakapanghimagsik para sa mahihirap na walang makain ang pakainin ng kanyang mga kasinungalingan,” aniya.

Panunupil

Ang galit ng mga mamamayan ang nagtulak sa kanilang itaob ang barikada ng pulisya bandang alas-3:30 ng hapon. Nagresulta ito sa marahas na pagpigil ng pulisya sa mga demonstrador, gamit ang mga batuta, bakal na panangga, at bato. Gumanti rin naman ang mga demonstrador.

Inabot ng 95 ang sugatan sa kanilang hanay, ang ila’y kinailangang isugod sa ospital. Kabilang dito si Nardy Sabino, pangkalahatang kalihim ng Promotion for Church People’s Response o PCPR, isang grupo ng mga taong simbahan.

Habang nagaganap ang marahas na pagtaboy sa umabanteng mga demonstrador, nagsimula naman ang SONA ni Aquino sa loob ng Batasan Pambansa. Kabilang sa mga una niyang binanggit ang kanyang umano’y pagkamulat sa “panggigipit ng mga makapangyarihan” noong Batas Militar. “Dito napanday ang aking prinsipyo: Kung may inaagrabyado’t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko,” aniya.

Puna ni Tinay Palabay, tagapagsalita ng Karapatan, “Habang binabanggit niya ito, marahas na sinusupil ang mga mamamayan.” Sa kilos-protesta, nauna na niyang tinawag si Aquino na “magnanakaw ng karapatan at kapayapaan ng mga mamamayan.”

Nakapagtala na ang grupo ng 99 na biktima ng ekstra-hudisyal na pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Aquino, at marami pang biktima ng tortyur, pagdukot, at ilegal na pag-aresto. Isinisisi ito sa pagpapatupad sa programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan—na ibinida rin ng pangulo sa kanyang SONA.

“Malinaw na hindi kinakampihan ni Aquino ang mga agrabyado, kundi ang mga panginoong maylupa at negosyante. Kinakasangkapan pa niya ang AFP (Armed Forces of the Philippines) para dahasin ang mga magsasaka,” ayon kay Marie Hilao-Enriquez, tagapangulo ng Karapatan.

Sabi sa Facebook ng lider-kabataan na si Vencer Crisostomo, hinggil sa talumpati ni Aquino: "SONA 2012 in a sentence: Nanisi ng iba, nangarap ng gising, tapos greetings sa friends."

Sabi sa Facebook ng lider-kabataan na si Vencer Crisostomo, hinggil sa talumpati ni Aquino: “SONA 2012 in a sentence: Nanisi ng iba, nangarap ng gising, tapos greetings sa friends.”

Totoong lagay ng empleyo

Pinabulaanan ng progresibong mga grupo ang marami pa sa mga sinambit ng pangulo sa kanyang SONA.

Kabilang na rito ang umano’y pagbaba ng unemployment rate sa 6.9 porsiyento sa Abril ngayong taon, kumpara sa 7.2 porsiyento noong nakaraang taon. Ayon kay Lito Ustarez, executive vice-president ng KMU, “Mukhang pinalaki na naman ng gobyerno ang kinokonsidera nitong may trabaho. Malamang, karamihan sa kanila ay kontraktuwal, na wala na ngayong trabaho.”

Sa indipendyenteng pag-aaral ng Ibon Foundation, tumaas pa nga nang 9.3 porsiyento ang unemployment at underemployment sa ilalim ni Aquino. Sinabi pa ng Ibon na bagaman nakalikha ang administrasyong Aquino ng mga trabaho, karamihan nito’y part-time lamang. Samantala, bumaba pa ng 1.6 milyon ang bilang ng regular na mga manggagawa.

“Eksperto na ang Malakanyang sa pagtatago ng kawalang trabaho. Biruin mo, apat sa 10 manggagawa ang part-time lamang at maaaring mawalan ng trabaho anumang oras,” ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano, isa sa progresibong mga kongresistang sumama sa ‘SONA ng bayan’ sa kalsada.

Samanatala, sinabi ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na hindi nabanggit ni Aquino na karamihan sa mga guro at nars na ineempleyo ng gobyerno ay mga kontraktuwal din. Aniya, 20,000 na pampublikong guro at 10,000 na pampublikong nars ang kontraktuwal.

“Hindi rin binanggit ng pangulo na walang dagdag sa sweldo ng mga kawani ng gobyerno sa 2013,” dagdag pa ni Tinio.

Panlilinlang sa usaping pangkalusugan

Ipinagmalaki rin ni Aquino ang umano’y pagdami ng bilang ng mga Pilipino na saklaw ng Philhealth, na umaabot na sa 85 porsiyento. Ito umano ang magsisiguro na abot-kaya ng karaniwang Pilipino ang serbisyong pangkalusugan. Nangako pa siya ng universal health care.

Ngunit pinabulaanan ito ni Dr. Gene Nisperos, tagapangulo ng Health Alliance for Democracy. “Sa PGH (Philippine General Hospital), 30 porsiyento lamang ng mga pasyente ang may Philhealth,” sabi ni Nisperos. Sinabi pa niya na walang bansang nakamit ang universal health care sa pamamagitan ng pribatisasyon.

Pinaplano ni Aquino na isapribado ang 26 na pampublikong ospital, na mangangahulugan ng pagtaas ng singil. Pinaplano ring lansagin ang charity wards sa mga ospital, na karaniwang tinatakbuhan ng mahihirap. Mariin itong tinututulan lalo na ng kababaihan.

“Malinaw na dinidiktahan ng dayuhang mga bangko at donor ang programang ito na layong gawing mga korporasyong kumikita ang ating mga ospital,” sabi ni Joms Salvador, deputy secretary general ng Gabriela.

Inilinaw pa ni Salvador na libre at komprehensibong serbisyong pangkalusugan ang kailangan ng kababaihan, hindi ang Responsible Parenthood Bill. Sa kanyang SONA, nagparinig si Aquino sa Kongreso ng kagustuhang maipasa ang nasabing panukalang batas, na nagmula sa Reproductive Health Bill. Ang naunang bersiyon ng RH Bill ay panukalang batas ng Gabriela Women’s Party, pero laman nito ang pagtugon sa komprehensibong pangangailangang medikal ng kababaihan – hindi lang reproduktibong kalusugan, at hindi para kontrolin ang populasyon.

Puna ng Gabriela, hindi isinusulong ng bersiyon ni Aquino ang totoong pangangailangan sa serbisyong pangkalusugan ng kababaihan, kundi ang pagkontrol sa populasyon bilang sagot sa kahirapan.

Bigo sa kabataan

Sa pagbibida ng kanyang umano’y mga nagawa para sa edukasyon, pinatutsadahan ni Aquino ang mga kabataan na “nagpaplano nang mag-cut classes para magpiket sa Mendiola.”

Sinabi ni Aquino na dinagdagan ang badyet para sa State Universities and Colleges. “Kaya kung may magsasabi pa ring binawasan natin ang budget ng edukasyon, kukumbinsihin na lang namin ang inyong mga paaralan na maghandog ng remedial math class para sa inyo,” aniya.

Pang-iinsulto ito sa mga kabataan, ayon kay Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan. “’Yan na rin ang sinabi niya noong nakaraang taon, na tumaas ang badyet sa edukasyon. Pero hindi naman pala. Ang sinasabi niyang increase ay ‘yung para sa suweldo ng mga guro sa ilalim ng SSL 3 (Salary Standardization Law).”

Ang masahol pa, ani Crisostomo, ay ang pagbibigay ng kondisyon sa “pagtaas” ng badyet ng SUCs na “magreporma”. Ang nais umanong reporma ng administrasyong Aquino: Magkaroon ng independensiyang piskal ang SUCs. Ibig sabihin, pagtaas ng matrikula, pagkomersiyalisa at pagpasok ng pribadong kapital sa SUCs para kumita.

Sa isang pahayag, naglista ang Kabataan Party-list ng “Limang Kabiguan sa Kabataan” ni Aquino. Kabilang dito ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin at “hungkag na pangako” ng programang K+12.

“Hindi ginagawa ng K+12 ang mga kabataan na employable, kundi exportable, dahil hinuhubog sila para sa trabahong semi-skilled at may mababang sahod sa ibang bansa,” ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino.

Tahimik sa Luisita, ‘utak’ ng Cha-Cha

'Brigada ng kalikasan'. Binatikos din ng mga grupong makakalikasan si PNoy dahil sa patuloy na pagkiling sa mapanira at malawakang pagmimina, habang pinapaslang ang mga aktibistang makakalikasan. (Ilang-Ilang Quijano)

‘Brigada ng kalikasan’. Binatikos din ng mga grupong makakalikasan si PNoy dahil sa patuloy na pagkiling sa mapanira at malawakang pagmimina, habang pinapaslang ang mga aktibistang makakalikasan. (Ilang-Ilang Quijano)

Ipinangako pa ni Aquino na sa kanyang termino, matatapos ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa ilalim ng Carper (Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reform).

Ngunit kabilang daan-daang magsasaka mula sa Hacienda Luisita sa mga nagprotesta dahil sa kabiguan ng pamilyang Cojuangco-Aquino, hanggang ngayon, na ipamahagi ang lupain sa mga magsasaka, sa kabila ng utos ng Korte Suprema.

“Ang pahayag ni Aquino ay insulto sa mga magsasaka,” ayon kay Atty. Jobert Pahliga ng Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo, na naniniwalang di malulubos ang pamamahagi ng lupa hangga’t hindi naibabasura ang CARP at mga butas nito. “Baka magkaroon pa nga ‘yan ng Carperer,” pabiro niyang sinabi.

Para naman sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), nagkatotoo ang kanilang prediksyon na babanggitin ng pangulo ang Carper “para maipakitang pro-land reform siya, pero hindi niya babanggitin ang Hacienda Luisita.”

Samantala, bagaman hindi nabanggit ni Aquino sa kanyang SONA ang Cha-Cha, naniniwala ang KMP na si Aquino ang “utak” ng panibagong tulak para sa pagbabago ng Konstitusyon. “Bilang tunay na asendero, numero unong tagatulak si Aquino ng 100 porsiyentong dayuhang pag-aari sa lupa,” ani Antonio Flores, tagapagsalita ng KMP.

Panawagan ng maralita

Nauna na ang mga maralitang lungsod ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa panawagang patalsikin si Aquino, na kanilang bitbit sa isang malaking itim na bandera.

“Ang panawagang ito ay nararapat dahil sa pagmamalupit at pang-aapi sa aming mga buhay at tahanan ng rehimeng ito. Marami sa amin ang naghihirap na manggagawa dahil sa pababang halaga ng sahod at kawalang trabaho, at mga magsasakang inagawan ng lupa. Talagang malaki ang diskuntento at pagkabalisa ng mga mamamayan sa rehimeng ito,” ayon kay Carlito Badion, pangalawang tagapangulo ng Kadamay.

Binayo ng sunud-sunod na mga demolisyon ang maralitang mga komunidad matapos maupo sa poder si Aquino. Para sa Kadamay, hindi na dapat manatili sa kapangyarihan ang isang pangulong mapang-api sa mga maralita.

May ulat nina Macky Macaspac, KR Guda, Pher Pasion, Soliman A. Santos at Darius Galang

Tingnan ang mga larawan ng SONA ng Bayan.

Damayan sa ulingan (Photo Essay)

$
0
0

Sa Sitio Damayan sa Tondo, Maynila, pag-uuling ang pangunahing ikinabubuhay ng 700 pamilyang nakatira rito. Maraming menor-de-edad ang nagtatrabaho sa ulingan para makaagapay sa kani-kanilang pamilya.

Isang komprehensibong kritika sa SONA ni PNoy

$
0
0
Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation. (Ilang-Ilang Quijano / PW File Photo)

Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation. (Ilang-Ilang Quijano / PW File Photo)

Marami nang nagsilabasang mga pagsusuri sa State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Benigno Simeon Aquino III, mahigit isang linggo matapos ito ipahayag ng pangulo. Pero tila wala pa ring kaliwanagan: Ano ang kabuluhan nito sa pang-araw-araw na buhay ng ordinaryong mga mamamayang Pilipino?

Kinapayam ng Pinoy Weekly ang progresibong ekonomista na si Sonny Africa, executive director ng Ibon Foundation, isang independyenteng institusyon ng pananaliksik hinggil sa ekonomiya at pulitika ng bansa, upang magbigay ng alternatibong pagtingin at sagutin ang ilan sa mahahalagang punto na laman ng SONA ni Aquino.

‘Paglago’ raw ng ekonomiya, walang nakadarama

Maraming ipinagmalaki si Aquino na datos sa kanyang SONA. Kasama rito ang 6.4% na paglago umano ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa, ang pag-unlad daw ng international credit ratings, ang rekord sa stock market, at maging sa pagsabi na creditor nation na ang bansa. Pero para kay Africa, pawang hindi ito ang mahalaga sa mga mamamayan.

Ang reyalidad: nananatiling baon sa utang ang gobyerno at ang bansa.  Nasa PhP5.1-Trilyon pa rin ang utang ng kasalukuyang gobyerno, sa tala nitong Mayo 2012 na PhP564.8-Bilyon na mas mataas noong Hunyo 2010 na nasa P4.6-T. Ang kasalukuyang panlabas na utang ng bansa ay nasa $62.9-B na tala noong Marso 2012. Sa halagang ito, 77%  ang utang ng gobyerno. Malaki ito ng $5.6-B noong Hunyo 2010 na nasa $57.3-B.

“Kahit sabihin nating totoo ang datos na iyon, hindi ito ang mahalaga para sa mga mamamayan. Kaya kapansin-pansin iyon, sa kabilang banda, wala siyang maiulat na makabuluhan hinggil doon sa pag-unlad sa kalagayan ng mga tao,” ayon kay Africa.

Panandaliang ‘lunas’ ni PNoy

Inihayag ni Aquino sa kanyang SONA ang pagkakaroon ng tatlong milyong bahay ang mga benepisyaryo ng Pantawid-Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng administrasyon at lumalawak pa raw ito.

Pero ipinaliwanag ni Africa na panandalian lamang ang benepisyo ng naturang programa. Katunayan, pagkatapos ng programa’y wala pa ring makukuhang trabaho ang mga benepisyaryo. Mananatili silang mahirap hangga’t walang nalilikhang trabaho ang gobyerno.

“Gustong ipalabas (ni Aquino) na kapag magbibigay siya ng conditional cash transfer (ay) parang naangat na sa kahirapan ang mga pamilyang ito. Totoo, sa limang taon na nabigyan sila ng cash transfer malaking ginhawa sa kanila iyon. Pero kapag natapos na sila sa programa at kinakaharap nila ang ekonomiya at wala pa ring nalilikhang trabaho o dekalidad na trabaho, mananatili pa rin silang mahirap,” paliwanag ni Africa.

Hindi malinaw kung paano maiaangat sa kahirapan ang unang dalawang milyong pamilyang benepisyaryo sa programa sa 2013 kapag wala na silang natatanggap na cash transfer. Lumalala pa rin ang krisis sa ekonomiyang hindi nakakapaglikha ng trabaho para sa kanyang lakas-paggawa.

Nagdagdagan ang walang trabaho

May napag-alaman din si Africa: mali ang datos na ipinakita ni Aquino sa usapin ng empleyo.

Sabi ni Aquino, nakalikha ang kanyang administrasyon ng 3.1 milyong trabaho sa loob ng dalawang taon ng panunungkulan. Pero sa monitor ng Ibon sa datos mismo ng gobyerno, lumalabas na 2.4 milyong trabaho lamang sa aktuwal na nalikha, ani Africa.

Ilan sa 2.4 milyong trabahong nalikha sa pagitan ng Abril 2010 at Abril 2012 o may average lamang na 1.2 milyong trabaho kada taon.

Paliwanag pa ni Africa, hindi tamang pagsamahin o isuma ang “nalikhang” trabaho sa dalawang taong ito. Seasonal kasi ang karakter ng labor market ng ekonomiya, ayon kay Africa. Ibig sabihin, pansamantala lamang ang nalikhang trabaho para sa maraming manggagawa. At pagkatapos ng takdang panahon, muling mawawalan ng trabaho ang mga manggagawang ito. Sa susunod na taon, maaaring makakuha muli sila ng seasonal na trabaho. Kaya lumaki ang bilang ng gobyerno ni Aquino, naulit kasi ang pagbilang sa kanilang may “bagong trabaho” bawat season.

“Puwedeng nagkamali siya [sa pagbigay ng datos sa empleyo] o mali ang datos na ibinigay sa kanya. Pero kung maalala natin halos ikatlong taon na ito sa napakasusing datos ng unemployment ay mali-mali ang ulat ng pangulo. Parang ang hirap paniwalaan na hindi siya natututo roon. Kaya para sa amin, sadyang nagbibigay ng maling larawan sa kalagayan ng kawalan ng trabaho ang pangulo upang ipalabas na may pag-angat sa buhay ng mga mamamayan,” paliwanag ni Africa.

Gayunman, ang bilang ng full-time na manggagawa ay bumagsak nang 865,000. Pinupunan ito ng mas malaking 3.2 milyong pagtaas sa bilang ng mga may part-time na trabaho na mababa ang sahod, walang kaseguruhan sa trabaho at walang benepisyo. Ang resulta: ang part-time na trabaho ay tumaas na bumibilang sa apat sa sampung (43%) trabaho sa ekonomiya o 16.2 milyong sa 37.8 milyong may trabaho.

Samantala, mas marami ang nalilikhang trabaho sa ibang bansa kaysa sa loob ng Pilipinas. Aabot sa isang  milyong trabaho ang nalikha sa pagitan ng Abril 2011 at Abril 2012 kumpara sa rekord na 1.7 milyon Pilipino ang nadedeploy sa ibang bansa sa 2011 o nasa average na 4,559 ang lumalabas sa bansa araw-araw.

“Mas dapat inulat niya (Aquino) na lumaki ang bilang ng unemployed at underemployed sa panunungkulan niya. Humigit-kumulang sa 800,000 ang naidagdag na walang trabaho at kulang ang trabaho sa dalawang taon. Ano mang sabihin na magagandang palatandaan ng pag-unlad, sa pinakasimpleng usapin ng paglikha ng de-kalidad na trabaho, hinding-hindi naging nagtagumpay ang administrayon. Bagkus, nadagdagan pa nga [ang problema sa empleyo],” sabi pa ni Africa.

Sa gitna ng krisis sa empleyo, umabot sa 11.7 milyong Pilipino ang walang trabaho o underemployed o ’yung may mga trabaho na mababa sa kuwalipikasyon nila. Mas malaki nang 780,000 ang halagang ito kumpara sa 10.9 milyong underemployed noong Abril 2010.

Ang unemployed  at underemployed ay binubuo ng 27.7% (11.5 milyon) ng lakas paggawa sa taong 2011, sabi ng Ibon. Gusto nilang itama ang opisyal na datos ng National Statistics Office dahil sa kuwestiyonableng komputasyon ng huli sa unemployed at underemployed mula pa noong 2005.

Mas naging tama ang larawan sa empleyo ng SONA kung inireport ang 5.5 milyong batang manggagawa o child workers sa bansa sa pagitan ng edad na lilma hanggang 17-anyos noong 2011. Katumbas ito ng halos isa sa kada limang (19%) kabataang edad lima hanggang 17-anyos. Sa bilang na ito, 3 milyong batang nagtatrabaho ang nasa mapanganib na kalagayan.

Hindi sagot ang BPO

Malaki ang problema ng administrasyon kung umaasa ito sa business process outsourcing (BPO) para lumikha ng trabaho. Sa ngayon, nasa 39 hanggang 40 milyong Pilipino ang nasa labor force. Kaya kahit sa pinakamaksimum na makakalikha ng isang milyong na trabaho ang mga kompanyang BPO, kulang na kulang ito sa pangangailan ng ekonomiya natin, ayon kay Africa.

“Nagmumukhang malaki din ang sinasabing revenues ng BPO pero sa laki ng ekonomiya natin kung ikukumpara, hindi pa umaabot ng 2 hanggang 3 prosiyento lang ng ekonomiya ang mula sa BPO,” sabi ni Africa. Napakaliit ng bahagi ng employment sa kabuuang labor force at napakaliit ng bahagi ng ekonomiya ang mga BPO. Hindi umano dapat iasa ang pag-unlad ng bansa at paglikha ng trabaho sa BPOs.

“Sana nabanggit din niya (Aquino), na nabanggit na ni Secretary Abad bago ang SONA, target na (nila) ang 40% na pagtaas sa badyet ng state colleges and universities (SUC) para magkaroon ng dekalidad na work force para sa mga BPO. Sa esensiya, ang sina-subsidize ng gobyerno ay ang foreign BPO firms sa Pilipinas,” ayon kay Africa.

Dagdag pa niya, Humigit kumulang 85 porsiyento na investment sa mga BPO ay dayuhan. Pinapalabas na investment umano ito sa de-kalidad na mataas na edukasyon, pero hindi ito totoo, ani Africa. Subsidyo umano ito para sa mga BPO.

“Mismong si Abad ang nagsabing isang tunguhan ng badyet increase ay para mag-improve ng work force para sa mga BPO,” paliwanag ni Africa.

Repormang agraryo di prayoridad kay Aquino

Hindi ikinagulat ni Africa ang pagbibigay ng maliit na atensiyon sa SONA ng pangulo ang usapin sa repormang agraryo dahil sa dalawang punto: (1) Sa esensiya, pamilya ni Aquino (pamilyang Cojuangco) ang unang tatamaan dahil sa usapin ng Hacienda Luisita; at (2) Wala siyang maipagmamalaki sa usapin ng repormang agraryo.

“Batay sa datos galing sa Department of Agrarian Reform, sa kumputasyon ng Ibon, ang Aquino administration ay may pinakamabagal na land distribution accomplishments sa lahat ng mga post-Marcos na gobyerno,” ayon kay Africa.

Nasa average lamang ng 9,324 ektarya ang naipamahagi kada buwan sa 2011 kumpara sa 9,342 ektarya na ipinamahagi ni Arryo (2001-2010). Umabot naman sa 10,106 ektarya ang kay Estrada (1999-2000), habang 16,878 ektarya naman ang kay Cory Aquino (1988-92), at 24,759 kay Ramos (1993-1998).

Ikalawa, ang adiministrasyong Aquino may pinakabababa-sa-target na naipamahaging lupa. Umaabot lamang sa 55.9% sa target area para sa distribusyon ang naipamahagi niya, kumpara sa 56.4% ni Corazon Aquino, 73.5% ni Estrada, 82.6% ni Ramos at 82.9% ni Arroyo, ayon kay Africa.

Lumiit din ang rice production ng bansa noong nakaraang taon, sabi ni Africa, bilang pasubali sa estadistika ni Aquino sa usapin ng kakulangan sa bigas. Sa kanyang SONA, ipinagmalaki ng pangulo ang posibilidad ng pag-eeksport ng bansa.

“Ang totoong polisiya ng administrasyon sa bigas ay iliberalisa ito. Kahit na mayroon itong kaunting drama na gustong baguhin ang liberalization sa ilalim ng World Trade Organization, ang reyalidad ay nasa balangkas ng administrasyong Aquino ng privatization ng National Food Authority ang tanggalin ang tuwirang suporta ng gobyerno sa domestic rice industry,” ayon kay Africa.

May di-totoo rin sa mga sinabi ni Aquino sa usapin ng pag-eeksport ng bigas, ayon kay Africa. “Hindi ibig sabihin na mag-eeksport ng bigas ay sobra-sobra na ang bigas ng Pilipinas sa kanyang pagkunsumo. Ang mga mamahaling variety ng bigas ay siya lamang ieeksport na hindi talaga mabebenta dito dahil walang pera ang mga Pilipino,” paliwanag ni Africa.

Philhealth, negosyong solusyon

Sa talumpati ni Aquino, ipinagmalaki rin niya ang pagkakaroon daw ng 85% sakop ng Philhealth. Pero hindi patunay ng datos na ito na patungo ang bansa sa universal health care (o serbisyong pangkalusugan na abot-kamay sa lahat) dahil napakababang benepisyo nila, ayon kay Africa.

“Dapat nilinaw niya (Aquino), yung coverage ng Philhealth. Ang pagiging miyembro, hindi ibig sabihin buung-buo mong makukuha ang benepisyo. Ang sukatan dapat ay nakakatanggap ng libre at komprehensibong serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan,” ayon kay Africa.

Sa nakaraang mga taon, dahil sa kaunting benepisyong naibibigay ng Philhealth, kahit 40% ng populasyon ang sakop, umabot sa 7% lamang ng kabuuang gastusin ng miyembro ang nasusubsidyuhan ng Philhealth. Halos 60% naman ang mula sa bulsa ng mga mamamayan. Kahit sabihin nating idoble ang covered ng 40% to 85%, maksimum 15% coverage pa rin at humigit kalahati pa rin ang out-of-pocket, paliwanag ni Africa.

“Hindi tamang palatandaan ng universal health coverage ang membership sa Philhealth. Ang dapat niyang binibigay na ulat, magkano ang ginagastos ng pamilya at magkano ang sagot ng gobyerno. Sa ganitong klaseng mga indicator, bagsak na bagsak talaga ang coverage ng Philhealth,” ayon kay Africa.

Ayon sa Ibon, inilulubog ng administrasyong Aquino ang sektor ng publikong ospital at nagtataguyod ng mga ospital na dominante ng mga pribadong ospital nakatuon sa pagkamal ng kita. Ang plano ng gobyerno upang bawasan at sa kalauna’y tuluyang tanggalin ang badyet sa publikong ospital kahit na ang mas mahal na pribadong ospital ay binubuo na ng anim sa bawat 10 ospital sa bansa.

Badyet sa SUCs: Badyet para sa dayuhang interes

Malaking dahilan kung bakit pinalaki ang badyet sa mga SUC sa 43.61% ay dahil sa tindi ng protesta ng kabataang estudyante, kawani at ilang administrador. Dahil dito, tinamaan si Aquino sa dami ng kaltas badyet sa mga SUC noong nakaraang taon, ayon kay Africa.

“Saan mapupunta ang budget increase na iyan? Ang plano ng CHED (Commission on Higher Education), iayon ang higher education ng bansa, kabilang ang SUCs, sa Philippine Development Plan 2011-2016. Malaking problema ito. Ang mga nakahanay na sektor sa PDP ay anti-nationalist. Hindi ito mga negosyong Pilipino. Ang pokus nito ay ipihit ang ekonomiya, rekurso nito, lakas-paggawa nito, ang hilaw na mga materyales, para sa foreign investors,” pahayag ni Aquino.

Kung ano man ang dagdag na badyet ng gobyerno para sa SUCs ay dagdag na badyet para ipatupad ang plano ng CHED na plano para sa higher education na hindi naman tungo sa pag-unlad ng Pilipinas kundi para sa pagsusubsidyo ng foreign investors sa Pilipinas ayon sa PDP, paliwanag ni Africa.

“Bagamat magandang pakinggan ang dagdag na badyet, tanungin pa rin: Para saan ang dagdag na badyet? ’Yan ba ay para sa ikauunlad ng Pilipinas? Hindi. Para sa ito sa pagsulong ng PDP na anti-Pilipino na development plan sa ating bansa,” ayon kay Africa.

Bagamat sinabing tutugunan ng administrasyong Aquino ang kakulangan sa klasrum, upuan, at libro, walang binanggit si Aquino na dapat makamit ang zero backlog sa kakulangan ng guro na siyang pinakamahalaga, ayon kay Africa.

“Sa mga binanggit niya na pagtugon sa backlog ng mga upuan, klasrum, at libro, mga one-shot-deal ’yan. Ang tanong, kung sa susunod na taon, magkakaroon ba ng bagong backlog? Kung nag-increase siya ng items para sa mga guro na sa tantiya ng Alliance of Concerned Teachers na nasa 133,000 ang backlog, sana’y mas may komitment siya. Kasi ibig sabihin taun-taon hindi na nya puwedeng atrasan yan,” ani Africa.

Negosyong pabahay para kay Juan

Wala ring binago si Aquino sa usapin ng pabahay. Nananatili ang ilang milyong backlog sa buong Pilipinas, ayon kay Africa.

“Sa halip na magbago ng balangkas, magbigay ng abot-kaya na pabahay para sa mamamayan, ang taktika pa ring gumamit ng private developers. Ang housing badyet ay esensiyang subsidyo para sa private developers. Kung private developers ang hihingan ng proyekto, siyempre’y papatungan nila iyan. Kaya pinagkakakitaan nila ang housing program,” ayon kay Africa.

Nasa 3,551,431 ang kabuuang tantiyang kakulangan sa pabahay sa 2013 –  kalahati dito’y sa National Capitol Region (1,076, 149 yunit o 30%). Ang iba, nasa Calabarzon (408,315 yunit o 11%) at Gitnang Luson (289,857 yunit o 8%). Tinataya ring aabot ito sa 5,732,454 sa taong 2016. Gayunman, sa huling PDP, ang target na pabahay ng gobyerno ay nasa 1,377,612 yunit sa 2013 o 39% lamang ng backlog, ayon sa datos ng Ibon.

Dinambong na kalikasan

Hindi pinahaba ang tungkol sa pagmimina dahil sa Executive Order 79 (utos ni Aquino hinggil sa pagmimina), luminaw ang tungkol sa adyenda ng administrasyong Aquino: Magkaroon ng bahagi ng kita doon sa mining firms para sa kanyang administrasyon.

“Hindi ito (EO 79) para paunlarin ang minerals ng Pilipinas, ng industriya (mining) at maglikha ng pambansang industriyalisasyon. May rekurso ang Pilipinas, at dapat ang Pilipinas ang nakikinabang at ang pakinabang na ’yan ay lagpas pa sa makukuha sa pag-eksport sa ibang bansa. Ang totoong pakinabang diyan, dapat ipinoproseso ito ng pambansang industriya para sa sariling gamit natin,” ayon kay Africa.

Dagdag ni Africa, lumalabas na ang tanging mining policy ni Aquino ay makibahagi ang gobyerno niya sa pandarambong ng yamang mineral ng bansa.

Mahal na enerhiya, pangunahing problema

Sa usapin ng enerhiya, wala ring simpleng paliwanag si Aquino kung paano reresolbahin na ang problema ng kuryente sa Pilipinas. May pinakamahal na singil sa kuryente sa buong Asya ang Pilipinas. Sa kabila ito ng pagmamalaki sa SONA ni Aquino sa pagpapailaw ng mga sityo sa Pilipinas, banggit ni Africa.

“Sekundaryo ang electrification dahil batay din ito sa naabot ng nakaraang mga administrasyon. Hindi siya puwedeng magyabang na dahil sa kanya kung bakit lumalaki ang coverage ng electrification. Pangunahin pa ring usapin kung ano ang solusyon niya sa kabuuang power crisis at mataas na power rates,” ayon kay Africa.

Walang intensiyon na atrasan ni Aquino ang pribatisasyon sa industriya ng kuryente. Dahil wala siyang sinabing babaguhin niya ito. Sa esensiya, ipinagtitibay niya ang patakaran ng power privatization kaya mananatiling mataas ang presyo ng kuryente sa ating bansa, ayon kay Africa.

Usapin ng sakuna, kahirapan ang tugunan

Naging tampok din sa SONA ang “Project Noah” para sa disaster risk reduction sa bansa.

“Sa reyalidad sa Pilipinas, hindi natural disasters ang pangunahing problema. Nandiyan na ’yan at walang makakapigil kung magkakabagyo, magkakaulan o magkakahangin. Ang pangunahing usapin: Ano ang nalikha na kondisyon sa ibaba kung bakit bulnerable yung mga tao?” ani Africa.

Bulnerable umano ang mga tao dahil hindi sa kakulangan ng programa sa risk reduction kundi dahil nasisira ang mga kagubatan nila, dahil wala silang trabaho at wala silang kita. Ang kahirapan ng mga mamamayan ang siyang dahilan kaya nahihirapan silang harapin maghanda sa mga sakuna. Sekundaryo na ang usapin ng reaksiyon sa kalamidad.

Pagtaas ng badyet ng AFP, pakinabang ng US at administrasyong Aquino

Ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines, lalo na para sa external defense ay napasimulan  noong panahon pa ni Arroyo, aniya. Kung kaya masasabing may script o balangkas na na sinusundan ang administrasyong Aquino na isulat na ng US Defense Department at administrasyong Arroyo noong 2001.

Ayon kay Africa, ang paglaki ng badyet ng armadong puwersa ay malinaw na bahagi ng estratehiya ng US na  itinakda noong 2001-2002 na magkaroon ng katuwang ang US para harapin ang China sa South China Sea.

“Ang paglaki ng badyet ay hindi effort ng Aquino government. Udyok ito ng US na kailangan niya ng katuwang sa South China Sea. Ang paglaki ng badyet para sa AFP ay hindi para sa pagdepensa ng Pilipinas, kundi kung paano niya magagampanan ang kanyang (Pilipinas) papel sa kabuuang estratehiya ng imperyalismong US sa rehiyon para rendahan ang paglawak ng impluwensiya ng Tsina,” ayon kay Africa.

Paliwanag pa niya, ipinapakita rin ng paglaking badyet sa AFP ang pagbibigay-prayoridad sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan ng bansa. Dapat umano’y ito’y ituon pa ito sa mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan.

Sinabi pa ni Africa na isang paraan din ito ni Aquino para konsolidahin ang kontrol niya sa AFP, sa mga heneral, sa mga rank-and-file. Tiyak ang suporta sa kanya kung bubuhusan lamang ni Aquino ang AFP ng pondo.

“Sinasabing para sa Pilipinas ito, (pagtaas ng badyet ng AFP) – patriyotismo, nasyunalismo. Subalit huwad na patriyotismo ito. Pagsuporta ito sa imperyalismong US,” pahayag ni Africa.

SONAng madaling malimutan

Ayon kay Africa, madaling makalimutan ng publiko ang SONA ni Aquino. Wala siyang sinabing bago. Nagawa na rin ito ni Arroyo: ang litanya ng mga estadistika hinggil sa napagawang mga kalsada at iba pang imprastraktura, at ano pa mang programang mayroon at ipinapatupad daw ang administrasyon.

“Mas magiging memorable ang SONA kung tumindig si Pangulong Aquino sa kanyang mga boss: ‘Dedepensahan ko kayo laban sa mga dayuhan, ipagtataguyod ko ang interes ninyo laban sa mga malalaking kapitalista.’ Pero dahil wala siyang sinabing ganoon, wala siyang sinabing bago, ilang araw lang makakalimutan din ng mga tao ang kanyang SONA,” pagtatapos ni Africa.

Pagtanggal ng population control sa RH Bill, ilalaban

$
0
0
Makabayan bloc sa Kongreso: Ilalaban ang pagtanggal ng population control sa Reproductive Health Bill (Ilang-Ilang Quijano)

Makabayan bloc sa Kongreso: Ilalaban ang pagtanggal ng population control sa Reproductive Health Bill (Ilang-Ilang Quijano)

Umpisahan na ang pag-aamyenda sa Reproductive Health (RH) Bill nang masimulan na rin ang laban para tanggalin ang population control sa mga probisyon nito.

Ito ang panawagan ng progresibong mga mambabatas ng Makabayan bloc para sa darating na Martes, kung kailan boboto ang Kongreso kung tatapusin na ang interpellation sa House Bill 4244 o RH Bill, na kinokonsiderang delaying tactic ng mga tutol dito.

Sa isang press conference, inihayag ng Makabayan na sa pag-aamyenda ng RH Bill, ilalaban nila na tanggalin sa nasabing panukalang batas ang mga probisyon na nagdidiin sa population control o pagkontrol sa kahirapan bilang sagot sa kahirapan. Sa halip, isusulong nila ang komprehensibong pangangalaga sa reproduktibong kalusugan ng kababaihan, sa pamamagitan ng mas maraming pasilidad at serbisyong pangkalusugan para sa mahihirap.

Binubuo ang Makabayan nina Rep. Emmi de Jesus at Luz Ilagan (Gabriela Women’s Party), Teddy Casino at Neri Colmenares (Bayan Muna), Rafael Mariano (Anakpawis), Antonio Tinio (ACT Teachers), at Raymond Palatino (Kabataan).

Binatikos nina de Jesus at Ilagan, mga orihinal na awtor ng HB 4244, ang umano’y “pagsakay” ni Pangulong Aquino sa RH Bill para sa adyendang population control, at nangangamba sa sasapitin ng panukalang batas sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Kontra-kababaihan” at “kontra-mahihirap” ang depinisyon ni Aquino sa reproductive health bilang responsible parenthood na gusto lamang solusyunan ang overpopulation, pahayag ng Makabayan.

“May potensiyal ang HB 4244 na maging maka-mahihirap at komprehensibong RH Bill, pero mayroon itong mga probisyon na isinusulong ang population control bilang sagot sa kahirapan. Naniniwala kami na hindi kikilalanin at tutugunan ng RH Bill ang pangangailangang pangkalusugan ng ating kababaihan kung dala-dala nito ang adyendang population control,” sabi ni de Jesus.

Sa kanyang State of the Nation Address, inihayag mismo ni Aquino na ‘responsible parenthood’ ang sagot sa problema ng kakulangan ng mga klasrum–tila ipinahihiwatig na kailangang lumiit ang bilang ng mga kabataang estudyante para magkasya sa mga klasrum.

“Nakakatakot ang pahayag niyang ito. Ang problema ay ang social inequality (di pagkakapantay-pantay sa lipunan), hindi ang populasyon,” sabi naman ni Palatino.

Tatlong probisyon

Tatlong probisyon sa RH Bill na nagdidiin sa population control ang nais amyendahan ng Makabayan.

Una rito ang Section 3, sa ilalim ng Guiding Principles, na nagsasabing, “The limited resources of the country cannot be suffered to be spread so thinly to service a burgeoning multitude making allocations grossly inadequate and effectively meaningless.”

“Delikado at misleading ang probisyon na ito dahil sinisisi nito ang kababaihan at kabataan para sa krisis pang-ekonomiya ng bansa, at ikinukubli ang di-pantay na distribusyon ng yaman ng bayan bilang totoong ugat ng kahirapan. Nagdurusa sa kahirapan ang ating mga kababayan. Hindi sila ang sanhi nito,” ayon kay de Jesus.

Imumungkahi ng Makabayan na baguhin ito para sabihing, “The resources of the country must be made to serve the entire population, especially the poor, and make allocations adequate and effective. Total human development of the entire Filipino population will be achieved only when benefits from the country’s resources are equitably distributed, benefiting the majority.”

Nais din ng Makabayan na amyendahan ang probisyon na nag-uutos sa Department of Health (DOH) na isailalim sa mga programang kontra-kahirapan ang responsible parenthood at family planning. Ayon sa mga mambabatas, maaaring gamitin ang probisyon na ito para ipatupad ang population control sa maskara ng pagiging pro-choice at pagsugpo sa kahirapan.

Inilinaw ni de Jesus na mahalagang sangkap ng RH Bill ang pagkakaroon ng informed choice ng kababaihan, kabilang na ang paggamit ng modernong mga kontraseptibo. Ngunit aniya, isa lamang ito sa mga sangkap ng panukalang batas at hindi dapat nakakahon dito.

Aniya pa, “Hindi dapat mamemeligro ang karapatan ng kababaihan sa informed choice dahil sa disenyo ng estado para sa population control. Halimbawa, hindi dapat pinipilit ang mahihirap na kababaihan na gumamit ng mga kontraseptibo na dapat munang pinag-aaralan ng estado kung ligtas.”

Nais din ng Makabayan na paliitin ang papel ng Population Commission ng DOH sa implementasyon ng RH Bill. Sa halip na maging pangunahing coordinating body para sa batas, dapat umano ito maging “technical and information resource agency” lamang.

Komprehensibong pangangalaga sa kalusugan

Idiniin ng mga mambabatas ang kagyat na pangangailangan para sa RH Bill. Tumaas umano ang maternal mortality rate sa 221 kada 100,000 na live births. May bago ring ulat ang National Statistics Office na dalawa sa 10 sanggol ang namamatay sa Metro Manila.

Paliwanag ni Ilagan, dahil ito sa kahirapan, dahilan ng pagiging malnourished ng mga ina at bata, at sa kakulangan ng pasilidad at serbisyong pangkalusugan para sa kababaihan.

Aniya, kabilang sa komprehensibong pangangalaga sa reproduktibong kalusugan ng kababaihan ang mga sumusunod: pagtitiyak ng mga health center na may sapat na kagamitan at tauhang may kasanayan, lalo na sa liblib na mga komunidad; mobile health clinics; pagkakaroon ng health kits sa evacuation centers; emergency obstetric care para sa mahihirap; at iba pa. Kabilang din ang pagkakaroon ng kababaihan ng informed choice sa tulong mga health center; at sexuality education para sa kabataan.

“Sa huli, kailangan ng mahihirap na kababaihan ang isang pambansang polisiya sa tunay, maka-mahihirap, at komprehensibong  reproduktibong kalusugan, na batayan nila para igiit ang karapatan na mapangalagaan ang kanilang kalusugan,” sabi ni Ilagan.

Ito umano ang dahilan kung bakit inilalaban din ng Makabayan ang komprehensibong health care para sa lahat ng mamamayan, na higit pang namemeligro sa ibang mga panukalang batas sa ilalim ng administrasyong Aquino. Pangunahin na rito ang House Bill 6069 para sa korporatisasyon o pagsasapribado ng 26 na pampublikong ospital, na inilalayo sa mahihirap ang serbisyong pangkalusugan.

 

Baha sa Kamaynilaan, Luzon: Emergency contact numbers

$
0
0
Marikina, malapit sa SM Marikina, at C5. (Chris Velasco, http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151062945108818&set=a.10150477003653818.382243.554043817&type=1)

Marikina, malapit sa SM Marikina, at C5. (Chris Velasco, http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151062945108818&set=a.10150477003653818.382243.554043817&type=1)

Narito ang emergency numbers para sa mga humihiling ng saklolo:

  • National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) – (02) 911-1406/912-2665/9125668
  • National Disaster Coordinating Council (NDCC) – (02) 911-1406/911-1873/911-1906
  • Meralco – 16211/16220/09175592824/09209292824
  • Manila Water – 1627
  • Maynilad – 1626
  • For rubber boat/4×4 truck requests – National Capital Region Police Office (NCRPO) – (02) 8383203/8383354
  • For rescue dump trucks, text – 09174226800/09276751981
  • Philippine National Police (PNP) Hotline Patrol – 117 or send TXT PNP to 2920
  • Bureau of Fire Protection (NCR) – (02) 729-5166, 410-6254, 431-8859, 407-1230
  • Philippine Coast Guard – (02) 527-3877, (02) 527-8481, 0917-724-3682, 0917-PCG-DOTC
  • Metro Manila Development Authority (MMDA) – 136
  • Department of Transportation and Communications (DOTC) hotline – 7890 or 0918-8848484
  • Department of Public Works and Highways (DPWH) – (02) 304-3713
  • North Luzon Expressway (NLEX) hotlines – (02) 3-5000 and (02) 580-8910
  • Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) hotlines – 0920-96-SCTEX (72839)
  • Skyway System Hotline – (02) 776-7777, 0915-6256231, 0939-5006910
  • South Luzon Expressway (SLEx) hotline – 0908-8807539
  • Quezon City Rescue – (02) 927-5914
  • Quezon City General Hospital – (02) 920-5002
  • Marikina Rescue – (02) 646-2436
  • Pasig Rescue – (02) 631-0099
  • Taguig Emergency Hotline – 1623
  • Manila Traffic Hotline – (02) 527-3087
  • Cainta Traffic Hotline – (02) 646-0044, 655-7368 loc. 164
  • Las Piñas Traffic – (02) 874-5756, 874-3957, 874-3927
  • Mandaluyong Hotline – 534-2993
  • Taguig Traffic – (02) 838-4301 loc. 7112
  • Marikina STOC – (02) 646-1651
  • Pasig Traffic – (02) 643-0000, 724-5813
  • Makati Public Safety Dept – (02) 844-3146, 819-3270

Baha sa Magsaysay Avenue sa Sta. Mesa, Manila, alas-5:30 ng hapon Agosto 7. (KR Guda)

Baha sa Magsaysay Avenue sa Sta. Mesa, Manila, alas-5:30 ng hapon Agosto 7. (KR Guda)

Walang trapiko ang dating puno-ng-sasakyang Commonwealth Avenue dahil sa baha sa iba't ibang bahagi ng Quezon City, tulad ng Fairview, Batasan Hills, Philcoa, atbp. (Darius Galang)

Walang trapiko ang dating puno-ng-sasakyang Commonwealth Avenue dahil sa baha sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City, tulad ng Fairview, Batasan Hills, Philcoa, atbp. (Darius Galang)

(Updated) Tulungan sa panahon ng pangangailangan: Mag-ambag, makiisa

$
0
0
Wala pa ring tigil ang ulan, hirap pa rin ang mga mamamayan ng Kamaynilaan at iba pang lugar sa Luzon at ibang bahagi ng Visayas. (Kuha ni Macky Macaspac)

Wala pa ring tigil ang ulan, hirap pa rin ang mga mamamayan ng Kamaynilaan at iba pang lugar sa Luzon at ibang bahagi ng Visayas. Larawan kuha sa Ortigas Extension, Cainta Rizal. (Kuha ni Macky Macaspac)

Aktres na si Monique Wilson, at kababaihan ng Gabriela, sa isang relief mission sa Brgy. Bagong Silangan, Commonwealth, Quezon City, isa sa pinakamalubhang binaha sa lungsod. (Kontribusyon)

Aktres na si Monique Wilson, at kababaihan ng Gabriela, sa isang relief mission sa Brgy. Bagong Silangan, Commonwealth, Quezon City, isa sa pinakamalubhang binaha sa lungsod. (Kontribusyon)

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan, hanggang sa pagkakasulat nito (Agosto 8, 1PM). Dahil walang sapat na paghahanda, hirap ang limitadong bilang ng rescue units ng gobyerno na abutin ang lahat ng nangangailangan ng maraming nasalanta. Ayon sa mga ulat, 90 porsiyento pa rin ng Kamaynilaan ang lubog sa baha. Gayundin ang marami sa mga sentrong bayan sa Luzon at pati ilang bahagi ng Kabisayaan.

Samantala, sa kabila ng mga ulan, patuloy ang relief efforts ng iba’t ibang grupo, mula sa mga ahensiya ng gobyerno, hanggang TV networks hanggang non-government organizations at people’s organizations.

Kasama ni Wilson at ng Gabriela sina Angel Locsin at Phil Younghusband na namahagi ng kagyat na makakain at magagamit na relief goods sa ilang residente ng Bagong Silangan. (Kontribusyon)

Kasama ni Wilson at ng Gabriela sina Angel Locsin at Phil Younghusband na namahagi ng kagyat na makakain at magagamit na relief goods sa ilang residente ng Bagong Silangan. (Kontribusyon)

Binibigyang pokus ng Pinoy Weekly ang relief efforts ng ilang NGO at organisasyong masa. Masasabing tunay na “bayanihan” ang kanilang pagsasagawa ng relief efforts, dahil maralita ang mga miyembro ng mga organisasyong masa, na naglalayong tumulong sa kapwa nilang mga maralitang nasalanta. Limitado ang kakayahan dahil naghihirap din sila, pero buung-buo ang hangaring makatulong. Nananawagan ang Pinoy Weekly na suportahan natin sila.

Narito ang ilang relief efforts ng mga organisasyong masa. Maaaring madagdagan pa ito sa susunod na mga araw.

(Matrix mula kay Arnold Padilla ng Bayan at Bayanihan Alay sa Sambayanan (Balsa).

Hindi nakaligtas sa baha ang mga ospital tulad ng isang ospital sa Guiguinto, Bulacan. (Soliman A. Santos)

Hindi nakaligtas sa baha ang mga ospital tulad ng isang ospital sa Guiguinto, Bulacan. (Soliman A. Santos)

Dagdag na mga organisasyon

Citizens Disaster Response Center
72-A Times St., West Triangle Homes, Quezon City, Tel. No. 929-98-20/22  Contact Person: Carlos Padolina, Deputy Executive Director

Alliance of Concerned Teachers
Mines cor. Dipolog St., Barangay. VASRA, Quezon City or contact  ACT office at 4539116, 4262238, 09174998608 or 09198198903 for coordination purposes. Look for Zeni Lao or Kris Navales

Karapatan
National Office, Erythrina Building, #Maaralin cor. Matatag Streets, Central District, Quezon City.
Please contact anyone of the following –Tinay Palabay(0917-5003879), Lui Tumlos (0917-8299202), or Girlie Padilla (0908-8941870)

Kalikasan Party-list
26 Matulungin St. Bgy. Central, Quezon City (near Kalayaan Ave.)
contact # 920-9099 | 0927 702 8230

Task Force Children of the Storm
Children’s Rehabilitation Center/Salinlahi Alliance for Childrens Concerns
#90 J. Bugallon St., Brgy. Bagumbuhay, Project 4, QC.  Contact # (632) 913-9244 or (632) 439-1053  look for Sara Espineda

All UP Wokers Alliance Relief Operation Center
A. Roces cor. JP Rizal near Post Office, UP Diliman, Quezon City
Contact Person: Prof. Judy Taguiwalo

Drop off centers sa ibang rehiyon
Southern Tagalog
Pamantik-KMU  Block 1, Lot 8, Atis St. Milwood Subd. Brgy. Pulo, Cabuyao Laguna.  Hotline: 09183473149
Southern Tagalog Serve the People Corps:  contact ICA @ 09082197034 | 09058460174

Ilocos region                                                                                                                                                                                                                    IHRA-Karapatan/CRC-Ilocos office
#4 Rizal St. Brgy 3, Bantay, Ilocos Sur or call 077-722-7933
Contact Person: Roda Tajon

Northern Mindanao
Rural Missionaries of the Philippines Northern Mindanao sub region
Rm 01, Kalinaw Lanao Center for Interfaith Resources
0016 Bougainvilla Puti, Villaverde Iligan City; Tel: (63) 223 5179

Ilang larawan ng relief operations ng progresibong mga grupo:

Patuloy na sinisikap ng iba’t ibang progresibong grupo na mangalap ng donasyon para sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha at direktang inihahatid ng mga boluntir ang tulong sa mga biktima. Kuha ang larawan sa Payatas, Quezon City habang ipinamamahagi ng Anakpawis Party-list ang relief goods. (Kontribusyon)

Drop off center ng Task Force Obrero.

House to house ng Task Force Obrero para mangalap ng donasyon.

Naghanda din ng rubber boat ang Sagip Migrante para sa paghatid ng kanilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Naghihintay ng pag-asa sa Tatalon

$
0
0
Madilim at masikip na evacuation center sa Brgy. Tatalon, Quezon City. (KR Guda)

Madilim at masikip na evacuation center sa Brgy. Tatalon, Quezon City. (KR Guda)

Karimlan ang bumalot sa buong eskuwelahan ng Diosdado Macapagal Elementary School sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong gabing iyon.

Aabot sa 2,000 pamilya ang nakasilong dito matapos lumubog sa baha ang kalakhan ng Tatalon. Walang kuryente sa eskuwelahan — na nakapagtataka dahil sa labas nito, maliwanag ang ilaw ng mga establisimyento. Pinatay ang kuryente sa Diosdado Macapagal; nagtitipid ang eskuwelahan dahil sa limitadong badyet.

Malakas pa ang ulan, at madilim pa, kung kaya kakaibang takot ang nararamdaman ng mga residente ng Tatalon na naka-evacuate dito. “Natatakot nang maglakad sa gabi ang mga matatanda,” sabi ni Nanay Mary Soriano, evacuee sa eskuwelahan at residente ng Tatalon. “Butas-butas na ang kalsada, at maraming matatandang nadadapa sa dilim.”

Ang tanging ilaw, mga kandila ng ilang residenteng nagpapahinga sa tabi at loob ng mga klasrum.

Ganito rin noong panahon ng bagyong Ondoy. Setyembre 2009, matapos ragasain ng Ondoy ang Kamaynilaan, pinuntahan din ng Pinoy Weekly ang Diosdado Macapagal Elementary School. Kagagaling lang doon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, na nanghakot ng mahigit 100 katao para ipakitang nagpapatuloy siya ng mga evacuee sa Malakanyang.

Tulad ng panahon ng bagyong Ondoy, mataas din ngayon ang baha sa Araneta Avenue, at lalo sa loob ng Tatalon. Noong Lunes, Agosto 7, nasa ikatlong palapag na si Nanay Mary at ang apat niyang maliliit na anak. Paakyat na rin sa ikatlong palapag ang baha.

“Parang limang beses ito kumpara sa lakas ng (bagyong) Ondoy (noong Setyembre 2009),” kuwento ni Nanay Mary. “Pabalik-balik kasi ang ulan. Noong (panahon ng) Ondoy, isang bagsakan ng ulan, tapos umaraw na. Ngayon, pabalik-balik.”

Buti na lang na-rescue sila ng rescue teams na may rubber boats at nakarating sa evacuation center sa Macapagal. Pero doon pa lamang nagsimula ang kanilang kalbaryo.

Lagay sa ebakwasyon

Nanay Mary: "Limang beses mas malupit ito sa Ondoy." (KR Guda)

Nanay Mary: “Limang beses mas malupit ito sa Ondoy.” (KR Guda)

Madilim, siksikan, walang palikuran.

Sarado ang ilang klasrum, at ayaw ipagamit ng eskuwela. Parati namang may dumarating na relief goods, pero agawan ang mga tao. May tiket na binibigay ang barangay, pero pipila pa rin ang mga residente. Nasaksihan ng Pinoy Weekly ang magulong pilang ito, sa harap ng sasakyan na may malaking pangalan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Pabagu-bago ang pila, at maraming nagsisingitan, makakuha lamang ng plastik ng relief goods.

Marami naman laman, mga de-lata at noodles,” sabi ni Mang Lando, isang evacuee na nakasingit sa pila para kumuha ng relief goods. Ang problema, aniya, wala silang mapaglulutuan ng noodles.

Kailangan ng mainit na tubig. Sa labas ng eskuwelaha’y may mga tindahan na nagbebenta ng mainit na tubig: P4 kada baso. “Di pa puno (ang baso),” reklamo ni Nanay Mary.

Samantala, ang iba’y nakakadiskarte ng mga panggatong at nakakapagluto at saing. Pero mukhang mula na sa sira-sirang upuan ng mga mag-aaral sa eskuwelahan ang napanggagatong. Medyo desperado na sila.

Ang mainam, may progresibong mga organisasyon sa Tatalon. Mga miyembro ng Gabriela, halimbawa, ang nangunguna sa pangungulit sa barangay na ayusin ang pagpapapila tuwing namamahagi ng relief goods. Pana-panahong nakakapagdala rin sa kanila ng pagkain ang pambansang tanggapan ng Gabriela — at sinisiguro umano nilang maayos ang pamamahagi ng pagkain.

Pero gobyerno pa rin ang makakatugon sa kagyat na mga pangangailangan ng mga residente. Sa ngayon, maliban sa pana-panahong pagdating ng relief goods mula sa lokal na gobyerno, tanging ang nakabantay na mobile patrol car ng Philippine National Police sa labas ng eskuwelahan ang kumakatawan sa pamahalaan. Binabantayan nila ang mga evacuee: Bawal lumabas ng Diosdado Macapagal matapos ang hatinggabi.

Tatlong taon matapos ang pagsalanta ng bagyong Ondoy, muling tinangay ng baha ang kaunting naipundar na mga gamit ng mga residente ng Tatalon. Tatlong taon matapos ang Ondoy, naghihintay muli sila sa dilim — naghihintay sa darating na pansamantalang ayuda, pansamantalang pag-asa.

Maralita sa panahon ng baha: Mula ‘danger zone’ tungo sa ‘death zone’

$
0
0

Hindi pa tapos sa pangongolekta ng kagamitang inanod ng baha ang mga relocatee sa Montalban, Rizal (Ilang-Ilang Quijano)

Makulimlim man ang langit, abala ang lahat sa paglilinis ng putikang mga damit, laruan ng bata, aparador, sofa, at iba pang kagamitang nalubog sa baha sa kasagsagan ng hanging habagat. Matagal-tagal pa bago sumikat ang araw sa buhay ng mga maralitang nasalanta sa loob ng relocation site sa Montalban, Rizal.

“Dinala kami dito para siguro patayin,” pagmumuni-muni ni Fernando Perez, 58, isang relocatee mula sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila. Isang buwan pa lamang ang pamilya Perez sa Montalban, kung saan sila dinala ng gobyerno matapos mademolis ang kanilang kabahayan sa isang sunog. Sa tabi ng dagat at danger zone kung ituring ng gobyerno ang kanilang dating tahanan. Pero doon, hindi nila naranasan ang ganitong pagkasalanta.

Relokasyong hindi ligtas

Bandang alas-singko ng umaga noong Agosto 7, nagising si Fernando sa pagpasok ng baha sa kanilang bahay. “Ang bilis ng pag-alsa ng tubig at ang lakas ng agos,” aniya. Pagbukas ng pinto, hanggang baywang na ang tubig sa buong paligid. Dali-daling lumikas ang kanyang pamilya, kabilang ang anim-na-buwang apo. Nanatili si Fernando para manggising ng iba pang kapitbahay.

Abala ang mga nasalanta sa paglilinis. Ayaw na nilang bumalik sa dating tahanan, at inokupahan ang mga bahay na nakalaan sa bagong relocatees. (Ilang-Ilang Quijano)

Mahigit kumulang 3,000 pamilyang relocatee sa Kasiglahan Village, Montalban ang inabot ng matinding baha. Nasa 200 rito ang napilitang manatili sa kani-kanilang mga bubungan hanggang sa humupa ang tubig. Walang rescue na dumating.

Idinulot ang baha ng pag-apaw ng katabing ilog, kung saan nagtatagpo ang tubig na nagmumula sa mga dam ng La Mesa at Wawa. Isang manipis na dike lamang—na nasira noong umagang iyon—ang pumapagitan sa ilog at mga kabahayan.

“Mabuti na lang umaga nangyari iyon (pagkasira ng dike). Kung hindi, naku, napakarami siguro ang patay,” ani Fernando.

Noong Linggo, bumisita si Pangulong Aquino sa Kasiglahan Elementary School kung saan nagbakwit ang ilang nasalanta. Doon, sinimulan niya ang paninisi sa mga pamilya. Nakita raw niya mula sa kanyang helikopter na nakatirik ang mga bahay malapit sa ilog. “Titirhan mo tabi ng ilog, ang distansya mo isang metro doon sa ilog tapos magtataka ka ‘pag malakas ang ulan bakit nagbabaha sa inyo, medyo may mali ho siguro doon, ‘di ba? Kailangan ho ‘wag na tayong maglalagay ng sarili natin sa panganib,” aniya.

Nasirang bahay ng relocatees sa Kasiglahan Village, Montalban (Ilang-Ilang Quijano)

Ngunit ayon sa mga maralita, mismong ang gobyerno ang naglagay sa kanila sa panganib. Umano’y dating parte ng ilog ang bahaging iyon ng Kasiglahan Village, at tinambakan lamang ng lupa ng National Housing Authority (NHA) para tayuan ng mga bahay.

“Doon kami dati naliligo at naglalaba,” ayon kay Anna Bayogboc, na naninirahan sa Montalban simula pa noong 2004. Noong Bagyong Ondoy, binaha rin ang kanyang kubo na itinirik sa isang gulayan na malapit sa ilog. Inilipat sila ng NHA sa isang mas mataas na bahagi, kung saan sila nananatili hanggang sa ngayon. “Nagulat na lang ako nang tambakan nila ng lupa ‘yung tubig at saka dinebelop. Talagang babahain iyon.”

Marami sa mga nagbakwit ang kasalukuyang naninirahan sa mga bahay sa mas mataas na bahagi ng Kasiglahan Village. Ang problema, inilaan na iyon ng NHA sa iba pang relocatee, partikular ang mula sa dinedemolis na komunidad sa North Triangle, Quezon City. Sa kabila nito, marami ang naninindigang hindi na sila babalik sa binahang tahanan, anuman ang mangyari.

Isa na rito si Martina Gascar, 44. Naaalala niya ang takot na naramdaman nang suungin, kasama ang kanyang tatlong anak, ang baha na nagmistulang karagatan dahil lalim at sa lakas ng agos. “Parang mas gugustuhin ko na pang mamatay kaysa bumalik doon,” aniya.

Martina Gascar (kanan): Inihatid kami sa kamatayan ng gobyerno (Ilang-Ilang Quijano)

Tatlong buwan pa lamang nakalipat sa Montalban ang pamilya Gascar, na dinemolis ang kabahayan sa NIA Road, Quezon City. Sa inipon na sahod ng kanyang asawa na janitor sa Pag-Asa, pinaayos niya ang maliit na bahay para “lumuwag naman ng kaunti,” ginastusan ng halos P30,000.

Ngunit ngayon, wala nang silbi ang pinaayos na bahay. Natangay din ng baha ang P10,000 na halaga ng groseri, para sa kabubukas pa lamang na sari-sari store, ang karaniwang hanapbuhay ng mga relocatee. “Akala ko pa naman maganda rito. ‘Yun pala, hinahatid na kami sa kamatayan.”

“Mainam pa na sa mga eskinita na lang kami gumawa ng kubo-kubo,” ayon kay Fernando, kung pipilitin umano silang bumalik.

Plano ni Pnoy sa maralita

Kinondena ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang pagtutulak ng gobyernong Aquino sa mga maralita “mula sa danger zone tungo sa death zone.” Death zone inilarawan ng grupo ang Montalban. Bukod sa bulnerable sa mga baha at landslide, malayo umano ito sa kabuhayan at nagtutulak sa mga relocatee sa ibayong karalitaan at kagutuman.

Gaya ng pangamba ng grupo, ginagamit na ng gobyerno ang sakuna para itulak ang ibayong demolisyon. Kamakailan, inihayag ni Department of Public Works and Highways Sek. Rogelio Singson na inutusan siya ni Aquino na palayasin sa gilid ng daluyan ng tubig ang may 195,000 pamilya sa Kamaynilaan. “Pasasabugin” raw ang kanilang mga tahanan kung kinakailangan.

Nasirang dike na itinayo ng debeloper na San Jose Builders, Inc. (Ilang-Ilang Quijano)

“Ang sapilitang pagpapalayas ay hindi totoong para sa kapakanan at kaligtasan naming mga maralita. Kami na nga itong biktima sa pagbaha, kami pa ulit ang bibiktimahin sa pagpapasabog ng aming mga kabahayan,” ayon kay Carlito Badion, pangalawang tagapangulo ng Kamaday.

“Paano naman ang mga pribadong mall, condominium, at gusali na umookupa sa pinakamalalaking lupain sa Kamaynilaan, kasama na ang malalapit sa daluyan ng tubig, at tinutukoy ng mga eksperto na isa sa mga sanhi ng pagbaha? Bakit walang utos ang gobyerno na pasabugin ang mga iyon?” dagdag ni Badion.

Ipinapakita umano ng mga pahayag ni Aquino ang kanyang pagiging “sagad-sagaring kontra-mahihirap.”

‘Sana, araw-araw sila kumakain’

Noong Agosto 13, nagsagawa ng relief mission ang Kadamay at Anakpawis Party-list sa Kasiglahan Village. Nakalagay sa mga pakete ng lumang damit at pagkain ang panawagang, “Tiyakin ang kaligtasan sa paninirahan ng mga maralita!”

Ito umano ang kailanman hindi nagawa ng gobyernong Aquino. Ayon kay Badion, sa halip na ilaan ng NHA ang badyet para sa pagsasaayos at pagtitiyak na ligtas ang mga relocation site, ginagamit ng ahensiya ang kanyang badyet para sa demolisyon. Samantala, ipinapaubaya naman sa mga pribadong debeloper gaya ng San Jose Builders, Inc. ang pagsasaayos sa relocation site, isa sa mga dahilan ng pagiging substandard ng mga bahay at iba pang pasilidad–kabilang na ang nasirang dike.

Relief mission ng Kadamay at Anakpawis Party-list (Ilang-Ilang Quijano)

Kaya ang mga maralitang matagal nang naninirahan sa Montalban, natuto nang hindi na umasa sa gobyerno. Bago pa man nakarating si Aquino sa Montalban, nauna na ang grupo ng mga nanay na magpakain ng lugaw sa daan-daang bata.

Nasalanta rin ang pamilya ni Amelia Ombrete, bise-presidente ng Anakpawis sa Kasiglahan Village, pero hindi ito nakapigil sa kanyang pagmobilisa ng komunidad. Katunayan, may dalawang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho para tumulong sa paglilinis at operasyong relief. “Nakakahabag kasi ang ating mga kababayan,” aniya.

Si Amelia ay isang real estate broker na nangongomisyon lamang, habang ang asawa naman ay isang kontraktuwal na security guard. Alam niyang masuwerte pa sila kumpara sa ibang relocatees, na walang hanapbuhay sa lugar kundi ang padyak o maliit na tindahan. “Noong walang baha, gutom na sila. Lalo pa ngayon… Ang problema, mapakain mo sila ngayong araw na ito, paano sila kinabukasan? Sana, araw-araw sila kumikita, araw-araw silang kumakain,” ani Amelia.

Hinihiling niya na bukod sa pagsasaayos ng mga tahanan sa relocation site, dapat ding magtayo ang gobyerno sa lugar ng pabrika o industriya na maaaring magbigay ng disenteng trabaho. Ngunit alam niyang malabo itong mangyari sa ilalim ni Aquino, na abala sa pagtataboy ng maralita sa Kamaynilaan, habang pinananatiling death zone ang kanilang lilipatan.

Mahihirap, nagtutulungan sa paglilinis at operasyong relief sa panahon ng salanta. (Ilang-Ilang Quijano)

Tuloy ang negosyo, kahit delubyo

$
0
0
Hirap na dinadaanan ng isang empleyado, para lamang makapasok tuwing baha. (Macky Macaspac)

Hirap na dinadaanan ng isang empleyado, para lamang makapasok tuwing baha. (Macky Macaspac)

Halos palubugin na ng baha ang buong Metro Manila noong Martes, Agosto 7. Walang bagyo; dulot ang baha ng matinding habagat. Sa kalakasan ng pag-ulan at pagbaha, sinuspinde ang pasok sa mga eskuwelahan, at kahit huli na’y sinuspinde rin ang pasok ng mga manggagawa.

Pero may isang industriya, ang Business Processing Outsourcing (BPO), o call centers, sa halip na sumunod sa Circular #33 na ipinalabas ng administrasyong Aquino, umapela ng exemption sa kautusan. Pinapapasok nila ang mga empleyado nila – sa kabila ng matinding kalamidad.

Lumabas at kumalat sa networking sites, pati sa Pinoy Weekly, ang tuwirang pagsalungat ng ilang kompanyang BPO. Galit at dismayado ang maraming call center agents, dahil kahit nasa panganib na ang kanilang buhay, pinapapasok pa sila ng kanilang mga kompanya para lang mapagsilbihan ang kanilang mga kliyenteng nasa ibang bansa.

Pahayag ng BPO Industry Employees Network (BIEN), isang organisasyong binuo ng call center agents para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan: “Ganito na ba kamura ang buhay namin para ilagay sa delikadong kalagayan?”

Water-proof at amphibious na empleyado?

Sa pagkober ng Pinoy Weekly ng baha noong nakaraang linggo, nasaksihan nito ang pagsusumikap ng maraming call center agents na makapasok sa ikalawang araw ng pagbaha. Kabilang sila sa na-istranded na mga pasahero sa kahabaan ng Ortigas Extension sa Cainta, Rizal. Malalim ang baha rito na umabot sa baywang at leeg. Sa ilang bahagi ng kalsada, bukod pa sa walang masakya’y pinipilit pa rin nilang makatawid para lamang pumasok.

Ilan sa kanila ang kumuha ng larawan para ipadala sa kanilang mga team leader bilang ebidensiya para hindi mabigyan ng sanction ng kanilang kompanya sa kanilang pagliban sa trabaho.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Pinoy Weekly na makausap ang ilang manggagawang miyembro ng BIEN. Sinikap ng mga empleyadong ito na ipasok ang Pinoy Weekly sa loob ng gusali ng kompanya sa Taguig. Pero dahil sa higpit ng seguridad at kailangang humingi ng paunang permiso sa manedsment, nagpasya ito na sa labas na lamang gawin ang interbyu.

Sa kanilang kuwento, iisa ang lumalabas: Pumasok sila noong kasagsagan ng baha dahil sa ayaw nilang mabigyan ng sanction at pagnanais pa rin na manatiling maganda ang kanilang performance at patuloy na magkaroon ng kita.

“Kakaiba eh. Alam mo kasi, kailangan naming pumasok by hook or by crook. Kailangan nandito ka,” sabi ni Jerwin (di-tunay na pangalan) na isang regular na empleyado sa isang call center sa Taguig. Bagamat nasa Taguig lamang ang tinitirhan niya, lumusong pa rin sa baha si Jerwin para lamang makapasok.

“Abot din ng tuhod ang baha sa lugar namin. Pahirapan din ang pagkuha ng masasakyan,” aniya. Kinailangang umalis ni Jerwin ng bahay na naka-short at t-shirt at sa loob na ng taksi nagbihis para manatiling tuyo ang damit na pangpasok. Ang kasamahan naman niyang si Marvin (di rin tunay na pangalan), patigil-tigil sa paglakad para sumilong para lamang hindi mabasa. “Late na nga ako sa pagpasok sa opisina,” ani Marvin.

Masuwerte na lamang si Marvin at hindi siya nabigyan ng sanction kahit huli na siya sa pagpasok noon sa trabaho. “Nag-text sa akin ’yung team leader namin. Sabi niya, kung di kaya ’wag na pumasok pero pilitin pa rin. Wala namang sanction kahit late ako,” aniya.

Ayon pa kay Marvin, naglaan naman ng tulugan at pagkain ang kanilang kompanya para sa mga empleyadong hindi nakauwi sa panahon ng pananalasa ng baha gayundin na nagbigay ng karagdagang pamasahe sa kanila. Kahit alam ng mga empleyado ng BPO na bumabaha, hindi nila alam kung ano ang pagbabago sa kalagayan ng panahon, gayundin ang pag-anunsiyo ng suspensiyon ng gobyerno sa pampubliko at pribadong paggawa.

Tila hiwalay sila sa nagaganap sa labas ng kompanya at walang impormasyon.

“Wala kasing TV sa loob eh. Ang ginawa ng HR (human resources department) namin, nag-announce sila na double pay para sa mga makakapasok. Tapos ’yung mga di nakauwi dahil baha sa kanila ay may free accomodation. Puwede rin silang mag-overtime. Sa pagkaka-alala ko, P500 ang OT,” aniya.

Pero kahit nakapasok at paborable para sa kanila ang alok ng kompanya, hindi pa rin sila kumportable sa nagaganap na kalamidad. Kuwento ni Jerwin, ipinalangin na lamang niya habang siya’y nasa daan, na tumila ang ulan. “First and foremost, iniisip ko ang safety ko. Sunod ang pamilya ko. At siyempre, ’yung trabaho ko na kailangan kong pumasok,” aniya.

Dagdag pa niya, masuwerte pa siya dahil mas mataas na di-hamak ang kanilang lugar di-tulad ng iba. “Paano naman ang ibang nasa low lying areas, mas unfortunate sila,” aniya.

Eksempsiyon ng industriyang BPO sa panahon ng kalamidad

Isa sa mga nakausap ng Pinoy Weekly, si Romeo na aktibong kasapi ng BIEN ang tahasang nagsabi na hindi lehitimong kagandahang loob ang karagdagang benipisyo na ibinigay ng mga kompanya ng BPO.

Napag-alaman ng Pinoy Weekly na karamihan sa mga kompanyang BPO ang nagbigay ng hindi bababa sa 30% dagdag sa basic pay ng kanilang empleyado at iba pa ang bayad sa OT, libreng pagkain, libreng shuttle o sakay, tulugan at iba pa.

Pero para kay Romeo, hindi kawalan sa mga kompanya ang isa o dalawang araw na pagbibigay ng kompanya. “Para di maantala ang serbisyo ng agents sa kani-kanilang accounts. Kita pa rin ang pangunahing rason kung bakit nila ginagawa ito,” aniya. Aniya, habol pa rin ng kompanya ang tuluy-tuloy na pagpasok ng malaking kita. “Kahit malagay sa peligro ang buhay ng manggagawa,” sabi ni Romeo.

Pahayag ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (Eiler), hindi nakapagtataka ang panawagang eksempsiyon ng mga kompanya ng BPO, dahil sa 24 oras (at pitong araw sa isang linggo) na operasyon ng mga ito at nasa ibang bansa ang kanilang kliyente. Mismong si Business Processing Association of the Philippines (BPAP) Executive Director Gillian Virata ang umapela sa Malakanyang na ilibre ang BPO sa kautusan (Circular 33) noon.

“Patunay ang reaksiyon ng industriya kung paano ang turing ng mga kompanya sa kanilang mga empleyado—hindi bilang tao kundi bilang bahagi lamang ng mga kagamitan nila sa produksiyon. Business as usual, kahit na kung ang buhay mismo ng mga manggagawa ang nakataya,” pahayag ni Anna Leah Escresa, executive director ng Eiler.

Para naman kay Romeo, hindi malinaw ang ipinalabas na kautusan ng gobyerno hinggil sa pagkansela ng mga trabaho laluna sa pribadong sektor kasama na ang BPO. “I was hoping that it was an honest mistake from speakers of the government dahil it sounded like BPO was given exemption. BPO may have been the second income generating community next to OFW (overseas Filipino workers). But this does not mean that the government should bow to what it wants.

Binatikos din ni Romeo ang kumalat na internal na pahayag ng mga kompanyang BPO na huwag sundin ang utos ng gobyerno na ikansela ang trabaho noong araw na iyon. “I hope it was not a misconception on the part of the BPO. They are in the Philippines. If they don’t want to follow or they want to bully the government, they can take their businesses elsewhere.”

Hindi rin umano tama na sinabi pa ng gobyerno, partikular ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na may opisyon nga ang BPO na papasukin ang mga empleyado nito basta tiyak ang kanilang seguridad at may dagdag na bayad.

“It is very clear that the company can not ensure safety under habagat because it was outside of work area,” ani Romeo.

Iginiit naman ni Escresa na dapat pilitin ng gobyerno ang industriyang BPO na sundin ang mga batas ng bansa kung saan sila may operasyon. Aniya, ang mga kompanyang BPO’y nasa loob ng tinatawag na special economic zones (SEZ) at tumatanggap ng napakaraming insentibo mula sa gobyerno tulad ng corporate income tax holiday mula apat hanggang walong taon.

Dagdag pa niya, may katangian umano ang mga SEZ na magkaroon ng pleksibilisasyon sa pagpapatupad ng mga polisiya o batas hinggil sa paggawa, tulad ng “undeclared no union, no strike policy” sa mga engklabo upang mahikayat ang dayuhang pamumuhunan kasama na ang BPO.

“Sa ganitong kalagayan, ang mga mangggagawa ng BPO ay nananatiling bulnerable sa mga paglabag sa kanilang karapatan bilang manggagawa lalo pa’t walang kahit na isang unyon ang industriya,” paliwanag ni Escresa.

Isinisi naman ng mga militanteng grupo ng mga manggagawa ang pangyayari sa kawalang disposisyon ng Department of Labor and Employement (DOLE) sa pagpapalabas ng maagap na kautusan sa harap ng kalamidad.

“Habang ang mga tao ay abala sa pagsagip sa kani-kanilang pamilya at sa mga pinaghirapan nilang ari-arian, nanatiling walang ginawa ang DOLE para suspendihin ang trabaho sa mga negosyong pribado at institusyon. Iniwan nito ang pagpapasya sa mga kapitalistang matakaw sa tubo,” ani  Wenecito Urgel, pangkalahatang kalihim ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (Pamantik-KMU).

Sabi pa ni Urgel, kung sinsero ang administrasyong Aquino na ipanguna ang kalagayan ng mga tao na kanyang ‘boss’, dapat binilisan nito ang pag-utos sa pribadong mga kompanya na kanselahin ang trabaho. “Nakakalungkot nga lang, matigas ang puso ni Aquino at pabaya sa pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad,” aniya.

Kongkretong mungkahi ng mga call center agent

Dahil sa paglantad ng bulnerabilidad ng mga empleyado sa call center, panawagan ng BIEN na magsilbing aral at panggising sana sa gobyerno at mga kompanya ang kalagayan ng mga empleyado sa panahon ng kalamidad. Ninanais ng BIEN ang pagtiyak na pangunahin pa rin ang kaligtasan ng buhay ng mga ito sa mga katulad na panahon.

Para kay Romeo, simple at kongkretong rekomendasyon ang kanyang ipinaabot sa mga kinauukulan: Magtakda ng batas na sasaklaw kung kailan may pasok at kung kailan wala laluna sa panahon ng kalamidad. At dulot na rin ng pabagu-bagong panahon, nais niyang tularan ang pagbibigay babala sa mga eskuwelahan na siyang nagtatakda kung may pasok o wala.

“Halimbawa kung Signal No. 2 ang bagyo, automatiko walang pasok. Walang kaukulang sanction o gawad na parusa sa di papasok sa BPO,” rekomendasyon ni Romeo.

Hiling din niyang magkaroon ng calamity leave bukod sa itinakdang sick leave at vacation leave. “Para masiguradong di na susuong pa ang manggagawa sa sa gitna ng unos dahil sa takot mawalan ng kita kung may kalamidad, aniya.

Ibinahagi naman ni Escresa na kasalukuyang nagaganap ang isang serye ng mga workshop para sa kagalingan ng mga call center agent. Kalahok sa workshop ang mga call center agent at sa tulong na rin ng Institute for Occupational Health and Safety Development (Iohsad) at Presidential Human Rights Committee (PHRC). Layunin ng workshop na makabuo ng isang giya para sa sektor ng BPO, o ang Minimum Standards Guide for Call Center Employees.

“Ang guide ay magsisilbing proteksiyon ng mga manggagawa sa call centers sa pamamagitan ng paglalahad ng kung ano ang nararapat na minimum na kondisyon na natatanggap ng bawat empleyado ng call center sa Pilipinas,” ani Escresa. Nakabatay umano ang guide sa legal na mga batayan ng Batas sa Paggawa at sa Konstitusyon ng Pilipinas. Saklaw nito ang mga usapin ng hinggil sa sahod, seguridad sa empleyo at karapatan sa mag-unyon. Layunin din umano ng guide na makatulong para itulak ang  industriya ng BPO na sumunod sa international labor standards.

Sinabi pa ni Escresa na dahil na rin sa nakaraang kalamidad, isinama sa nakaraang workshop noong Agosto 12 sa diskusyon na sa panahon ng kalamidad at may deklarasyon na ang mga kinauukulang awtoridad ng suspensyon ng trabaho sa pribadong kompanya. Dapat umanong ipatupad ang ilang rekomendasyon na binubuo sa workshop tulad ng:

1. Sumunod ang mga kompanyang BPO rito at huwag piliting pumasok ang BPO workers, kung piniling pumasok ng BPO worker, nararapat na makuha niya ang mga sumusunod: (a) Siguradong ligtas na transportasyon papunta at paalis sa trabaho; (b) Dagdag na kompensasyon sa pagreport sa trabaho sa panahon ng kalamidad dahil sa peligro (hazard) na kaakibat nito (introduksiyon ng calamity pay) at iba pang mga kompensasyon na aplikable katulad ng overtime pay (mababa raw ang 30% premium na itinakda ng gobyerno para sa nakaraang Memo 33-A, Wages);

2. Sa mga BPO worker na inabutan ng kalamidad at anunsyo sa trabaho: (a) Hindi sila oobligahing magtrabaho ng double shift ng mga kompanya; (b) Kung pumayag na mag-double shift ay may nakalaang kompensasyon para sa kanila; (c) siguruhin ang ligtas na transportasyon pauwi ng bahay;

3. Hindi gagamitin ng kompanya laban sa ebalwasyon at metrics ng mga BPO worker na piniling huwag pumasok sa araw na ito.

“Ang mahalagang ibinunga rin ng workshop ay ang pangangailangan ng panukala na magbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawa sa lahat ng industriya sa panahong may kalamidad. Kasama rito ang pagkakaroon ng calamity leave at calamity pay, na hindi pa sinasaklaw ng mga umiiral na batas,” pahayag ni Escresa.

Ngunit para sa call center agents na katulad nina Jerwin, Marvin at Romeo, political will ng gobyerno ang kailangan para sa kaligtasan nila. “Kaligtasan muna bago negosyo,” pagtatapos ni Marvin.

Bidyo: Message to my desaparecido

$
0
0

Sa bidyo na likha ni JL Burgos, kapatid ng dinukot na aktibistang si Jonas Burgos, nagbigay ng mensahe ang mga kamag-anak ng desaparecidos sa kanilang nawawala pa ring mga mahal sa buhay. Nagtipun-tipon sila sa Plaza Miranda noong Agosto 30, bilang paggunita sa International Day of the Disappeared. Hiling nila sa gobyernong Aquino ang paglitaw sa mga nawawala, hustisya, at pagtigil sa pagdukot at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Kalamidad sa mahihirap: Di lang habagat at baha, kundi pati polisiya ng gobyerno

$
0
0

Tila abala ang gobyerno na ipakitang balik sa normal ang Kamaynilaan matapos ang bagyo. Wala na ang mga usapan hinggil sa natitirang mga lugar na lubog pa rin sa baha. Wala na sa usapan ang mga nangangailangan pa rin ng saklolo at relief. Pati isyu ng sakit na leptospirosis, tila namamaliit na rin.

Pero lahat ng indikasyon ang nagtuturo na isa sa pinakamalupit na baha ang naranasan ng Kamaynilaan at karatig na mga probinsiya nitong nakaraang buwan. Sa marami, napaaalala nito ang bagyong Ondoy na nagpalubog sa kalakhang bahagi ng National Capital Region noong 2009. Pero para sa iba, mas masahol pa ang kasalukuyang mga baha.

Nasa mahigit 90 ang namatay, at marami rin ang nasawi sa sakit. Ang malupit pa, mahigit tatlong milyong mamamayan ang apektado, at maraming karatig lungsod at bayan sa mga rehiyon mula sa Region 1, Region 3 at Region 4 ang nagdeklara ng state of calamity. Nasa mahigit P2 Bilyon ang inabot na pinsala ng paghagupit ng Habagat mula datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nasa 1,007 milimetro na ulan ang bumuhos mula Agosto 6 hanggang 8, ayon sa Department of Science and Technology (DOST). Nilampasan nito ang tantsang ulan para sa buong Agosto na nasa 540 mm lamang.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, ang ganitong mga pag-ulan na raw at malalakas na bagyo o maging matinding tagtuyot ang magiging “normal” na kailangang matutong tanggapin ng mga Pilipino.

Kasabay ng pagkaulit ng ganitong delubyo, agad namang sinisi ng gobyernong Aquino ang mga mahihirap na mamamayan na nakatira sa mga danger zones gaya ng mga tabing estero, ilog, at maging sa ilalim ng tulay sa pagkakaroon ng matinding pagbaha sa Kamaynilaan dahil daw sa pagsikip na daluyan ng tubig.

Para kay Allan Mesina, propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Manila at miyembro ng Taripnong Cagayan Valley, isang grupo na nagbibigay-atensiyon sa Cagayan Region na madalas din masalanta ng mga kalamidad gaya ng bagyo, nariyan ang gobyerno para siguruhin na mahusay ang pamumuhay ng bawat mamamayan.

Hindi dapat sinisisi ang mga tao kung bakit sila nandoon. Dapat iniisip bakit ba sila nandoon. Naroon lang ba sila para pasikipin ang ilog? Kaya ang solusyon nila paalisin?” ayon kay Mesina.

Pilipinas sa mapa ng kalamidad

Bilang isang arkipelago na bansa, ay direktang nasa bukana ng Karagatang Pasipiko ang Pilipinas at madalas tamaan ng bagyo na namumuo sa nasabing karagatan bago pa maranasan ng iba pang karatig bansa.

Tinatayang nasa 20 bagyo sa average ang nararanasan ng Pilipinas taun-taon. Tinatayang siyam dito ang nagla-landfall o tumatama nang direkta sa bansa, sabi ni Mesina. Nasa pagitan ng Setyembre at Nobyembre ang pinaka-peak nito.

Bukod pa rito, ang Pilipinas ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan madalas ang paglindol. Tinatayang nasa average na limang lindol ang nararanasan ng bansa araw-araw. Nasa 22 aktibong bulkan ang mayroon sa Pilipinas mula sa datos ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology.

Ayon sa disaster report ng Citizens’ Disaster Response Center (CDRC), nanguguna ang Pilipinas sa talaan ng most disastrous na mga bansa sa mundo sa taong 2011 mula sa pagiging pangatlo nito noong 2010. Ang bagyong Sendong naman ang kinilala bilang world’s deadliest typhoon sa taong 2011 na pumatay sa mahigit 1,200 katao, samantalang mahigit 4,600 ang sugatan. Mahigit sa 117,600 pamilya o mahigit sa 1,100,000 katao ang naapektuhan mula sa datos ng NDRRMC.

Nasa 27 baha at 17 landslides ang nagaganap taun-taon sa pagitan ng 2000-2010. Sa parehong panahon, hindi bababa sa 1.6 milyong mamamayan ang apektado ng pagbaha at 24,212 sa landslides, ayon sa datos ng CDRC.

Pero para kay Mesina, ang disaster ay produkto ng panlipunan, pang-ekonomiya at politikal na aspekto, hindi lamang tungkol sa geograpikal na aspekto. Kung saan ang mga mahihirap, doon ang pinakabulnerable na tamaan ng kalamidad.

Maraming government policies ang nakapokus sa going back-to-normal, at hindi tugunan ang ugat ng mga kalamidad. Ang gusto lang niya, bumalik sa ‘normal’ na buhay ang mga tao. Kung karpintero ka, maging karpintero ka uli. Hindi niya binibigyang ang mas mahalagang aspekto kung bakit mas bulnerable ang mga tao sa disaster. Bulnerable sila dahil mahirap sila. Kung titignan ang mga nagdaang bagyo at itong monsoon rains ang naapektuhan talagang malaki ay ang mga mahihirap. Kasi wala silang kakayanan para harapin agad ang delubyong dumating. Wala silang magarang bahay. Wala silang pera pambili ng pagkain. Wala silang matibay na hanapbuhay para pagkatapos ng sakuna may masasandigan sila,” ayon kay Mesina.

Klima at kapital na industriya

Ayon sa mga eksperto, ang climate change o pagbabago ng klima ng daigdig, ang siyang nagbubunga sa (dating) hindi karaniwang lakas ng mga bagyo o matitinding tagtuyot sa mundo na pinabilis ng tao.

Kailangan ikategorya natin, hindi lang buong tao iyan. Nariyan ang mayayaman na bansa gaya ng US na pinakamaraming magprodyus ng maruming hangin. At US lang ang bansang hindi pumirma sa Kyoto protocol,” ayon kay Mesina.

Ang Kyoto Protocol ay isang internasyunal na kasunduan ng 37 industriyalisadong bansa upang bawasan ang greenhouse gas (GHG) emissions na sinasabing malaking sanhi ng climate change. Kinikilala nito na ang mauunlad na bansa ang pangunahing responsable sa kasalukuyang mataas na lebel ng GHG emissions sa kalawakan bilang resulta ng mahigit 150-taong industriyal na aktibidad.

Tinanggap ito sa Kyoto, Japan noong Disyembre 11, 1997 at ipinatupad noong Pebrero 5, 2005. Taong 2007 nang ipinatupad ang detalyadong alituntunin at tinawag itong Marrakesh Accords.

Ang pandaigdigang emissions o paglalabas ng carbon dioxide (CO2) – ang pangunahin sanhi ng global warming – ay tumaas nang 3 porisyento sa taong 2011. Ito ang panahong umabot ang emmissions sa pinakamataas na rekord na 34 billion tones.

Ang limang bansang nangunguna base sa Emissions Database for Global Atmospheric Research (Edgar) na nakabase sa Europa, ay ang Tsina (29%), US (16%), European Union o EU27 (11%), India (6%) at Russian Federation (5%).

Ayon kay Mesina, pangunahin pa rin ang mga mayayamang bansa sa may pinakamalaking ambag sa pagdudumi ng hangin na nagdudulot sa pagbabago ng klima. Samantala, ang mahihirap na bansa ang siyang lubos na nakakaranas ng disaster. Sinabi ni Mesina na mayayamang bansa ang may mas higit na pananagutan sa pagbabago ng klima.

Ginahamang kagubatan

Gayunpaman, nanatiling malaki rin ang epekto ang pagkakalbo ng kagubatan sa pinsalang dulot ng kalamidad.

Sa datos ng Conservation International, ika-apat ang Pilipinas sa sinasabing pinakananganganib ang kagubatan sa mundo o isa sa pinakamabilis na maubos ang kagubatan sa mundo. Kung magpapatuloy ang 157,000 ektarya kada taon na pagkakalbo ng kagubatan, ang natitirang sakop na kagubatan ng bansa ay mabubura sa loob ng 40 taon. Katumbas ito ng dalawang ulit na lawak ng Metro Manila ang nawawala kada taon.

Ayon sa Kalikasan Party-list, bago ang kolonyal na pananakop sa bansa, nasa 27 milyong ektarya o 90% ang sakop na kagubatan sa kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas. Sa pagpasok ng kolonyalismong Espanyol, ginamit ang mga puno sa pagtatayo ng mga imprastraktura gaya ng tulay, at mga barko para sa kalakalang galyon.

Ang malakihan at export oriented na komersiyal na katangian na pagtotroso ay dumating sa panahon ng pananakop ng mg Amerikano. Sa simula ng pananakop ng mga Amerikano noong ika-20 siglo, mayroon ang Pilipinas ng 21 milyong ektarya ng matatandang kagubatan na sumasakop sa 70% lawak ng lupain ng bansa. Ang mga troso ay ineeksport tangi sa US at ginagamit upang suportahan ang industriya ng mina na itinayo ng mga Amerikano. Sa taong 1940, nasa 9 na milyong ektarya na lamang ng kagubatan na sumasakop sa 30% ng kalupaan ng Pilipinas ang natitira.

Ayon sa Global Agricultural Information Network ng US Department of Agriculture, tinatayang nasa 5.2 milyong ektarya na lamang mayroon ang Pilipinas sa taong 2002 na halos 18% ng orihinal na kagubatan meron dati ang Pilipinas. Ayon naman sa datos ng DENR, nasa 7.1 milyong ektarya ang kagubatan sa Pilipinas sa taong 2003.

Samantala, isa ang Mining Act of 1995 sa nagbibigay ng karapatan sa mga kompanya ng mina na magtroso sa mga lugar kung saan sila nagmimina rin. Nasa mahigit isang milyong ektarya ng lupain ang sakop ng mining permits at aplikasyon, sa datos ng Kalikasan hanggang Marso 2011.

Tinatayang 530 kompanya ng minahan ang nakatakdang aprubahan at mag-operate sa bansa sa pag-eenganyo at pahintulot ng administrasyong Aquino ayon sa datos mismo ng Department of Environment and Natural Resources.

Sa datos din ng Kalikasan, hindi rin makahabol ang gobyerno at pribadong sektor sa mabilis na pagkakalbo ng kagubatan sa mga proyektong reforestation o pagtatanim ng mga puno.

Bagamat naglalaan ang gobyerno ng pondo para sa reforestation, malaki ang pagkadepende ng mga proyekto mula sa foreign funding at foreign loans na nagreresulta sa dayuhang pagkakautang.

Ayon pa sa Kalikasan, ang pagpigil sa deforestation ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim ng maraming puno.

Dams, negosyo muna

Ang pagpapakawala ng tubig sa dams ang isa sa itinuturong dahilan ng paglala ng mga baha sa tuwing may mga sakuna tulad ng bagyo.

Subalit ayon kay Mesina, may dahilan kung bakit walang-pasabing nagpapakawala ng tubig sa dams o kailangan pang hintayin na umabot sa kritikal na lebel bago magpakawala ng tubig ang hydroelectric companies na nangangasiwa ng dams. “Profit margin (kita) pa rin ang baseline ng mga yan. Kasi inuuna ang profit margin nila,” ayon kay Mesina.

Dahil sa malaki ang potensiyal ng mga ilog sa Pilipinas upang makalikha ng enerhiya, mayroong 12 mayor na dams ang Pilipinas—isa sa pinakamarami sa Asya. Ang San Roque Dam sa Itogon, Benquet na itinayo upang pakinabangan ang potensiyal ng Ilog Agno ang sinasabing pinakamalaki sa buong Asya.

Sa kabila nito, nananatiling may pinakamahal na singil sa kuryente sa Asya at pangalawa sa buong mundo ang Pilipinas.

Prayoridad at polisiya

Sa taun-taong nahaharap sa ganitong kalamidad ang bansa, nagiging kuwestiyon kung gaano kahanda ang gobyerno o kung gaano ito nasa prayoridad ng isang administrasyong masiguro ang kaligtasan ng mamamayan nito sa panahon ng sakuna.

 

Ayon sa Kalikasan Partylist, mula noong eleksyong 2010, walang konkretong plataporma ang Administrasyong Aquino para sa pangangalaga ng kalikasan. Bagkus mas itinulak pa nito ang mga mapanlinlang kautusan na pawang anti-kalikasan gaya ng Executive Order 79 na mas nagbigay luwag sa mga dayuhang kompanya ng minahan sa bansa.

Ikinansela naman ng administrasyong Aquino ang mga proyekto para umano sa flood control projects. Ayon ito kay Quezon Rep. Danilo Suarez, sa ipinasa nitong House Resolution 1793 para imbestigahan ang kanselasyon.

Sa lumabas na press release ng Department of Public Works and Highways noong Hulyo 28, 2010, ikinansela ni Sec. Rogelio Singson ang 19 sa 139 na proyekto na nagkakahalaga ng P934.1 Milyon sa ilalim ng Post Ondoy and Pepeng short term infrastructure rehabilitation projects (Popstrip) na proyekto ni dating pangulong Gloria Arroyo. Isinailalim ni Singson sa imbestigasyon ang dahilan ng mga kanselasyon sa mga proyektong ito.

Ayon kay Mesina, sa kabila ng pagtingin ng gobyernong Aquino sa mahihirap na nakatira sa tabing mga ilog, tila hindi nakikita ng gobyerno ang mga malalaking imprastraktura gaya ng SM Marikina sa Marikina River bilang nakaharang sa mga daan ng tubig.

Sa simula pa lang, dapat alam ng mga munisipyo ang hazardous area na huwag dapat pinapatayuan. Eh binigyan ng gobyerno ng permit, so assured ang mga tao na ligtas dahil binigyan ng government permit. So may policies issues diyan. Ngayon, umaalis ang mga tao dahil hazardous nga,” ayon kay Mesina, na tinutukoy ang Provident Subdivision sa Marikina.

Kabilang na dito ang reclamation projects, ayon kay Mesina.

Sa datos ng Kalikasan, aabot sa 38,000 ektarya sa coastal area ang sakop ng 108 reclamation projects sa Pilipinas. Mayorya sa mga ito ang matatagpuan sa Manila Bay sa ilalim ng programang Public-Private Partnership ni Aquino na may sakop na 26,234 na ektarya.

Sa pag-aaral ng Kalikasan, maraming masamang epekto sa marine at coastal ecosystem at maging sa mga komunidad sa tabing dagat ang ganitong kaagresibong pagpapalawak ng coastline para sa real estate development.

Hanggang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon, nagpapatuloy ang malawakang reclamation projects: Ang North Bay Boulevard Project na naglalayong gawing major business center ang Navotas na nagkakahalaga ng P50 Bilyon at nagbabanta sa pagpapaalis ng 20,000 pamilya sa 14 na barangay sa tabing-dagat. Nasa isang ektarya naman ang reclamation project malapit sa Pasay para tayuan ng casino.

Ang kamakailan na R-1 Expressway Project na umaabot hanggang Kawit, Cavite ay may sakop na 7,000 ektarya. Ang rehabilitasyon at expansion sa Sangley Point ay naglalayong i-reclaim ang 5,000 ektarya upang gawing international seaport.

Ang banta sa 635 ektaryang reclamation project ng PRA and Cyber Bay Corp, na naglalayong magtayo ng business center at highway na posibleng dumaan sa mangroves reserves upang pagdugtungin ang ibang bahagi ng Metro Manila, ang pinakahuli.

Sa isang pag-aaral ng Tricore Solutions, na naging basehan ng Writ of Kalikasan laban sa Las Piñas – Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) reclamation, nakasaad na ang lakas ng Bagyong Ondoy at Pepeng at ang ulan ng mga ito, at patuloy na pagtaas ng tubig dagat na dulot ng climate change, ay maaaring magpalubog sa 37 barangay sa Bacoor, 17 sa Las Pinas at 11 sa Paranaque sa lalim na 0.15 hanggang 5.12 metro ng baha.

Paninisi sa mahihirap

Sa naranasang pagbaha sa kalakhang Maynila, mabilis na itinuro ng gobyerno ang mga mahihirap bilang may kasalanan di umano sa pagbaha lalo na sa mga nakatira sa mga tabing ilog dahil daw sa paninikip ng daluyan ng tubig.

Naging mainit na usapin din ang “pagpapasabog” di umano sa kanila kung kinakailangan dahil daw sa peligrosong kinalalagyan nila.

Subalit agad naman itong binatikos ng iba’t ibang progresibong grupo.

Ayon kay Mesina, “parang ang government ay ang disaster in itself kung paano nya pinaprayoritisa ‘yung mga bagay. ‘Yung pagpapaalis ng mga mahihirap doon sa tabing ilog, repleksiyon iyun kung paano mag-isip ang gobyerno. Hindi alam ang ugat kung bakit naroon ang mga tao at bakit doon sila tumitira. That statement in itself is disastrous. Mas papalalain nya ang sitwasyon at hindi niya reresolbahin.”

Kahit na paalisin mo diyan ang mga mahihirap (sa tabing mga ilog), kung nagpapatuloy ang mga polisiya na nagpapahintulot sa malalaking pagmimina at pagpuputol ng mga puno tiyak magkakaroon ng pagbaha lalo na’t malalakas ang mga ulan sa panahon ngayon na tumitindi ang climate change,” ayon kay Mesina.

Slideshow ng relief operations ng progresibong mga grupo ni Macky Macaspac

Viewing all 181 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>